Chapter Seventeen: A New Dawn

2278 Words
Angelo’s Point of View Natigilan naman kami nang tumunog ang phone ni Lander. “Sandali lang, mga beks,” ang paalam ni Lander bago lumayo para sagutin ang tawag. Naiwan naman kami ni Sean at pinagpatuloy ang aming pakikipagharutan. “Huwag mong kalimutang palitan ang mga profile picture mo sa social media nang mawindang ‘yang ex mo,” ang komento naman ni Sean. “Hayaan na natin siya, ayoko na siyang isipin,” ang tugon ko naman. “Ayoko na ng negative energy sa paligid ko.” “Tama nga ‘yan, beks,” ang tugon ni Sean. “Alam mo, huwag mong hanapin ang kaligayahan sa mga lalaki o sa ibang tao. Hanapin mo ‘yun sa sarili mo. At minsan, hindi rin naman masamang tumingin-tingin sa magaganda at malalaking bagay.” “Ayan ka na naman,” ang komento ko. “Seryoso, nasubukan mo na bang mag-install ng mga gay app?” Nahihiya akong tumango. “Ano naman?” “Chrinder lang,” ang tugon ko. “Chrinder!” ang natatawa naman niyang reaksyon. “Bakit?” ang nagtataka ko namang tanong. “Walang ganap doon; puro masahista ang meron dun,” ang komento naman ni Sean sabay tawa. “Kung gusto mong mag-relax keri lang. “Yung Green at bee ang i-download mo; maraming afam dun, besh; at kung sweswertehin, may pa-free taste!” “Alam mo, ang dami mo talagang alam tungkol sa ganyan,” ang komento naman niya. “Why, of course, beshy!” ang pagsang-ayon naman niya. “Welcome sa mundo ng mga unicorns and magic wands!” “Sira ka talaga,” ang natatawa kong reaksyon. Napatingin naman ako kay David. Tinaasan niya lang naman ako ng kilay. Attitude ka, ghorl? Kaagad ko namang iniwas ang aking tingin. “Mga bakla!!” ang pasigaw na pagtawag ni Lander sa aming atensyon nang muli siyang nagpakita sa amin. Lahat naman ay natigilan at napatingin sa kanya. “May maganda akong balita sa inyo. May tumawag sa akin mula sa asosasyon ng mga makeup artist dito sa lungsod natin. May pa-contest sila.” “Anong klaseng contest?” ang tanong naman ni Sean. “Beauty Pageant,” ang tugon naman ni Lander. “Ay, pak! Bet kong sumali diyan,” ang tugon naman ni Sean. “Magpapaka-Catriona Gray ako.” “Catriona Gray na ilang taong nagpuyat,” ang komento naman ni David kaya naman tinapunan siya ng masamang tingin si Sean. “Ganda ka, Sis?” ang tanong naman ni Sean sa kanyang kapatid. “OO, maganda talaga ako,” ang tugon naman ni David. Napa-iling na lang naman ako. “Tama na ‘yang okrayan niyo, ha,” ang pagpapatigil naman ni Lander sa kanila. “Kayong dalawa talaga; napakapatola niyo. Walang beauty contest na magaganap. Makeup association ‘yun malamang Makeup at Hairstyling contest ang magaganap.” “Sino-sino namang mga kasali?” ang tanong naman ni David. “Sa ngayon, hindi ko sigurado kung aling mga Hair and Makeup Studio ang kasali sa Competition,” ang tugon ni Lander. “Pero sigurado akong sasali ang pinakamabigat nating karibal.” “At sino-sino sa amin ang isasalang mo sa kompetisyong ‘yan?” ang tanong naman ni Sean. “Well, kailangan ko munang pag-isipan,” ang tugon ni Lander. “Lahat kayo rito ay may pantay-pantay na pagkakataon para ipakita sa akin ang mga kakayanan niyo. Tutal may mahigit dalawang linggo pa bago ang event kaya naman pagbutihan niyo pa. I-a-announce ko ang mga kasali dalawang araw bago ang event.” Sumapit naman ang oras ng pag-uwi naming. “Sean,” ang pagtawag ko sa kanya nang makalabas kami ng studio. “Yesh?” ang tanong naman niya. “May lakad ka ba?” ang tanong ko sa kanya. “Wala naman, bakit?” ang tanong naman niya pabalik. “Pwede bang magpasama sa mall?” ang yaya ko. “Gusto ko sanang bumili ng mga makeup product. Gusto kong mag-practice ng makeup looks. “ Napangiti naman siya. “Oo naman, ‘yun lang naman pala,” ang tugon naman niya. “Ililibre na rin kita ng dinner,” ang dagdag ko pa. “Yan naman ang sinasabi ko,” ang komento niya sabay angkla sa braso ko. “Tara na, beshy!” ang maligalig niyang yaya sabay hila sa akin palayo. Pagkatapos makapagpaalam kay Lander ay dumeretso kami sa sasakyan ko. Nagmaneho naman ako deretso sa mall. “Gusto mo bang sumali doon sa competition?” ang tanong naman niya sa akin. Napasulyap naman ako sa kanya pagkatapos ay muling binaling ang aking atensyon sa daan. “Ah, hindi,” ang natatawa ko namang tugon. “Nagkataon lang na inanunsyo ni Lander ang tungkol dun. Balak ko talagang pumunta ng mall para bumili ng makeup. Isa pa, hindi ako qualified para sa competition na ‘yun.” “Luh! Paano mo naman sabia ‘yan, aber?” ang reaksyon naman niya. “Baguhan pa ako,” ang paliwanag ko naman. “Ano namang panama ko sa katulad niyo na eksperto na.” “Masyadong mataas ang tingin mo sa amin, Angelo,” ang komento naman niya. “Kung ako ang tatanungin mo; hindi pa ako ganun kagaling. Marami pa akong kailangang matutunan. Ang mga technique, natutunan ‘yan; ang passion at talent ang hindi. Tsaka ang sabi ni Nay Lander, lahat tayo ay may pantay-pantay na pagkakataong makasali sa kompetisyon.” “Sa ngayon, mas gusto ko munang pagtuunan ng pansin ang pag-practice ko,” ang komento ko naman. “Ayaw kong ma-pressure sa kung ano mang kompetisyon na ‘yun. “ “Sa bagay,” ang tugon naman niya bago kami tuluyang natahimik. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa mall. Habang naglalakad ay natigilan ako nang mapansing may mga taong napapamasid sa akin. Napatingin naman ako kay Sean. “Sean,” ang pagtawag ko sa kanya. Rumihistro naman sa kanyang mukha ang pagtataka. “May problema ba?” ang nagtataka naman niyang tanong. “Bakit may mga taong nakamasid sa akin?” ang tanong ko. “May mali ba sa itsura o suot ko?” “Sira, wala,” ang tugon naman niya. Kaagad ko namang naalala ang pagbabago ng hairstyle ko. Hanggang ngayon ay nakasuot ko pa rin ako ng makeup. Kaya pala kinailangan kong mag-retouch bago kami umalis. Kaya pala. “Sean, tara sa restroom,” ang yaya ko. “Tatanggalin ko lang itong makeup, nakakahiya.” Umiling naman siya. “Keri lang ‘yan besh,” ang tugon naman ni Sean, “Kaya ka pinagmamasdan ay hindi dahil nakasuot ka ng makeup, okay? Kundi dahil ang pogi mo ngayon.” “Sigurado ka ba?” ang nababahala ko namang tanong. Isa pa, hindi rin ako sanay na maging sentro ng ng atensyon. “Oo naman!” ang maligalig niyang pagkumpirma. “I-enjoy mo na lang. Alam mo, kung makikita ka lang ng ex mo; magsisisi ‘yun na ipinagpalit ka niya. Sorry, hindi ko pala dapat siya binabanggit.” “Okay lang,” ang komento ko. Hindi naman ako masyadong naapektuhan sa sinabi niya. Mas inaalala ko ang mga tingin ng ibang tao. “Masasanay ka na rin,” ang saad niya sabay hila sa akin patungo sa department store. Pilit kong hindi pansinin ang mga matang napapako sa akin. Siguro nga tama si Sean; kailangan ko nang masanay. “Good evening, Sir,” ang bati ng saleslady. “Hello, Sis,” ang pagbati naman pabalik ni Sean. “May maitutulong po ba ako sa inyo?” “Actually, keribells lang,” ang tugon naman ni Sean. “May mga products lang kami na gusto naming bilhin.” “Ano po ba, Sir?” “Lalaki, may lalaki ba kayong benta?” ang tanong ni Sean sabay tawa. “Sean!” ang suway ko naman. “Wala po kaming bentang ganun, bawal po ang human trafficking sa ating bansa,” ang komento naman ng saleslady. “Pero meron po kaming skincare products at beauty products na pwede sa mga lalaki.” “Joke lang! Masyado ka namang patola, Miss,” ang natatawang komento ni Sean. “Anyway, kailangan naming kumuha ng face primer muna.” “Dito po,” ang sabi ng saleslady pagkatapos ay sinamahan kami sa aisle kung nasaan ang ang mga face primer. Ipinaliwanag naman ni Sean kung aling brands ang dapat kong kunin at mga dapat ding iwasan. Sa kalagitnaan ay napatanong ang saleslady na nag-a-assist sa amin. “Mukhang marami po kayong alam sa mga makeup products. Mga Youtuber po ba kayo? At meron po kayong makeup channel?” “Ah, wala,” ang tugon naman ni Sean. “Mga Hair and Makeup artists kami.” “Siya lang,” ang pagtatama ko naman. “Dalawa kami,” ang diin naman niya. “Kaya naman po pala marami kayong alam sa mga brands na ‘yan,” ang komento ng saleslady. “Baka naman po pwede niyo akong mabigyan ng beauty tips.” “Patingin nga,” ang sabi ni Sean sabay tingin sa mukha ng saleslady. “Girl, masyadong maputi ang gamit mong foundation; gumamit ka ng one shade darker sa ginagamit mo ngayon. Tsaka, yung shade ng lipstick mo, mas bet at pak na pak kapag medyo reddish at hindi ‘yang very matingkad na pink. “Hindi rin ganyan ang tamang paglagay ng blusher, masyadong makapal at nasa ibang posisyon sa pisngi,” ang dagdag niya pa. Itinuro niya kung saan dapat lagyan ng blush ang pisngi ng saleslady. Matapos ng maikling one on one makeup tutorial ni Sean at ng saleslady ay ipinagpatuloy namin ang pamimili ng mga makeup product. “Sigurado ka bang gusto mong bilhin ang lahat ng ito?” ang tanong naman ni Sean. “Hindi biro ang gagastusin mo.” “Wala naman akong ibang pagpipilian,” ang tugon ko. “Since seryoso naman na ako sa aking pinasok; mag-iinvest na rin ako sa mga kailangan at pwede kong gamitin.” “O, sige. Ikaw ang bahala,” ang tugon naman ni Sean. “Tara na sa cashier,” ang yaya ko naman. Nadaanan naman naming ang mga hair products. “Sandali lang pala, kumuha na rin tayo ng hair products.” Nagtungo nga kami sa aisle na ‘yun at kumuha ng mga produkto at ilang kagamitan tulad ng hair straightener. “Mas masaya siguro kung narito si David, ano? Pero ‘yun nga lang, ayaw niya sa akin.” “Hayaan mon a lang ang kapatid kong ‘yun,” ang tugon naman ni Sean. “Wala na tayong magagawa pa sa pagkama-attitude niya. Wala ka na bang ibang kukunin?” Umiling naman ako at dumeretso na nga kami sa cashier bitbit ang basket. Pumila naman kami. Sa aming pagpila ay may napalingon na lalaki sa amin. “Ang pogi, beshy,” ang bulong naman sa akin ni Sean. “Hi, Kya!” Napakunot naman ako ng noo sa pagiging maharot nitong si Sean. Natigilan naman ako nang makitang nakatitig sa akin ang lalaking nakapila. Hindi nga nagkakamali si Sean, ang pogi niya nga. Nginitian naman niya ako  sabay kindat. Napatingin naman ako kay Sean na halatang kilig na kilig sa ginawa ni Kuya sa akin. “Beks, sa’yo na ang korona,” ang komento naman niya. “Haba ng hair; daig pa kay Rapunzel.” “Babe!” ang singit naman ng isang matinis na boses. Kapwa naman kami napatingin sa babae. Linagpasan naman niya kami at tinabihan ang lalaking nasa tapat naming. Napatingin naman ako kami ni Sean sa isa’t-isa. “Pogi nga, maharot naman,” ang disappointed na komento ni Sean. “Naalala ko si Nick. Ganito rin kaya ang giangawa niya noong kami pa?” Bigla naman niya akong binatukan, “Malamang sa malamang; hindi yun makakahanap ng ipapalit sayo kung hindi,” ang komento naman niya. “Once a cheater; always a cheater. Kaya ‘yung mga ganyang lalaki; hindi na dapat binabalikan at pinagtutuunan ng enerhiya at oras.” “Tama ka,” ang pagsang-ayon ko naman. Sumunod naman kaming nagbayad. Pagkatapos naming sa department store ay dumeretso kami sa isang restawrant upang kumain ng hapunan. At tulad nga ng aking ipinangako sa kanya, inilibre ko siya dahil sa kanyang pagtulong sa akin ngayong gabi. “Gusto mo bang ihatid kita?” ang tanong ko sa kanya nang pauwi na kami. “Naku naman, Angelo,” ang reaksyon niya. “Napaka-jowable mo talaga. ‘Yun lang kapwa tayo mahilig sa talong. Kapwa tayo parang gate na pinapasukan ng mga Adan.” “Huy! Ang laswa,” ang pagpigil ko sa kanya. Natawa naman siya. “Ihatid mo na lang ako sa paradahan ng jeep pauwi sa amin,” ang bilin naman niya. Nagtungo naman kami sa parking area. Nang mahatid ko siya sa paradahan ng jeep ay nagmaneho naman ako pauwi sa amin.   NATIGILAN ako nang buksan ang pinto. Nadatnan ko sila Kuya at Mama sa sala. “Sino ho sila?” ang tanong naman ni Mama sa akin. “Uhm, Angelo; ang bunso niyong anak,” ang tugon ko naman. “Angelo! Hindi kita nakilala,” ang masayang reaksyon ni Mama sabay tayo at lapit sa akin. Kaagad naman niya akong yinakap at naluha. “Ma, bakit ka ba umiiyak? Para ka namang tanga.” “Eh, paano naman kasi ang gwapo-gwapo mo ngayon,” ang puri ni Mama. “Masaya lang ako.” Yumakap na lang ako sa kanya. “Napaka-dramatic mo talaga,” ang komento ko naman. “Kapapanood mo yang Koreanobela.” Natawa naman siya sa sinabi ko sabay hampas sa aking dibdib. Kapwa kami naupo sa sofa; katabi ni Kuya Angelbert.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD