Chapter Twenty-one: Joy and Pain

2389 Words
Angelo’s Point of View Matapos ang mahaba-habang picture-taking ay bumalik kami sa studio bitbit ang aming napanalunang mga tropeyo. “Magdiwang ang sangkabaklaan!” ang anunsyo ni David nang makarating kami sa studio Natigilan naman ang lahat sa aming pagdating. Winagayway naman ni Sean ang hawak niyang tropeyo, Naghiyawan naman sila ata nagyakapan nang makita ang tropeyo. “Mga baks, tara sa encantadia,” ang utos naman ni Lander. Nagtungo kami sa reception area. Naupo naman ako sa isa sa mga sofa doon at nakinig sa mga sasabihin ni Lander. “Mga bakla, ayun nga. Tayo ang overall champion ng Battle of the Brushes 2021.” Nagpalakpakan naman ako “Gusto kong magpasalamat sa lahat para sa inyong suporta pero may mga taong kailangang kong i-special mention sa hapong ito,” ang pagpapatuloy ni Lander. “Una, First Place sa Evening Look Competition, si David at Cherry! Palakpakan! First Place pa rin, sa Prosthetics Competition, si Brittany at Sean! First place din sana tayo sa Fantasy Competition pero may hindi inaasahang pangyayari. Palakpakan pa rin natin si Laura at siymepre… si Angelo!” Natigilan naman ang lahat at napatingin sa direksyon ko. Batid at ramdam ko ang pagkagulat sa kanilang narinig. Hindi naman nila alam na makakasali ako sa kompetisyon. “Tama ang narinig niyo, mga baks,” ang pagkumpirma naman ni David. “Si Angelo ang nag-represent sa atin sa Fantasy Competition.” “Teka, paano nangyari ‘yun? Hindi ba si Nay Lander ang kasali dun?” ang tanong naman ng isa naming kasamahan. Nagkatinginan naman si Lander at si David. “Ganito kasi ‘yun,” ang paliwanag naman ni Lander. “May kinailangan akong puntahan. Hindi ako nakabalik sa oras kasi traffic kaya si Angelo ang pumalit.” “Ako sana, si David o ang iba pa nating kasama… pero madi-disqualify kami sa mga sinalihan naming at sa event sa sasalihan naming,” ang sabi naman ni Sean. “Pero bakit disqualified pa rin?” “Kasi hindi ako ang pumunta; ibang tao,” ang tugon naman ni Lander. “Hay naku, mga beshie! Mamaya ipapakita ko ang winner na makeup look na ginawa ni Angelo. Best makeup look pa nag ginawa niya sa lahat ng looks sa kompetisyon.” Namangha naman sila sa sinabi ni Lander kaya naman nakaramdam ako ng hiya. Sinimulan naman nilang tapikin ang aking mga balikat. “Halika rito, besh!” ang pagtawag naman ni Sean. Lumapit siya at kinuha ang aking kamay. Hinila naman niya ako papunta sa harap. Muli silang nagpalakpakan. “At dahil malaki-laki ang nakuha nating ayuda; lalabas tayong lahat ngayong gabi para mag-celebrate!” ang anunsyo naman ni Lander na ikinatuwa naman naming lahat. “O siya, maghanda na kayong magsara para makaalis na tayo.” Halos sabay-sabay naman silang nagsibalikan sa kanilang station at nagsimulang mag-ayos. Naiwan naman kami ni Lander. Pinanood ko siya nang ilagay niya ang tropeyo sa reception area. Nakakatuwa. Hindi na ako makipaghintay na sabihin ang magandang balita kay Kuya Angelbert at kay Mama. Paniguradong magugulat sila sa aking sasabihin, Naikwento ko sa kanila ang tungkol sa kompetisyon. Hindi nga nagtagal ay nakapaghanda na ang lahat para umalis. Nagtungo naman kaming lahat sa isang Samgyupsal restaurant. Para kaming isang Korean Idol group dahil sa aming mga buhok na agaw pansin naman. Nasanay na rin naman ako kaya wala na ito sa akin ngayon. “Uy, mga beks, may photo booth eme sila,” ang pagpansin naman ni Sean sa nakaset up na photobooth. May mga nakasabit ding Korean Tradisyonal Clothes sa gilid. Dumeretso naman kami sa loob at umorder. Sa totoo lang ay unang beses kong pumunta sa ganitong klase ng restawrant kaya naman hindi ako pamilyar sa mga pagkain dito bukod siyempre sa samgyupsal na aking palaging naririnig. Sa loob ay may mga mesa. Sa gitna ay may parang stove. Wala akong kaide-ideya kung paano at para saan ‘yun. Magkatabi naman kami ni Sean. Sa kabila ko naman ay si David. Hindi naman nagtagal ay may staff na dumating binuksan niya ang stove. Bukod pa roon ay sari-saring pagkain ang dumating. “Bakit ang daming dahon?” ang tanong ko naman na ikinatawa ng magkapatid. “Hindi mo pa nasusubukang kumain ng ganito?” ang tanong naman ni David. Umiling naman ako. “Di bale. Tuturuan ka naming ni Sean.” “Oo, magaling yang si David,” ang komento naman ni Sean. “Yung ex niyan Koreyano.” “Kailangan talagang banggitin, sis?” ang reaksyon naman ni David na ikinatawa naman ni Sean. “Hindi pa rin ba naka-move on, sis?” ang tukso ni Sean. “Eh, kung yang pisngi mo ang iprito ko,” ang reaksyon naman ni David. “Sorna, patola ka?” ang sunod na tukso ni Sean habang tumatawa. Pinanood ko naman kung anong gagawin. Hindi naman nagtagal ay alam ko na ang gagawin. Hindi naman masama. Ang totoo nga niyan ay masarap. Hindi ko nga lang kaya ang ibang pagkain na maanghang. Hindi kasi ako sanay. Kaya naman grabe ang ubo ko nang makakain ng maanghang. Habang kumakain ay napagdesisyunan namin nila Sean at David na magpunta sa photobooth. Nagsuot nga kami ng mga tradisyunal na damit at kumuha ng mga litrato. Nang makontento ay bumalik kami sa aming mga upuan at ipingapatuloy ang pagkain.   NATAPOS ang isang masayang hapunan kasama ang aking mga katrabaho. “Mga bakla,” si Sean. “Uuwi na kayo?” “Bakit?” ang tanong naman ni Lander. “Baka pwedeng mag-bar muna tayo, ganern,” ang yaya naman niya. “Sige, pero limitahan lang natin dahil may trabaho pa tayo bukas,” ang pagpayag naman ni Lander. “Baklang ‘to. Sa normal na bar, ha! Hindi dun sa hardin ng mga talong.” Natawa naman si Sean bilang reaksyon. “Yun lang naman ang kaligayahan natin,” ang komento ni Sean. “Sa bagay,” ang saad ni Lander. “Pero hindi pwede ngayon. Umayos ka, Sean.” “Oo na po,” ang pagsuko naman ni Sean sabay tingin sa akin. “Sama ka rin, Angelo.” “Uhm, o, sige,” ang pagpayag ko naman. “Peroi kunti lang, ha? Mababa ang tolerance ko sa alak.” “Isang bote ng beer, okay?” ang tanong naman ni David. Ngumiti naman ako at tumango Dumeretso naman kami sa aking sasakyan. “Saan tayo?” ang tanong ko naman sabay paandar ng sasakyan. “Gusto ko lang mag-relax,” ang sabi naman ni Sean. “May alam ka bang bar?” Napaisip naman ako. Naalala ko ang bar na palaging pinupuntahan ni Nick at ng ilan sa mga katrabaho niya. Hindi ako umiinom dahil sa huli ay ako rin lang ang kailangang umasikaso kay Nick lalo na kung nagtatawag na siya ng mga uwak. “May alam akong music bar,” ang tugon ko naman. “Ay, bet ko yan!” ang maligalig na komento naman ni Lander. Oo nga pala; naalala ko mahilig kumanta si Lander at maganda rin ang kanyang boses. Napatango naman ako at nagsimulang magmaneho patungo nga sa bar na tinutukoy ko. Naabutan naming may bandang tumutugtog. “Ang ganda naman rito,” ang komento ni David sabay tingin sa paligid. “Tara doon,” ang yaya ko naman. Sinundan naman nila ako. “Paano mo alam ang lugar na ito?” ang tanong naman ni Sean pagka-upo naming. “Ah, madalas kami ni Nick dito, yung ex ko,” ang paliwanag ko naman. Kaagad naman kaming umo-order. Habang naghihintay ay pinakinggan namin ang banda. May babaeng kumakanta. Kinakanta niya ang awitin ni Aiza Suguerra na Sukob na. “Sukob na, halika na; sabay tayo sa paying ko. Hawak na, kapit pa; umula’t bumagyo magkasama tayo…” “Aww,” ang reaksyon naman ni Sean habang pinapakinggan ang awitin. Umarte pa itong nagli-lip sync na ikinatawa ko. “Baliw ka talaga,” ang komento ko naman. Hindi naman nagtagal ay dumating ang mga alak na in-order namin. Nagsimula naman kaming magdaldalan. Dahil hindi naman kami nag-uusap ni David dati ay ginawa naming itong isang pagkakataon upang makilala ang isa’t-isa. “Cheers! Para sa isang bagong pagkakaibigan,” ang anunsyo naman ni David sabay angat ng hawak niyang boses. “Cheers!” ang masayang tugon naman namin nila Lander, at Sean sabay angat ng kanya-kanya naming boteng hawak. “Sean,” ang pagtawag ng isang boses kaya naman natigilan kami. Sabay-sabay kaming napalingon. Isang lalakeng pogi ang nagpakita. Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni Sean. Napatingin naman ako kay David. “Sino siya?” ang bulong ko sa kanya. “Si Alex,” ang pabulong ding tugon ni David. ‘Bestfriend ni Sean. Alam mo naman siguro ‘yung tsismis sa pagitan nilang dalawa.” Tumango naman ako at muling ibinaling ang tingin sa dalawa. “Alex, narito ka rin pala,” ang komento naman ni Sean. Nag-iba nag kanyang boses; mas naging… lalaki. “May birthday celebration kasi kami ng mga barkada ko,” ang paliwanag naman nitong Alex. “Siyanga pala, mga katrabaho ko; Si Lander at Angelo,” ang pagpapakilala naman niya sa amin. Inalok naman ni Alex ang kanyang kamay at nakipagkamay sa amin. Hindi naman siya nagtagal at umalis din. “Sean, ang pogi nung bestfriend mo,” ang komento ko. “I know right, besh,” ang pagsang-ayon niya. Natawa naman ako dahil bumalik sa dati ang kanyang boses.   NAKATAPOS kami ng tagdadalawang bote ng beer. Kasalukuyan kaming nasa labas ng music bar. Kasama ko si Sean; hinihintay naming sila Lander at David na nagpaalam na pupunta muna ng restroom para mag-retouch. “Ka-imbyerna ‘yung dalawa. Uuwi na nga lang, kailangan pang mag-ayos,” ang komento naman ni Sean. “Sean, pauwi na kayo?” ang tanong ng isang pamilyar na tinig. Napalingon naman kaming dalawa. Ang bestfriend ni Sean. “Ah, oo, eh,” ang tugon naman ni Sean. “Hang out naman tayo minsan,” ang yaya naman ni Alex sa kanya. “Isama mo mga kaibigan mo.” “Sige, walang problema,” ang kaagad namang pagpayag ni Sean. “Ingat sa pag-uwi,” ang bilin ni Alex bago maglalakad palayo ngunit kaagad din naman siyang natigilan nang tawagin siya ni Sean. “Alex, may kailangan akong ipagtapat sa’yo,” ang pagsisimula ni Sean. Nanlaki naman ang mga mata ko. Gagawin niya na talaga? “May gusto ako sa’yo. Matagal na.”             Hindi naman nakapagsalita si Alex. Sa hula ko ay dahil sa gulat ng ng hindi inaasahang pagtatapat ni Sean ng kanyang nararamdaman. “Pasensya na, Sean,” ang paghingi naman ni Alex ng paumanhin. “Hindi, alam ko naman,” ang kaagad na tugon ni Sean. “Na hindi moa ko magugustuhan kaya hindi mo kailangang humingi ng paumanhin. Gusto ko lang sabihin at magtapat kasi ang bigat sa pakiramdam. Hindi ko na kayang magsinungaling sa’yo. Pwede mo na akong layuan kung iyun ang gusto mo.” “Bakit naman?” ang tanong naman ni Alex. “Hanggang kaibigan… hindi, kapatid ang tingin ko sa’yo, Sean. Alam ko kung ano ka at naiintindihan kita. Hinihintay ko lang na ikaw mismo ang magsabi sa akin.” “Hindi ka ba nandidiri sa akin?” ang tanong naman ni Sean sa kanya. “Bakit naman ako mandidiri sa’yo?” ang tanong pabalik ni Alex. “Kasi bakla ako,” ang tugon naman ni Sean. “Sean, hindi ako tulad ng ibang lalaki,” ang komento naman ni Alex. “Bukas ang isipan ko. Tanggap ko kung sino ka at ano ka. Hindi ‘yun magbabago.” Tuluyan namang naluha si Sean sa mga sinabing ‘yun ni Alex. Lumapit naman sa kanya si Alex at yinakap siya. “Sorry talaga,” ang muling paghingi ni paumanhin ni Alex. “Hindi ko man maibabalik ang pagmamahal mo sa akin; susuklian ko pa rin ‘yun ng pakikipagkaibigan ko. Tawagan mo lang ako kung may lalaking nanakit sa’yo.” “Bugbugin mo sarili mo,” ang biro naman ni Sean sabay punas ng kanyang mga luha. “Ikaw ang nanakit sa akin. Sakit kaya ma-friendzone. Pero Alex, salamat din kasi tanggap mo kung ano ako.” Ngumiti naman si Alex at tumango. Sakto namang dumating sila Lander at David nang makabalik sa loob si Alex. “Hala, anyare sa’yo? Crumayola Khomeni ka ba?” ang reaksyon naman ni David nang makita ang kanyang kapatid. “Hay naku,” ang tugon naman ni Sean. “Inuna niyo pa kasi ang pagmamaganda; ayun tuloy, hindi niyo naabutan ang pagdradrama naming ni Alex.” “Ang ibig sabihin, umamin ka na sa kanya?” ang tanong naman ni David. Tumango naman si Sean. “Anyare?” “Ayun. friendzoned,” ang tugon naman ni Sean. “Pero nagpapasalamat na rin ako na nasabi ko ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Para akong nabawasan ng tinik sa dibdib.” “Mabuti naman kung ganun,” ang sabi ni Lander. “Tara na, mga bakla bago pa lalong lumalim ang gabi." Napatingin naman ako sa aking relo. Mag-aalas diyes na pala. Ang bilis lang ng oras. Kumuha naman sila ng mga taxi pauwi samantalang dumeretso ako sa sasakyang iniwan ni Papa. Natigilan naman ako ng may lalaking napasandal sa sasakyan. Halatang lasing. “Uhm, excuse me,” ang sabi ko sa lalaki. Wala sa sarili niya akong tinignan. “Paalis na po ako.” Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ‘yun. Si Magnus! Ang guwapong modelo. Hindi ako makapaniwala. “Hey,” ang pagtawag niya sabay hawak sa aking braso. Napakunot naman ako ng noo. “You smell nice.” Ano raw? Napalunok naman ako nang hawakan niya ang aking batok. Dahan-dahan naman niyang inilapit ang kanyang mukha. Isinangga ko naman ang aking mga kamay ngunit may kakaiba siyang lakas. Napapikit naman ako. Minulat ko ang aking mga mata nang isandal niya ang kanyang noo sa aking balikat. Hala, nakatulog siya sa balikat ko! Napatingin naman ako sa paligid. Sakto namang may babae at lalaking lumabas mula sa bar at umaktong may hinahanap. Natigilan sila nang makita ang likuran ni Magnus. “Gosh, Magnus!’ ang pagtawag ng babae sabay lapit sa amin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD