Chapter Eleven: Training

1726 Words
Angelo's Point of View “Face Primer ang tawag dito,” ang paliwanag naman ni Sean sabay kuha sa isang botelya. “Linalagay ito bago ilagay ang foundation. Pinapaliit din niya ang pores sa mukha, para rin mas matagal ang mga product sa mukha at para mas smooth din ang application.”             Tumango naman ako nang maintindihan ang paliwanag niya patungkol sa produktong ‘yun. “Foundation. Pinaka-importante. Pangpantay ng skintone. May cream, liquid at powder. Pero madalas, liquid ang ginagamit natin,” ang paliwanag niya sa susunod pang botelya. “Bronzer, para pak na pak ang golden glow. Concealer, pangtago ng mga blemishes at ng masakit na nakaraan.” Natawa naman ako sa sinabi niya. “Ayan, tumatawa ka rin naman pala. Contour Powder naman ito, pang define ng mukha; kung gusto ng kliyente natin na paliitin ang kanyang mukha, ito nag solusyon. Eyelash Glue… Eyebrow Pencils…Eye Primer.” “Para saan naman yan?” ang tanong ko. “Ah, katulad din ito ng face primer,” ang paliwanag niya. “Pero ito naman ay para sa eye-shadow. Ginagamit din natin ito para mas lalong tumingkad ang mga kulay. Face Powder… pang-set ng foundation at pangpatanggal ng kinang para natural ang effect. Highlight… para sa more na more na glow na parang isang diyosa. Lip stick… Lipgloss… Lipliner… Mascara… Setting Spray, para mas tumagal ang make-up. Ito ang pinakahuling linalagay. Blusher… at makeup remover. At yun na yun para sa makeup products na giangamit ng isang makeup artist.” “Ang dami pala!” ang bayolente ko namang reaksyon na ikinatawa niya. “Oo,” ang pagkumpirma naman niya. “Pero kapag paulit-ulit mo namang gagawin, masasanay ka na rin. Handa ka na bas a susunod?” Kahit hindi naman talaga ako sigurado ay tumango ako. May kinuha naman siya sa kabilang drawer ng vanity table. Isang lalagyan ulit. Inilapag naman niya ‘yun sa mesa at binuksan. Namangha naman ako sa aking nakita; mga makeup brush. Iba-ibang laki at hugis. “Lahat ba ‘yan ay ginagamit?” ang tanong ko naman habang pinipilit na bilangin ang mga brush sa lalagyan. “Hindi naman,” ang tugon niya. Sinimulan naman niyang ipaliwanag ang mga gamit ng iba’t-ibang brush. Gamit ang aking memepad sa aking smartphone; nagsimula akong kumuha ng litrato at maglagay ng notes. Powder brush, foundation brush, kabuki brush, contour brush, fan brush, blush brush, mga iba’t-ibang uri ng eye shadow brush, eyeliner at brow brushes, lip brush at lip liner brush. “Bukod pa sa mga brushes na ito, gumagamit din tayo mga blenders.” Muli kong kinuhanan ng litrato ang mga ‘yun at linagay ang mga pangalan at gamit ng mga ‘yun. Buong magdamag niya akong tinuruan ng patungkol sa makeup tulad ng day time at night time looks, at iba pang bagay.  Kahit paano ay nagsisink-in naman sa akin ang mga paliwanag niya. Mas naiintindihan ko dahil napaka-kwelang tao niya, may mga litrato siyang pinapakita kaya naman mas naging madali ang lahat. “Handa ka na ba sa isang test?” ang tanong naman niya sa akin. “Hala!” ang reaksyon ko naman. “Agad-agad? Anong test?” “Cherry… Apple… Halikayo,” ang pagtawag naman niya sa dalawang miyembro ng kanyang team. May dalawang babae namang lumapit. “Maupo kayo. Angelo, ang test na gagawin natin ay kasiyahan lang. Bibigyan kita ng isang okasyon tapos kailangan mong gumawa ng isang makeup look gamit base sa okasyong ibibigay ko.” Sa totoo lang ay kahit na hindi seryosong pag-susulit ito; kinakabahan pa rin ako. “Ready na, besh?” ang tanong naman niya sa akin. “Ready na,” ang pagkumpirma ko naman. “Sige, uhm, ang makeup look na kailangan nating gawin ay… isang glam look,” ang anunsyo naman niya. Napakunot naman ako ng noo. “Glam look? Sorry, pero ano ‘yun?” ang tanong ko naman. “Red Carpet, Glamorous! Pak na pak!” ang pakwela naman niyang paliwanag. “Ganern!” Tumango naman ako. Sa totoo lang ay wala pa rin akong ideya sa aking gagawin. Napabuntong-hininga naman ako at isa-isang tinignan ang mga produkto sa lalagyan. Sinubukan kong alalahanin ang bawat gamit ng isa. Inilabas ko naman ang sa tingin ko ang mga kailangan kong gamitin at linagay ang mga ito sa isang linya; mula sa face primer na sa tingin ko ang pinaka-una kong gamitin hanggang sa setting spray na pinakahuli. Sunod ko namang sinuri ang mga brush na kailangan kong gamitin. Hindi ako sigurado kung aling brush ang dapat gamitin sa bawat produkto pero bahala na si Superman! Sinimulan ko naman ang paglagay ng mga produkto sa mukha ng babaeng nakatoka sa akin. Sa tingin ko naman ay maganda ang aking simula. Natigilan naman ako nang kunin ko ang eyeshadow pallet. Napakaraming kulay at hindi ko alam kung ano at paano gagawin. Ano nga bang dapat kong gawin? Hindi…. Anong mga kulay ang mga dapat kong gamitin na babagay sa ganoong okasyon? Napa-iling na lang ako. Pagkatapos ng lagpas labing-limang minuto ay ginamit ko ang setting spray; senyales na  natapos na ako sa aking ginagawa. Napatingin ako sa gawa ni Sean. Napanganga naman ako sa aking nakita. Ang ganda at hindi maitatangging gawa ito ng isang propesyonal. “Tapos ka na?” ang tanong naman niya sa akin. “Tapos na,” ang pagkumpirma ko naman. “Patingin nga,” ang sabi naman niya sabay tingin sa ginawa ko. Tahimik niya namang pinagmasdan ang aking master piece. Dahil sa katahimikan niyang ito, mas lalo akong nakaramdam ng kaba sa aking ginawa. Sa wakas ay tumingin siya sa akin at ngumiti. “Hindi na masama. Pero may mga bagay lang na dapat mong matutunan sa paglalagay ng makeup. Tulad nito, streaky ang pagkakalagay mo ng foundation. Napapansin mo ba ang mga linya?” Lumapit naman ako ng mabuti upang tignan ang tinitukoy niya. Tumango naman ako nang makita ang mga linyang sinasabi niya. “Kung gagamit ka ng foundation brush, madalas dapat basa,” ang payo naman niya. “O kaya gumamit ka ng beauty blender para mas maganda ang finish. Isa pa, masyadong maputi ang shade ng foundation na ginamit mo kumpara sa skin tone niya.” Napapatango naman ako sa mga tinuturo niya. “Yun lang para sa umagang ito,” ang anunsyo naman niya. “Tara na muna lumafang mga baks! Na-to-Tome Jones na akech.” Biglaan naman silang nagsialisan. Kaming dalawa na lang ang natira. “O, may isang oras kaming lunch break,” ang tugon naman niya.  “May iba ka bang pupuntahan?” “Uhm, wala naman,” ang tugon ko. “Kumain ka na muna kasama ako,” ang yaya naman niya. “Bago ka umuwi. Magkwentuhan muna tayo saglit” “Sige,” ang pagpayag ko naman. Sabay kaming tumayo at lumabas ng studio. “May alam akong karenderya malapit dito,” ang sabi naman  niya. “Keribells lang sa’yo? Mukha ka pa namang Rica Paralejo.” “Heto na naman siya sa mga pangalang may ibang kahulugan,” ang sabi ko sa aking isipan. “Sean,” ang pagbanggit ko sa kanyang pangalan. Natawa lang naman siya. “Ang ibig kong sabihin… mukha kang sosyal, yayamanin; ganern,” ang paliwanag naman niya. “Hindi naman,” ang pagtanggi ko. “Okay lang naman ako, kahit saan.” “Asus, pa-humble ang bakla,” ang komento niya. “Ako na ang magbabayad ng kakainin natin,” ang sabi ko naman. “Gusto kong magpasalamat sa pagtuturo mo sa akin ngayong araw.” “Na-enjoy mo ba?” ang tanong naman niya. “Oo,” ang tugon ko naman sabay tango. “Osiya, tara na’t kumain bago pa tayo mag-iyakan,” ang komento naman niya. “Saan moa ko ililibre?” “Uhm, may alam akong Thai restaurant na malapit dito,” ang komento ko naman. “Tara.” “Saan?” “Sa sasakyan ko, para mas mabilis,” ang paliwanag ko naman. “Naks, iba talaga ang prinsesa,” ang muli niyang tukso. Napaikot naman ako ng mga mata at natawa. Naglakad nga kami patungo sa sasakyan. “Para naman tayong mag-jowa,” nag komento niya bago sumakay. Nagsimula naman akong magmaneho patungo sa Thai restaurant na rinekomenda ko. Matagal na akong hindi nakapunta sa restawrant na ‘yun; simula noong naging kami ni Nick at nagtrabaho ako sa kumpanya. Malayo na kasi ito sa apartment at sa workplace ko. Pagkalaipas ng ilang minuto ay nakarating naman kami. Bumaba naman kami at pumasok sa restawrant. “Um-order ka lang,” ang bilin ko. “Huwag kang mahihiya.” “Sinabi mo ‘yan, ha?” ang tugon naman niya. “Walang sisihan.” Um-order naman kami. Hindi naman ganoon karami ang in-order niya pero… higit pa sa isang tao ang pwedeng kumain sa pagkain na in-order niya. Wala namang kasa sa akin ‘to. “Uhm, saan ka nailigtas ni Ate Lander?” ang tanong naman niya sa akin. “Nailigtas?” ang nagtataka kong tanong. Isa na naman ba ito sa mga bokabolaryo niyang hindi ko maintindihan? “Ang ibig kong sabihin… paano kayo nagkakilala ni Lander?” ang paglilinaw niya. “Magkaklase kami noong nag-aaral pa lang kami,” ang tugon ko naman. “Magkaibigan na rin pero hindi na kami nakapag-usap at nakapagkita pagkatapos naming makapagtapos.” “Bakit naman?” “Abala na kami sa aming mga buhay,” ang tugon ko naman. “Hindi ko nga inaasahan na itutuloy niya nag binabalak niyang pagpapatayo ng isang Hair and Makeup Studio.” “Eh, paano ka naman napunta sa studio? Pangarap mo rin bang maging isang Hair and Makeup artist?” “Ang totoo niyan, wala ito sa listahan ng aking mga gustong gawin,” ang pagtatapat ko naman ng aking katotohanan. “Kabre-break ko lang sa boyfriend ko, ilang linggo na ang nakararaan. Nang nagkita kami ni Lander kahapon sa supermarket, hinakayat niya akong subukan ito. Kaya ayun, narito ako.” “Pwede bang malaman kung paano kayo naghiwalay nung ex-boyfriend mo?” ang tanong niya. Ipinaliwanag ko naman sa kanya lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Nick. Nakinig naman siya habang kinakain ang Pad Thai na kanyang in-order.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD