Chapter Twenty-two: Rise up!

2326 Words
Angelo’s Point of View Lumapit naman sa amin ang dalawa. Kaagad napatingin sa akin ang babae. “Sino ka?” ang masungit naman niyang tanong. “At anong ginagawa mo sa kaibigan namin?” “Mukha bang ako ang may ginagawa sa kaibigan mo?” ang tanong ko naman pabalik. Ka-imbyerna itong babaeng ‘to ah. “Nakita ko na lang itong kaibigan niyo na nakasandal sa kotse ko. Pinaalis ko siya pero ito ang ginawa. Natulog sa balikat ko.” “Pasensya na po sa abala,” ang komento naman ng lalaki niyang kasama. “Salamat na rin po sa pagbantay sa kanya.” Kaagad naman niyang inalalayan ang lalakeng natutulog sa aking balikat. “Magnus, tara na,” ang sabi ng kanyang kaibigan. Nagising ito at napatingin sa akin. “You two timing b***h,” ang mura niya sa akin kaya naman nanlaki ang mga mata ko. “Magnus, ibang tao ‘yan,” ang komento naman ng kasama niyang lalaki. Inilayo naman niya ang kaibigan niyang ‘yun at muling ibinaling ang tingin sa akin. “Pasensya na talaga. Heart-broken, eh. Pinagpalit sa iba.” “Ah, naiintindihan ko,” ang reaksyon ko naman. “Alam na alam ko ang pakiramdam.” “Bakit? Naloko ka na rin ba? Sinaktan, naglasing, at ngayon wala sa sarili?” ang mga sunod na tanong niya. “Uhm…” ang tanging reaksyon ko. Nawalan ako ng sasabihin dahil sa mga sinabi niya. “Not exactly. Linoko, at sinaktan. Naglasing din pero hindi ako dumating sa ganyang pagkakataon,” ang pagtatama ko naman. Napailing naman ako. Tumikhim naman ang babaeng kasama nila. “Kailangan ko nang umalis. Sa susunod, bantayan niyo nang maigi ang kaibigan niyo,” ang bilin ko naman bago tuluyang pumasok ng sasakyan. Nagsimula akong magmaneho pauwi. Nang makauwi ay nadatnan kong nakasara na ang mga ilaw. “Natutulog na agad sila?” ang tanong ko sa aking isipan. Natigilan naman ako nang may maalala. Napatingin ako sa isa sa mga paso. Itinabi ko naman ‘yun at kinuha ang susing nakalagay sa ilalim. Mabuti na lang at naalala ko ito kaya hindi ko na kailangan silang disturbohin sa kanilang pagtulog. Ginamit ko naman ang spare key para buksan ang pinto. “Angelo,” ang pagtawag ng isang boses nang maisara ko ang pinto. Umikot naman ako at kaagad napasigaw sa gulat sa aking nakita. Nagbukas naman ang ilaw. Si Mama lang pala, nagulat ako sa suot niyang beauty mask. “Ma!” ang reklamo ko naman. “Bakit ka ba nanggugulat?” “Aba, nagkataong pumasok ka nang narito ako,” ang komento naman ni Mama. Dalian namang bumaba si Kuya Angelbert bitbit ang isang baseball bat. “Anong nangyari?” ang nag-aalala naman niyang tanong. “Wala, bumalik ka na sa kuwarto at magpahinga,” ang bilin ni Mama sabay punta ng kusina  Kaagad naman akong sumunod sa kanya. “Kumain ka na ba?” “Tapos na,” ang tugon ko naman. “Bakit ang late mo dumating ngayon?” ang tanong  naman ni Mama. “Kape?” Tumango naman ako bago sumagot, “Nag-celebrate kami, Ma. Naalala mo ‘yung naiwento kong hair and makeup competition? Nanalo kasi kami.” Ikwinento ko naman sa kanya ang buong nangyari sa kompetisyon. Ipinakita ko rin sa kanya ang ginawa kong makeup look na ikinamangha naman niya. Nang matapos kaming magkape ay dumeretso ako sa aking kuwarto at nagpahinga.   KINABUKASAN. Nagising ako nang parehong oras. Natigilan naman ako nang tumunog ang aking phone. Kinuha ko naman ‘yun at tinignan ang screen. Nag-message si Lander, “Gorabells ka rito sa studio before 9am.” “Bakit kaya?” ang tanong ko naman sa aking sarili sabay tingin sa orasan. Mag-aalas otso na. Kaagad ko naman siyang rineply-an at madaliang nagtungo sa banyo upang maligo at mag-ayos. Hindi naman nagtagal ay madalian akong bumaba patungo sa kusina. Naroon naman si Mama. Si Kuya naman, hula ko ay umalis na. “O, bakit parang nagmamadali ka yata,” ang komento naman ni Mama nang makita ako. “Pinapapunta ko ni Lander sa studio nang maaga,” ang paliwanag ko naman. “Kailangan ko nang umalis at baka mahuli pa ako dahil sa traffic.” “Hindi ka ba mag-aalmusal?” “Hindi na, Ma,” ang tugon ko naman sabay alis. Nagmaneho nga ako patungo sa studio. Laking pasasalamat ko dahil hindi nga traffic at nakarating ako sa studio bago ang oras na sinabi ni Lander. Pagkarating ko ay nasa reception area si Lander. “May problema ba?” ang tanong ko naman kaagad sa kanya. “Wala naman,” ang tugon niya. “Uhm, bakit mo ako pinapapunta nang maaga rito?” ang sunod kong tanong. “Halika, may ipapakita ako,” ang yaya niya. Napakunot naman ako ng noo ngunit hindi naman na ako umimik; bagkus ay sumunod na lang ako sa kanya papasok sa mismong studio. Natigilan naman ako nang ipakita niya ang isa sa mga vanity table. Nakita ko ang pangalan kong nakapaskil sa taas ng salamin. Napatingin naman ako ay Lander. “Seryoso?” ang tanong ko naman. “Oo,” ang pagkumpirma naman ni Lander. “Simula ngayon, isa ka na sa mga pinagmamalaking Hair and Makeup Artist ng Lander Yee’s Hair and Makeup Studio. Tulad ng ibang artist dito sa studio, makakatanggap ka na rin ng ayuda at mga benefits.” Nagpalakpakan naman ang mga kasamahan ko at isa-isa akong binati. “So, kaninong team mo gustong pumunta?” ang tanong naman ni Lander? “Siyempre, sa akin,” ang kaagad namang tugon ni Sean. “Hoy, lalaban ako,” ang tugon naman ni David na ikinatawa ko. “Kailangan ko ba talaga mamili?” ang tanong ko naman. “Oo!” ang sabay namang tugon ni Sean at david. Kumuha naman ako ng barya mula sa aking bulsa. “Ulo o bangko?” ang tanong ko sa dalawa. ‘Ulo!” si Sean. Napaikot naman ng mata si David. “Mahilig ka talaga sa ulo,” ang komento naman ni David.  Hinagis ko nga ang barya sa ere at pinanood ang pagbagsak nito sa sahig. Ulo ang nagpakita. “Yass!” ang pagbubunyi ni Sean sabay yakap sa akin. “Mamaya na kayo mag-celebrate,” ang komento naman ni Lander. Natigilan naman si Sean at napatingin kay Lander. “Dahil may trabaho pa tayo. Parating na ang iba nating kliyente. Sean and team; may ibang kliyente tayong kailangang puntahan at ayusan.” “Handa ka na ba?” ang tanong naman sa akin ni Sean. “Kasama ako?” ang gulat ko namang tanong. “Malamang!’ ang natatawa niyang tugon. “Parte ka na ng team ko kaya kasama ka. Hindi ba, Nay Lander?” “Yesh, beshy,” ang pagkumpirma naman ni Lander. “Tama na ang satsat ang maghanda na. Magkita na lang tayo sa Encantadia.” Kaagad naman kaming naghanda. Nagtungo ako sa station na ibinagay ni Lander. Kinuha ko ang makeup case at pinunan ng case at pinunan ng mga iba’t-ibang beauty products at makeup brushes. “Angelo!” ang pagtawag ni Sean. “Andyan na,” ang tugon ko naman sabay sara ng makeup case. “Good luck, sis,” ang sabi naman ni David nang papunta na ako sa reception area. “Salamat,” ang tugon ko naman sabay ngiti. “Mga bakla, makinig muna ang lahat,” ang anunsyo ni Lander nang nasa reception area na kami. “Ipapaliwanag ko lang kung sino at para sa anong event ang pupuntahan natin. Una sa lahat, isang photoshoot para sa isang editorial campaign ang pupuntahan natin. Kaya medyo nasa artistic side tayo. Anyway, hindi ko masyado kabisado ang tungkol sa theme pero malalaman natin kung naroon na tayo. Tara na!” Sumakay naman kami sa van ng studio. Ayon kay Lander, medyo malayo-layo ang location ng photoshoot. “Angelo, heto,” ang sabi naman ni Sean sabay abot sa akin ng isang sandwich at kapeng nakabote. “Maraming salamat,” ang pasasalamat ko. “Meron pa rito kung nagugutom ka pa,” ang bilin niya. “Tamang-tama kasi hindi pa ako nakapag-almusal,” ang komento ko naman.   LUMIPAS ang halos isang oras ay nakarating kami sa location ng photoshoot. Pagkababa ko naman ng van ay napatingin ako sa paligid. May mga tent na naka-set up sa malapit. Parang malapit kami sa isang kakahuyan. “Ano kayang theme ng photoshoot at bakit tayo narito?” ang tanong ko naman kay Sean. “Baka fantasy; maraming pumapasok sa aking isipan,” ang tugon naman niya. “Dali na, mga beks,” ang bilin naman ni Lander habang tinatahak namin ang mabatong daan. Muntikan na ngang madapa si Sean. Mabuti na lang ay nasalo ko siya. “Beks, huwag kang magpaka-froglet,” ang komento ko naman. “In fairness,” ang reaksyon naman niya sabay tawa. “Nahahawa ka na talaga sa pananalita namin.” Nang makarating kami sa mga tent ay pinakilala ni Lander sa amin ang photographer. Natigilan naman siya nang makita ako. “Hindi ba ikaw yung makeup artist na dapat nanalo sa fantasy competition ng Battle of the Brushes pero na-disqualify?” ang tanong naman ng photographer sa akin. Napakamot naman ako ng ulo. “Ako nga po yun,” ang pagkumpirma ko naman. “I love your makeup look,” ang sabi naman niya. “I was there.” “Thank you,” ang nahihiya kong pasasalamat. “Anyway, mabuti naman at nakasama ka sa photoshoot namin,” ang masaya niyang komento. “Sakto kasi yung theme ng photoshoot ay malapit sa fairies. So, in this concept, we need to do an ethereal makeup look.” “Ano raw?” ang pabulong na tanong sa akin ni Sean. “Englisher kasi si Kuya.” “Pang-diyosa, ganern,” ang pagtranslate ko naman para sa kanya. “Oh, pak!” ang tugon naman niya. Hindi naman nagtagal ay sinimulan naming ayusan ang mga modelo. Bago namin ayusan ang modelo ay pinapakita muna sa amin ang outfit na kanilang isusuot para magkaroon kami ng ideya kung anong gagawin. Todo bantay din naman ang photographer sa aming ginagawa at paminsan-minsan ay nagbibigay ng komento at unting modifications. Bukod pa rito ay kailangan namin silang sundan sa mismong photoshoot bitbit ang makeup case para i-retouch ang  mga modelo. Tirik ang araw pero mabuti na lang ay medyo mahangin kaya hindi ganoon kainit. Pinanood namin ang proseso ng photoshoot at paminsan-minsan ay linalapitan namin ang modelo kung kinakailangan ng retouching o minsan ay pinapalitan ang ayos ng buhok. Naging mabilis ang oras. Ganun lang talaga siguro kapag nag-eenjoy ka. Tama. Na-eenjoy ko ang aking ginagawa ngayon. Hindi tulad ng nasa opisina pa ako na minamaliit at nasasabihan ng masakit na salita. Nakakapagod ang maging isang hair and makeup artist pero masaya ka sa mga nagagawa mo. Pagkatapos ng photoshoot ay bumalik kami sa studio. Dahil sa pagod ay napaupo ako sa sofa sa reception area. “Keribells pa, besh?” ang tanong naman ni Sean. “Oo, pahinga lang ako saglit dito,” ang tugon ko. Nagtungo naman siya sa loob. Napatingin ako sa paligid. Nagulat ako nang makita ko ang aking mukha na nakapaskil sa pader. Itoa ng litratong kinuhanan kahapon sa Battle of the Brushes. Tumayo ako para tignan ‘yun. May nakalagay na caption sa baba. Battle of the Brushes; Fantasy Category, Angelo del Ferro. First Place. Napangiti naman ako. Nagtungo naman ako sa loob. Kaagad akong sinalubong ni David. “Kamusta ang unang karanasan?” ang tanong niya sa akin. “Masaya,” ang nakangiti ko namang tugon sabay lapag ng makeupcase sa vanity table. Sinimulan ko naman ayusin ang mga laman nito. “Masaya kasi pogi ‘yung photographer?” ang tukso naman niya. “Ha?” ang reaksyon ko naman sabay tingin sa kanya. “Balita ko, buong magdamag mo raw tinitigan yung photographer,” ang dagdag niya pa. “Pinapanood ko siyang magtrabaho,” ang depensa ko naman na ikinatawa naman niya. “Joke lang! Ikaw talaga kahit kailan napaka-patola mo,” ang tukso niya. Napailing naman ako at pinagpatuloy ang mga pag-aayos. “Mga bakla!” ang ang pagtawag naman ni Lander sa aming atensyon nang dumating siya. “May maganda akong balita para sa inyo. Puno ang booking natin ngayong buwan at sa susunod pang dalawang buwan. Maraming nakakita sa resulat ng Hair and Makeup Competition at heto pa, na-feature tayo sa entertainment page ng isang diyaryo.” Pinakita niya ang pahina ng diyaryo na tinutukoy niya. Napasinghap ako nang makita ko ang aming mga mukha. Napayakap naman sa akin si David at Sean na kapwa naluluha sa aming mga narinig. “Pagbutihin pa natin ang ating trabaho,” ang bilin naman ni Lander. “Dahil malay niyo, hindi na lang basta mga tao ang aayusan niyo. Balang araw, mga artista na.”   Hindi pa rin humupa ang pagka-excite nang magkapatid na sila David at Sean. Habang walang kliyente ay nagkwentuhan kami. “Sana nga magkatotoo ang sinabi ni Nay Lander,” ang sabi ni David. “Gusto kong makatrabaho ang mga sikat na artista tulad nila Marian Rivera, Maja Salvador!” “Ako naman, gusto kong makita sila Enrique Gil at Paolo Avelino,” ang sabi naman ni Sean. “O kaya mga supermodel... lalo na si—“ “Magnus Astudillo!” ang sabay naman nilang nasambit. Natigilan naman ako nang maalala ang nangyari kagabi. Oo nga pala. Nakita ko si Magnus kagabi. Hindi ako makapaniwala na nahawakan ko at nakita ang pinapangarap ng karamihan. Pero nakakalungkot dahil naiintindihan ko rin ang pinagdadaanan niya. Pareho kami ng sitwasyon. Hindi ko alam pero... kahit na... guwapo ka... may mga taong manloloko at manloloko sa’yo. Linoko at pinagpalit ni Nick sa iba dahil pangit daw ako. Nagtataka ngayon ako. Anong wala kay Magnus na ‘yun upang lokohin din siya ng girlfriend niya? Napabuntong-hininga naman ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD