Chapter One: The Office Worker

1342 Words
Angelo's Point of View “Congratulations, Mike!” ang pagbati ng mga katrabaho ko kay Mike. Nasa harap siya ngayon at tinatanggap ang promotion mula sa manager namin. Pagkatapos ng maikling pagpalakpak at pagbati sa kanya ay pinagpatuloy ng lahat ang aming trabaho. Natigilan naman ako sa pag-eencode nang bumulong si Sunshine na nasa katabing desk. “Sa’yo dapat ang promotion na yun,” ang bulong niya habang nagbabasa ng kabibili niyang magazine. “Hindi ka dapat nagbabasa ng kung anu-ano sa oras ng trabaho,” ang komento ko naman. “Baka makita ka ng boss natin at mapagalitan ka pa.” “Hindi ko mapigilan,” ang tugon naman niya kaya napakunot naman ang aking noo. “Narito kasi yung crush kong model.” Napaikot naman ako ng mga mata at muli siyang pina-alalahanan sa mga natira pa naming report na kailangang ipasa. Inilapag naman niya ang magazine sa mesa niya. Napatingin naman ako modelong nasa front page. Magnus Astudillo, napa-gwapong nilalang; hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang mga matang parang hinihila ka sa kawalan. Natauhan naman ako nang makarinig ng mga pagpitik sa harapan ng aking mukha. Sinundan ko ng tingin ang kamay sa harapan ko. “M-Mike, ikaw pala!” ang gulat kong reaksyon nang makita ang kanyang mukha. Tumikhim naman siya sabay sabing, “Sir Mike.” “Ah, Sir Mike,” ang pag-uulit ko sa kanyang pagtatama. Hindi naman na ako nagulat dahil hindi na rin bago sa akin ang pagiging bossy niya. “Ano hong kailangan niyo?” Napangiti naman siya. Halatang nasisiyahan sa kanyang bagong posisyon sa aming departamento. Isang ngiting tagumpay ayon nga sa sabi ng iba. “Ibili mo ako ng kape,” ang utos niya. Napansin kong natigilan si Sunshine sa kanyang ginagawa at napatingin sa direksyon ko. Hindi ko naman sinalubong ng tingin ang kanyang mga mata, batid kong kontra siya pag-uutos sa akin ni Mike. “Yung dati. Gawin mon ang dalawa, para sa General Manager natin.” “Sure, Sir,” ang pagsang-ayon ko naman bago tuluyang tumayo. Siguro nga nakakainis na ang ugali ni Mike pero wala akong balak makipag-away sa kanya. Kailangan ko ang trabaho ko at gagawin ko ang lahat upang makisama. “Nga pala, Angelo. Extra two hours mamaya.” “Okay, Sir,” ang simple ko namang tugon bagoo kinuha mula sa kanya nag pambili ng kape. Nagsimula akong maglakad palabas ng gusali. Natigilan naman ako nang nasal abas na ako. Tumingin ako sa kalangitan; makulimlim na at ramdam ko na rin ang lamig dala ng pag-ihip ng hangin. Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Hindi naman nagtagal ay nakarating ako sa paborito kong coffe shop. Mabuti na lang ay malapit din ito sa opisina. Dito nagtratrabaho si Nikolaus, o Nick; ang aking kasintahan. Pumasok ako. Wala pang masyadong tao. Natagpuan ko si Nick sa counter. “Good m-,” ang pagbati niya ngunit natigilan siya nang makita ako at napasimangot. “Ikaw lang pala.” “Mahal,” ang pagtawag ko sa kanya. “Huwag dito, Angelo,” ang suway naman niya sabay tingin sa paligid. “Baka may makarinig sa’yo.” Sakto namang may mga babaeng pumasok ng coffee shop. “Um-order ka na,” ang sabi naman niya. “Ah, dalawang americano,” ang tugon ko. Madalian naman niyang binigay ang resibo bago ako pinaghintay sa kabilang dulo ng counter. Pinanood ko si Nick habang kinaka-usap ang mga babaeng customer. Natutuwa ako kapag nakikita ko siyang nakangiti. Napaka-charming niya talagang tao. Ito rin siguro ang pinakarason upang mahulog ako sa kanya. Inikot ko ang mga mata. Dumapo ang aking tingin sa isang upuan. Mahigit dalawang taon na ang nakakalipas nang kapapasok ko pa lang sa kumpanya, sa mismong upuan na yun ako nagpapalipas ng oras. Madalas ay nagbabasa ako ng libro sa parteng yun ng coffee shop hanggang sa maabutan ako ng pagsasara. Si Nick ang una kong makikita pagpasok ko at siya rin ang huling taong magsasabi sa akin na pasara na sila. Isang araw, habang nasa kinaugalian kong pwesto ay may tumabi sa akin. Wala namang problema sa akin kaya hindi ko na lang pinansin. “Caramel Macchiato for Angelo,” ang anunsyo ng isang boses kaya naman natigilan ako. “Sorry, hindi ako um-,” natigilan naman ako nang makita kung sino nag nagbibigay ng kape. Ang taong nasa tabi ko, ang barista sa coffee shop. Hindi niya suot ang kanyang uniform ngunit dahil sa dalas kong magpunta rito ay tumatak na sa aking isipan ang kanyang pangalan. “-order.” “Alam ko pero gusto kitang bilhan nito.” “Uhm, pero bakit?” ang tanong ko. Napangiti naman siya. “Sabihin na nating dahil naging suki ka ng coffee shop,” ang paliwanag niya. Napangiti naman ako at tinanggap ang kapeng kanyang inaalok. “And you’re the apple of my eye.” “Huh?” ang gulat kong reaksyon. “Pwede ba kitang samahang maglakad mamayang pag-uwi?” “Mukhang matatagalan ako rito,” ang komento ko naman. “Alam ko,” ang tugon naman niya. “Pero hihintayin pa rin kita.” “Americano for Angelo!” ang pagtawag ng barista. Kagaad ko namang pinuntahan ang kape na inihanda ng isa pang barista. Gusto ko sanang magpaalam kay Nick naiintindihan kong abala siya sa kanyang trabaho. Habang naglalakad ay natigilan ako sa harap ng isang magazine stand. Nakita ko na naman ang mukha ni Magnus Astudillo sa ilang cover ng fashion magazine. Hindi ko namalayan na may tumabi sa akin para tignan din ang mga magazine. Napalingon ako. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha sapagkat nakasuot siya ng face mask at isang bucket hat. Napatingin siya sa direksyon ko. Pamilyar ang kanyang mga mata ngunit hindi ko maalala kung sino. Binawi ko naman ang aking tingin at pinagpatuloy ang paglalakad. “Teka,” ang bulong ko sa aking sarili. “Hindi ba si Magnus yun?” Kaagad akong napa-ikot para tignan muli ang kanyang mukha. Wala na siya doon. Muli kong pinagpatuloy ang paglalakad. Nagtatalo ang aking isipan kung si Magnus nga ‘yun. Imposible. Inabot ko kaagad kay Mike ang pinabili niyang kape. Kasulukuyan siyang nakikipag-usap sa General Manager namin. Halata sa kanilang galaw at pag-uusap na malapit sila sa isa’t-isa. “Sir, kape,” ang alok ni Mike sa General Manager. Lalabas na sana ako nang magsalita si Mike. “Angelo, salamat sa pagpayag. Kina-usap ko na itong si Angelo, Sir. Tungkol sa overtime.” Napatingin naman sa akin ang General Manager. “Salamat, Mike. Maasahan ka talaga,” ang pasasalamat ng General Manager sa kanya. Hindi ko lubos maunawaan kung bakit siya nagpapasalamat kay Mike. “You really deserve your position.” Tahimik na lamang akong lumabas. Sa totoo lang, wala naman akong pakialam sa work politics na nagaganap sa loob ng kumpanya. Importante sa akin ngayon ang kumita ng pera. Marami kaming babayarin ni Nick. Tinigil ng aking mga magulang ang suporta sa akin simula nang malaman nila ang tunay kong sekswalidad. Kaya naiwan akong walang ibang pagpipilian kundi ang magpursige para sa aming dalawa. Ngunit may mga pagkakataon talagang hindi ko sila masikmura. Bumalik ako sa aking office table at pinagpatuloy ang aking trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD