Chapter Thirty-six: Unexpected Meeting

2907 Words
  Angelo’s Point of View “Yung mga ganung bagay dapat ang inaalam mo, Angelo,” ang maligalig namang komento ni Kathleen. “Kathleen, hindi ako ganung tao,” ang paglilinaw ko naman. “Sa totoo lang, wala naman akong pakialam sa buhay ng iba.” “Wala ka talagang interest sa mga artista at sa iba pang personalidad, no?” ang retorikal na tanong naman ni Shine. “Pero kamusta naman si Magnus?” Uh, maayos naman siya,” ang tugon ko naman. “Medyo masungit nga lang kung minsan pero tolerable naman.” “Blessing in disguise yung pagkuha ni Mike ng credits sa tarabahong ginawa mo,” ang komento naman ni Kathleen. “Dahil kung hindi, naroon ka pa rin sa boring na opisina.” “Siguro nga,” ang pagsang-ayon ko naman. “Ayoko nang isipin ang nakaraan; si Mike, si Nick. Basta, move on na ako. Masaya na ako kung nasaan ako ngayon. Mahirap maging isang hair and Makeup Artist. Madalas nakakangalay, lalo na kapag may Fashion Show o photoshoot. Pero nae-enjoy ko ang trabaho ko.” “Masaya ako para sa’yo, Angelo,” ang masayang komento naman ni Shine.     PAGKARAAN NG ILANG ARAW…. Buong magdamag akong nasa studio, mabuti nga at walang masyadong ganap sa studio at sa schedule ni Magnus sa mga nagdaang araw. Kasalukuyan akong nasa studio. May photoshoot si Magnus kaya naman kailangan ko siyang puntahan. Kinuha ko naman ang backpack na rinegalo niya at pinunan ng mga iba’t-ibang kagamitan tulad ng makeup at hair products. Dinala ko rin ang hair blower, hair straightener at hair curler tulad ng aking kinagawian. “May shoot si Magnus ngayon?” ang tanong naman ni Sean nang makita akong nag-aayos. Tumango naman ako. Nang matapos akong mag-ayos ay sinuot ko agad ang backpack. “Mauna na ako,” ang paalam ko naman sa kanila. Lumabas ako ng gusali; patungo sa aking sasakyan. Nagmaneho naman ako patungo sa location; isang gusali. Nang makarating ay dumeretso ako sa reception area at nagtanong ng direksyon. Paalis na sana ako nang… “Angelo?” ang pagtawag ng isang pamilyar na boses. Kaagad akong nakaramdam ng pagbilis ng pagtibok ng aking puso. Natigilan naman ako at lumingon. “N-Nick,” ang pagbanggit ko naman sa kanyang pangalan. “Napakaliit talaga ng mundo,” ang komento naman niya. “Hindi ko inaasahan na makikita kita rito.” Huminga naman ako ng malalim. Bakit ba kailangan ko siya ulit makita? Hindi ba pwedeng maging isa siyang bula na mawala na lang sa mundo? “Oo nga, napakaliit ng mundo,” ang walang gana kong tugon. Ipagpapatuloy ko n asana ang paglalakad nang… “Hindi talaga ako makapaniwala sa pagiging obsessed mo,” ang komento naman niya na nagpatigil sa akin. Napakunot naman ako ng noo. “At ano namang ibig mong sabihin?” ang tanong ko naman sabay tapon ng masamang tingin sa kanya. “Hinid ko alam kung paano mo nagawa… pero congratulations,” ang bati niya sa hindi klarong kadahilanan. “Kailangan mo ba talaga akong sundan? Ganun na ba ako kahirap kalimutan.” “Tignan mo ‘tong taong ‘to,” ang natatawa kong komento sa aking sarili sabay iling. Napakayabang at napakataas talaga ng tingin sa sarili. “Bakit naman kita susundan?” ang tanong ko naman sa kanya. “Sa tingin mo ganun ako katanga? At bakit kita susundan? Anong mapapala ko sa isang katulad mong manloloko at manggagamit?” Nagsalubong naman ang mga kilay niya sa sinabi ko. “Bakit? Hindi mo ba ako na-enjoy?” ang tanong naman niya. “Masuwerte ka nga, eh. Natikman mo ako ng dalawang taon. Kung iisipin, maraming babae at baklang naghahabol sa akin.” “Tapos na ako sa pagiging aso, Nick,” ang argyumento ko naman. “Hindi na ako ‘yung Angelo na naghihintay parati sa’yo. Hindi na ako yung taong unting lambing mo lang ay napagbibigyan kita. Pagod na ako sa’yo, Nick.” “Ganun ba, Angelo?” ang tanong niya; nag-iba ang tono ng kanyang boses. “Babe, sorry na. Nagkamali ako. Miss na kita. Balikan mo na ako.” Naalala ko ang mga pananhong bago pa lang kami. Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin pero… may parte sa akin na gustong maniwala sa mga huli niyang sinabi. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang aking pisngi. Pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw na tila ba… may sumpa ang kanyang mga kamay. Napapikit ako; nagsilabasan ang aking mga luha. Nagising ako sa katotohanan nang nagsimula siyang tumawa. Minulat ko ang aking mga mata. “Kahit kailan, ang bilis mo talaga maniwala, no?” ang komento niya habang tumatawa. “Napakademonyo mo talaga, Nick,” ang tugon ko sa pagitan ng aking mga luha. “Hindi ako laruan. Tao ako, may pakiramdam!” ang sigaw ko sa kanya. Maglalakad na sana ako palayo nang hablutin niya ako. “Aalis ka na agad?” ang tukso naman niya. “Nag-uusap pa tayo. Sigurado kang hindi mo ako sinundan dito?” “Nick, tama na,” ang paki-usap ko. “Tigilan mo na ako. Hindi kita sinundan dito.” “Bakit ka narito? Sino namang pinuntahan mo rito?” ang mga tanong naman niya. “That would be me,” ang singit ng isang tinig. Kapwa naman kami napalingon ni Nick. Si Magnus. “Get your filthy hand off him, you p*****t,” ang suway ni Magnus kay Nick. Hinawakan naman ni Magnus ang pulso ni Nick. “Let. Him. Go,” ang madiin niyang utos. Hindi naman nagpatinag si Nick at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso. Nagtitigan nama sila ni Magnus. “Sino ka ba para utusan ako?” ang tanong naman ni Nick kay Magnus. “I don’t believe that you don’t know me,” ang komento naman ni Magnus. “It’s you I don’t know.” Napangisi lang naman si Nick. “Ako lang naman ang papalit sa’yo,” ang sabi naman ni Nick. “Palaos ka na, Magnus Astudillo.” Natameme naman si Magnus sa kanyang narinig. Bigla na lamang siyang ngumiti at tumawa. ‘I like your guts,” ang puri naman ni Magnus sa kanya. “But sorry to break this to you. Hindi yan sapat. Marami ka pang bigas na kakainin.” “Bakit? Natatakot ka bang mangyari ang sinasabi ko?” ang mayabang namang tanong ni Nick. “Not even a bit,” ang seryosong tugon naman ni Magnus. “Now will you let my Hair and Makeup Artist go,” ang banta ni Magnus. Hinigpitan naman niya ang pagkakahawak sa pulso ni Nick. Dahan-dahan naman niyang inalis ang kamay ni Nick. Nang tuluyan namang nabitawan ni Nick ang pagkakahawak sa akin ay malakas na inilayo ni Magnus ang kamay niya. Napasigaw naman siya sa ginawa ni Magnus. “Ikaw!” ang sigaw ni Nick. Kaagad naman akong pumagitan sa kanilang dalawa. “Tama na, Nick!” ang bulyaw ko sa kanya. “Sorry, Magnus. Tara na,” ang kaagad kong pagyaya sabay hila sa kamay niya. Kaagad naman siyang sumunod sa akin. Tahimik kaming nagtungo sa tapat ng elevator. Mas lalo akong naluha habang hinihintay ang elevator. Hindi dahil sa lungkot kundi sa stress at galit sa ginawa ni Nick. Nakakahiya. Kasi kailangan pang mangialam ni Magnus. Hindi naman niya ‘yun problema. “Why are you still crying?” ang tanong naman ni Magnus. “He’s not here anymore.” Madalian ko namang pinunasan ang mga luha ko. “Pasensya na, Magnus,” ang paghingi ko naman ng paumanhin. “Hindi ka na dapat nadamay pa sa alitan naming dalawa.” “Here,” ang sabi niya. Napatingin naman ako sa inaabot niya. Isang panyo. “Para saan ‘yan?” ang tanong ko naman. “To wipe your tears,” ang paliwanag naman niya. Kinuha ko naman ‘yun at sinimulang punasan ang mga mata ko. “Let me,” ang komento niya naman saby kuha ng panyo sa akin. Sinimulan naman niyang punasan ang pisngi at baba ko. Nang matapos ay binulsa naman niya ang panyo. Sakto namang nagbukas ang elevator. Sabay naman kaming pumasok. “Sino ba ‘yun?” ang tanong naman ni Magnus. “Why is he acting that way? Is he your ex-lover or something?” “Si Nick,” ang pagpapakilala ko naman. “tama ang iniisip mo. Ex-boyfriend ko nga si Nick.” “You have a bad taste,” ang komento naman niya sabay iling. “Alam ko,” ang pagsang-ayon ko naman. “Hindi mo na kailangan pang ipamukha sa akin, Magnus.” “Why is he bothering you?” ang tanong niya pa. “Wait, is he like Samantha? Wanting to get back?” Napa-iling naman ako. “Mas mabuti nga kung ganun na lang ang sitwasyon,” ang saad ko. “Nag-e-enjoy lang siya na makita akong masaktan. Masyadong mataas ang pride niya at sobra ang bilib niya sa kanyang sarili.” “Men like him… doesn’t deserve a single tear,” ang payo naman niya. “Now, stop crying like a baby.” Tahimik naman akong tumango. “Chuckie!” ang kaagad naman niyang sinabi. Napatingin naman ako sa kanya. Hindi naman na ako nakaramdam ng pagkairita nang tawagin niya akong Chuckie. Nasanay na rin naman. “Ngayon ko lang napansin.” “Ang alin?” ang nagtataka ko namang tanong. “Suot mo ang ibinigay kong backpack,” ang saad naman niya sabay hawak sa backpack. “Tamang-tama lang pala ang laki. Let me see,” ang sabi niya sabay hawak sa magkabilaang balikat ko. Inikot naman niya ako upang makita ang bag. “Not bad. Mabigat ba? Is it comfortable?” “Hindi naman ganun kabigat,” ang tugon ko. “Kumpara sa palagi kong bitbit dati; mas komportable itong backpack. Mas nakakagalaw ako ng maayos. “Good to know,” ang tugon naman niya. “That Nick… is he a model, too?” “Sa tingin ko,” ang pagkumpirma ko naman. “Nakita ko minsan ang litrato niya sa diaryo. Tapos ang rinig ko ay nakapasok siya sa isang modelling agency.” “He’s good looking,” ang sabi naman ni Magnus. Hindi ako makapaniwala na pinuri niya si Nick. “But modelling is not just all about having a handsome face.” “Magnus, pasensya na ulit,” ang sabi ko naman. “Sory dahil… dahil sa akin ay napagsabihan ka ng masasakit na salita ni Nick.” “You don’t have to be sorry,” ang tugon naman niya. “I’ve heard far worse.” Hindi naman nagtagal ay nagbukas ang pinto ng elevator. Sabay naman kaming lumabas ng elevator. “Siyanga pala, bakit wala si Sir Nathaniel?” ang tanong ko naman. “He has things to do,” ang tugon naman ni Magnus. “Do you like him? He has a girlfriend though.” “Nagtatanong lang,” ang paglilinaw ko naman. “Nagtanong lang; may gusto agad? Naninibago lang ako na hindi mo siya kasama ngayon. Palagi kasi siyang nakabuntot sa’yo.” “Anyway, let’s work,” ang anunsyo naman niya. Dumeretso naman kami sa photo studio. Natigilan naman ako nang may makitang ibang Hair and Makeup Artist na naroon. “Magnus, kailangan ba ako rito?” ang tanong ko naman sa kanya. “Mukhang kumuha sila ng Hair and Makeup studio.” “Of course,” ang tugon ko naman. “Ikaw lang ang gusto kong mag-ayos sa akin,” ang bilin naman niya. Napatango naman ako. May lalake namang lumapit sa amin. Si JC Pascua; isang ding sikat na modelo. “Magnus, narito ka na pala,” ang sabi niya kay Magnus. Napatingin naman siya sa akin. “Sino siya?” “Ah, si Chuckie—” “Angelo,” ang kaagad ko namang pagtatama sa kanya sabay tapon ng masamang tingin. Okay na ako na tinatawag niya akong Chuckie. Ayokong may madagdag pa. “Anyway, he’s my personal Hair and Makeup Artist,” ang pagpapakilala naman niya sa akin. “Chuckie, si JC, my friend.” “Kilala ko siya,” ang tugon ko naman. “Nice to meet you.” “Nice to meet you, too,” ang pagbati naman niya pabalik. Nagtungo naman ako sa mesang hindi okyupado. “Excuse me,” ang pagtawag ko sa atensyon ng Hair and Makeup Artist sa tabi ng mesa. “May gumagamit ba nito?” “Ah, wala naman,” ang tugon naman niya. “Ako na ang gagamit, ha?” ang paalam ko naman. Tumango naman siya. Inilapag ko ang backpack sa mesa at nagsimulang magset-up. “Excuse me, ikaw si Angelo del Ferro ng Lander Yee’s Hair and Makeup Studio, hindi ba?” ang tanong naman ng isa sa mga tao sa set. “Ako nga po,” ang pagkumpirma ko naman. “Bakit po at… paano niyo po ako kilala?” “Hindi mob alam?” ang tanong naman niya pabalik. “Kilala ka sa Hair and Makeup Community.” “Ha?” ang gulat ko namang reaksyon. “Tama ang narinig mo,” ang pagkumpirma naman niya. “Simula nung sumali ka sa Battle of the Brushes. Sayang nga lang kasi na-disqualify ‘yung makeup look mo pero isa ako sa mga tagahanga mo.” Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. “Maraming salamat,” ang tanging nasabi sabay kamot sa aking ulo dahil sa hiya. “Narito ka ba para tulungan kami sa shoot?” ang tanong naman niya. “Ang totoo niyan, eh, ako ang personal na Hair and Makeup Artist ni Magnus Astudillo,” ang paliwanag ko naman. Nanlaki naman ang kanyang mukha dahil sa pagkamangha. “Uhm, hindi ko nga pala alam ‘yung konsepto ng photoshoot. May nabanggit ba ‘yung creative director?” “Uhm, wala pa eh,” ang tugon naman niya. “Naghihintay din kami.” “Ah, thank you,” ang pasasalamat ko naman. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang creative director. Nagmeeting muna kami sa haira nad makeup looks na kailangan naming gawin. Nang matapos ay dumeretso ako sa station kung saan naghihintay si Magnus. Sinimulan ko naman siyang ayusan. Mga damit ang kanilang imomodelo. Naging abala ang mga Hair and Makeup Artist sa pag-ayos ng mga modelong tinawag nila. “Okay na po ba to?” ang tanong ko sa creative director nang madaan siya upang tigan ang mga gawa naming. “Okay na,” ang pagkumpirma naman niya. Napatango naman at ngumiti. ‘Magnus, mauna ka na.” “Sure thing,” ang kaagad namang pagpayag ni Magnus sabay tayo. Sinundan naman niya ang photographer. Hindi ko namalayan na may taong naupo sa upuan ni Magnus. Nagulat na lamanag ako nang ibalik ko ang aking tingin. Si Nick. “Anong ginagawa mo?” ang tanong ko naman. “Magpapaayos sa’yo,” ang tugon naman niya. “Personal akong Hair and Makeup Artist ni Magnus, ang ibig sabihin, siya lang ang aayusan ko,” ang tugon ko naman. “Ang rinig ko, parte ka pa rin ng isang Hair and Makeup Studio. Hindi ka freelance.” “Sir, dito na lang ho kayo,” ang pagtawag naman ng isa pang Hair and Makeup Artist sa tabi ko. Napatingin naman kami ni Nick. “Ayoko,” ang malamig namang pagtanggi ni Nick. “Kailangan mong maparusahan,” ang sabi naman niya sa akin. “Akala mo, tapos na tayo,” ang sabi niya. “Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mapagtatanggol ka nung Magnus na ‘yun.” “Umalis ka diyan,” ang utos ko naman. Umiling naman siya. “Bahala ka,” ang tugon ko naman sabau kuha ng brush at powder. Kailangan kong bantayan si Magnus. Kaagad naman akong nagtungo sa tabi ng photographer at nakinig sa mga utos niya. Ilang beses kong rinetouch si Magnus; pati na rin ang pag-ayos ko sa kanyang buhok. “Okay, Magnus, great shot!” ang sabi ng photographer. “Alisin mo yang shirt mo; yang leather jacket lang.” Kaagad namang tumalima si Magnus. Hinubad niya ang leather jacket at inabot sa akin. Sunod naman niyang hinubad ang suot niyang putting T-shirt. Nakarinig ako ng mga bulungan sa malapit. Napanganga rin ako nang makita ang katawan ni Magnus. Nakita ko na ito ng maraming beses sa print pero iba talaga kapag sa totoong buhay. Grabe ang abs. Napalunok naman ako sa aking nakita. “Angelo,” ang pagtawag naman sa akin ni Magnus kay binaling ko ang tingin ko sa kanyang mukha mula sa mga pandesal niya. “The jacket, please. Take this.” Inabot ko naman sa kanya ang leather jacket at kinuha nag puti niyang T-shirt. Kaagad naman akong umalis at bumalik sa tabi ng photographer. Nakuha na nga ng abs ni Magnus ang buo kong atensyon. Para itong kumikinang sa liwanag. Hindi naman nagtagal ay natapos ang shoot niya. Inabot ko sa kanya ang kanyang T-shirt. Binilinan si Magnus ng creative director na magtungo ng wardrobe upang magpalit para sa susunod na damit na kailangan niyang imodelo. Bumalik naman ako sa aking station. Naroon pa rin si Nick. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD