Chapter Thirty-seven: Dinner

2920 Words
  Angelo’s Point of View             Kaagad naman akong napasimangot nang makita siya. “Hindi ba sinabi ko sa’yo na—” “Personal kang Hair and Makeup Artist ni Magnus,” ang kanyang pagsalo. “Oo, pero hindi ka eksklusibo para kay Magnus lang. Ibig sabihin, pwede ka pa ring tumanggap ng ibang kliyente.” Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko sa mga sinabi niya. Totoo naman lahat ng sinabi niya. “Tinawagan na ng agency ko ang hair and makeup studio kung saan ka nagtratrabaho,” ang balita niya na ikinagulat ko. “Pumayag sila na ayusan mo ako. Kaya halika na rito at gawin ang trabaho mo, baby.” Wala naman akong ibanag nagawa kundi ang sumunod. Tahimik lang naman akong nagsimulang ayusan siya. Kung pwede lang isampal ko sa kanya ang hair straightener o kaya naman i-shave ko ang buong kilay niya para makaganti, eh. Pero hindi ‘yun ang trabaho ko. Ang trabaho ay magpaganda. Nakakahiya naman kay Lander at sa iba pang kasamahan ko sa studio kung magpapadala ako sa galit ko. Makakaganti nga ako kay Nick pero nangunguhulugan ding masisira ang imahe ng studio sa photoshoot na ito. Hindi ko na lang siya inintindi at pinagpatuloy ang aking ginagawa. “Akalain mo,” ang komento naman niya. “May nagagawa ka rin palang maganda. Akala ko kasi mananatili kang isang talunan.” “Manahimik ka,” ang malamig ko namang komento. “Napakayabang mo talaga Ang yabang mo pero isa ka namang manggagamit.” “Ganun talaga ang buhay, Angelo,” ang tugon naman niya. Hindi naman ako umimik. Hindi talaga ako komportable sa nangyayari ngunit pinipilit ko ang sarili kong maging propesyonal. “Tapos na,” ang walang gana kong tugon. Tumayo naman siya at tinignan ang kanyang sarili sa salamin. Nagtungo naman siya sa photographer. Natigilan naman ako nang may tumikhim mula sa aking likuran. Kaagad naman akong napalingon. “What the hell is that?” ang tanong naman ni Magnus. “Wala akong ibang pagpipilian, Magnus,” ang tugon ko naman. “Kliyente pa rin siya. At tsaka, hindi naman ako eksklusibo para sa’yo lang. Hangga’t hindi kita inaayusan; pwede pa rin akong tumanggap ng iba.” “The question is… gusto mo ba?” ang tanong naman niya. Napabuntong-hininga naman ako. “Malamang hindi,” ang tugon ko naman. “Pero wala akong ibang magagawa kundi ang pumayag. Lalo na’t ang imahe Hair and Makeup studio na pinapasukan ko ang masisira,” ang paliwanag ko pa. “Maupo ka na rito para maayusan na kita.” Naupo naman siya. Hindi ko naman na kailangang baguhin ang makeup look niya. Unting retouch lang at okay na. Kailangan ko lang palitan ang hairstyle niya siya ko namang ginawa. Nnag matapos ay sabay kaming nagtungo sa photographer na kasalukuyang kinukuhanan ng litrato si Nick. Mukhang hindi naman niya kami napapansin dahil sa spotlight na nakatutok sa kanya. “In all fairness, he’s not bad,” ang puri ni Magnus. “He knows how to find his angles… but I’m better.” Natawa naman ako sa huli niyang sinabi. “May yabang ka rin palang nakatago sa loob ng sistema mo, Magnus,” ang komento ko naman. “Well, hindi naman ako basta-basta nagyayabang,” ang komento niya. “I’m just stating facts, just so you know.” “Oo na,” ang pagsuko ko naman. Hindi naman nagtagal ay natapos din ang turn ni Nick. Kaagad nagkasalubong ang tingin ni Magnus at ni Nick sa isa’t-isa. “Anong masasabi mo?” ang tanong naman ni Nick kay Magnus. “It’s okay,” ang kaswal lang na sinabi ni Magnus. “I’ll show you how it’s done; the supermodel way.” Linagpasan naman siya ni Magnus at nagtungo sa harap. Hindi ko naman pinansin ang presensya ni Nick; bagkus ay nagtungo ako sa tabi ng photographer. “Are you ready, Magnus?” ang tanong naman ng photographer. “Let’s get this over,” ang anunsyo naman ni Magnus sabay tingin sa camera at nagsimulang magpose. Wala naman akong ibang narinig mula sa photographer kundi mga papuri para kay Magnus. Nag-iba rin ang aura ni Magnus. Sa pagkakataong ito ay napahanga niya ako; lalo na sa mga emosyon na kanyang pinapakita sa bawat kuha ng photographer. Naramdaman ko namang naglakad palayo si Nick. “Mabuti nga sa’yo, Nick,” ang sabi ko sa aking isipan. “Masyado ka kasing mayabang.” “Okay, great shots, Magnus!” ang anunsyo naman ng photographer. “Thanks,” ang pasasalamat naman ni Magnus sabay lapit sa akin. “So, what can you say?” ang pangaggaya naman niya sa kayabangan ni Nick kanina. Natawa naman ako sa ginawa niya. “Wala akong masabi,” ang nakangiti ko namang komento. “Nagyon ko naintindihan kung bakit ka naging isang supermodel,” ang komento ko pa.     MABILIS na natapos ang araw… Buong magdamag kong inaayusan sila Magnus at Nick. Napagod na rin ako kaya; sa pagaayos, pagre-retouch at sa p*******t sa akin ni Nick. Tulad ng mga braso ko ay nagmanhid na rin ang aking pakiramdam. Mabuti na lang ay kaagad ding umalis si Nick at ang iba pang modelong kasama niya sa agency. Tahimik ko namang inayos ang ang mga kagamitan ko sa regalong backpack ni Magnus. “Wala na siya pero bakit parang malungkot ka pa rin diyan?” ang tanong naman ni Magnus nang makita ang kalagayan ko. “Hindi ko naman siya inaalala,” ang tugon ko naman. “Sobra lang akong napagod ngayong araw.” “You mean, work?” Tumango naman ako. Napabuntong-hininga naman siya. “You know, if there’s one thing I really hate, seeing people sad.” “Sorry,” ang paghingi ko naman ng paumanhin. Napatingin naman siya sa kanyang orasan. “Oh, it’s already almost seven pm,” ang anunsyo naman niya sa oras. Pero sa totoo lang, wala naman akong pakialam dahil sa bigat ng aking pakiramdam. Mapanakit magsalita si Nick, at dahil minsan ko rin siyang minahal ay hindi ko maiwasng dibdibin ang mga sinabi niya. Nang matapos mag-ayos ay sinuot ko ang backpack. “Are you going home?” “Oo, hindi na ako babalik sa studio, pasara na rin naman ‘yun sa oras na makarating ako,” ang paliwanag ko naman. “Say… do you want to eat dinner with me?” ang yaya naman niya. Natigilan naman ako. “Ha?” ang gulat ko namang reaksyon. “Tinatanong kita kung gusto mong kumain kasama ako,” ang pag-uulit niya sa kanyang sinabi. “Tagalog na ‘yun. Siguro naman naitindihan mo na.” “Hoy, nakakaintindi ako ng English,” ang komento ko naman. “Nagulat lang ako sa bigla mong pagyaya. Bakit gusto mong kumain kasama ang isang taong katulad ko?” “Isang taong katulad mong ano?” ang tanong naman niya pabalik. “What are you trying to say exactly?” “Simple lang akong tao,” ang tugon ko naman. “And so am I,” ang tugon naman niya. Napailing naman agada ko. “Ikaw si Magnus Astudillo,” ang komento ko naman. “Isang supermodel. Ako? Ako lang naman si Angelo del Ferro, isang naglalakad na patatas.” Natawa naman siya sa aking sinabi. “Hmm, that’s strange,” ang komento naman niya. “Ito ang unang beses na pinakita mong hinahangaan mo ako. Everytime you talk to me, ang pakiramdam ko, normal lang akong tao.” “Sorry, na-offend ba kita?” ang tanong ko naman. “Not really,” ang tugon naman niya. “I actually like the feeling. No special treatments, and the like.” Napatango naman ako. “So, tara?” ang tanong naman niya. “Isipin mo na lang. You’re out with Magnus, the walking uhmmm tomato.” “Tomato?” “Sabi mo kasi naglalakad kang patatas,” ang tukso naman niya. Natawa naman ako sabay kamot ng ulo ko. “Geez, you’re sort of… cute.” Natigilan naman ako sa naging komento niya. “Ang lakas mo talaga mang-asar,” ang komento ko. “Sige, pumapayag na ako.” “Do you have a car?” ang tanong naman niya. Tumango naman ako. “Jc!’ ang pagtawag naman ni Magnus sa kanyang kaibigan. “What’s up?” ang tanong naman ni Jc nang makalapit. Hinagis naman ni Magnus ang hawak niyang car keys na sinalo naman ni Jc. “I’ll go somewhere,” ang paalam naman ni Jc. “Take care of my baby.” “Baby?” ang tanong ko sa aking isipan. “May anak ka na Magnus?” Kapwa naman natawa si Jc at Magnus sa tanong ko. “Yung sasakyan niya ang tinutukoy niya, Angelo,” ang paliwanag naman ni JC sabay tawa. “Ah,” ang tanging reaksyon ko sa hiya. “Anyway, mauna na ako,” ang paalam naman ni Jc. “See you later.” Nagpaalam naman kami ni Magnus sa kanya. Nang tuluyan akong makapaghanda ay nagsimula na kaming maglakad palabas ng set. “Okay lang ba na lumabas ka?” ang tanong ko naman. “Hindi ka ba dadagsain ng mga tao?” “You worry too much,” ang sabi naman niya. “I’m a model. Hindi ako artista para pagkaguluhan. Kilala lang naman ako sa Fashion Industry.” Tumango naman ako. “Hindi mo ba naisipang mag-artista?” ang tanong ko naman. “Guwapo ka naman.” “Ano ulit ‘yun?” “Guwapo ka,” ang pag-uulit ko. “Nagwagwapuhan ka na sa akin?” ang tanong naman niya. “Nung una tayong nagkita, ang sabi mo hindi ka nagwagwapuhan sa akin. O baka naman…” “Baka naman ano?” ang tanong ko naman. “Baka naman na-attract ka dahil sa abs ko na tinitigan mo kanina,” ang tugon naman niya. “Hoy, bawiin mo ang sinabi mo!” ang suway ko naman. “Hindi ko tinitigan ang abs mo!” “Really?” ang tukso naman niya sabay angat sa shirt niya para ipakita ang six pack niya. Natigilan nga ako at napatingin doon. “Guilty as charged,” ang natatawa niyang komento. Kaagad ko namang iniwas ang tingin ko. Kahinaan ko talaga ang mga pandesal. “Kung titigan ka naman talga mabuti eh, guwapo ka naman talaga,” ang paliwang ko naman. “Hindi pa rin ako attracted sa’yo. Hindi sapat ‘yang mga pandesal mo para maakit ako.” “So, what turns you on then?” ang tanong naman niya. “Yung matalino,” ang tugon ko naman. “Who is the seventh President of the Philippines?” ang bigla naman niyang tanong. “Bakit mo tinatanong?” ang tanong ko pabalik. “Wrong. It’s Ramon Magsaysay,” ang sagot niya sa kanyang sariling katanungan. “Kaya pala matalino ang hanap; kasi kulang ka sa talino.” “Alam ko naman ‘yun,” ang pagsang-ayon ko. “Hindi naman talaga ako matalino. “Hey, I’m sorry,” ang paghingi naman niya ng paumanhin. “Ha? Para saan?” ang nagtataka ko namang tanong. “I didn’t mean to offend you,” ang paliwanag naman niya. “Bakit naman ako masasaktan sa isang bagay na totoo naman?” ang retorikal ko namang tanong. “Ano ka ba? Tanggap ko naman talaga na hindi ako matalino… kaya naman, namamangha ako sa mga taong matalino.” Nang makarating kami sa parking lot ay dumeretso kami sa sasakyan ko. Nagprisinta siyang magmamaneho. Naupo naman ako sa passenger’s seat. “Saan naman tayo kakain?” ang tanong ko naman. “I know this restaurant,” ang tugon naman niya. “Let’s go there.” Napatango naman ako bilang pagpayag. Nagsimula naman siyang magmaneho. “Magnus, napansin ko na napakagaling mong mag-English,” ang komento ko naman. “Ganun siguro kapag mayayaman; natural na ang pananalita.” “Siguro, I actually studied until High School in Los Angeles, and then I moved here in the Philippines,” ang paliwanag niya. “I studied Business in Ateneo.” Ah, Atenista pala. Kaya naman yung awra niya ay sumisigaw ng “Kaya kitang bilhin.” “Business? Pero paano ka naging isang modelo?” ang tanong ko naman. “Oh, nasa isang Starbucks Coffee shop ako nang makita ako ng isa sa mga agent ng modelling agency na naghahanap ng mga model,” ang paliwanag naman niya. “Nung una tinanggihan ko kasi alam ko naman na magiging against ang parents ko. Ang gusto nila, mag-focus ako sa family business namin. Nagkaroon kami ng matingding away ni Dad kaya ayun, tinanggap ko ang offer na maging modelo. And now, the rest is history.” Naalala ko ‘yung kwento ni Miss Marga tungkol sa naging relasyon ni Magnus sa kanyang ama. Mas naging malinaw na sa akin ang lahat. “Pero anong naging dahilan ng pag-aaway niyo ng Dad mo?” ang tanong ko naman. “Ay, okay lang n ahuwag mong sagutin kung hindi ko komportable.” “He wants me to marry a certain girl,” ang tugon naman ni Magnus. “That’s not how I dreamed of having a family. I refused.” Napatango naman ako sa aking narinig. “How about you?” ang tanong naman niya. “Anong ako?” ang tanong ko namang pabalik. ‘What’s your life story?” ang tanong naman niya ulit. “To be specific, how did you become a Hair and Makeup Artist? Pangarap mo ba ito?” “Sa totoo lang, si Nick ang naging dahilan kung bakit ako naging isang Hair and Makeup Artist,” ang pagtatapat ko. “He wanted to be a model…so, you wanted to become a Hair and Makeup Stylist?” ang hula naman niya. “Wow, you’re a nutcase.” “Hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin pero na-offend pa rin ako,” ang komento ko naman na ikinatawa niya. “In other words, nababaliw ka na,” ang paliwanag naman niya. “Judgemental ka, Kuya?” ang reaksyon ko naman. “Before that, could you tell me how you and that guy broke up?” “Bakit gusto mong malaman?” ang tanong ko naman pabalik. “I’m curious,” ang simple naman niyang tugon. “Ginamit niya lang ako at linoko,” ang sabi ko naman at ikwinento ang buong nangyari sa amin ni Nick. “Ayun, hindi pa siya nakontento sa panloloko niya sa akin; sinabihan niya pa ako na kaya niya ako iniwan dahil pangit na ako. Napabayan ko lang naman ang sarili ko dahil sa kanya. Masyado akong naging abala sa trabaho para lang sa kanya; hindi ko namalayan na ganun na pala nag nangyayari.   Ayun, tapos muli kaming nagkita ni Lander, yung may-ari ng Hair and Makeup studio. Naging malapit ko siyang kaibigan noong nag-aaral pa lang ako. Inalok niya ako na mag-aral sa studio. Nung una ay nag-aalangan pa ako pero ngayon masasabi ko na… ang pag-aayos ng buhok at paglalagay ng makeup ay ang buhay ko ngayon. Isinalba ako nito mula sa kalungkutan. Masaya ako sa tuwing nagugustuhan ng kliyente ang mga ginawa ko para sa kanila.” “Well, I’m always satisfied with your work,” ang tugon naman niya. “Alam mo ba ang tawag sa mga Hair and Makeup artists?” “Ano?” “Magicians. Pero sa’yo, sa tingin ko, isa ka nang wizard sa galing mo,” ang tugon naman niya. “Especially nung unang beses tayong nagkatrabaho. Sa Fashion Show. You did well.” “Thank you,” ang pasasalamat ko naman. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa restaurant na tinutukoy niya.   KASALUKUYAN kaming nasa tapat ng restaurant. Nakatitig lang naman ako sa pangaan ng isang Italian restaurant na pinagdalhan niya sa akin. “Seryoso ka?” ang tanong ko naman kay Magnus. “Yeah?” ang hindi naman niya siguradong tugon. “May problema ba? Ayaw mob a ng Italian food?” “Hindi ‘yan ang problema,” ang paglilinaw ko naman. “Then, what?” “Ang bulsa ko,” ang tugon ko naman. “Hindi ko afford kumain sa mga ganitong klaseng restawrant. Susme, sa fastfood na lang tayo.” “Maraming tao doon; hindi maiiwasang may mag taong lalapit sa akin,” ang paliwanag naman niya. “Ayokong madisturbo ang pagkain ko.” Napabuntong-hininga naman ako. “Don’t worry; it’s all on me,” ang sabi naman niya. “Sigurado ka?” “Yuhp. Let’s go now. I’m hungry,” ang reklamo naman niya. “Osiya, sige na nga,” ang pagpayag ko naman sa huli. Naglakad naman kami patungo sa restaurant. Sinalubong naman kami ng receptionist. “Do you have any reservations, Sir?” ang tanong ng receptionist kay Magnus. “I’m sorry but I don’t,” ang tugon naman ni Magnus. “But do you have an available table for two?” “Let me check first,” ang sabi naman ng receptionist. “Yes, Sir. We still have an available table. This way, Sir.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD