bc

Marrying My Father's Mistress

book_age18+
33
FOLLOW
1K
READ
HE
dominant
heir/heiress
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Social climber, goldigger, malandi, mang-aagaw, home wrecker. Ilan lang 'yan sa mga salitang natatanggap ng isang kabit na kagaya ni Eunice, ngunit wala siyang pakialam, manhid na siya sa mga ganuong klaseng katawagan. It's true that she's only up for money, it's her way para matustusan ang mga luho niya. Ang pinakamadaling paraan na alam niya para magkaroon ng mga bagay na gusto niya ng walang kahirap-hirap ay ang makipagrelasyon sa matatandang mayaman. Wala sa kaniya kung may asawa man ito at maging kabit siya. Ang totoo ay mas gusto niyang nakikipagrelasyon sa mga lalaking mas malaki ang agwat ng edad sa kaniya at may asawa na, kaysa sa binata pa. Para sa kaniya ay mas challenging iyon at mas nakakapagpapataas ng kompiyansya niya sa kaniyang sarili.Ngunit tila ba dumating ang karma ni Eunice. Nang makarelasyon niya ang business tycoon na si Emmanuel Montoya, ang dating magulo niyang buhay ay mas lalo pang gumulo. Galit na galit sa kaniya ang asawa at anak ni Emmanuel, dahil sa pagwasak niya sa masayang pamilya nito. Si Joaquin ang nag-iisang anak ni Emmanuel, gagawin nito ang lahat para pasakitan si Eunice. Manaig pa kaya ang galit ni Joaquin kung unti-unti naman siyang nadadala sa mapang-akit na si Eunice? Magawa pa kaya niya ang maghiganti o kagaya ng kaniyang ama ay mahuhulog din siya sa karisma nito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1- Marrying My Father's Mistress by Rainisms
"You deserve every bit of this! You conniving b*tch! How dare you steal my husband from me!" Malakas na sampal sa magkabilaang pisngi ang natanggap ko mula sa babaeng halos hindi nalalayo sa laki ng drum ang hugis ng katawan. Punong-puno ito ng mga kumikinang na alahas, nagmistula tuloy siyang walking christmas tree sa paningin ko. Sinapo ko ang aking kaliwang pisngi na mas napuruhan sa malakas na sampal nito sa akin. Matindi ang sakit niyon dahil tumama sa mukha ko ang diyamanteng singsing na suot ng bruhang babaeng iyon. Nginitian ko siya na may kasamang pang-uuyam. I looked her up and down, as if assessing her entire being. "No wonder. Your husband ditching you because your personality's a drag, and now I see your face matches the attitude. It wouldn't shock me if he ditches you for good and stay with me. Wala ka nang asim, LOLA," I sneered, chuckling with a careless flick of my hair. Nanlaki ang mga mata ng kausap ko, mukhang hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko. Well, I intentionally do that para lalo siyang maasar sa akin. Gusto ko talaga siyang galitin nang sa ganuon ay saktan pa niya akong muli para mas maging mukhang kaawa-awa ako sa paningin ng kaniyang asawa. Nakuha ko naman ang gusto ko. Walang pag-alinlangang hinila niya nang malakas ang buhok ko at pagkatapos ay sinabunutan niya ako. Hindi pa siya nakuntento at kinaladkad pa ako palabas sa aking silid pababa ng hagdan.Sa lahat nang ginawa niya ay hindi ako lumaban. I let her do whatever she wants to do with me. Napangiti ako, kahit masakit ay mas nanaig pa rin sa akin ang kasiyahan. I counted, one to five. Voila! Just in the nick of time. Sabay kaming napalingon sa ibaba ng bumukas ang pinto. As I was expecting, Romano is there at nakita niya sa akto ang magaling niyang asawa na sinasaktan ako. Ako naman ay itinodo pang lalo ang akting. Pinanindigan ko ang pagiging best actress ko in a kontrabida role. "Roman, please help me! She's hurting me too much," paawa effect na sabi ko. Nabigla si Roman nang makita ako at ang kaniyang asawa, ngunit saglit lang ang pagkabiglang iyon. "Olivia! What do you think you're doing? Let go off Eunice!" makapangyarihang utos niya sa kaniyang asawa. "Roman! Paano mo ako nagagawang utusan ng ganiyan? At ano ang gusto mong gawin ko, sambahin ko at pagsilbihan ang makating higad na ito pagkatapos kong malaman na siya ang babaeng kinahuhumalingan mo? Ibinigay ko ang buong buhay ko sa'yo, wala ka sa kinalalagyan mo ngayon kung hindi dahil sa akin, at pagkatapos ano ang mapapala ko? Hindi ka ba kinikilabutan sa ginagawa mo? Tingnan mo, mas matanda pa ang mga anak natin sa babaeng ito." "At ikaw namang malanding babae ka, ang lakas din talaga ng sikmura mo na pumatol sa lalaking triple ang edad sa'yo. I doubt it na pinatulan mo ang asawa ko because you love him. I know you're just after his money. Kilala ko ang mga kagaya mong kabit, makakapal ang mukha ninyo at wala kayong konsensiya!" nanggagalaiti sa galit na sabi ng bruha. Hindi pa rin niya binibitiwan ang buhok ko and I think wala siyang plano na pakawalan ako. Kung hindi ako ipagtatanggol ni Roman sa kaniyang asawa there is no chance na makawala ako sa dragon na ito, not unless ay itulak ko siya nang malakas para mahulog sa hagdan. Tsk. Never mind, hindi ko nga pala pwedeng gawin iyon dahil kapag itinulak ko siya ay siguradong kasama niya akong mahuhulog, bad idea. Wish ko lang ay talagang napa-in love ko na ng husto si Roman, para ako ang piliin niya over her stupid, nagger wife. Ang mga lalaki hindi naman maghahanap ng iba 'yan kung walang nakikitang kulang sa'yo. Her wife lacks of everything. Gosh... ayoko na lang magsalita. Nawala ako sa malalim na pag-iisip ng makita kong papalapit sa amin si Roman. Umakyat siya ng hagdan para puntahan kami. At the back of my mind, I had this strong confidence that in this situation, he would choose me, and I'm right. Kung baga kasi sa negosyo, ako ang kaniyang best asset, and he will protect me at all cost. Mahigpit na hinawakan ni Roman ang kamay ng kaniyang asawa. Halos mapilipit na niya ito kaya naman walang nagawa ang dragon kung hindi ang bitawan ako. Napangiwi sa sakit ang bruha, ako naman ay yumakap kay Roman, para tuluyang buwisitin ang asawa nito. "Huh! Ang kapal ng mga mukha ninyo mga hayup kayo! Malandi ka... malandi kang babae ka!" Akmang susugurin ako ng hampas ng dragonesa ngunit maagap si Roman, itinago niya ako sa kaniyang likuran at sinalo ang lahat ng hampas at palo ng kaniyang asawa. Gusto kong ma-touch sa ginawa niya pero naisip kong huwag na lang. Ayokong mag-invest ng feelings sa taong ginagamit ko lang. Yes, tama ang paratang sa akin ng asawa ni Roman, I'm after his money. Natural lang na suklian niya ng malaki ang serbisyo ko sa kaniya, hindi naman ako basta-bastang babae lang na napulot niya sa isang tabi. I'm Eunice Mendez, I graduated with high honors sa isang prestigeous school. Wala nga lang akong maipagmamalaking trabaho but I use my brain wisely. Hindi ko kailangan na magtrabaho at magpakapagod para lang sa kakarampot na pera. Ang pumatol sa lalaking mayaman at ibigay ang lahat ng luho ko ay isang walang kalugi-lugi at hirap na negosyo. Ganda at katawan lang ang puhunan. Ang kailangan ko lang namang gawin ay laging maging mabango, sexy at maganda sa kanilang paningin. Isa lang naman si Roman sa mga mayayamang may asawa na naka-relasyon ko na, kaya no big deal na sa akin ang sugurin ng asawa nito. Ilang beses ko na bang naranasan na saktan ng mga asawa ng mga nakarelasyon ko? Immune na ako, kasama 'yan sa pinasok ko. It's true na walang lihim na hindi nabubunyag, and sad to say, ang mga lalaki ay hindi makakapaglihim ng matagal sa kanilang mga asawa. Mabubuking at mabubuking talaga ang mga kalokohan nila kahit gaano pa sila kaingat dahil ang mga babae ay mas magaling pa sa mga detective kung mag-imbestiga. Hindi pwedeng maliitin ang girl instict nila. "Baby, go to your room and lock the door, don't open it until I say so," utos sa akin ni Roman, patuloy pa rin niya akong pinoprotektahan para hindi tamaan nang mabibigat na kamay ng kaniyang asawa. Tumango naman ako bilang tugon. Tiningnan ko ang nanggagalaiti niyang asawa at pagkatapos ay nginitian ko siya na para bang lalo pang nang-aasar. Nakita ko kung paano namula ng husto ang mukha niya sa galit sa akin, kaya bago pa siya magwala ng todo ay dali-dali na akong tumakbo papunta sa aking silid at kagaya ng bilin ni Roman ay nag-lock agad ako ng pinto. Narinig ko ang sigawan at pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa. Ayoko nang marinig kung anoman ang mga pinagsasabi nila, hindi ako interesado. Kinuha ko ang airpods ko at ipinasak ko sa aking tenga. Nagpatugtog ako nang malakas mula sa aking cellphone. I don't care about them. Hindi ako nakaramdam ng kahit na anong pagka-konsensiya. I sat on the edge of the bed, catching a glimpse of myself in the full-length mirror, and a smile crept across my face. It felt strange, but it was worth it. After everything that happened, I knew Roman would love me even more. Halos thirty minutes na ang lumipas. I decided to remove my airpods. Wala na akong narinig na nag-uusap, tahimik na sa buong paligid. I got curious, tumayo ako at marahang binuksan ang pinto, sumilip ako at tinanaw ko ang paligid. Wala akong nakitang tao, wala na si Roman at ang asawa nito kung saan ko sila iniwan kanina. I guess umalis na sila kaya naman I go out to check. Tama nga ako, wala na sila. Nakaramdam ako ng kapanatagan ng loob. Pabor sa akin ang nangyari, since alam na ng asawa ni Roman kung saan ako nakatira, now is the time para humiling ako kay Roman nang mas malaki at mas magandang tirahan. Sawa na ako sa condo na ito. The truth is, I want a big house at kayang-kayang ibigay ni Roman sa akin iyon. He's a multi-millionare, he can give me whatever I want. I'm only 23 years old but at this young age ay marami na akong pinagdaanan na hindi maganda sa buhay and those experiences have molded me into a stronger person I am today. Napangiti ako nang makita buhat sa aking cellphone ang message ni Roman, at nang aking basahin ay mas lumapad pa ang ngiti ko. Baby, I'm sorry I had to leave. I need to take Olivia home and calm her down. I'm not sure if I'll be able to come back there now, but don't worry about everything, I will handle this. I love you and I won't allow my wife to hurt you again. Ngiting tagumpay ako, sinasabi ko na, magagawa kong pa-ibigin si Roman sa maikling panahon lang na pagsasama namin. Sino ba naman ang hindi mabibighani ng husto sa alindog ko? Well, It's not my fault. Masyado lang talaga silang marupok. I am once a nice and naive girl, nagsimula lang ito nang mapagtanto ko kung gaano kahalaga ang pera sa buhay ng tao. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-isip at balikan ang aking nakaraan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook