Chapter Thirty-five: Brotherly Love

2820 Words
Angelo’s Point of View “Tinder?” ang tanong naman ni Mama. “Ano ‘yun?” “Dating app, Ma,” ang paliwanag ko naman. “Malay mo, makakita ka ng afam doon. Mahilig pa naman sila sa exotic beauty.” “Ano bang nakain mo, Angelo?” ang tanong naman ni Kuya Angelbert sa akin. Napakunot naman ako ng noo. “Anong ibig mong sabihin, Kuya?” ang tanong ko naman pabalik. “Napaka-hyper mo ngayon,” ang tugon naman ni Kuya. “Lumaklak ka ba ng energy booster?” “Hindi naman. Kuya,” ang tugon ko. “Pero mukhang maganda ang epekto ng pagtratrabaho mo sa studio ni Lander,” ang komento naman ni Kuya. Nang matapos kami maghapunan ay nagpaalam naman si Mama na magpapahinga na siya. Ako naman ay nagtungo sa aking sariling kuwarto. Ginawa ko naman ang kinagawian kong ritwal sa gabi; ang pagligo, pagpalit ng damit at ang paggamit ng skincare tulad ng ibinilin ni Kuya Angelbert. Umupo ako sa kama at napatingin sa bag na binigay ni Magnus. Napangiti naman ako. Kahit paano ay may angking bait din naman pala si Magnus kahit paano. Bigla ko namang naramdaman ang pag-ihip ng hangin. “Ang ginaw,” ang sabi ko naman sa aking sarili sabay tingin sa bintana. Pinanood ko naman ang pagsayaw ng kurtina sa salin ng pag-ihip ng malamig na hangin. Tumayo naman ako upang isara ang bintana. Natigilan naman ako nang makita si Kuya sa maliit naming hardin. Nakupo siya sa isa sa mga bangko at mukhang umiinom mag-isa. “Bakit siya umiinom mag-isa? May problema kaya siya?” Isinara ko naman ang bintana. Nagtungo naman ako sa tapat ng aparador; binuksan ko naman ‘yun at kumuha ng isang jacket. Sinuot ko naman ang jacket at lumabas ng kuwarto. Dumeretso ako sa hardin kung nasaan si Kuya Angelbert. “Kuya,” ang pagtawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa direksyon ko. “Angelo, akala ko nagpapahinga ka na,” ang komento naman niya. “Magpapahinga na sana,” ang tugon ko naman. “pero nakita kitang umiinom mag-isa rito. May problema ka ba?” “Wala naman,” ang saad niya sabay iling. Naupo naman ako sa tabi niya. Inalok naman niya ako ng isang lata ng beer. Kinuha ko naman ‘yun mula sa kanya. “Nagmumuni-muni lang ako.” “Ano namang iniisip mo, Kuya?” ang tanong ko naman sabay inom ng beer. Napangiwi ako sa pait ng alak na ‘yun. “Mabigat lang ang pakiramdam ko,” ang tugon niya. “Sa tuwing nakikita ko si Mama na nagkakaganun; mabigat sa pakiramdam.” Napabuntong-hininga naman ako. “Hindi ko rin maintindihan kung paano nagawa ni Papa ang bagay na ‘yun,” ang komento ko naman. “All along… naniwala ako na loyal siya kay Mama.” “Wala na siyang ibang ginawa kundi ang manakit,” ang galit na komento naman ni Kuya. “Wala rin akong nagawa nung pinaalis ka niya; wala pa rin akong magawa ngayong nasasaktan si Mama.” “Masyado ka talagang mabait, Kuya,” ang komento ko sabay ngiti. “Pero hindi mo kailangang akuhin lahat ng responsibilidad.” “Hindi mo ako masisisi, Angelo,” ang saad naman niya. “Ako ang panganay; nasanay ako na umako ng responsibilidad. Angelo, marami kang hindi alam.” Nagsimula namang lumuha si Kuya Angelbert. Hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin. “Kuya, hindi na tayo mga bata,” ang komento ko. “Hindi mo na ako kailangang protektahan. Sa totoo lang… nagpapasalamat na rin ako na… nangyari ang lahat ng nanyari sa nakaraan.  Hindi ko naman maitatanggi na nasaktan ako nung pinalayas ako ni Papa dahil sa nalaman niyang nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki pero… nang dahil doon, mas nakilala ko pa ang sarili ko; ang sekswalidad ko. Mas natanggap ko ang sarili ko. Nagmahal ako… nasaktan pero bumabangon pa rin. Naniniwala ako na kung ano mang pinagdadaanan ni Mama ngayon; malalagpasan niya rin ‘yun,” ang dagdag ko pa. “May rason ang lahat ng nangyayari sa mga buhay natin. That’s at least what I believe.” “Naks naman,” ang tukso niya. “Matanda na talaga ang baby brother ko.” Natawa naman ako sa sinabi niya. “Pero Angelo, pwede bang masabihan ka ng isang bagay na bumabagabag sa akin ng matagal na panahon?” ang tanong niya. Tumango naman ako. “Nung nasa High School pa lang tayo, nahuli ko si Papa na may kasiping na ibang babae,” ang pagsisimula niya. “Maaga akong natapos sa klase isang araw tapos umuwi ako. May kakaiba akong narinig mula sa kuwarto nila Mama at Papa. Dahan-dahan namana kong lumapit. May nakita akong siwangat sumilip ako. Ayun nga may ginagawa sila.” Tumango naman ako. “Hindi ko alam kung nasa lugar ba ako para magbigay ng payo, Kuya,” ang sabi ko naman habang nakatitig sa kawalan. “Pero sa tingin ko, mas makakabuti sa’yo na kalimutan na ang mga nakita mo. Siguro nga… blessing in disguise ang nangyari.  Kahit paano ay nakawala si Mama sa isang toxic marriage. Hindi naman masama ang loob ko sa kay Papa pero… hindi ko naramdaman na nagkaroon siya ng parte sa buhay ko.” “Salamat, Angelo,” ang pasasalamat naman niya sa akin. Tumango naman ako sabay ngiti. “Cheers?” ang tanong ko sabay angat sa aking hawak na beer. “Para saan naman?” “Para sa mga kabanatang natapos at magsisimula pa lamang,” ang tugon ko. Ngumiti naman siya. “Cheers,” ang saad niya. Sabay naman kaming uminom.   “Kuya, pwede ba akong magtanong?” ang paalam ko naman. “Sige,” ang pagpayag naman niya. “Anong una mong naisip o naramdaman nang malaman mong… uhm, alam mo na… na bakla ako?” ang nag-aalangan ko namang tanong. “Noong una, weird sa pakiramdam. Tinatanong ko ang sarili ko, possible ba? Kung oo, paano?” ang tugon naman niya. “Nagulat ba ako? Hindi. Dahil lahat na lang ng tao sa paligid ko, tinatanong kung bakla ka.” “Sorry, Kuya,” ang paghingi ko naman ng paumanhin sa kanya. “Nakakahiya siguro.” “Angelo, kahit kailan, hindi kita ikinahiya,” ang komento naman niya. “Alam mo ba kung anong sinasagot ko sa tuwing tinatanong nila ako ng bagay na ‘yan?” “Ano naman, Kuya?” “Ano naman ngayon kung bakla ang kapatid ko? May problema ka ba?” ang tugon niya. “Tapos ipapakita ko ang kamao ko. Noong una, ayokong maniwala hanggang sa narinig ko mismong galing sa’yo. At nung umamin ka nga sa mga magulang natin, okay lang sa akin.” “Ang swerte ko naman na meron akong isang kapatid na isang katulad mo,” ang puri ko naman. “Swerte ka talaga,” ang pagsang-ayon naman niya na ikinatawa niya. “Okay ka na?” ang tanong ko naman. “Okay na ako,” ang tugon naman niya. “Pakiramdam ko, nabunutan ako ng isang tinik sa lalamunan.” “Mabuti naman kung ganun, Kuya,” ang saad ko. “Osiya, papasok na ako sa loob; medyo inaantok na ako.” “Sige,” ang pagpayag naman niya. “Magpahinga ka na rin, Kuya,” ang bilin ko naman. “Sige, tatapusin ko lang itong isa pang lata ng beer,” ang tugon niya. Dumeretso naman ako sa loob ng bahay at nagtungo sa aking kuwarto. Kinuha ko naman ang aking phone at nag-message kila Shine at Kathleen. “Libre ba kayo bukas?” ang tanong ko sa group chat naming tatlo. “Day off ko bukas. Magkita naman tayo.” “Tamang-tama, day off din naming bukas,” ang tugon naman ni Shine. “Anong gusto niyong gawin?” “Uhm, manood tyao ng movie?” ang suhestyon ko naman. “Ang tagal na nating hindi nakakapunta ng sinehan.” “Gusto ko rin niyan!” ang pagpayag naman ni Kathleen. “Sige, pero anong movie?” ang tanong naman ni Shine. “Horror?” “Pwede bang romance na lang?” ang suhestyon ko naman. “Ayokong matakot ng tanghaling tapat.” “Sure,” ang kapwa nila tugon. “Anong oras?” “Magkita na lang tayo sa mall around 1pm,” ang sabi ko naman bago nagpaalam na matutulog na ako. Bago ko pa lang mailapag ang phone ko sa mesa ay tumunog ito. Muli kong tinigan ang screen. Isang notification mula sa **. Nag-post si Magnus. Kaagad ko namang tinignan ‘yun. Litrato niya sa set kanina at nakatag ako bilang Hair and Makeup Artist niya. Tinap ko naman ang heart bago inilapag ang aking phone sa mesa. Pinikit ko ang aking mga mata at hindi naman nagtagal ay nakatulog ako.     MINULAT ko ang aking mga mata, ang puting kisame ang bumunga sa aking mga mata. Napaupo ako at tumingin sa alarm clock. Alas diyes na ng umaga. Nang tuluyang mawala ang aking antok ay bumangon na ako at sinimulan ang araw na ito. Nang makapag-ayos ay nagtungo ako sa kusina upang maghanda ng almusal. Tahimik pa rin ang bahay. Mukhang ako lang ang tao ngayon. “Umalis na kaya si Kuya? Si Mama kaya?” ang mga tanong ko sa aking sarili.  Nang makaluto ng pagkain ay sinimulan ko namang kumain. Dumating naman si Mama. May bitbit siyang ecobag na may tatak ng supermarket na palagi niyang pinupuntahan. Ang hula ko ay namili siya. “Narito ka pala, Angelo,” ang komento naman niya nang makita ako. “Wala ka bang trabaho?” “Day off ko ngayon, Ma,” ang tugon ko naman. “Ah, lalabas ka rin ba?” ang tanong naman niya. “Lumabas si Kuya?” ang tanong ko naman pabalik. “Kanina pa,” ang tugon naman ni Kuya. Napatango naman ako. “Lalabas din ako, Ma” ang paalam ko naman. “Makikipagkita ako sa mga dati kong katrabaho. Pupunta kami ng sinehan.” “Sige,” ang pagpayag naman ni Mama. “Pero dito kayo kumain ng hapunan.” “Sige, Ma. Uuwi ako bago maghapunan.” Nang matapos akong mag-almusal ay tinulungan ko muna si Mama mag-ayos ng mga pinamili niya at sa ilang gawaing bahay.   SA MALL… Maaga akong nakarating sa mall. Kasalukuyan akong naghihintay sa tapat ng sinehan. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na nga sila Shine at Kathleen. Pumila naman kami at namili ng mga upuan. Nang makabili kami ng ticket ay sunod kaming bumili ng popcorn at inumin. Pumasok kami ng sinehan at nanood ng sine. Luhaan sa tuwa ang dalawa pagkatapos ng romance movie na pinanood naming. “Gustong-gusto ko talaga ng happy ending,” ang saad ni Shine sabay punas ng kanyang luha. “Naluluha talaga ako kapag nagkakatuluyan ang mga main characters pagkatapos ng masakit at mahabang panahon.” “Sinabi mo pa,” ang pagsang-ayon naman ni Kathleen na nagpunas din ng kanyang sariling luha. Hindi ko masabi kung sumasang-ayon ako sa kanila. Siguro masyado langa kong naging idealistic sa ideya ng pag-ibig. Siguro nasobrahan ako sa kapapanood ng mga romance films kaya naman naapektuhan ang paniniwala ko sa pag-ibig. Ganyan din ako dati, tuwang-tuwa sa mga happy ending. Pero… iba na ngayon. Pakiramdam ko kasi… isa na itong bagay na hindi na darating sa akin. Overacting lang na ako? Siguro. Pero bilang isang taong katulad ko… hindi naman espesyal, hindi guwapo at walang charisma. Itinadhana ako upang tumanda ng mag-isa. Pero bakit ko nga inaalala ang mga ito? Ang mahalaga, nadala na ako. WALANG magandang naidudulot sa buhay angmga guwapo. Periodt. No erase. “Tara na nga,” ang yaya ko naman ngunit kaagad akong natigilan nang makita ang isang pamilyar na mukha na palabas ng sinehan. Nagsalubong naman ang aking mga kilay. Si Kuya. “Tara na, dali!” Madalian naman akong naglakad palabas ng sinehan upang sundan si Kuya Angelbert. May kasama kaya siya? Nasagot ang aking katanungan nang makalabas ako ng sinehan. Nakita ko si Kuya na naglalakad palayo. May kasama siyang babae na maikli ang buhok. Hinawakan naman niya ang kamay nito at ang sweet nilang naglakad paloob ng isang store. “Bakit biglaan kang lumabas?” ang tanong naman ni Shine nang makahabol. “Narito ang Kuya ko,” ang tugon ko naman. “Sundan natin pero huwag kayong papahalata.” “Uhm, sige,” ang nag-aalangan naman nilang pagpayag. Hindi ko naman ‘yun pinansin; bagkus ay naglakad ako patungo sa shop na pinasukan nila. May mga stuffed toy at kung anu-ano pang binebenta. Sumilip naman ako sa loob at nakita nga si Kuya at ang babaeng kasama niya. Pumasok naman kami sa loob. “Ang cute naman ng mga stuff toy dito,” ang sabi ko. Umarte naman akong tumitingin ng mga stuff toy hanggang sa malapitan ko sila. Wala namang problema sa akin kung sino nag kasama ni Kuya. Curious lang ako kung sino ang kasama niya. Umarte naman akong nakita sila. “Kuya Angelbert?” ang pagtawag ko sa kanya. Kapwa naman sila napalingon at napatingin sa akin. “A-Angelo?” ang gulat naman niyang reaksyon nang makita ako. “Anong ginagawa mo rito?” “Ah, sinamahan ko ang mga kaibigan ko; nadaan kami rito sa shop na to,” ang pagsisinungaling ko naman. “Kuya, sino siya?” “Ah, Angelo, siya si Jackie,” ang pagpapakilala ni Kuya sa kanya. “Jackie, siya ang nakababata kong kapatid; si Angelo.” “Akala ko ba nagpunta ka ng reunion, Kuya?” ang tanong ko naman. “Mamaya-maya pa ‘yun,” ang tugon naman niya. “Ka-batch ko si Jackie at sabay kaming pupunta roon.” “Siya ba ‘yung naikwekwento mong Flight Attendant?” ang tanong ko naman. “Isa nga akong Flight Attendant pero hindi ko alam kung ako ba ‘yung Flight Attendant na tinutukoy mo,” ang nakangiting komento naman ni Ate Jackie. Mukha naman siyang mabait. “Ikaw ba yung nagbigay ng Korean skincare kay Kuya?” ang tanong ko. “Ako nga,” ang pagkumpirma naman niya. “Kaano-ano mo—este, ang ibig kong sabihin ay anong relasyon niyo ni Kuya?” ang deretsahan ko namang tanong sa kanya. Nagkatinginan naman ang dalawa. “Bakit hindi ang kuya mo ang tanungin mo?” Binaling ko naman ang tingin ko kay Kuya. “Ah, kay Kuya na maraming sekreto,” ang tukso ko naman. “Liniligawan ko si Jackie,” ang sabi naman ni Kuya. Tumango naman ako at ngumiti. “Sagutin mo na siya, Ate,” ang suhestyon ko naman kay Ate Jackie. “Hinding-hindi ka magsisisi. Napaka-suppportive niyang kapatid, guwapo pa, mabait, generous. Wala ka nang hahanapin pa sa ibang lalaki. Dahil lahat na ng magandang katangian ay nakay Kuya. Promise!” “Convincing,” ang komento naman ni Ate Jackie. “pero pag-iisapan ko muna.” “Dapat lang, Ate,” ang tugon ko. “Angelo,” ang suway naman ni Kuya. Halatang nahihiya. Gusto kong matawa sa kanyang mukha “Osiya, nice meeting you,” ang paalam ko naman sa kanya. “Kuya Angelbert, ang bilin pala ni Mama, sa bahay tayo maghapunan.” “Sige,” ang tugon naman ni Kuya Angelbert. Tinawag ko naman sila Kathleen at Shine; lumabas naman kami ng shop na ‘yun. “Nagugutom na ako,” ang sabi naman ni Kathleen. “Saan tayo?” ang tanong ko naman. “Sa dati ba?” ang tanong naman ni Shine. “Nagsasawa na ako,” ang komento ko naman na sinang-ayunan nila. Naghanap naman kami ng makakainan. Sa isang Japanese restaurant kami nagpunta at napagdesisyunan naming kumain na lamang ng ramen noodles. Habang kumakain kami ay nagsimula naman kaming magkamustahan tungkol sa aming mga buhay at trabaho. “Kamusta nga pala ang trabaho mo bilang isang Hair and Makeup artist?” ang tanong ni Shine sa akin. “Masaya,” ang simple ko namang tugon. “Kinuha ako ni Magnus Astudillo bilang personal niyang Hair and Makeup Artist,” ang balita ko. “Hindi nga?” ang gulat naman nilang reaksyon. Tumango naman ako bilang pagkumpirma na totoo at walang halong biro ang sinasabi ko. Namangha naman sila at tinanong pa ako ng mas marami pang bagay… tulad ng mga tipikal na fan ni Magnus Astudillo an nagtutungo sa shopn hindi dahil sa gusto talaga nilang magpaayos kundi mangalap lang ng impormasyon o tsismis tungkol sa buhay ni Magnus Astudillo. “Hair and Makeup Artist niya ako,” ang diin ko naman. “Hindi niya ako personal na alalay; wala akong alam sa mga nangyayari sa buhay niya.” “Skincare routine niya? Beauty products?” “Hindi ko alam,” nag tugon ko naman. “Hindi ko naisip na tanungin.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD