Chapter Fourteen: Cat Fight

1719 Words
Angelo’s Point of View             Dumaan nga ang mga araw at naging parte na ng aking routine ang pagpunta sa studio ni Lander. Madalas ay si Sean ang nagtuturo sa akin. Kung wala naman siya ay si David naman ang nagtuturo sa akin. Magkaiba nga sila ng ugali ni Sean, mainitin ang ulo ni David at napaka-ikli ng kanyang pasensiya. Ina-alala ko na lang ang bilin sa akin ng kanyang kapatid. Isang araw ay nagtungo sa labas si Lander kasama si Sean upang punatahan ang ilang kliyente para sa isang photoshoot. Naiwan naman ako kasama si David. Sinusungitan pa rin niya ako as usual. “Ang rinig ko, iniwan ka ng boylet mo,” ang sabi niya. Tahimik naman akong tumango. “Well, nakikita ko kung bakit,” ang komento naman niya. “A-anong ibig mong sabihin?” ang tanong ko naman. “Paniguradong may pera ka,” ang hindi niya pagpansin sa tanong ko at nagpatuloy lang sa panlalait sa akin. “Mukhang hindi lahat ng bagay ay nabibili ng pera.” Sa totoo lang ay hindi na ako natutuwa sa ugali niya. “Sino bang nagsabing binili ko ang ex ko?” ang tanong ko naman. Hindi ko na talaga kayang magtimpi.  Natigilan naman siya at napakunot ang kanyang noo. “Sis, huwag na tayong maglokohan,” ang sarkastiko niyang komento. “Hindi ka naman papatulan kung hindi ka mayaman.” “Ano ba kasing gutso mong iparating?” ang deretsahan kong tanong. “Alam mo hindi ka lang talaga chararat, ano? Shunga pa,” ang komento niya. “Chararat?” “Oo, chararat, Chuckie! Chaka! Pangit!’ ang sunod-sunod niyang panlalait. “Ano bang problema mo sa akin?” ang tanong ko naman. Nauubusan na talaga ako ng pasensya. “Wala ka nang pinakitang maganda sa akin simula ng dumating ako rito.” “Ang sakit mo sa mata,” ang tugon naman niya. “Oo,” ang pagsang-ayon ko. “Pangit ako. Maraming beses ko na ‘yang narinig. Lalo na sa ex ko kaya pwede ka nang tumigil sa kasasabi niyan.” Tumawa lang naman siya sa sinabi ko. “Ganun talaga ang buhay, kahit na prinsesa ka; makukuha mo ang lahat,” ang komento naman niya. “Mas mabuti ang pangit ako sa panlabas na anyo,” ang argyumento ko naman. “Hindi tulad mo; pangit na nga… pangit pa ang ugali.” “Anong sinabi mo?” ang singhal naman niya sa akin. “Hindi ko alam na bingi ka rin pala,” ang dagdag ko na lalong nang-inis sa kanya. “Hindi maitatago ng suot mong bb cream o foundation o kung ano pa man yang kagaspangan ng ugali mo.” “Aba, lumalaban ka, ha?” ang galit niyang sinabi sabay sugod sa akin. Naramdaman ko na lang ang kanyang kamay na hinihila ang buhok ko. Kaagad naman akong napamura at pilit na inaalis ang kanyang mga kamay. Kapwa naman kami natumba at napahiga sa sahig. Kaagad naman siyang pumatong sa akin at patuloy pa rin akong inaatake. Wala naman akong ibang magagawa kundi gawin ang pareho. Hinawakan ko ang kanyang buhok at pilit na hinila-hila. Sinubukan naman ng iba na awatin kaming dalawa sa aming pakikisabunutan. Geez, ito na ang pinakabaklang bagay na aking ginawa. “Anong nangyayari rito?!” ang narinig ko namang sigaw ng isang pamilyar na boses. Si Lander! Kapwa naman kami natigilan ni David. Madalian naman siyang umalis sa pagkakapatong sa akin. Nakita ko ang gulat at pagkalito sa mukha ni Lander. “David? Angelo? Bakit kayo nag-aaway? At nagsasabunutan? Dito pa mismo sa studio ko, mga bakla kayo!?” “Hindi naman mangyayari ito kung hindi dahil diyan sa prinsesang chararat na ‘yan!” ang sumbong naman ni David. Napa-ikot na lamang ako ng mga mata. “Hoy,” ang pagtawag ko naman sa atensyon niya. “Sino ba sa atin ang nauna? Ilang beses mo akong sinabihan ng pangit.” Napatingin naman ako kay Lander. “Sa totoo lang, hindi ako nagpunta rito para laitin lang at sabunutan ng isang asal kanto.” “Aba, imbyerna ka,” ang reaksyon naman ni David. Pagod na akong tumahimik at laitin. Hindi lang siya, kundi ang mga tao sa aking paligid. Batid kong kailangan ko ng pagbabago. Hindi ng aking kapigiliran kundi sa sarili ko. “Sa tingin mo, hahayaan na lang kita?” ang tanong ko naman sa kanya. “Nangako lang naman ako sa kapatid mo na pagtiisan ko ‘yang ugali mong chararat!” Natawa naman ang iba naming kasama sa sinabi. Napatupi naman ng kamay si Lander. “Sinusubukan kong umiwas sa gulo; kung ganito lang din ang mangyayari, mas mabuti pa sigurong umalis na lang ako,” ang sabi ko naman kay Lander. Nagsimula naman akong maglakad. “Angelo, sandali lang!” ang pagpigil naman ni Lander. Natigilan naman ako at napalingon. ‘Huwag kang padalos-dalos sa mga desisyon mo.” “Oo nga,” ang pagsang-ayon naman ni Sean. “Maayos pa natin ‘to.” “Pasensya na, Sean,” ang paghingi ko naman ng paumanhin. “pero hindi ko na talaga kayang pagtiisan ang ugali ng kapatid mo.” “Naiintindihan ko,” ang sabi naman niya; kita sa kanyang mukha ang pagka-stress sa nangyayari. “Kaya ako na ang humihingi ng pasensya sa sinabi at ginawa ng kapatid ko.” “Sean,” ang reaksyon naman ni David. Tinapunan naman siya ng masamang tingin ng kanyang kapatid. “David, utang na loob,” ang galit namang tugon ni Sean kaya napatahimik si David. “Hanggang kailan ka ba ganyan? Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may iintindi sa kagaspangan ng ugali mo.” “Magsasama kayo,” ang tugon naman ni David sabay walk out. “Ako na ang bahalang kuma-usap kay David,” ang anunsyo naman ni Lander. “Angelo, kilala kita at naniniwala ako sa’yo. Hindi mo kailangang umalis dahil lang dito.” Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. “Sean, ikaw na muna ang bahala kay Angelo,” ang bilin naman ni Lander kay Sean. “Kakausapin ko na muna yang si David.” “Sige, Nay,’ ang pagpayag naman ni Sean. Kapwa naman namin siya pinanood na sumunod kay David. “Ayos ka lang ba?” ang nag-aalalang tanong sa akin ni Sean sabay ayos sa buhok kong nagulo. “Mabuti na lang walang kliyente; mas lalong magbe-beast mode si Nanay Lander.” “Ayos lang ako,” ang tugon ko naman. Napabuntong-hininga naman ako. “Huwag mong intindihin ang mga sinabi sa’yo ni David,” ang komento ni Sean. “Hindi ka chararat; hindi ba sinabi ko naman sa’yo?” Tumango naman ako. “Huwag mo na lang pansinin si David. Ganun talaga siya sa mga taong sa tingin niya ay mas nakaka-angat sa kanya.” “Ha?” ang gulat ko namang reaksyon. “Sa paanong paraan ako nakakaangat sa kanya?” “Napapansin mo ba kung anong tawag niya sa’yo?” ang tanong naman niya sa akin. Napaisip naman ako. “Ano nga bang palaging niyang tinatawag sa akin?” ang tanong ko naman sa aking sarili. Napakunot naman ako ng noo nang maalala. “Prinsesa,” ang tugon ko kay Sean. Tumango naman siya. “Ginagamit niya lang ‘yun sa mga taong nai-intimidate siya. Naikwento ko naman ang naging nakaraan namin ni David. Alam kong hindi ‘yun tamang dahilan para magkaganoon siya pero palagi niyang sinasabi at tinatanong sa akin kung bakit may mga taong paborito ng Diyos.” Tumahimik naman ako at nakinig sa mga susunod niyang sasabihin. “Kung bakit daw para sa iba, napakadali ng buhay, may buong pamilya, may kumportableng pamumuhay,” ang pagpapatuloy niya. “Hindi naman daw siya masamang tao… pero bakit kailangan naming maghirap?” Sa pagkakataong ito ay lubos ko nang naiintindihan ang pinaghuhugutan ni David. Napagtanto ko na pareho lang kami ni David. Pareho kaming biktima ng mga hindi magagandang nangyari sa aming mga buhay. Magkaiba man ang aming karanasan at katayuan sa buhay; nakikita ko pa rin na kapwa kami naghahanap ng direksyon at kasagutan. Napabuntong-hininga naman ako. “At tsaka, huwag kang mag-alala,” ang dagdag pa ni Sean. “Simula ngayon, ako na lang ang magtuturo sa’yo… para maiwasan niyo na rin ang isa’t-isa.” “Mga baks, magsi-ayos kayo,” ang sabi naman ng receptionist nang pumasok siya sa loob. “Mamaya na muna ang drama; may mga kliyente tayo.” “Mga walk in ba?” ang tanong naman ni Sean. “Oo,eh,” ang tugon naman ng receptionist. ‘Ilan ba sila?” ang sunod na tanong ni Sean. “Apat tapos may darating pang isa,” ang muling pagtugon ng receptionist bago tuluyang bumalik sa labas. “Mga bakla!” ang anunsyo naman ni Sean sabay palakpak para makuha ang kanilang atensyon. “May mga kliyente! Work-work din ‘pag may time.” Tumigil nga sila sa pakikipagdaldalan at pumunta sa kani-kanilang mga pwesto. Pumunta lang naman ako sa gilid. Hinintay nga naming ang pagdating ng mga kliyenteng kanilang aayusan. Pagkalipas nga ng ilan pang sandali ay may apat na babaeng pumasok sa studio. “Good afternoon. Welcome to Lander’s!” ang bati naman ng lahat sa kanila. Natigilan ako at napanganga nang makita at makilala ang isa sa kanila; ang nakatatandang kapatid ni Nick. Dalawang taon lang naman ang pagitan ng kanilang mga edad kaya naman hindi ko na siyang tinatawag na ate. Hindi niya alam ang naging relasyon namin ni Nick. Sa totoo lang ay walang nakakaalam sa pamilya ni Nick na naging magkasintahan kaming dalawa. Ang alam ng kapatid ni Nick, si Nicole ay naghahati lang kami ni Nick sa renta ng apartment. Housemates kung baga. Natigilan naman siya nang makita ako. “Angelo,” ang pagbanggit niya sa aking pangalan. Kita ang pagkagulat sa kanyang mukha. “Narito ka rin? Magpapaayos ka ba?” “Uhm, training,” ang simple ko namang tugon. “Training?” ang naguguluhan niyang tanong. “Nagtra-training kang maging isang makeup artist?” “Ganun na nga,” ang pagkumpirma ko naman. “Wow, what a career change,” ang komento naman niya. Ramdam kong hindi yun isang papuri, kundi isang panlalait. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD