Chapter Two: His Love

1493 Words
Angelo's Point of View           Pagkatapos ng aking trabaho ay dumeretso ako sa nakasanayan kong bilihan ng pagkain. Dahil sa madalas kong pag-overtime ay nagagahol ako sa oras upang makapagluto ng hapunan para sa aming dalawa. Nang makabili ng makakain ay dumeretso ako sa apartment namin ni Nick. Ilang buwan lang ang lumipas nang magkaroon kami ng relasyon ay napagdesisyunan naming magsama. Nadatnan ko siya sa munti naming sala at naglalaro ng video game.           “Kanina ka pa?” ang tanong ko.           “Oo,” ang simple naman niyang tugon.           “Ipaghahain nakita,” ang sabi ko naman. Hindi naman siya umimik samantalang nagtungo ako sa kusina upang isalin ang pagkain sa mga plato. Pagkatapos ay tinawag ko naman siya upang pagsaluhan ang simpleng hapunan. Kahit nag anito ang aming sitwasyon ay masaya na ako. Masaya na ako na kasama siya. Masaya na ako na araw-araw ko siyang nakikita. Habang kumakain ay abala na naman siya sa kanyang cell phone. Tila ba may kausap siya dahil kanina pa siya nagta-type at ngingiti. “Sinong kausap mo?”           “Ha?” ang reaksyon naman niya sabay tingin sa akin. “Nagbabasa lang ako ng memes.”           “Ah,” ang reaksyon ko sabay tango. Muli na naman niyang tinuon ang kanyang atensyon sa mga “memes” na sinasabi niyang binabasa niya. Inayos ko naman ang mga platong ginamit namin at sinimulang maghugas. Pumasok ako sa kuwarto namin nang matapos. Kasalukuyang nasa banyo si Nick at naliligo. Nakita ko naman ang phone niya sa side table. Naupo ako sa sofa at kinuha yun. Pareho kami ng passcode; ang araw kung kailan kami naging opisyal na magkasintahan. Linagay ko naman yun. Nagtaka naman ako dahil mali. Ilang beses ko naman yung linagay ngunit mali talaga ang lumalabas na prompt sa tuwing pipindutin ko ang enter.           “Anong ginagawa mo?” ang tanong ni Nick pagkalabas niya ng banyo, puting tuwalya lamang ang nakapulupot sa kanyang baywang kaya naman kita ang ganda ng hubog ng katawang talaga namang inaalagaan niya. Naglakad naman siya patungo sa aking harapan at hinablot mula sa aking kamay ang phone niya. “Ayokong pinapakialaman mo ang mga bagay na sa akin.”           “Hindi ko alam na nagpalit ka pala ng passcode,” ang komento ko naman.           “Bawal ba ako magpalit ng passcode?” ang tanong naman niya.           “Hindi naman,” ang tugon ko.           “Hindi kita pinapakialaman, Angelo,” ang galit niyang sinabi. “So, don’t invade my privacy."           “Sorry,” ang paghingi ko ng paumanhin. Tumayo naman ako at nagtungo sa labas. Dumeretso ako sa sala at kinuha ang isang kahon mula sa gilid at inilabas ang mga laman nito. Inayos ko namang ang isang ringlight sa harap ko kasabay ng phone ko. Binuksan ko ang f******k app at sinimulan ang isang live streaming.           “Mga beshy, Biyernes na naman ng gabi at heto na naman ako para bentahan kayo ng mga pampaganda,” ang pagsisimula ko nang umabot ng ilang numero ang bilang ng mga manonood. Oo, sa ganitong oras ay nagtitinda ako online. Ilan sa mga paninda ko ay mga cosmetics at skincare products mula sa Korea at Thailand. Kahit paano naman, sa awa ng Diyos, ay nakakabenta naman ako kahit paano.           Nakakapagod ang araw na ‘to pero masaya pa ring isipin na merong Nick akong nakikita sa araw-araw. Siya lang ang mundo ko. Sa kanya ko planong ialay ang kinabukasan ko. Ang dami ko nang plano para sa aming dalawa. Pagkatapos ng online live selling na aking isinagawa ay muli akong pumasok ng kuwarto. Nakahiga na si Nick sa kama; abala pa rin siya sa pagkalikot ng kanyang cell phone. Tumabi naman ako sa kanya at yumakap sa kanya.           “Angelo, huwag ngayon; mainit,” ang suway niya sabay alis sa kamay ko. Tumalikod naman siya sa akin. Napasimangot naman ako.           “Nick,” ang pagtawag ko sa kanya. “Sabado bukas.”            “Biyernes ngayon, di ba?” ang sarkastiko naman niyang tugon.           “Gusto mong manood ng movie bukas?” ang paanyaya ko naman. “Wala naman akong gagawin. Tsaka, matagal na rin tayong hindi nakapasyal.”           “Marami akong gagawin bukas,” ang tugon naman niya. Maraming gagawin? Ang alam ko ay day off niya rin bukas.           “Tulad ng?” ang tanong ko naman. Humarap naman siya sa akin.           “Huwag ka na matanong,” ang komento naman niya. Napakunot naman ako ng noo. “Sige, ganito na lang. Babawi na lang ako ngayong gabi.”           Inilapit naman niya ang kanyang mukha at sinimulan akong halikan. Pumatong naman siya sa akin. We started to make love.           Kinabukasan, nagising ako ng maaga. Dahan-dahan akong bumaba ng kama at hinanap ang mga damit ko sa sahig. Nang makapagbihis ay inayos ko ang kumot. Isang ngiti ang naipinta sa aking mga labi nang masilayan ang natutulog na mukha ni Nick. Nagtungo namana ko sa banyo para maghilamos. Tinignan ko ang leeg ko. Mabuti na lang ay walang mga marka. Inangat ko ang collar ng aking suot na shirt; maraming marka sa aking dibdib. Sa tuwing magsisiping kami ni Nick ay palagi itong nanagyayari. Napakamot naman ako ng ulo. Hindi naman halata dahil natatakpan kaya hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin. Lumabas ako upang magtungo ng kusina. Patapos na akong magluto ng agahan nang lumabas si Nick mula sa kuwarto. Kaagad kong napansin ang suot niya. Saan kaya siya pupunta?           “Ang aga mo namang umalis,” ang komento ko.           “Ah, may hinahabol akong appointment,” ang tugon naman niya.           “Anong appointment?” ang tanong ko naman. Natigilan naman siya at napatingin sa akin.           “Medical check-up,” ang tugon naman niya.           “Ha? Para saan?” ang nag-aalala kong tanong. “May sakit ka ba?”           “Wala,” ang tugon naman niya. “Protocol sa coffee shop. Expired na kasi ang health certificate ko.”           Napatango naman ako.           “Kumain ka na muna,” ang yaya ko.           “Hindi na, nagmamadali ako,” ang tugon niya sabay ayos ng sleeves ng polo shirt niya. Linapitan ko naman siya para ayusin ang kwelyo ng damit niya. “Gabi na ako makakarating. Huwag mo na akong hintayin.”           “Sige,” ang mahina kong tugon. Hindi na ako nag-usisa pa kung saan pa ang iba niyang pupuntahan.           “Mahal,” ang pagtawag niya sa akin. “May pera ka ba diyan?”           “Hindi ba binigyan kita nung isang araw? Tapos kasasahod mo rin nung makalawa?” ang reaksyon ko. Napasimangot naman niya.           “Okay lang naman kung ayaw mo,” ang komento naman niya. Maglalakad na lang ako papunta ng ospital Tsaka pinambili ko ng game para sa PS4 yung iba sa pera. Binilhan din kita.”           Pinanood ko naman siyang pumunta ng kuwarto at lumabas mula sa kuwarto bitbit ang isang paper bag. Inabot naman niya sa akin yun.           Tinignan ko naman ang laman at inilabas yun. Napatingin ako sa kanya.           “Hala, ang ganda,” ang komento ko habang hawak-hawak ang isang kulay lilang T-shirt. “Salamat, paborito ko pang kulay.”           Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.           “Okay ka na?” ang tanong naman niya. Tumango naman ako bago muling bumalik sa kuwarto upang kumuha ng pera sa aking wallet. Inabot ko naman yun sa kanya.           “Ang bait talaga ng mahal ko,” ang paglalambing niya sabay halik sa aking noo.              “Aalis na ako,” ang anunsyo niya pagkatapos maisuot ang kanyang sapatos.           “Ingat!” ang tugon ko. “Mahal kita.”           “Love you, too,” ang tugon niya bago tuluyang lumabas ng apartment. Bumalik naman ako sa kusina at sinimulang kumain ng agahang aking inihanda. Tumunog naman ang aking phone. Dinampot ko naman yun mula sa mesa at tinignan ang sanhi ng pagtunog nito. May nagpadala ng mensahe sa messenger. Isang customer na nagpakita ng interes sa mga benebenta ko kagabi. Nasa parehong lugar lang siya kaya nagpagkasunduan naming magkita na lang sa isang mall mamayang hapon upang maihatid ko ang aking bengtang skincare. Sa totoo lang, hindi ko alam kung talagang effective ang mga skincare na binebenta ko; hindi ko kasi ginagamit. Nanghihinayang ako sa presyo kaya naman umaasa na lang ako sa customer feedback na sa awa ng Diyos ay hindi pa nakakatanggap ng reklamo o mga negatibong komento. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD