Chapter Forty-two : Crown Legacy Tower

2796 Words
Angelo’s Point of View             Kaagad din naman niyang pinadala ang address ng condo unit niya. “Thirtieth floor?!” ang bulalas ko naman nang makita ang mensahe niya. “May lahi ba siyang ibon at gusto niya sa mataas na lugar?” Indi naman natagal ay nakarating ako ng bahay. Tulad ng inaasahan ay nasa sala si Mama at nanonood ng Korean Drama. “Angelo, andito ka na pala,” ang saad naman ni Mama nang mapansina ko. Nagtungo naman ako sa kinalalagyan niya bitbit ang mga regalo nila Lander. Inilapag ko naman ‘yun sa mesa. “Ano yan?” ang tanong naman ni Mama nang makita ‘yun. “Mga regalo po ng mga katrabaho ko,” ang paliwanag ko naman. “Nagpadespidida sila kanina kasi huling araw ko na sa studio. Nalulungkot nga ako kasi naging malapit na ako sa lahat ng tao doon.” “Ganun talaga,” ang komento naman ni Mama. “Basta pagbutihan mo na lamang ang bago mong trabaho.” “Opo,” ang tugon ko naman. “Aakyat na po ako, kailangan ko pa po mag-empake sa pag-alis ko bukas,” ang paalam ko naman bago tumayo. Kinuha ko naman ang karton na naglalaman ng mga regalo ng aking mga kasamahan sa studio. Dumeretso ako sa aking kuwarto. Naupo naman ako sa gilid ng kama. Hindi ako makapaniwala na bukas ay tititra na ako sa tirahan ni Magnus na isang sikat na modelo. Nananaginip ba ako? Pero bakit ako kinakabahan? Napailing na lamang ako bago hinila ang maleta sa silong ng aking kama. Linapag ko naman ‘yun sa kama at binuksan. Nagtungo ako sa aparador at kumuha ng mga damit. Sa una ay nahirapan akong mamili kung alin ang mga dadalhin ko ngunit hindi rin naman nagtagal ay naka-usad ako. Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit nang kumatok si Kuya at pumasok. “Bukas ka na aalis?” ang tanong naman niya. “Oo, Kuya,” ang tugon ko naman sabay silid ng naitiklop ko sa maleta. Lumapit naman si Kuya Angelbert at tinutlungan akong mag-ayos. “Ang aga mo yatang mag-empake,” ang komento naman niya. “Pwede mo naman ‘yang gawin bukas ng umaga.” “Kailangan kong pumunta ng condo ni Magnus nang maaga,” ang paliwanag ko naman. “Kailangan ko ring hanapin kung nasaan ang condo niya.” Napatango naman si Kuya. “Kailangan ko palang mag-schedule ng taxi service bukas,” ang saad ko. “Bakit naman?” ang nagtatakang tanong naman ni Kuya. “Hindi mo ba dadalhin ang sasakyan mo?” “Hindi, Kuya,” ang tugon ko naman. “Yun din kasi ang bilin ni Magnus. Palagi naman daw kaming magkasama kaya hindi ko na kialangan ng sarili kong sasakyan kapag nagtrabaho ako sa kanya.” “Sa bagay,” ang sabi naman ni Kuya. “Huwag ka na kumuha ng taxi; ihahatid na lang kita.” “Sigurado ka?” ang gulat ko namang reaksyon. “Oo naman,” ang pagkumpirma niya. “Pero siyempre, may kapalit,” ang tukso niya pa. “Ha?” ang reaksyon ko naman sabay kunot ng aking noo. “Ano naman, Kuya?” “Uhm, naalala mo ‘yung sinabi mo sa akin kagabi? Habang linalantakan mo ang lutong kare-kare ni Mama?” ang tanong naman niya. Inalala ko naman ang naging usapan naming. “Ah, ‘yung autograph ni Magnus?” ang tanong ko naman pabalik. Tumango naman niya. Kinuha naman niya ang mga kamay ko sabay tawag sa aking pangalan. “Desperado na ako, Angelo,” ang sabi niya. “Mukhang ang autograph ni Magnus na lang ang tanging solusyon para mapasagot ko si Jackie.” “Paano mo naman nasabi ‘yan, Kuya?” ang tanong ko sabay hila sa aking mga kamay. “Nagkaroon kami ng kasunduan ni Jackie,” ang paliwanag naman niya. “Na kapag nakuhanan ko siya ng autograph ni Magnus Astudill ay sasagutin niya na ako.” “Osiya, tutulungan kitang makakuha ng autograph ni Magnus,” ang tugon ko naman. “Pero susubukan ko muna; may pagka-moody kasi ‘yung si Magnus. Baka ibalibag ako nang wala sa oras.” “Salamat, Angelo,” ang pasasalamat naman ni Kuya. Ngumiti naman ako sabay tango. Huli kong isinilid sa aking maleta ang mga regalo ng mga kasamahan ko sa studio. Isasara ka na sana ang malaet nang may maalala ako. Kinuha ko naman ang family picture namin ni Mama at Kuya mula sa side table at isinilad sa maleta. “Yun na nga ang pinakahuling bagay na inilagay ko bago tuluyang isinara ang maleta ko. Hinalo ko naman ang personal kong beauty at skincare products sa aking backpack. Hindi na ako masyadong mamomoblema sa mga gagamitin ko dahil si Magnus na lang naman ang dapat kong ayusan. Ah, may malaking pagkakataon din na maayusan ko sila Miss Marga at ang kanilang ina. “Wala ka na bang ibang nakalimutan?” ang paninigurado naman ni Kuya. “Sa tingin ko; wala na,” ang akin namang pagkumpirma. “Magpahinga ka na dahil maaga pa tayo bukas,” ang bilin naman niya. Pumayag naman ako at pinanood siyang lumabas ng aking kuwarto. Tumayo naman ako upang maghanda sa aking pagtulog. Inilagay ko naman ang maleta sa gilid ng aking kama bago nagtungo sa banyo upang gawin ang aking panggabing ritwal. Nang matapos ay dumeretso ako sa aking kama at sinubukang matulog.   KINABUKASAN. Nagising ako sa ingay ng aking alarm clock. Naupo naman ako at pinatay ang alarm clock. Ilan pang minuto ang aking ginugol na nakaupo lang doon at nagpapaalis ng antok. Napalingon naman ako nang biglang tumunog ang aking phone. Kinuha ko naman ‘yun mula sa side table at tinignan ang rason ng pagtunog nito. May text message mula kay Magnus. Napakunot naman ako ng noo at binasa ang kanyang mensahe. “Hey,” ang tanging laman ng text message niya.  May kasunod namang dumating. “Are you awake?” “Hindi, kaluluwa ko lang itong nagrereply,” ang pilosopo ko namang tugon. Nagpatawa naman siya ng isang laughing emoticon. “Ang aga mo mag-text, anong kailangan mo ng sobrang aga?” “Why so grumpy though?” “Biruin mo na ang lasing, huwag lang ang bagong gising,” ang tugon ko naman. Nagulantang naman ako nang nag-ring ang phone ko. Tumatawag siya. Sinagot ko naman ‘yun. “Hello. Ano bang dahilan at tumawag ka pa?” ang masungit ko namang tanong. “Is that the right way to treat your new boss?” ang retorikal naman niyang tanong. Hay naku. Kainis talaga siya. “Sorry po, Sir. Good morning po,” ang tugon ko naman. “Ano po bang maipaglilingkod ko sa inyo, Sir Magnus?” “What time will you come to my condo unit?” ang tanong naman niya Napakunot naman ang aking noo ang marinig ang malalalim niyang hininga; yung tila ba naghahabol ng hininga. Medyo maingay din ang background niya at paminsan-minsan ay nakakarinig ako ng pagkahol ng aso. “Around 8am siguro, Sir Magnus,” ang tugon ko naman. “Nasaan ka ba at bakit ganyan ang boses mo… Sir Magnus.” “Oh, I’m at a park,” ang tugon niya. “I’m jogging. Call me when you’re about to go there.,” ang bilin naman niya. “Sige, Sir Magnus,” ang pagpayag ko naman bago natapos ang aming usapan. Kailangan ko na talagang sanayin ang aking sarili sa pagtawag sa kanya ng Sir. Sa mga sandaling ito ay natanggal na ang antok ko. Bumaba naman ako at inayos ang aking higaan. Nagtungo naman ako kaaga ng banyo upang maghanda sa aking pag-alis. Oo nga pala, ihahatid ako ni Kuya Angelbert. Gising na rin siguro siya. Nang makapag-ayos ay bumababa naman ako at nagtungo sa kusina. Kaagad kong narinig ang mga boses ni Mama at ni Kuya. “Gising na pala kayo,” ang komento ko naman. “Maupo ka na at malapit na ring matapos itong linuluto ko,” ang bilin naman ni Mama. Kaagad naman akong tumalima. “Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita,” ang alok naman ni Kuya. “Ako na, Kuya,” ang saad ko naman ngunit kaagad naman niya akong pinigilan. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Pagkalipas nga ng ilang sandal ay handa na ang almusal. Sinaluhan naman nila ako. Pagkatapos kumain ay muli akong pumanhik ng hagdanan upang magtungo sa aking kuwarto. Hinila ko naman palabas ang aking maleta samantalang suot ko sa aking likuran ang aking backpack. Binitbit ko naman ang maleta pababa. Sinalubong naman ako ni Kuya sa labas. Kinuha naman niya ang maleta at isinilid sa likod ng kanyang sasakyan. “Ma, aalis na ako,” ang paalam ko naman kay Mama. “Mag-iingat ka,” ang bilin naman ni Mama. “Huwag na huwag mo ring kakalimutan ang mga bilin ko sa’yo. Huwag kang gagawa ng mga bagay na magbibigay problema kay Magnus Astudillo.” “Ma, ako ang anak niyo at hindi si Magnus,” ang komento ko naman. “Hindi ba dapat ako muna ang inaalala niyo bago si Magnus?” “Ganun na rin ‘yun, Angelo,” ang tugon naman ni Mama. “O, kunin mo ‘to,” ang sabi naman niya sabay abot ng isang paper bag. “Ano po ito?” ang tanong ko naman sabay silip sa loob. “Mga multivitamins,” ang tugon naman ni Mama. “Ingatana mo ang kalusugan mo. Pagbutihin mo ang iyong trabaho.” “Salamat, Ma,” ang pasasalamat ko naman bago ako sumakay sa sasakyan. Sumunod naman si Kuya. Nagsimula namang magmaneho si Kuya kaya naman kumaway ako kay Mama. Itinigil ko nag pagkaway nang makalabas na kami ng gate at lumayo na ang sasakyan. “Saan nga pala ‘yung condo ni Magnus?” ang tanong naman ni Kuya. “Crown Legacy Tower,” ang tugon ko naman. “Alam mo kung saan ‘yun, Kuya?” “Oo,” ang tugon naman niya. “Mga mayayaman ang nakatira sa Condominium na ‘yan.” Hindi naman na ako nagulat. Given na kasi na naikwento ni Miss Marga ang patungkol sa kanilang estado sa buhay. Pagkalipas ng mahigit isang oras ay nakarating kami sa gitna ng lungsod kung nasaan ang mga matataas na gusali. “Dito na,” ang anunsyo naman ni Kuya. Sabay naman kaming bumaba ng sasakyan. Kinuha ako ang aking maleta sa likuran ng sasakyan ni Kuya Angelo. Napatingin naman ako sa mataas na gusali sa harapan ko. Mukha ngang pangmayaman ang condominium na ito. “Papasok na ako, Kuya,” ang paalam ko naman. “Kung may problema ka, tawagan mo lang ako,” ang bilin naman niya. “Sige, Kuya,” ang tugon ko naman bago yumakap sa kanya. Pinanood ko siyang sumakay ng kanyang sasakyan. Nang makaalis na siya ay nagsimula naman akong maglakad hila-hila ang aking maleta, papasok sa gusali. Bumungad naman sa akin ang napakalawak na reception area. Para itong hotel. “Hala,” ang sabi ko sa aking isipan. Nakalimutan kong tawagan si Magnus. Kaagad ko namang kinuha ang aking phone at tinawagan siya. Nagri-ring lang naman ito at walang sumasagot. Napakunot naman ako ng noo. Pinadalhan ko naman siya ng isang text message. “Narito na ako, Sir Magnus.” Nagpunta naman ako sa front desk. “Good morning, Sir,” ang bati ng front desk. “How can I help you?” “Narito ako para kay Magnus Astudillo,” ang tugon ko naman. “Ako ang bago niyang Personal Assistant,” ang pagpapakilala ko pa sa aking sarili. “Your name, Sir?” ang tanong naman niya. “Angelo del Ferro,” ang tugon ko naman. Sana naman hindi Chuckie ang sinabi naman niyang pangalan ko sa knaila. “Ah, kung hindi Angelo, baka Chuckie ang linagay niya,” ang nahihiya ko namang bilin. Napangiti lang naman ang receptionist sabay sabing, “Sir Angelo. Unit O2, 30th floor. Here’s your card key.” Inabot naman niya sa akin ang isang card. “The elevator is on the left.” “Thank you,” ang pasasalamat ko naman. Hinila ko naman ang aking maleta patungo sa elevator. Nang bumukas ito ay kaaagad akong sumakay at pinindot ang numero trenta. Nagsara ito at umakyat. Napatingin naman ako sa labas. Para akong malulula sa taas ng napuntahan ko. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay hinila ako ang maleta palabas. Hinanap ko ang condo unit ni Magnus. Hindi naman ako nahirapan dahil dadalawang condo unit ang naroon sa palapag na ‘yun. Nasa tapat na ako ng pinto ng unit ni Magnus. Sakto namang nagbukas ito. Natigilan naman ako nang makita si JC Pascua, ang kaibigan ni Magnus at kapwa niya modelo. Nagsalubong naman ang mga kilay ko. “Ah, mali yatang condo unit,” ang sabi ko sa aking sarili. Naglakad naman ako palayo nang may tumawag sa akin ng “Chuckie.” Natigilan naman ako at napalingon. Si Magnus nga. Nasa tapat siya ng pintuan ng condo unit. Napakamot naman ako ng ulo sabay lakad pabalik. “Where are you going?” ang nagtataka niyang tanong nang makalapit ako. “Akala ko maling condo unit ang napuntahan ko,” ang paliwanag ko naman. “Ibang tao kasi ang nakita ko.” “That’s JC,” ang pagpapakilala naman ni Magnus. “Napakilala mo na siya sa akin,” ang sabi ko naman. “At tsaka, kilala rin siya katulad mo.” Napatango naman siya. “Anyway, let’s go inside. Let me,” kinuha naman niya mula sa akin ang aking maleta. Kapwa kami pumasok sa condo unit at kaagad akong namangha sa aking nakita. Sa pagpasok ay may napakalaking litrato ng isang lumalangoy na balyena. Nakadagdag pa ang led lights sa gilid ng litrato. Nang malagpasan naming yun ay bumungad sa akin ang sala. Napakaminimal ng disenyo pero nagsusumigaw ito ng kayamanan. May puting sofa na nakakahiyang upuan dahil nakakatakot madumihan. May magandang coffee table at sa tapat nito ay isang 75-inch TV. “Why don’t you sit down and make your self comfortable,” ang suhestyon naman ni Magnus. Naupo nga ako sa sofa at muling tumingin sa paligid. Sa gilid ng sofa ay ang isang pinto patungo sa veranda. Gawa rin sa salamin ang pader sa bandang yun kaya kita mo ang view ng siyudad kahit na nakaupo ka sa sofa. “Ikaw pala ang dahilan kung bakit ako biglang pinalayas ni Magnus,” ang bigla namang komento ni JC kaya napalingon ako sa direksyon niya. “Sorry,” ang paumanhin ko dahil hindi ko masyadong naintindihan dahil wala sa kanya ang atensyon ko. “Ang sabi ko ikaw pala ang dahilan kung bakit ako pinalayas ni Magnus,” ang pag-uulit naman niya. “Ang akala ko pa naman, isang magandang babae ang rason ng bigla niyang pagpapaalis sa akin.” “Ha? Anong kinalaman ko?” ang tanong ko naman sabay simangot. “JC is my old housemate,” ang paliwanag naman ni Magnus. “Since you’re here, pinaalis ko na siya.” Nagulat naman ako sa aking nalaman at napatingin kay JC. “Okay lang,” ang tugon naman ni JC. “Lilipat lang naman ako sa baba. Isa pa napakabuting kaibigan niyang si Magnus. Pinalayas niya ako.” “How dare you bad mouth me, you scum,” ang reaksyon naman ni Magnus sabay kuha ng throw pillow at binato kay JC. “I’ll pay half of your rent.” “Thanks, friend,” ang sarkastiko namang pasasalamat ni JC sabay peace sign. “Out!” ang utos naman ni Magnus. “Ang sama mo talaga,” ang reaksyon naman ni JC. “You’re going out, aren’t you?” “Heto na nga, aalis na,” ang pagsuko naman ni JC. Humarap naman siya sa akin. “Mag-ingat ka diyan kay Magnus. May pagka-psycho ‘yan.” “Hindi mo na kailangang sabihin dahil alam ko na ang tungkol sa bagay na ‘yan,” ang komento ko naman na ikinatawa niya. Tumayo naman siya at tuluyan nang nagpaalam. “Come, I’ll show you your room,” ang pagtawag naman ni Magnus. Tumayo naman ako at hinawakan ang handle ng aking maleta. Sa tabi ng sala ay ang kusina at ang dining table. Sa hindi naman kalayuan ay may tatlong pinto na magkakatabi. Kaagad kong napansin ang una. May kakaiba itong lock. Yung tipong nangangailangan ng password para mabuksan samanatalang ang dalawang natitira ay pangkaraniwang door knob lang ang nakalagay. “Magnus,” ang pagtawag ko sa kanya kaya naman natigilan siya at napalingon sa akin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD