Chapter Forty-three: Magnus' Condo Unit

2284 Words
Angelo’s Point of View Hindi pa rin naalis ang titig ko sa kakaibang pinto. Kulay itim pa ito. “Anong kuwarto ito?” ang tanong ko naman. “You’re off limits there,” ang tugon naman niya. “Bakit naman?” ang tanong ko. “Ano bang meron diyan?” “Why would I tell you?” ang tanong naman niya pabalik. “Can you see that?” Tanong niya sabay turo sa lock. “Hinid ko ilalagay yan kung gusto kong malaman ng iba ang nasa loob niyan.” “Baka naman may ginagawa kang kakaiba diyan,” ang tukso ko naman. “Like what?” “Ewan ko,” ang muli kong tukso. “Kung ano mang ginagawa ko diyan, wala ka na dun,” ang tugon naman niya. “It’s none of your business.” “Oo na,” ang pagsuko ko naman. “Huwag kang mag-alala. Isa pa, tignan mo naman ‘yung lock na nailagay. Sa tingin mo ba, mahuhulaan ko ang password niyan.” “Whatever,” ang reaksyon naman niya. “You can go anywhere here in my flat, but not there. So, drop it.” Napakibit-balikat na lamang ako. “Let’s go, Chuckie,” ang sabi naman niya. Sinundan ko naman siya. Hinatid niya ako sa huling kuwarto. Binuksan naman niya ang pinto at pumasok. Sumilip naman ako sa loob. Napasinghap ako sa aking nasaksihan. Napakalawak ng kuwarto. Dalawang beses itong mas malawak kaysa sa kuwarto ko sa bahay. “What are you doing there? Come inside,” ang utos naman ni Magnus. “This was JC’s room but don’t worry; I already asked someone to clean this room. So, you can already fix your stuff.” “M-maraming salamat,” ang tugon ko naman. “I’ll let you settle on first,” ang sabi naman niya. “Then, we’ll talk later.” Tumango naman ako. Lumabas naman siya ng kuwarto at hinila ang pinto. Napatingin naman ako sa paligid. Lumapit ako sa king-sized bed. Kulay dark blue ang bed sheet at kumot; kulay asul din ang mga unan ngunit mas light ang hue. Binuksan ko naman ang aking maleta at inayos ang aking mga damit sa malaking aparador. Naupo naman ako sa kama nang matapos at napahiga. Ang lambot ng kama. Dahil sa kalambutan nito ay hindi ko naiwasan ang mapaidlip. Minulat ko ang aking mga mata. Naramdaman kong may nakaupo sa tabi ko kaya napatingin naman ako. “Magnus,” ang pagtawag ko sa kanyang pangalan. Kinusot ko naman ang aking mga mata at naupo. “You’re a deep sleeper,” ang komento naman niya. “Kanina ka pa diyan?” ang tanong ko naman. “Not really,” ang tugon naman niya. “Are you hungry?” “Anong oras na ba?” ang tanong ko naman sabay tingin sa aking wrist watch. Lagpas alas-dose na. Nangunguhulugan na lagpas tatlong oras akong nakaidlip. “Hala,” ang tanging nasabi ko. “So, are you hungry?” ang pag-uulit naman niya sa kanyang katanungan kanina. “Hindi pa naman,” ang tugon ko. “Ikaw? Nagugutom ka na ba?” Umiling naman siya. “I ordered food,” ang sabi naman niya. “It’s on it’s way here. For the meantime, ito-tour muna kita dito sa condo unit ko.” Napatango naman ako. Sabay naman kaming tumayo. Imbes na magtungo siya sa pintuan ay nagtungo siya sa kabilang dulo ng kuwarto. Sa pader na natatakpan ng isang kurtina. Sinundan ko naman siya. Pinanood ko siya nang hawiin niya ang kurtina; may pinto akong nakita. Binuksan naman niya ‘yun. Laking pagtataka ko kung para saan ang pintong ‘yun. Magkasunod naman kaming pumasok. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Isa itong kuwarto na puno ng mga damit, sapatos, accessories at alahas. “This is my walk-in closet,” ang paliwanag naman niya. “On the left side are my clothes.” Itinuro niya nag kanang parte ng walk-in closet niya. May tatlong magkakaibang aparador. Lumapit naman kami doon at pinakita niya ang mga laman. Sa unang aparador nakalagay ang casual ats swear niya. Namangha ako sa pagkakaayos ng kanyang damit. Color-coded ito at sa pinakataas ang mga T-shirt, sa baba nito ay ang shorts, sa baba ulit ay pantalon atpb. Sa pangalawang aparador naman nakalagay ang formal wear niya. May mga nakasabit na suit sa loob. Sa pangatlong aparador naman nakalagay ang mga neck ties, medyas, at sari-saring belt niya. “On the right side are my sportswear.” Nagtungo nga kami doon. Sa unang aparador nakalagay ang mga gamit niyang pang-gym. Naroon din banda ang iba’t-ibang klase ng bag at sapatos. Daig pa nito ang mga shop sa mall. Sa gitna ng kuwarto ay may glass case. Yung tipong parang sa shop ng mamahaling relo. Makikita moa gad ang koleksyon niya ng mga mamahaling relo, may mga kwintas at bracelet ka ring makikita. Ibang level talaga si Magnus. “One of your jobs is to prepare my clothes,” ang sabi naman niya. “So, you’ll need a good taste in picking and matching clothes. “I will leave the walk-in closet open for you. Now, come with me.” Sinundan ko naman siya patungo sa pinto sa kabilang duo ng walk in closet. Binuksan naman niya ‘yun at magkasunod kaming lumabas sa pintong ‘yun. Isang panibagong kuwarto ang nadatnan ko. Isang silild-tulugan. “This is my room,” ang paliwanag naman niya. Hindi malayo ang itsura ng kuwarto niya sa kuwartong binigay niya sa akin. Ang kaibahan lang ay nag mga decoration na nakalagay. Minimal lang ang itsura at walang masyadog arte. Madilim ang color theme ng kuwarto niya ngunit napakaayos pa rin. May napansin akong nakasabit na gitara sa isang pader. “Marunong kang maggitara?” ang tanong ko naman sa kanya. Napatingin naman siya sa gitarang tinititigan ko. “Hindi ako marunong, magaling ako,” ang pagtatama naman niya. “Asus,” ang natatawa ko namang reaksyon. “I think most guys can play the guitar,” ang komento naman niya. “Hindi ako marunong,” ang tugon ko naman. “Oh,” ang reaksyon naman niya. “Maybe, because you’re… uhm, gay?” “Ano namang kinalaman nun sa kaalaman ko sa pagtugtog ng gitara?” ang tanong ko naman. “Oh, maybe you’re more interested with girly stuff?” “Hindi rin,” ang tugon ko naman. “Wait, what?” ang naguguluhan niyang tanong. “You’re gay, right?” Tumango naman ako. “So, you want to be a girl?” ang pag-assume naman niya. “Hindi ako transexual,” ang pagtatama ko naman. “Sila yung mga gustong maging babae.” “Oh, so you mean you like girls, too?” “Hindi pa rin,” nag tugon ko. “Hindi ako bisexual.” “I’m confused,” ang komento niya na ikinatawa ko naman. “Genderqueer ang gender identity ko,” ang pagtatama ko naman. “At homosexual naman ang s****l orientation ko.” “Which means?” “Paano ko nga ba ipapaliwanag?” ang tanong ko naman pabalik. “Tanggap ko ang masculine at feminine side ko. I don’t classify myself as a man pero hindi ibig sabihin nun na babae ang tingin ko sa aking sarili. At sa lalaki lang ako nagkakagusto.” “That sounds too complicated,” ang komento niya. “Tama,” ang pagsang-ayon ko naman. “Basta, tao.” “Yeah,” ang tugon naman niya. Kapwa naman kami natigilan nang may nag-doorbell. Lumabas naman kami ng kuwarto niya. Nasa sala na kami. Sinagot naman ni Magnus ang pinto. Dumating na nga ang in-order niyang pagkain. Nagtungo kami sa kusina. Napatingin ako sa nakapaper bag na pagkain. “Anong in-order mo?” ang tanong ko naman. “Well, the usual,” ang tugon naman niya. “Some low carb meal.” Inilabas naman niya nag mga naka plasticware na pagkain. Inabot naman niya sa akin nag isa. Fresh rolls. “Teka, akala ko ba hindi ako kasalai sa pagda-diet mo?” ang reaksyon ko naman nang makita kung ano ang nasa loob. “This is just for now,” ang paliwanag naman niya. “You can use the kitchen anytime.” Tinignan ko naman ang kabuuan ng munting kusina. “Kompleto ang kagamitan, “ang komento ko naman. “Pero sigurado akong hindi nagagalaw.” Nakumpirma ang aking haka-haka nang mapatingin ako sa basurahan. Puno ito ng plasticware. “You don’t need to take care of my food,” ang komento naman niya. “I’ll give just give you the list. I don’t eat breakfast. So, this is my first meal of the day.” Parang ang hirap maging isang modelo. Ito ang tumakbo sa aking isipan. “May balak ka pa bang magpalaki ng katawan?” ang tanong ko naman sa kanya. “I can’t,” ang tugon naman niya. “I need to keep my body shape. Just lean and well-defined. Otherwise, I can’t model jackets and suites. And keep my best asset, my six pack.” Napatango naman ako. Hindi ko maimagine ang sarili ko na maging isang modelo. Sa tingin ko ay mamamatay ako sa gutom. Kaya naman, thank you, next. Masaya na ako sa aking buhay at sa pagkaing aking pwedeng kainin. Tahimik ko na lang kinain ang fresh rolls na ibinigay niya. “Pakiramdam ko, para akong isag kambing,” ang komento ko naman. “Why so?” ang nagtatakang tanong naman ni Magnus. “Anong why? Puro dahon lang ang nagunguya ko,” ang reaksyon ko naman na ikinatawa niya. Pagkatapos ng aming simpleng tanghalian ay nagtungo kami sa sala upang pag-usapan ang mga bagay na kailangan kong gawin sa pang araw-araw. Ayon sa kanyang paliwanag, wala naman akong ibang gagawin kundi ang maging alipin niya. Napakarami kong roles and responsibilities. Bukod mga nabanggit ni Sir Nathaniel sa akin ay kailangan kong maging personal na tagabili niya ng mga kung anu-ano. Dahil may kasikatan si Lolo ay natatakot ang agency na dumugin siya ng mga tao. Sab inga nila kahit di ka talaga kilala; may makakilala lang sa’yo ay maghahatak na ito ng atensyon ng iba. Wala naman na akong ibang magagawa. Sumang-ayon na akong tanggapin ang trabahong ito kaya wala nang atrasan. “Ah, Magnus,” ang pagtawag ko sa kanya kaya naman natigilan siya at napatingin sa akin. Kakaiba ang itsura niya ngayon. Ngayon ko lang din kasi natitigan ng mabuti. Nakababa ang kanyang buhok. Hinid tulad ng palagi kong nakikita na naka-pampadour ang hairstyle. Ang relax tignan. NGayon ko rin napansin ang nunal malapit sa kanyang kaliwang mata. “Yes, Chuckie?” ang tanong naman niya ngunit hindi ko pa rin magawang alisin ang pagkakatitig ko sa mukha niya. “Ang guwapo mo ngayon,” ang hindi ko sinasadyang komento. Napangiti naman siy at napakagat ng labi nanng marinig ‘yun mula sa akin. “Ngayon lang?” ang tanong naman niya. Gusto ko nang lamunin ng lupa. “Oo, ngayon lang,” ang komento ko naman sabay iwas ng aking tingin. “Fan ka ng liniligawan ng Kuya ko; baka pwedeng makahingi ng autograph mo para naman sagutin na ng liniligawan niya si Kuya,” ang paki-usap ko naman. “Seriously?” ang gulat na natatawa niyang tanong. Tumango naman ako. “Please,” ang pakiusap ko naman. “Hmmm, pag-iisipan ko naman. “Please, gagawin ko ang lahat,” ang pangako ko. “Lahat?” ang tanong niya. Natigilan naman ako. Teka, parang isang masamang ideya ang ipinasok ko sa kanyang isipan. Pero para kay Kuya, go lang! “Tama ang iyong narinig,” ang pagkumpirma ko naman. “That sounds convincing,” ang usal niya habang nag-iisip. “Okay, I accept. Grant me three wishes.” “Tatlo talaga?” ang bayolente ko namang reaksyon. Tumango naman siya. “Oo na,” ang pagsuko ko naman. “I already know what I want for my first wish,” ang anunsyo naman niya kaya naman parang nagpintig ang mga tenga ko. Ang bilis niya mag-isip, ah! “Ano?” ang walang gana ko namang tanong. “Remember the night when we went to the nightclub?” ang tanong naman niya. “Oo, nalasing ka nga, eh,” ang pagkumpirma ko naman. “Ano namang kinalaman— teka, huwag mong sabihin sa akin na gusto mong pumunta ulit doon?” “Well, I do,” ang tugon naman niya. “But that’s not what I want to wish.” “Eh, ano nga ang gusto mong mangyari?” ang tanong ko. Hindi naman siya sumagot; bagkus ay binuksan niya ang napakalaking TV. Gamit ang kanyang smart phone ay nagtungo siya sa Youtube. Nanlaki naman ang mata ko nang biglang tumugtog ang music video ng kantang Rain on Me ni Lady Gaga at Ariana Grande. “Utang na loob, wag mong sabihing gusto mong sumayaw ako?” ang reaksyon ko naman. Napangiti naman siya ng nakakaloko. “Then, what’s this song for?” ang tanong naman niya pabalik. “Go to the veranda and dance.” Hayop talaga itong Magnus na ito. “Eh, paano kung mahulog ako doon?” ang tanong ko naman. “Well, I specifically said you dance,” ang tugon naman niya. “and not to jump, dummy.” “Hindi ba bullying ito?” ang tanong naman niya. “Do you want my autograph or not?” “Heto na nga, pupunta na,” ang kaaagad ko namang wika bago nag-martsa patungo sa veranda. Nasa 30th floor naman ako kaya wala naman sigurong makakakita. Sinayaw ko nga ang buong choreography ng rain on me. Hindi ko alam kung anong mapapala niya sa pagsayaw ko. “You’re a really good dancer,” ang panunukso naman ni Magnus. “Hay naku, Magnus,” ang reaksyon ko naman. “Tantanan moa ko. Anong susunod mong kahilingan, Master? “Pag-iisipan ko muna,” ang komento naman niya. “For now, let’s relax. Do you want to watch a movie?” “Romance?” ang excited ko namang tanong. Tumango naman siya. “You choose,” ang bilin niya sa akin sabay abot ng remote. Namili naman ako ng panonoorin naming. A Crazy Little Thing Called Love. “Ang pogi talaga ni Mario Maurer,” ang komento ko naman habang nanonood. “Si Mario Maurer o si Magnus Astudillo?” ang out of the blue niya namang katanungan. “Siyempre, si Mario Maurer,” ang kaagad ko namang sagot. “Hindi na ‘yan tinatanong pa.” “But I have better looks,” ang argyumento naman niya. “Artista siya,” ang argyumento ko naman. ‘Look t him, he’s just handsome because he’s fair,” ang komento naman niya. “Nagsalita ang hindi maputi,” ang sarkastiko ko namang tugon. “When I become tan, it would still look good on me and people would think I’m a sun-kissed Greek god.” “Ewan ko sa’yo, Magnus,” nag reaksyon ko naman bago pinagpatuloy ang panonood. Sa tingin ko ay sumuko na rin siya dahil nanahimik na rin siya at sinabayan na ako sa aking panonood.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD