Chapter Twelve: Decision

1679 Words
Angelo's Point of View “Ang lungkot naman ng lovelife mo,” ang komento naman niya. “Pero nanggigigil ako sa ex mo, ha! Sandali, may litrato ka pa ba niya?” Naalala ko, hindi ko pa pala binubura ang mga litrato naming dalawa. Inilabas ko naman ang aking smart phone at tinignan ang aking gallery. Pinakita ko naman sa kanya ang lirato ni Nick. “Hala, Baks! Ang pogi” ang reaksyon niya. “Pero aanhin mo naman ang pogi kung sasaktan ka lang at gagamitin. Ang hirap talaga maging bakla, ano?” “Ikaw ba?” ang tanong ko naman. “Anong kwento mo?” “Sigurado ka bang gusto mong malaman ang kwento ko?” ang tanong naman niya pabalik. “At bakit hindi?” ang reaksyon ko naman. “Te, ang maghanda ka ng panyo o isang box ng tissue diyan,” ang bilin naman niya. “Pang Magpakailanman o Maala-ala mo kaya ang buhay ko.” “Makikinig ako,” ang pagkumpirma ko naman. “Paano ko nga ba sisimulan?” ang retorikal niyang tanong. Hinintay ko naman siyang magkwento. “Hindi tulad mo; laki ako sa hirap. Sa squatter area ako namulat. Bata pa lang ako, ramdam ko nacmay kakaiba sa akin pero dahil bata pa lang ako ay wala akong kaide-ideya tungkol sa aking tunay na katauhan. Ang totoo niyan, naunang naging tampulan ako ng tukso ng ibang mga bata sa lugar namin. Dahil dun, natakot akong lumaking maging isang bakla. Lumaki ako sa isang paligid na hindi tanggap ang mga katulad natin kaya naman… nagtago rin ako sa aparador ng maraming taon. Pero nakakasakal magtago at magkunwari. Isa pa, hindi lang naman ‘yun ang problema ko; bata pa lang ay kinailangan ko nang gumawa ng paraan para mapag-aral at napakain ko ang aking sarili ng tama. Yung nanay ko kasi… maagang namatay, tapos yung tatay ko… ayun nalulong sa alak at pagsusugal. Kaya naman habang nag-aaral, suma-sideline kami ng kapatid kong si David. Naging iba nag epekto ng mga karanasan naming kay David. Mas lumaki ang galit niya sa mundo. Kaya kung may sabihin man siya sa’yo na hindi mo magustuhan; ako na ang humihingi ng despensa. Hayaan mo na lang siya at pilit na intindihin.” “Naiintindihan ko,” ang pagpayag ko naman. Hindi dapat hinihusgahan ang mga tao sa kanilang kilos. “Salamat,” ang pasasalamat naman niya. “Ayun nga, nang makapagtapos kami ni David, napagddesisyunan naming umalis ng lugar na kinalikhan namin. Magsimula at tanggapin kung sino at ano kami sa buhay. Medyo nahirapan kaming maghanap ng trabaho kaya napadpad kami sa bagong bukas na studio ni Nay Lander. Nangangailangan sila ng Hairstylist at Makeup artist kaya nag-apply kaming dalawa. Medyo may alam naman kaming dalawa since nagtrabaho rin naman kami sa isang salon. Ayun, kinilala naman ni Nay Lander yung kakayahan naming. Hanggang sa heto naging maayos naman ang naging pamumuhay naming magkapatid. So, ayun ang kwento ko.” “Teka, di ba sabi mo kanina, meron kang bestfriend?” ang tanong ko. Tumango naman siya. “Nasaan siya sa kwento mo?” “Hindi naman kasi siya ganoon ka-importante sa kwento ko,” ang pabiro niyang tugon. “Pero, kung gusto mo talagang malaman kung sino siya. Sige, sasabihin ko sa’yo. Naging kaklase ko siya noong high school. Tapos siya ‘yung palaging kasa-kasama ko; alam mo naman… one of the boys dapat.” “Tapos?” “Tapos? Nakakausap ko pa siya hanggang ngayon,” ang tugon naman niya. “Kaya pala mahal mo pa rin,” ang komento ko. “Siguro nga,” ang tugon naman niya. “Pero hanggang dun lang ‘yun. Huwag kang mag-alala. Isa sa mga araw na ito, magkakaroon din ako ng lakas ng loob para aminin sa kanya ang nararamdaman ko.” “Pwedeng magtanong ulit?” ang paalam ko. Tumango naman siya. “Paano mo ipinapaliwanag ang buhok mo?” ang tanong ko na ikinatawa niya. “Mahilig sa Kpop,” ang natatawa naman niyang paliwanag na ikinatawa ko rin naman. Napatingin naman siya sa kanyang relo. ‘Hala, ang bilis ng oras. Osiya, tapusin na muna natin itong kinakain natin. Maymga kliyenteng darating mamaya.” “Sean, pwede bang sumama ako pabalik?” ang paalam ko sa kanya. “Ha? Ano pang gusto mong gawin sa studio?” ang nagtataka naman niyang tanong pabalik. “Uhm, sinabi mo kasi na may mga kliyente kayong darating,” ang pagsisimula ko. “Gusto kong panoorin kung paano niyo gawin. Okay lang ba?” “In fairness, besh; mukhang invested ka na talaga sa pagiging Hair and Makeup artist,” ang komento naman niya. “Sa totoo lang, hindi ko alam kung magiging maayos ako sa larangang ito; pero… wala namang mawawala kung susubukan ko, hindi ba?” “Oo naman! Dapat palaban lang!” ang tugon naman niya. “Uhm, bago pala tayo bumalik, pwede ba tayong bumili ng notebook at ballpen?” “Para saan?” “Gusto ko isulat ang mga matutunan ko,” ang simple ko namang paliwanag. Pumayag naman siya. Pagkatapos makakain ng pananghalian ay lumabas kami ni Sean ng restawrant. Pabalik na kami nang may napansin akong bagong bukas na anime merchandise shop sa malapit. Hiniling ko naman kay Sean na puntahan naming ‘yun saglit. Pumayag naman siya. “Mahilig ka pala sa anime,” ang komento naman ni Sean. “Oo, madalas akong manood ng anime sa libreng oras ko,” ang paliwanag ko naman. Natigilan naman ako nang may makita. Mga kopya ng notebook sa anime na Deathnote. Kumuha naman ako at sinuri. May mga pahina nga sa loob. “Sean, dito ko na lang isusulat.” “Ha? Seryoso ka?!” ang gulat naman niyang reaksyon nang makita ang itim na kuwadernong hawak ko.  Ang hula ko ay pamilyar siya sa palabas na ito base na rin sa kanyang pinakitang reaksyon. Natawa naman ako at tumango. “Ikaw bahala, basta huwag na huwag mo lang maisusulat ang pangalan ko diyan. Ayoko pang ma-deadsung besh. Kung mamamatay man ako; gusto kong mamatay nang maganda.” “Pangako, hindi ko isusulat ang pangalan mo,” ang sabi ko naman. Bukod sa itim na kuwadernong ‘yun ay bumili rin ako ng isang ballpen sa parehong shop. “Mabuti na lang meron dito; pwede na tayong bumalik sa studio.” Naglakad naman kami patungo sa aking sasakyan. Bumalik nga kami sa studio. Pagkarating namin ay naroon na ang ibang miyembro ng kanyang team. Kaagad naman siyang nagbigay ng instructions sa kanila. Pagkatapos ng maikli nilang meeting ay nagsimula silang maghanda. Pagkalipas ng mahigit sampung minuto ay may mga dumating na kliyente; ang dinig ko ay may kasal silang dapat puntahan. Malapit lang ang venue kaya dito na lang nila napagdesisyunang gawin ang preparasyon. Nang magsimula sila ay nagsimula rin akong magmasid sa kanilang ginagawa. Sinusulat ko sa bagong bili kong kuwaderno ang aking mga nakikita. Minsan ay nagtatanong ako sa artist kung para saan at kailan ang mga ginagamit nilang produkto.  Natutunan ko na may iba’t-ibang paraan ng paglalagay ng mga produkto, depende sa hugis ng mukha, sa skintone at sa gustong effect na ma-achieve. Sa totoo lang ay nakakamangha. Kahit nga sa lalaki ay may kakaiba itong epekto.   PAGKALIPAS ng halos dalawang oras ay natapos din ang kanilang makeup at hairstyle. Kasalukuyan kaming magkatabing nakaupo ni Sean. Halatang napagod sila sa kanilang ginawa. “Natutuwa ako sa ginagawa niyo,” ang komento ko naman. “Yung abilidad niyong magpaganda ng tao. Sa totoo lang nag-aalangan ako nung una kasi… tignan mo naman ako. Hindi naman ako ka-gwapuhan, sinong gugutuhing maayusan ng isang taong hindi marunong mag-ayos?” “Bakit napakababa ng tingin mo sa sarili?” ang tanong naman niya sa akin pabalik. Natigilan naman ako dahil hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Siguro dahil sa kinalikhan ko. Sa pagitan naming ni Kuya Angelbert, siya yung palaging nakakatanggap ng papuri. Sa tuwing may dadaluhan kaming mga okasyon, si Kuya ang palaging napapansin. Sa aking mga mata, si Kuya ang nabubuhay na kahulugan ng salitang perpekto at kahit kailan ay hindi ako magiging isang katulad niya. “Naiintindihan ko naman ang pinanghuhugutan mo… hindi pwedeng maging pangit sa ating mga bading. Mahirap maghanap ng katuwang sa buhay kapag bakla ka na nga, pangit ka pa. Kaya nga kung muli akong mabubuhay sa susunod. Hinihiling ko na lang na gawin akong maganda o guwapo. Kasi parang mas madali lang sa kanila ang lahat… madaling magkaroon ng mga kaibigan, madaling nagkakagusto.” Napatingin naman siya sa akin. “Alam mo… sa totoo lang, hindi ka naman pangit. Hindi ka lang marunong mag-ayos pero kung titignan, guwapo ka rin.” Kaagad naman akong nakaramdam ng hiya sa kanyang sinabi. “Salamat pero hindi mo kailangang magsinungaling,” ang komento ko naman sabay kamot sa aking ulo. “Gaga! Hindi kita ine-echos-echos lang,” ang reaksyon naman niya. “Siguro, masyadong natuon ang atensyon mo sa mga nawala at wala sa’yo kaya ganyan ang tingin mo sa sarili mo. Payo ko bilang ate, pagtuunan mo rin ng pansin ang meron ka ngayon, yung mga tao at bagay na nagpapasaya sa’yo. Okay lang malungkot…okay lang madapa… ang importante, yung gagawin mo pagkatapos. Kapag nalungkot ka, umiyak ka at punasan ang mga mata mo… Kapag nadapa, matutong tumayo.” Napangiti naman ako at tumango. Kahit paano ay naging mabuti ang pakiramdam ko sa pakikipag-usap sa kanya. Natigilan naman kami nang dumating sila Lander, David at ang iba pang miyembro. “Baks, andito ka pa pala,” ang reaksyon naman ni Lander nang makita ako. “Ah, oo,” ang pagkumpirma ko naman. “Pinanood ko kasi sila kanina nung may mga kliyente.” “Kamusta naman ang training mo kasama si Sean?” ang tanong ni Lamder. Nagkatinginan naman kami ni Sean. Binalik ko ang tingin ko kay Lander. “Maayos naman at masaya,” ang maligalig kong tugon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD