Chapter Fifteen: Change is Coming

1694 Words
Angelo’s Point of View Noong una pa lang ay hindi ko na rin gusto si Nicole. Ubod siya ng kaartehan at gandang-ganda siya sa kanyang sarili… maganda naman siya. Oo, pero sa tingin niya ay siya na ang pinakamagandang nilalang sa mundo. Hindi naman ako nagulat dahil parehong-pareho ang ugali nila ni Nick. “Teka, magkakilala na ba kayo?” ang tanong naman ni Nicole sa akin at sa babaeng naka-angkla sa kanyang bisig. Napatingin naman ako sa mukha ng babaeng ‘yun. Napakapamilyar. Ganun din naman siya; tumingin din siya sa akin. “Hindi ko siya kilala,” ang sabi naman niya kay Nicole. “Sino ba siya?” “Siya si Angelo, ang dating housemate ni Nick,” ang pagpapakilala naman sa akin ni Nicole. “At siya si Katelyn, ang girlfriend ni Nick.” Parang pumintig ang aking tenga nang marinig ‘yun. Siya pala ang babaeng ipinagpalit sa akin ni Nick. Napatingin naman sa akin si Sean nang marinig niya ang pangalan ni Nick. Nasa likod siya ng mga babae kaya hindi nakikita ang kanyang mukha. “Yung ex mo?” ang sabi niya gamit ang kanyang mga labi. Pasimple naman akong tumango. Napangiwi naman siya. Hindi naman ako umimik at tinignan lang naman itong Katelyn. Tinaasan niya lang naman ako ng kilay at tinignan mula ulo hanggang paa. “Hindi pa ba tayo magpapa-ayos?” ang tanong naman niya kay Nicole. Halatang walang interes kung sino ako. Napatingin naman ako kay Sean. “Ah, dito po mga Miss,” ang anunsyo naman ni Sean kaya napatingin sila sa kanya. Inihatid naman ni Sean ang mga kliyente sa mga vanity table. “Ano pang okasyon at anong klaseng look ang gusto niyo?” “May casting kami ng models sa isang mall,” ang paliwanag naman ni Nicole. “Yung medyo sexy look ang bilin ng agency.” “I see po,” ang tugon naman ni Sean. “Wala po bang Hair and Makeup artist sa agency niyo?” ang tanong naman ni Sean sa kanila. Malakas ang kutob ko na iisang agency ang tinutukoy niya at ng agency na nabanggit ni Nick. “Meron naman,” ang tuugon ni Nicole. “Pero hindi kami satisfied dun sa makeup artist; hindi siya magaling.” “Iba rin ang kaartehan,” ang sabi ko sa aking isipan. “Masyado lang mataas ang standards mo, Nicole.” Naalala ko naman ang aking notebook. Kailangan ko ulit magmasid at baka may matutunan akong bago. Nagtungo ako sa locker room at kinuha ang aking notebook ngunit natigilan ako sa bungad ng mismong work area nang makita ang isang mukha. Si Nick! “Shuta!” ang sigaw ko sa aking isipan. “Anong ginagawa niya rito?” Kailangan kong umiwas at umalis. Ngunit bago pa lamang ako makaalis ay nakita niya na ako. Nagtama ang aming mga tingin. Natigilan siya at tinitigan ako nang mabuti na tila ba hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Napa-iling naman siya at napangisi nang mapagtantong ako nga at hindi lang siya basta nakakakita ng multo o nananaginip ng gisip. Ang ngiting ‘yun ang dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya. Ang parehong ngiting nagpapaliyab ngayon sa aking pagkamuhi sa kanya. Gusto ko nang umalis. Humakbang ako papalayo ngunit sa aking unang pagtapak pa lamang ay natigilan ako. Wala na ba akong ibang pwedeng gawin? Tumakbo na lamang palayo? Hanggang kailan ba ako tatakbo?  Kailangan nang mahinto ang kahibangan kong ito. Napailing naman ako at ibinalik ang aking paghakbang. “Hindi ako papatalo at papa-apekto sa’yong hayop ka,”ang sabi ko sa aking isipan habang nagtatalo ang aming tingin sa isa’t-isa. Binawi ko naman ang aking tingin at pinanood si Sean sa kanyang ginagawa. Tahimik akong nagsulat sa aking notebook at pilit na kinalimutang narito ang lalaking nanakit sa akin. Hindi ko naman namalayan na may sumisilip sa aking isinusulat mula sa aking likuran. “Patay na patay ka talaga sa akin, ‘no?” ang bulong ng isang boses. Sa aking pagkagulat ay muntikan ko nang maihampas sa kanya ang hawak ko. Kaagad ko namang pinaghinayangan na hindi nga nangyari ‘yun. Isinara ko naman ang aking itim na kuwaderno at hinarap siya. Napatupi naman ako ng mga kamay. “Bakit ang kapal ng mukha mo?” ang tanong ko naman sa kanya. “Sa tingin mo, matapos ng ginawa mo? May interes pa rin ako sa’yo?” “Paano mo ipapaliwanag ang biglaan mong pagpapakita ng interes sa ganitong propesyon?” ang argyumento naman niya. “Gusto mong maging isang makeup artist para sundan ako at makipagbalikan pa ako sa’yo.” Tumalim naman ang tingin ko sa kanya. “Napaka-tipikal na para sa’yo na isipin na sa’yo lang umiikot ang mundo, no?” ang tanong ko naman sa kanya. “Kawawa ka naman dahil may sarili kang mundong ginagalawa, Nick. Siguro nga, gusto kong maging makeup artist para mapalapit sa mga modelo. Pero bakit ko naman pipiliing mapalapit sa isang baguhan at hindi kilalang taong katulad mo.” Kaagad namang nag-iba ang ekspresyon sa kanyang mukha nang dahil sinabi ko. “Nick, tulad nga ng sinabi ko, mas marami pang gwapo sa’yo,” ang aking pagpapatuloy. “Parang si… Magnus. Di hamak namang mas guwapo ‘yun at sikat na sikat. Siya na lang kaysa sa’yo na walang pangalan.” “As if namang papatulan ka,” ang komento naman niya. “Mas mabuti nang pangarapin kong maging malapit sa isang tulad niya kaysa sa’yo,” ang argyumento ko naman. “Isa pa, bakit ko namang ipagmamalaki na naging ex kita?  Bukod sa mukha mo, wala ka rin namang ibang maipagmamalaki.” “Anong ibig mong sabihin?” ang tanong naman niya. “Hindi ka naman matalino,” ang tugon ko. “Pangit na nga ng ugali mo; maliit pa yang alaga mo.” “A-ano?!” ang galit at gulat niyang tanong sa akin. Mas lalong lumakas ang loob ko para laitin siya.” “Bakit parang nagulat ka?” ang tanong ko naman. “Parang ganito nga lang.” Pinakita ko namn ang aking mga daliri na parang may sinusukat sabay tawa. Rumihistro naman sa kanyang mukha ang galit. “Excuse me, sir,” ang pagsingit naman ng isa sa mga kasamahan ko sa studio. Natigilan kami ni Nick at napatingin sa kanya. “Turn niyo na po magpalagay ng makeup.” Tumango naman si Nick sabay baling muli ng tingin sa akin. “Isa siya sa mga staff niyo, ‘di ba?” “Uhm, isa po siya sa mga trainee namin,” ang tugon naman ng kasamahan ko. “Gusto kong siya ang mag-ayos sa akin,” ang sabi naman ni Nick. Kapwa kami napanganga sa sinabi niya. “Pero, Sir—” “May problema ba?” Ikaw na nagsasabi na trainee siya; siguro naman may natutunan na siya sa inyo,” ang argyumento naman ni Nick. “Sandali lang po, ipapaalam ko lang sa Head Hair and Makeup artist namin,” ang paalam naman niya pagkatapos ay pumunta kay Sean para kausapin siya. Tinapunan ko naman ng masamang tingin si Nick. “Anong sa tingin mong ginagawa mo?” ang tanong ko naman. “Gusto ko lang namang panoorin kang magkamali at mapahiya,” ang tugon naman niya; nakangisi. Kahit kailan ay wala talaga siyang ibang gustong gawin kundi ang saktan at pahirapan ako. “Unless makagawa ka ng matinong trabaho.” “Angelo, gusto mo ba?” ang tanong naman sa akin ni Sean. Napasulyap naman ako kay Nick. Kinuha ko naman ang kamay ni Sean at hinila papalayo sa demonyong ‘yun. “Hindi ko sigurado kung kaya ko,” ang kaagad kong sinabi kay Sean nang makalayo kami. “Gusto niya ang akong paglaruan at muling pagtawanan.” “Ang tanong hahayaan mo na lang ba na muli ka niyang paglaruan at pagtawanan?” ang tanong naman niya. “Matagal pa ba kayong mag-uusap?” ang singit naman ni Nick. “Hindi dapat pinaghihihntay ang mga kliyente, ‘di ba?” Napa-ikot naman ako ng mga mata. Napakademonyo talaga ng taong ito. Napabuntong-hininga naman ako at naglakad papalapit sa kanya. “Maupo ka na rito,” ang malamig kong utos sa kanya. Nakangisi pa rin naman siyang sumunod sa akin. Ito ang tamang oras para gumanti sa kanya. Pwede ko siyang papangitin para hindi siya makuha sa kung ano mang casting na pupuntahan niya. Pero… kung gagawin ko naman ‘yun, masisira ang reputasyon ni Lander at ng kanyang studio. “Bahala na,” ang sabi ko naman sa aking sarili.  Kinuha ko naman ang makeup primer. Sa aking kaba ay nabitawan ko naman ‘yun kaya naman nahulog ito sa sahig. “Clumsy mo pa rin,” ang komento niya. Hindi ko naman siya pinansin; bagkus ay binaba ko ang aking katawan upang kunin ang nahulog na produkto. Natigilan naman ako nang tumikhim siya napatingin ako sa kanya. “Miss the view?” Nanlisik naman ang mga mata ko at kaagad na kinuha ang face primer pagkatapos ay tumayo. Sinimulan ko namang pahiran ng primer ang kanyang mukha. Ang hirap magpigiil ng galit. Gusto ko talagang isampal sa kanya ang hawak ko pero ayokong gumawa ng eksena. Tama na ang naging away namin ni David. Ayoko ring masira ang pangalan ni Lander dahil lang sa lalaking ito. Tama nga si Sean; nasa sa akin na ang desisyon kung hahayaan ko siyang pagtawanan ako at muling saktan. Ipinagpatuloy ko naman ang pag-aayos sa kanyang mukha. Hindi naman ako masyadong gumamit ng kulay dahil lalaki naman siya. Natural makeup look lang. Kinuha ko naman ang hair blower, hairbrush at ilan pang hair product. Sinimulan ko namang ayusin ang kanyang buhok. Bumalik sa aking alaala ang masasayang araw naming dalawa; nung mga panahong ako rin ang nag-aayos ng buhok niya. Hindi ko namalayan na ang ang ayos ng buhok na ginawa ko ay ang mismong ayos na ginagawa ko noon. Napansin ko lang ito nang matapos ko itong lagyan ng hairspray at napatingin  sa salamin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD