Chapter Twenty-three: Fashionista

2524 Words
Angelo’s Point of View “Eh, ikaw?” ang tanong naman sa akin ni Sean. Kaagad nawala sa aking isipan si Magnus. Napatingin naman ako sa kanila. “Okay ka lang? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?” Sabihin ko kaya sa kanila na nakita ko si Magnus kagabi? “Hindi. Hindi ko pwedeng sabihin. Baka isipin nilang nag-iilusyon lang ako at gusto ko lang magmayabang dahil gusto nila pareho itong si Magnus,” ang sabi ko sa aking isipan. Tama. “Anong ako?” “Sinong artista o celebrity ang gusto mong makatrabaho?” ang tanong naman ni David. Napa-isip naman ako. “Hmmm… fan ako ni Sarah G,” ang tugon ko. “Kaya gusto ko siyang makatrabaho kahit minsan lang.” “Ako rin,” ang pagsang-ayon naman ni David.   LUMIPAS ang ilang araw. Ang mga araw ay naging linggo. Naging mas komportable ako sa trabaho sa studio ni Lander. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang sakit na dinulot sa akin ni ni Nick. May ilang gabi na natatagpuan ko na lang ang aking sarili na umiiyak. Ngunit sa bawat pagkakataong lumuluha ako sa kanya ay kaagad ko namang pinupunasan ang aking mga luha. Ako ang magiging talo kapag pinagpatuloy ko ang pagmumukmok sa isang bagay na tapos na at hindi ko na mababago pa. Kailangan kong magpatuloy. Isang gabi ay nag-aayos ako ng mga gamit. Natigilan ako nang makita ko ang isang bagay sa isa sa mga jewelry box. Ang dogtag na irinegalo sa akin ni Nick noong first anniversary naming. Naaalala ko pa ang mga sinabi niya sa aking noong araw na ‘yun. “Pangako. Hindi kita iiwan. Magiging faithful ako sa’yo. Ito ang daan natin sa forever.” “Forever kang hayop ka,” ang singhal ko naman. “Kinain mo lahat ng mga sinabi mo. Mabilaukan ka sanang demonyo ka.” Sa galit ay pinutol ko ang kwintas. Nalaglag naman ang pendant sa sahig. Natigilan naman ako. “Ang dali namang naputol,” ang sabi ko sa aking sarili. Pinulot ko naman ang pendant. Naka-engraved doon ang pangalan naming dalawa at ang petsa ng unang araw na naging opisyal ko siyang kasintahan. “Peke! Tulad ng pagmamahal mong manggagamit.” Kaagad ko namang tinapon ‘yun sa basurahan. Pagkalipas ng ilang sandali ay may kumatok sa pinto. Binuksan ko naman ‘yun at nakita si Kuya Angelbert sa tapat ng pintuan. “Okay ka lang ba?” ang tanong niya sa akin. “Parang narinig kong may kaaway ka.” “Ah, wala naman, Kuya,” ang tugon ko sabay kamot sa aking leeg. “Kinakausap ko lang ang sarili ko.” Napailing naman siya. “Tara sa kusina,” ang yaya naman ni Kuya. “Nagugutom ako.” “Sige,” ang pagpayag ko naman. Lumabas naman ako ng kuwarto at sinundan si Kuya patungo ng kusina. “Magluluto ako ng instant noodles, gusto mo?” ang tanong naman niya. “Sige, Kuya. Basta ‘yung hindi maanghang,” ang tugon ko. Naupo naman ako at hinintay si Kuya. Napabuntong-hininga naman ako. “O, para saan naman ‘yang malalim mong hininga?” ang tanong ni Kuya. “Kailan kaya ako makaka-move on?” “Alam mo, Angelo, ang pagmomove tulad ng pag-ibig ay hindi parang instant noodles na ready in three minutes,” ang komento naman niya. “Kung hindi tulad ‘yun ng parang instant noodles; eh ‘di ano?” ang tanong ko naman. Napa-isip naman siya. “Parang pagluluto ng… uhm, bulalo!” ang komento naman niya. “Bulalo?!” ang reaksyon ko naman. “Bakit naman parang bulalo? Hindi ba matagal lutuin ‘yun? Kasi papakuluin mo pa ng mabuti ‘yung baka?” “Oo, ganun nga,” ang pagkumpirma naman niya. Inbountaryo ko namang iniumpog ang aking noo sa mesa. “Hindi ko alam kung paano makakatulong ‘yang pagkukumpara mo sa pag-mo-move on ko sa pagluluto ng bulalo,” ang komento ko naman na ikinatawa naman niya. “Hay naku, Angelo,” ang komento niya. Inayos ko naman ang pagkaka-upo ko. Inilapag naman niya ang isang bowl ng instant noodles sa tapat ko at itinulak papalapit sa akin. Naupo naman siya sa upuan sa tapat ko. “Parang bulalo ang pag-ibig, matagal mong hihintayin pero sa dulo kakaibang sarap at saya kapag naluto.” “Kung bakit ba naman ako pinanganak na ganito,” ang sabi ko. “Sana guwapo rin ako katulad mo.” “Seryoso ka ba sa sinasabi mo?” ang tanong naman ni Kuya. Tumango naman ako. Napailing naman siya. “Kapatid kita. May itsura ka pero hindi ka marunong mag-ayos. Sa isang hair and makeup studio ka nagtratrabaho pero hindi mo alam ayusin ang sarili mo.” Natigilan naman ako sa sinabi ni Kuya. Tama siya. “Kailangan kong ayusin ang buhok ko at maglagay na rin ng makeup,” ang tugon ko. Kinuha naman ni Kuya ang coaster sa tabi at inihampas sa ulo ko. “Hindi lang sa panlabas na anyo ang tinutukoy ko, Angelo,” ang komento naman niya. “Hindi ko sinasabing maging balidoso ka.” Napasimangot naman ako sa kanyang sinabi. “Oo na,” ang tugon ko. “Kumain ka na lang, Angelo,” ang bilin naman ni Kuya Tumango naman ako at sumunod. Tahimik kong kinain ang linuto ni Kuya.   KINABUKASAN. Pagkatapos ng trabaho ay yinaya ko si David at Sean sa mall. Hindi naman nakasama si David dahil may sarili siyang plano kaya naman si Sean ang kasama ko, as usual. “Sean,” ang pagtawag ko naman sa kanya habang naglalakad. “Yes, beshy?” ang tanong naman niya. “Anong tingin mo sa itsura ko?” ang tanong naman ko naman sa kanya. Natigilan naman siya. “Anong ibig mong sabihin?” “Yung style ko; yung pananamit,” ang paliwanag ko naman. “Sandali…” si Sean. “Patingin nga. Uhm, kung nagkaanak ang isang unicorn at si Santa; ikaw ‘yun.” “Ha?” ang natatawa ko namang reaksyon. “Ang ibig kong sabihin ay hindi match ang mga damit mo,” ang tugon naman niya. Hinila naman niya ao patungo sa salamin upang makita ko ang aking repleksyon. “Orange na T-shirt?  Brown na pants? Orange tree ka ghorl?” “Sean, kailangan ko ng tulong,” ang paki-usap ko naman. “Parang alam ko na kung ano,” ang reaksyon naman niya sabay ngiti. “Mamimili ba tayo ng damit?” Tumango naman ako. “Tara!” ang excited namang pagpayag ni Sean sabay hila sa akin papasok sa department store. Sa tingin ko ay tamang tao ang aking pinagtanungan. Hindi lang kasi siya talentado sa pag-aayos; maganda rin ang estilo ng kanyang pananamit. “Anong size mo?” “Medium,” ang tugon ko naman. Kumuha naman siya ng mga damit. “Tara sa dressing room at isukat mo ang mga ito.” Nagtungo nga kami sa dressing area. “Isukat mo ito,” ang sabi niya sabay abot ng isang itim na pantalon at isang baby pink na short sleeved polo shirt na may mga itim na linya. Nagtungo naman ako sa dressing room at nagpalit ng damit. Tinitigan ko ng mabuti ang aking suot. Hindi ako sanay. Lalo na sa kulay. “Beks!” ang pagtawag naman ni Sean mula sa labas. “Ready ka na ba? Excited na akong makita.” Binuksan ko naman ang pinto at pinakita sa kanya ang suot ko. “Hala, bagay mo,” ang komento naman niya. “Pero hindi ako komportable sa pantalon,” ang saad ko naman. “Ganito ba talaga ‘to kasikip?” “Oo, beks,” ang pagkumpirma naman niya. “Kaya nga ‘yan tinawag na skinny jeans. Masasanay ka rin. Seryoso, bagay mo. Heto naman ang isukat mo.” Inabutan naman niya ako ng mga panibagong damit. Isang loose na collarless long sleeve polo na kulay asul at isang stone washed na skinny jeans ulit. Muli naman akong nagsukat at pinakita sa kanya. Nagustuhan niya rin naman ito. Ipinagpatuloy ko ang pagsusukat sa tulong ni Sean sa mga sumunod na oras. Bitbit ko ang mga gusto kong bilhin nang biglang natigilan si Sean. “Baks!” ang sabi naman niya. Hinintay ko naman siyang magsalita at sinundan ng tingin ang tinititigan niya. Napadaan kami sa men’s accessories section at tinititigan niya ang mga bracelet na naka-display. “Kumuha ka rin ng ganyan para maging kompleto ang outfit mo.” Tinignan ko naman ang mga bracelet. “Mamili ka rin,” ang sabi ko. “Para pareho tayo. Ay, pati si David pala.” “Sigurado ka?” ang tanong naman ni Sean. Ngumiti naman ako at tumango. Pumili nga si Sean ng para sa kanilang dalawa ni David samantalang namataan ko ang isang bracelet na may pendant na hugis balahibo ng ibon. Kinuha ko naman ‘yun. “Baka gusto mo ring magpabutas ng tenga?” ang suhestyon naman ni Sean. “Ha?” ang gulat ko namang reaksyon. “Hindi ba masakit ‘yun?” “Hindi. Parang kagat lang ng langgam,” ang tugon naman niya. “Kahit yang isa lang.” “Wala naman sigurong mas sasakit pa sa lokohin at iwan ng jowa?” ang pagsang-ayon ko naman. “Ang drama mo,” ang natatawa naman niyang komento. Nang makapagbayad ay nagtungo nga kami sa isang accessories shop at pinabutasan ko ang aking kanang tenga. Hindi nga ganoong kasakit Nakakagulat lang yung pangbutas kasi malakas ang tunog. Bukod pa dun ay mainit at mahapdi lang sa pakiramdam. Hula ko ay namumula ang aking tenga. Nang makakain kami ng hapunan ay inihatid ko si Sean sa kanilang paradahan ng jeep bago ako tuluyang umuwi.   KINABUKASAN… Gumising ako nang mas maaga. Marami akong kailangang gawing preparasyon simula sa araw na ito. Inalapag ko ang ibang damit na binili ko sa kama bago nagtungo sa banyo para maligo. Nang matapos ay nagpalit naman ako ng damit. Isa ito sa mga pinagpilian naming ni Sean kagabi. Napili ko yung asul na polo. Naupo naman ako sa tapat ng salamin at kinuha ang makeup kit na ginagamit ko kapag nag-eensayo ako ng paglalagay ng makeup. Sinimulan kong ayusan ang mukha ko. Tulad ng ginawi ni Sean sa mukha ko dati. Yung simple at natural na makeup look lang. Bukod doon ay inayos ko rin ang aking buhok. Nang matapos ay bumaba ako sa kusina. Natigilan naman kapwa si Mama at si Kuya Angelbert nang makita ako. “Angelo, ikaw nga ba ang anak ko?” ang tukso ni Mama. Napangiti naman si Kuya at tinapik ang aking balikat. “Huwag mo pa ring kakalimutan ang mga binilin ko,” ang komento naman ni Kuya. “Hindi nasusukat ang kagandahan sa pisikal na anyo; kundi sa kagandahan ng loob. Kung gaano ka makisama sa ibang tao.” “Oo, Kuya,” ang tugon ko naman. Kahit sa studio ay nagulat silang lahat sa aking biglaang pagbabago ng estilo. “Umamin ka, bakla,” ang sabi ni David habang hawak ang isang hairbrush at winawagayway sa ere habang nagsasalita. “May inspirasyon? Sinech itey at bigla kang napasuot ng isang blusang itim? “Dakota Harrison Plaza ba?” ang tanong naman ni Sean. “Borta? Chopopo?” “Wala, ano ba?” ang reaksyon ko naman. Nagkatinginan naman ang magkapatid. “Echosera,” ang komento naman ni David. “Gusto ko lang mag-ayos,” ang paliwanag ko. “Yun lang ‘yun.” “Mga mars!” ang pagtawag ng receptionist. “May mga kliyente tayo” Pinapasok naman niya ang mga kliyente. Mga babaeng bata. Hindi naman ganun kabata; mga high school students siguro. Kasama ang mga nanay nila. “Ay, playground ba itey?” ang pabulong na reaksyon naman ni Sean. Naupo naman ang isa sa kanila sa station ko. Napatingin naman sa akin ang batang kliyente at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Wow, ang attitude, ah! “You look like makakatiwalaan naman,” ang komento niya sabay tingin sa kanyang repleksyon sa mukha. Ang conya ng batang ito. Halatang spoiled brat. Nakasuot na siya ng makeup. At so totoo lang, hindi ko gusto. Napatingin naman ako sa kasama niyang maid. “Ano po bang okasyon?” ang tanong ko naman. “May prom kami; pwede mo bang tapusin ang makeup ko ng less than thirty minutes lang?” ang tanong naman niya. “Gusto ko maghanda. At tsaka, kailangan kong manalo as prom queen, okay?” “Titignan ko kung anong magagawa ko,” ang tugon ko naman. “Bago yan, may litrato ka ba ng isusuot mo?” “Here,” ang tugon niya sabay pakita ng damit na isusuot niya. Isang silver na prom dress. Napatango naman. “And you can make gamit my makeup na lang. Yaya.” Inabot naman niya sa akin ang isang makeup case. Pinatong ko naman ‘yun sa aking table. Hinihiling ko na lamang n asana hindi kids’ makeup ang naroon. Yung mas maraming shade of pink. Ganun. Binuksan ko naman ‘yun at namangha sa nakita. Mga mamahaling makeup brands. May Chanel lipsticks, Dior, Nars, YSL at Laura Mercier. Tinignan ko naman ang mga naroon. “Okay lang ba na gumamit ako sa ibang products?” ang paalam ko. “Kulang ang nasa kit mo.” “Okay, as long as ako ang pinakamaganda sa lahat,” ang simple naman niyang tugon. Sinimulan ko naman siyang ayusan. Ginamit ko ang karamihan ng nasa makeup case niya. Maliban na lamang sa silver eyeshadow. “Wait,” ang pagpigil naman niya sa akin. “What is that?” “MAC Paint Pot,” ang tugon ko naman. “At Giorgio Armani Eyes to Kill.” Ipinaliwanag ko naman sa kanya ang gagawin ko. Silver eyeshadow na magtratransition sa itim. Tumango lang naman siya kaya pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Mula sa kanyang koleksyon ng lipsticks ako namili para sa kanyang mga labi. “Tapos na,” ang anunsyo ko. Napatingin naman siya sa kanyang repleksyon. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa kanyang isipan. Wala kasing emosyon sa kanyang mukha. “This. Is. Gorgeous,” ang mabagal naman niyang komento kaya nakahinga ako ng maluwag. “This is so gorgeous. Now, can you fix my hair, too?” “Uhm, I can,” ang tugon ko naman. “But lalagpas ng thirty minutes like you requested.” “It’s better to be late than ugly,” ang sabi naman niya. Hay, mga kabataan nga ngayon. Kaagad naman akong pumayag at nagbigay ng mga suhestyon sa kanyang buhok. Napagkasunduan naming na ang hairstyle na gagawin naming ay Glamour Waves; yung tipong pang red carpet at Hollywood. Nang matapos ay tuwnag-tuwa ang echoserang froglet. “This is it! Oh, my gosh!” “Sana manalo ka,” ang tugon ko naman sabay ngiti. “What’s your name?” ang tanong naman niya sa akin. “Angelo del Ferrro,” ang tugon ko naman. “I’ll make balik here,” ang sabi niya na ikinatuwa ko. Mabuti naman.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD