Kabanata 1
Ang mundo ay puno ng kababalaghan. Mula sa karaniwang buhay natin, ang buhay ng mga imortal ay umiikot din. Sa kadiliman ng gabi, hindi natin alam ang ilan sa kanila ay atin pang nakakasalamuha.
Sa madilim na mundo ng Afgatoryo, matatagpuan ang kaharian na pinamumunuan ni Haring Hevacio. Ang matapang at mabait na hari ng mga bampira. Sa isang malaki at madilim na kastilyo ng Halmero, nakatira sya kasama ng kanyang kabiyak. Si Anasia, ang maganda at mapagmahal na Reyna.
Kagaya ng karaniwan, ang mga bampira ay nahahati sa dalawang pangkat. Ang mga nasasakupan ni Haring Hevacio, at ang pangkat ni Furton. Ang pangkat ni Furton ay nabuo mula sa mga bampirang nag aklas sa mabuti at maayos na pamumuno ni Hevacio. Hindi nila gusto ang patakaran na bawal magtungo sa mundo ng mga tao, lalo na ang manakit at uminom ng dugo ng mga mortal.
Para sa pangkat nya, isa itong kaduwagan at kalapastanganan sa kanilang lahi. Namulat sya sa paniniwalang ang mga tao, ang dugo ng mga ito ay hain para sa mga imortal at malalakas na bampirang gaya nya.
"Kung ako lang sana ang pinili ni Ama para humalili sa kanya bilang Hari, hindi tayo dapat nagtitiis sa dugo ng mga hayop!" ito ang madalas nyang sabihin sa pangkat nya.
Ang namayapang ama ni Furton, ay naghari sa Halmero ng ilang libong taon. Ngunit bakit kay Hevacio napunta ang trono? Dahil nakita ng dating pinuno ang kabutihan sa puso ng kanyang pamangkin, habang kasamaan naman ang nakita nya kay Furton - na kanya mismong anak at tanging prinsipe.
...
Patuloy na namuhay ng hiwalay ang mga tao sa mundo, at mga bampira naman sa Afgatoryo. Tahimik, walang gusot sa pagitan ng liwanag at dilim. Nirerespeto ang karapatan ng magkaibang uri ng mga nilalang. Ngunit ang pag-aaklas ni Furton ang syang sisira sa matagal nang iniingatan na kapayaan ng mga bampira, at mga tao.
Sya rin ang sisira maging sa buhay ng mabait na Hari at ng Reyna. Sa kabilugan ng mapula at tila kulay dugong buwan, nagsimulang kumislot ang bata sa sinapupunan ni Anasia. Manganganak na sya sa una nilang supling ng hari. Sa tulong ng mga manggagamot, malusog nyang isinilang ang isang sanggol na babae.
"Isang babae? May prinsesa na ako. Hahhaha" puno ng galak na turan ni Pinunong Hevacio.
Nagbunyi ang buong palasyo at napuno ng galak ang mga nasasakupan. Pingalanan nila itong Hermosa, na ang ibig sabihin ay maganda.
Panay ang halik nya sa sanggol habang tangan ng ina. Hindi man sila sinuwerteng magkaanak ng lalaki na papalit sa pwesto nya, isa parin itong malaking biyaya.
Ang masayang balita ay umabot sa kuta ni Furton. Malakas na halakhak ang bumalot sa paligid dahil mas madali sa kanyang maagaw ang trono ni Hevacio ngayong hindi lalaki ang tagapagmana nito. Mahina ang tingin nila sa mga babaeng bampira. Walang kakayanan at madaling magapi.
Sa pamamagitan at sa tulong ng isang malakas at masamang itim na salamangkero na si Core, magaganap ang trahedyang inaasam ni Furton.
.....
Ika-limang buwan ng bata.
Isang dakot ng buhangin, limang patak ng dugo ng kambing, at isang pirasong buhok ng sanggol na iyon. Bumulong nang paulit-ulit sa hangin ang masamang salamangkero, ang kidlat ay humiwa sa payapang gabi. Ang malalakas na kulog ay pumailanlang sa kalangitan at bumasag sa tahimik na paligid.
Nahintakutan ang lahat ng isang malakas na hangin at tila itim na usok ang bumalot sa buong Afgatoryo. Segundo lamang iyon pero lubhang nakakakilabot.
"Ang bata, ingatan nyo!" sigaw ng mga manggagamot.
Niyakap ni Anasia ng mahigpit ang bata at ikinubli ng pilit. Pero ang mahinang espiritu nito ay pinasok ng itim na usok.
Matapos ang dalawang linggo, ang bata ay kinapitan ng malubhang sakit. Isang sakit na tanging si Core lamang ang makakapagpagaling.
Ngunit bakit ang bata? Bakit hindi nalang si Haring Hevacio ang bigyan nila ng sakit para maagaw nila ang palasyo ng Halmero ng walang kahirap-hirap?
Ang lakas ni Core bilang salamangkero ay hindi kayang gapiin si Hevacio. Ang imortal nyang lakas ay di kayang pasukin ng isang sumpa o sakit. Sya ay sadyang makapangyarihan. Ngunit ang sanggol na bampira ay napakaliit at napakahina pa.
At naghihinagpis si Anasia na makitang nahihirapan ang anak. Nagpahanap sila ng pinakamagaling na manggagamot sa buong Afgatoryo. Sinuyod ang buong lupain ngunit wala silang natagpuan.
Ayon sa mataas na manggagamot, dalawang paraan lang ang maari nilang magawa para tumagal ang buhay ng bata, una, ang painumin ito ng dugo ng tao, pangalawa, ang pagsalin ni Hevacio ng kapangyarihan nya dito.
Ang manggagamot na si Efres ang syang nangangalaga sa bata. Bagaman dalubhasa sya, hindi nya magawang kontrahin ang sakit.
Nangingitim ang katawan nito at tila natutuyot. Alam ni Efres na ikamamatay ito ng sanggol habang tumatagal.
Efres: "Mahal na Pinuno, magdesisyon kana habang may oras pa. Lumulubha na ang karamdaman ng bata."
Hevacio: "Hindi ko maaring buksan ang lagusan patungo sa mundo ng mga tao para lang makakuha ng dugo. Siguradong maraming tao ang mamamatay. Hindi natin hawak ang isip ng bawat bampira."
Oo, ang dimensyon na syang daan patungo sa mundo ng mga tao ay isang beses lang maisasara. At ang tanging paraan para mawasak ang lagusan, ay ang pagpatay sa puting salamangkero na syang natitira sa kanilang buong lahi.
Walang may alam kung sino ang puting salamangkero, liban nalang sa namayapang ama ni Furton, ang dating Hari. Ngunit ang impormasyong iyon ay kasama nya ng naglaho. Sa pagsara ng dimensyon, ibinuhos ng puting salamangkero ang kanyang kapangyarihan, at namumuhay sya ngayon bilang normal na bampira. Walang nakakakilala.
Efres: "Kung ganun, pinipili mo ba ang isa pang paraan?"
Tumango si Hevacio. Handa syang isalin sa bata ang kapangyarihan nya, mabuhay lamang ito. Kahit pa batid nyang manghihina sya at manganganib ang buhay. Dahil hindi nya matiis ang pagdurusang nakikita nya kay Anasia at hindi rin sya papayag mawala ang anak.
.....
Mangyayari ang unang eklipse matapos ang isang daang taon. Ito lang ang pagkakataon nila para isalin sa bata ang kapangyarihan ni Hevacio. At ito rin ang pagkakataong inaabangan ni Furton at ng kanyang pangkat.
Furton:
"Maghanda ang lahat! Malapit nang tumakip ang buwan sa mundo. Magsisimula na ang paghihiganti natin!"
Ang sigaw ng mga kasama nya ay nakakakilabot. May mga hawak silang espada na may basbas at lason ni Core. Susugod sila sa oras na maisalin ni Hevacio sa anak ang dugo nya. Kung kelan ito mahina.
Sa palasyo ng Halmero, si Efres ang magsasagawa ng pagsasalin. Kelangan itong gawin ng maingat upang maingatan ang buhay ng sanggol gayundin ang Hari.
Nakahanda na ang lahat, ang altar, ang banal na patalim, ang libro ng orasyon. Nakapalibot ang lahat upang saksihan ang pagsasalin ni Hevacio ng dugo at kapangyarihan sa sanggol.
Hindi ito normal na pagsasalin. Dahil ginagawa lamang ito kapag ipinapasa na ang pamumuno ng bampirang sobrang tanda na at nais na mamahinga. Sa prosesong gaya nito, kukunin ang dugo ng pinuno hanggang sa mawalan sya ng buhay at maglaho patungo sa walang kapantay na kapayapaan.
Ngunit sa kaso ni Hevacio, bata pa sya para sa edad na tatlong daang at pitong taon, at hindi rin uubusin ang dugo nya. Dahil munting sanggol palang ang tagapagmanang sasalinan nya. Kaunti lang ang dapat na makuha upang masigurado syang buhay.
Anasia:
"Mahal ko, natatakot ako. Paano kong malaman ito ng mga nag-aklas. Alam ni Furton ni manghihina ka oras na mabawasan ang iyong dugo."
Hevacio:
"Magtiwala tayo, malalampasan natin ito Anasia. Hindi ako papayag na may mangyari kay Hermosa o sa iyo."
Anasia:
"Bakit hindi nalang tayo humanap ng dugo ng tao. Hindi tayo papatay, hihingi lang tayo ng konti para sa bata."
Hevacio:
"Anasia, hindi natin pwedeng wasakin ang pinto para lamang sa kaunting dugo ng tao. Batid natin na wala ng salamangkerong makakapag sara nito. Paano na ang mga tao."
Anasia:
"May isa pang bampirang salamangkero. Si Core, baka malapitan natin sya."
Hevacio:
"Masama si Core, isa syang Itim na salamangkero. Mapapahamak lang ang lahat kapag lumapit tayo sa kanya. Magtiwala ka, maliligtas ang anak natin."
Ginagap ni Pinunong Hevacio ang kamay ng kabiyak upang iparamdam dito ang kapanatagan. At kailangan ding magtiwala ni Reyna Anasia ng buo dahil buhay ng mag-Ama nya ang nakasalalay -- sa mga kamay ni Efres.
Itutuloy.....