Chapter Thirty-four: Gift

2840 Words
Angelo’s Point of View Pinanood ko naman si Sir Nathaniel sa kanyang paglabas ng gusali. Muli kong ibinaling ang aking tingin sa kahon. Nababalutan ito ng itim na textured gift wrapper. May nakadikit ding isang sobre sa tuktok nito. “Ano kaya ‘to?” ang tanong ko sa aking isipan. Ang pinakamahalagang tanong ay bakit niya pa pinapunta ang manager niya para lang magbigay ng ganito sa akin. Birthday ko ba? Hindi. Sa Mayo pa ang kaarawan ko. Nagsimula akong maglakad pabalik sa loob, bitbit ang kahon. Napatingin naman ang lahat sa aking direksyon. Nakaagaw ng atensyon ang itim na kahon. Kaagad namang lumapit si Sean at David sa akin nang mailapag ko ang karton sa upuan. Medyo may kalakihan ito pero hindi naman ganun kabigat. “Ano ‘yan?” ang tanong naman ni David sabay turo sa kahon. “Nag-online shopping ka?” “Hindi,” ang pagtanggi ko naman sabay kamot ng ulo. “Hindi ko rin alam kung anong nasa loob.” “Hala, baka may bomba,” ang reaksyon naman ni Sean. “OA mo,” ang komento naman ni David sabay hampas sa braso ni Sean. “Sigurado akong safe ang laman nito,” ang saad ko habang nakatitig pa rin sa karton. “Si Sir Nathaniel ang personal na nagdala at nagbigay sa akin nito.” “Sinong Sir Nathaniel?” ang pag-uusisa naman ni David. “Si Sir Nathaniel ay ang Talent Manager ni Magnus,” ang paliwanag ko naman. Napasinghap naman sila pareho nang marinig ang pangalan ni Magnus. Napaka-fan talaga sila. Napa-ikot naman ako ng mga mata. Kaagad kong naalala anng dilaw na sobre. Kinuha ko naman yun at sinilip ang laman. Isang cars. Hinila ko naman ito palabas. May nakasulat. “Sorry for unintentionally dragging you in our mess. Take this. -Magnus” “Galing pala kay Magnus!” ang gulat na reaksyon ni Sean. Hindi ko namalayan na nakibasa pala siya. “Pero anong tinutukoy niya? Ano bang nangyari?” “Ah,” ang hindi ko siguradong reaksyon. Napaisip agada ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang tungkol kay Samantha at Magnus. Rinerespeto ko ang kanilang privacy. Kung hindi nga nila isinapubliko ang kanilang relasyon; anong karapatan kong sabihin sa iba ang tungkol sa kanilang paghihiwalay? “Ah..uhm… may isang fan kasi ni Magnus na inaway ako. Hinablot niya sa akin ang makeup case ko at inihagis sa hagdan,” ang pagsasabi ko naman ng kalahati ng katotohanan. “Ha?” ang nagtatakang reaksyon naman ni Sean. “Ang pagkakaalala ko, dumulas sa kamay mo nanag pababa ka ng hagdanan kaya nabasag; hindi ba ‘yun ang sinabi mo sa akin kanina?” “Ah… eh,” ang tanging nauutal ko. Paano ka bai to lulusutan? “Parang ganun na rin ‘yun. Basta ganun nga ang nangyari kanina.” “Bakit ka naman inatake nung fan ni Magnus?” ang tanong naman ni David. “Kasi…kasi… akala niya fan din ako ni Magnus, hindi niya alam na ako ang Hair and Makeup Artist ni Magnus,” ang pagsisinungaling ko naman. Sabay naman silang napatango. Muli naman naming ibinaling ang aming mga tingin sa itim na karton. Sinimulan ko namang alisin ang itim na gift wrapper gamit ang matalas kong gunting. Maingat ko namang inalis ang scotch tape na inilagay. Ayokong mapunit ang gift wrap; nanghihinayang ako kasi maganda pa naman. Nakahinga naman ako ng maluwag nang maalis ko nang nag-iisang piraso ang balot. Isang putting karton naman ang aking nasaksihan; wala namang espesyal na karton na ‘yun kaya naman hinanap ko kaagad kung saang banda bubuksan ‘yun. Hindi naman ako nahirapan; gamit ang gunting ay ginupit ko ang scotch tape. Inangat ko ang takip at sabay-sabay kami nila Sean at David na sumilip sa loob. May naka-clear plastic. Hinugot ko naman ‘yun. “Hala,” ang pagsinghap naman ni Sean at David sa aming nakita. Inalapag ko naman ‘yun sa mesa at inalis ang clear plastic. Napakunot naman ang noo ko. “Isang backpack?” ang reaksyon ko naman. “Bakit niya ako bibigyan ng isang backpack?” “Lady gaga!” ang natatawang komento naman ni Sean sabay batok sa akin. “Aray!” ang reaksyon ko naman sabay himas sa ulo kong nasaktan. “Bakit ka ba biglang nambabatok diyan?” ang tanong ko naman. “Hindi lang basta backpack yan, baks,” ang paliwanag ni David. “Zuca yan,” ang sabi niya saby turo sa tatak. Nagkasalubong naman ang mga kilay ko. Hindi ko maintindihan dahil ito ang unang pagkakataong nakita ko ang brand na ‘yun. “Mga propesyonal na Hair and Makeup Artist ang gumagamit niyan. At hindi basta-basta ang presyo.” Kinuha ko naman ang aking phone at hinanap sa internet ang brand na ito. Nanlaki ang mga mata ko sa price range ng binebenta nilang artist case. Ang pinakamaghal ay umaabot ng halos sampung libo. Madalian ko namang binalik ang plastic case at muling sinilid ang backpack sa karton. “Anong ginagawa mo?” ang nagtatakang tanong naman ni Sean. “Hindi ko kayang tumanggap ng ganito,” ang tugon ko naman. “Ha? Anong ibig mong sabihin?” “Hindi naman kami lubos na magkakakilala,” ang paliwanag ko. Kinuha ko naman ang aking phone at minessage si Magnus sa **. “Busy ka ba?” “Chuckie!” ang reply naman niya. “Dumaan na ba si Nathaniel diyan?” “Oo,” ang tugon ko naman. “Kaya kita minessage dahil diyan.” “Did you like it?” ang tanong naman niya. “I personally chose that design for you. No need to thank me.” “Hindi naman talaga kailangan,” ang sabi ko sa aking isipan. “Salamat na lang, Magnus pero hindi ko matatanggap ‘yung binibigay mo.” “Huh? But Why? Don’t you like it? Is it too manly looking? Do you want flowers or another color?” ang mga katanungan naman niya. Napakunot naman ako ng noo sa mga nabasa ko.   “Hindi ‘yan ang pinupunto ko, Magnus,” ang pagtatama ko naman. “Then?” “Hindi ko matatanggap dahil sobra,” ang paliwanag ko naman. “Hindi ko alam kung naiintindihan mo ang gusto kong iparating. “Oh, I perfectly understand,” ang tugon naman niya. “Just think of it as a gift from my family to you.” “Regalo para saan?” “Boy, you don’t run out of questions, do you?” ang reply naman niya. Ramdam ko ang pagkairita sa nabasa ko. “For being my and Marga’s personal Hair and Makeup Artist.” “Hindi ba ‘yun naman ang trabaho ko?” “Well, yeah. Ang hirap mong kausap,” ang komento naman niya. “Okay… just take it as a welcome gift. My tip as your client. Would that be fine already, Chuckie?” “Pwedeng isama mo na rin ‘yung pagtigil mo sa pagtawag sa akin ng Chuckie?” ang sunod kong tanong. “Nope,” ang kaagad naman niyang pagtanggi. “That would be too much.” “Sa totoo lang, hindi mo talaga kailangang magbigay.” “I already did. Just take it and stop being overly dramatic.” “Fine,” ang sa wakas ay ang pagsuko ko. “Thank you, Magnus.” “Good. See you, then.” Ibinalik ko naman sa aking bulsa ang aking phone at napabuntong-hininga. “Si Magnus ba ang ka-chat mo kani-kanina lang?” ang tanong naman ni Sean. Tumango naman ako. “Sana all, close kay Magnus.” “Hindi kami close,” ang pagtatama ko naman. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa kahon na lulan ang backpack na regalo ni Magnus. Muli akong napabuntong-hininga. Kinuha ko naman ‘yun at muling kinuha ang bag mula sa loob. Sa pangalawang beses ay tinaggal ko ang clear plastic bag at sinuri ng mabuti ang backpack. Maganda nga ang backpack. Ang ibig kong sabihin ay simple lang ang disensyo nito ngunit maraming pwedeng paglagyan. Orihinal na para sa isng hairstylist ang backpack na ito ngunit mailalagay ko rin ang mga makeup na kakailanganain ko sa trabaho. May zipper sa harap. Binuksan ko naman yun at katulad nito ang isang pinto ng ref kung magbukas. Sa loob ng mismong cover ay may apat na bulsa na pwedeng paglagyan ng maliliit na bagay. Sa loob ay may apat na plastic vinyl case na pwedeng pagpatungpatungin na parang drawer. May space pa at strap na pwedeng paglagyan ng hairblower sa bandang likuran ng mga vinyl case. Isinara ko naman yun nang makontento. Sa bandang kanan ng bag ay may dalawa pang bulsa; sa kaliwa ay katulad ng style sa harap na parang ref ang istilo ng pagbubukas. Sa cover ay pwedeng paglagyan ng hairspray at iba pang hair product. Sa kabila naman nito ay may Thermal pocket kung saan pwedeng ilagay ang hair iron at hair curler. Nakakatuwa, sa totoo lang.  Hindi na ako mahihirapan magbitbit ng makeup kit at iba pang bag para sa hair products. Dahil sa excitement ay linagay ko ang mga gamit ko sa loob at sinubukang isuot. “Kamusta?” ang tanong naman ni David. “Komportable,” ang natutuwa kong tugon. “Gusto niyong subukan?” “Gusto?” ang reaksyon naman nila. “Malamang!” Hinubad ko naman ang bag at inabot sa kanila. Sinubukan naman nila ang backpack. “Komportable nga sa likod,” ang pagkumpirma ni Sean nang maisuot niya ang backpack. “Hindi nga pala ako makakapunta rito bukas,” ang paalam ko naman sa kanilang dalawa. Natigilan naman sila at napatingin sa direksyon ko “Bakit naman?” ang tanong ni David. “May photoshoot ba si Magnus at kailangan mong umalis?” “Ah, hindi sa ganun,” ang tugon ko naman. “Day off ko bukas.” “Ah, anong balak mong gawin bukas?” ang tanong naman ni Sean. “Hindi ko sigurado,” ang tugon ko naman. “Makikipagkita siguro sa mga kaibigan ko sa dati kong trabaho.” “Enjoy mo ang day off mo, besh,” ang bilin naman nila. Tumango naman ako at nagpasalamat. Pagkatapos ng trabaho ay nagpaalam ako para umuwi. Hindi makikisabay sa akin ngayon sila Sean at David dahil may booking daw sila. Kung ano mang ibig sabihin nila sa salitang booking ay wala na akong ideya at ayoko nang alamin pa. Napagod kasi ako ngayong araw. Hindi pa rin maalis sa aking isipan ang itsura ni Samantha kanina. Sa totoo lang ay nakakatakot siya. Naalala ko rin ang sinabi ni Magnus. Bakit nga ba nakikipagbalikan yung si Samantha kung siya yung nagloko. Hindi ko ma-imagine kung si Nick ang magkakaganun. Natawa naman ako sa aking kinalalagyan. Imposibleng mnagyari ‘yun. Lalo na sa isang taong katuad niya na napakataas ng pride at hindi basta-basta tumatanggap ng mali. Napailing na lang naman ako at dumeretso sa sasakyan.  Nagmaneho naman ako pauwi. Ito ang unang pagkakataong hindi ko naubutan si Mama sa sala at nanonood ng Korean drama. Medyo kakaiba ang awra ng bahay ngayon. Masyadong tahimik. Dumeretso naman ako sa kusina. Naroon na si Kuya at naroon nga si Mama. Tahimik silang naghahanda ng hapunan. Napakunot ako ng noo. Napakalungkot ng itsura ni Mama habang naghihiwa ng gulay. Napatingin ako kay Kuya. “Anong meron?” ang tanong ko kay Kuy Angelbert gamit ang aking mga labi. “Ngayon ang anniversary nila Mama at Papa,” ang tugon naman ni Kuya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa aking nalaman. Napatingin naman ako sa kalendaryo. Tama nga si Kuya. Wedding Anniversary ng mga magulang naming ngayon pero anong maggawa naming? Sumakabilang-bahay na si Papa. “Ma,” ang pagtawag ko naman sa kanya. “Kami na ang bahala ni Kuya sa hapunan. Maupo ka na muna sa sala at manood ng ng Korean drama,” ang bilin ko naman sabay kuha ng kutsilyo mula sa kanyang kamay. Tahimik namang lumabas si Mama ng kusina. Nakahinga naman ako ng maluwag. “Buong araw ba siyang ganyan?” ang tanong ko naman kay Kuya. “Hindi ko sigurado,” ang tugon naman ni Kuya. “Pero simula ng pagdating ko ay wala na siyang enerhiya. Hindi nga nakapagluto dahil nalulungkot. Hayaan na muna natin siya. Ngayong gabi, si Chef Angelbert ang bahala sa hapunan ng Pamilya del Ferro.” “Asus,” ang komento ko naman. “Oo na, god Angelbert.” “God ka diyan,” ang reaksyon niya. “Naalala ko nga pala. Kamusta ang araw mo? Kamusta ang trabaho kasama si Magnus Astudillo?” “Okay lang,” ang walang gana kong tugon. Naalala ko na naman kasi si Samantha. “Wala naman akong masyadong ginawa. Inayusan ko lang naman si Magnus. Most of the time, pinanood ko lang yung video shoot niya para sa isang commercial, tapos retouch. Ganun.” “O? Anong klaseng commercial naman?” “Fabric conditioner,” ang tugon ko naman. “Yung pangkaraniwang commercial ng sabon o pabango na may dumaan na babae tapos nainlove ‘yung lalake sa amoy ng damit,” ang paliwanag ko sa buong konsepto ng commercial. “Napakababaw. Halos lahat na ng klase ng fabric conditioner ay nagamit ko na pero linoko pa rin naman ako at iniwan.” “Ang bitter,” ang natatawang komento naman ni Kuya. “Grabe ‘yang hugot mo; ang lalim. Mas malalim sa Mariana’s Trench.” “Ano ‘yun?” “Ah, ayun yung pinakamalalim na parte ng mundo,” ang paliwanag naman ni Kuya. “Pasensya na, Kuya… pero hindi ako makasabay sa mga biro ng mga matatalino,” ang komento ko naman.  Awkward naman siyang napailing. Sinimulan ko naman ang hinihiwa ni Mama kanina lang. “Hay, makakapagpahinga na rin bukas,” ang malakas ko namang nasabi. “Day off mo?” ang tanong naman ni Kuya. “Oo, Kuya,” ang tugon ko naman. “Ako rin.” “Anong gagawin mo bukas?” ang tanong ko naman. “May mga plano ka ba?” “Bakit?” ang tanong naman niya pabalik. “Yayain mo ba ako lumabas?” “Ah, hindi naman,” ang paglilinaw ko. “Mas gusto kong manatili muna dito sa bahay.” Tumango naman siya. “Ang totoo niyan… may pupuntahan ako bukas. Makikipagkita ako sa ilang mga kaibigan na matagal kong hindi nakita. Reunion sa madaling salita.” “Baka naman makikipag-date ka lang,” ang tukso ko naman. “Wala akong oras sa mga ganyan, Angelo,” ang reaksyon naman niya sabay talikod sa akin. Napa-iling naman ako. Mukhang totoo nga ang sinabi ko kanina lang. Tinulungan ko nga si Kuya sa pagluluto. Nang matapos ay tinawag ko naman si Mama upang maghapunan. Walang gana naman siyang nagtungo sa kusina. Tahimik naman kaming nagsimulang kumain. May pailan-ilang beses kong sinusulyapan si Mama bago napapatingin kay Kuya. “Sa totoo lang,” ang pagbasag ni Mama sa katahimikan. Kapwa naman kami natigilan ni Kuya. “hindi ko pinangarap para sa inyo ang magkaroon ng isang hindi kompletong pamilya.” “Ma, naiintindihan naman naming ang sitwasyon,” ang komento naman ni Kuya. “Kaya huwag mo niyo na kaming intindihin.” “Tama si Kuya, Ma,” ang pagsang-ayon ko naman. “Isa pa, hindi na kami mga bata.” “Minsan naiisip ko, naging masama ba akong asawa? Nagkulang din ba ako bilang isang ina?” ang mga katanungang itinapon ni Mama sa amin ni Kuya. “Ma, kahit kailan, hindi ka naging masamang ina sa amin ni Angelo,” ang pagtatama naman ni Kuya. “Huwag niyo akong alalahanin; nalulungkot lang ako,” ang sabi naman ni Mama. “Mahirap lang tanggapin na sa kabila ng lahat; nagawa pa rin ng Papa niyong ipagpalit ako sa iba.” “Wala sa inyo ang problema; na kay Papa,” ang matigas ko namangs inabi. “Pareho lang sila ni Nick. Huwag niyo nang pag-aksayahan ng luha pa ang mga taong hindi naman deserving sa buhay niyo. Isipin niyo na lang, sa kalayaan na ipingakaloob sa inyo, mas mabibigyan niyo ng oras ang sarili niyong kaligayahan.” “Tama si Angelo, Ma,” ang pagsang-ayon naman ni Kuya. “Gawin niyo na rin ang mga bagay na gusto niyong gawin sa buhay. Matatanda na rin kami ni Angelo. Kaya na naming ang aming mga sarili kaya naman kung kami lang ang inaalala niyo; huwag ma.” ‘Hindi niyo ba naisip na maghanap ng iba?” ang tanong ko naman. “Ano ba yang tinatanong mo sa akin, Angelo?” ang reaksyon naman ni Mama. “Okay lang po naman sa akin kung gusto niyong mag-asawa ulit,” ang komento ko naman. Napatingin naman ako kay Kuya. “Oo, Ma. Okay lang din naman sa akin,” ang pagsang-ayon din naman ni Kuya. “Turuan kita gumamait ng Tinder, Ma” ang sabi ko naman.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD