“Darling.” Pag tawag ni Noah sa akin. Naka balik na rin kami ng Manila para sa trabaho.
“Mhm?” Tugon ko at saka siya nilapitan.
“Holy shít Achilles!” Sigaw ko matapos matanaw kung sino ang kausap ni Noah sa kaniyang laptop.
“Long time no see, Annaya.” Natatawang sambit ni Achilles kaya bahagya akong napangisi.
“It’s nice seeing you again.” Mayabang kong sambit at saka umupo sa kandungan ni Noah.
“I feel so lonely here.” Biro niya matapos Makita ang pag upo ko.
“Kailan ka uuwi?” Tanong ko.
“This month.” Kibit balikat niyang sambit.
“I do have a favor to ask sainyo ni Ryen.” Saktong pag ka sambit ni Achilles ay ang pag join ni Ryen sa call, kasama si Davian.
“f**k being single.” Reklamo ni Achilles dahil sa bumungad sakanya.
“Uwi na kasi.” Nakangising sambit ni Davian.
“Win and get your woman back.” Pang hahamon ni Ryen kaya napangisi ako.
“That’s why I am asking all of you a favor. Do me a favor.” Reklamo niya.
“What is it?” Tanong ni Ryen.
“Naka’y Noah black card ko. Use it for her. Sa lahat ng gusto niya, sa outings na kasama siya, sa event, everything.” Seryoso niyang sambit.
We love men who literally spoils us in everything.
“Wow provider.” Biro ko.
“For her. As it should.” Sambit niya.
“Mag kakaibigan talaga kayo.” Nakangiting sambit ni Ryen.
“Where’s the card?” Tanong ni Ryen at inabot naman ni Noah ang hawak niyang black card.
“Included ba kami ditto?” Biro ko habang tumatawa.
“Both of you man can provide.” Sambit ni Achilles habang nakangisi.
“Saraiah can also provide.” Pambabara ko habang naka taas ang kilay.
“She doesn’t need too. I can and I will.” Tugon ni Achilles.
“Umuwi ka muna ditto.” Mayabang kong pang hahamon.
“Iiwasan lang ako.” Reklamo naman niya na ikinatawa naming.
“Kilala mo naman pala e.” Biro ni Ryen.
“Let her enjoy.” Sambit ni Achilles.
“Alright. Dalhin ko club.” Mapang asar na sambit ko dahilan para mapa busangot si Achilles.
“Wag naman ganyan. Wala pa ko sa Pinas.” Reklamo niya na ikinatawa naming.
“Oo na, kami bahala sa baby mo.” Natatawang sambit ni Ryen.
“May kapalit yan.” Taas kilay kong sambit.
“What?” Natatawang tanong ni Achilles.
“Shares.” Biro ko at saka nakipag apir kay Ryen.
“No need, investor na ko sa company niyong lima.” Nakangisi niyang sambit at sumandal sa kaniyang kinauupuan.
“Hindi niyo alam kung alin doon company ko ‘no?” Tumatawang sambit niya kaya napalingon kami kay Noah at Davian na tumatawa.
“3S.” Sabay nilang sambit.
“Ha?” Takang tanong ko.
“Isang 3S lang familiar sa akin. Yung nickname sa phone ni Saraiah.” Sambit ko habang nag tataka.
“That’s the meaning of his company. Someone’s Safest Secret.” Paliwanag ni Noah.
“Alam ng lahat na siya ang 3S.” Natatawang dagdag ni Davian.
“Kailan mo pa alam?” Gulat na tanong ni Ryen kay Noah.
“Bago pa siya umalis ng Pilipinas. Kuya Iyo told me.” Kibit balikat niyang sambit.
“Ayos talagang match maker ang kuya Iyo.” Biro ko.
“Oo, tinulungan ka nga ni ate Haya diba?” Nakangising sambit ni Ryen.
“Tángina, exposing ba ‘to?” Reklamo ko habang nakanguso.
But yes, ate haya helped me. A lot.
“Si Saraiah at Achilles topic ha? Paldo ka nanaman sa bunot mo Ryen.” Reklamo ko.
“Ganon talaga, ikaw main character diba?” Tumatawang sambit niya kaya napairap nalang ako lalo.
“Baka mamaya niyan magulat kami nasa Pilipinas ka na pala ha?” Taas kilay na sambit ni Ryen.
“Hindi Malabo, wag kayong mag alala, may pasalubong kayo. Suhol.” Tumatawang sambit niya at nag paalam na rin.
“Pwede na kayong lumayas.” Sambit ko kila Ryen na nag lalampungan ngayon sa may couch.
“Mamaya na.Mainit, katamad.” Sambit ni Ryen at humiga pa talaga sa lap ni Davian.
“Ano kaya magiging reaction ni Saraiah kapag umuwi na si Achilles ‘no?” Tanong ko habang hindi maiwasang isipin.
“Sa lagay, tama sila Noah e. Iiwas yon. Matatakot.” Sambit ni Ryen at saka humarap sa akin pero naka higa pa rin.
“Hindi pa siya handing Makita si Achilles, pero ang lakas ng loob umuwi ditto knowing na any time soon makikita niya yon.” Sambit ni Davian.
“Malakas loob niya kasi nag eexpect siya. Ang problema, hindi naman natin expected kailan mag papakita o mag paparamdam yang si Achilles. Hindi natin alam yung exact, ganon din si Saraiah.” Tumatawang sambit ni Ryen.
“Kahit anong pag hahanda gawin ni Saraiah, kung bigla nalang uuwi si Achilles, masisira lang pinag handaan niya. Back to zero lang din siya.” Sambit ni Noah.
“Nag oopen ba sainyo?” Tanong ni Davian sa amin.
“Oo, pero puro yun lang din. Hindi pa niya kaya, kesyo hindi pa siya handa at hindi pa siya okay.” Sambit ko habang tumatango.
“Okay na yon, kaya na niya. Thoughts nalang niya yung hindi kasi napapangunahan siya ng takot at kaba.” Paliwanag ni Ryen.
“Hindi Malabo, alam niyo naman yon.” Napapa iling na sambit ni Noah.
Alam naming hindi niya sasabihin nang diretso. Hindi niya aaminin sa amin ng buong-buo. Pero kilala namin siya. Alam naming isa sa mga dahilan kung bakit siya umuwi ay dahil umaasa siyang makita niya ulit si Achilles. Yung lalaking matagal na niyang hindi nakakalimutan. Yung taong sinasabi niyang "okay na siya," pero sa mata niya, halatang hindi pa talaga tapos.
“We watched her from the moment she stepped off that plane. Nakangiti siya, parang excited. Pero may mga oras na tahimik lang siya, na para bang may mabigat sa dibdib niya. We’d catch her looking out the window habang nasa kotse kami, as if waiting for something, or maybe, someone. She was hoping. We knew it.” Natatawang sambit ni Ryen.
“Sabi niya sa amin ni Ryen, "Expected ko naman, eh." Expected daw na posibleng mag-cross ulit ang landas nila. Expected na baka isang araw, bumungad na lang yung mukha niya sa gitna ng crowd. Pero kahit gaano ka pa maghanda sa isang bagay, kung hindi mo alam kung kailan darating, nakakagulat pa rin. Nakakatakot.” Kibit balikat na sambit ko.
“Kung siguro isang araw Makita natin sa Mall nalang bigla si Achilles, for sure yayanig mundo ni Saraiah.” Sambit ni Davian na nag iimagine ng scenario.
“If that scene has come into reality, doon natin ma-ko-confirm, na hindi pa siya handa. Kahit ilang ulit niyang sabihin sa sarili niya na kaya na niya, pag-andyan na, nauunahan pa rin siya ng takot. Hindi dahil mahina siya. Hindi dahil hindi niya mahal yung sarili niya. Pero dahil mahal pa rin niya yung taong 'yon, mahal pa rin niya si Achilles kahit pilit niyang pinipigilan. At yung fear… hindi lang basta takot sa tao. Takot yun sa kung anong mararamdaman niya pag nakita niya ulit. Takot sa posibilidad na siya lang ang naiwan sa alaala. Takot na baka hindi pala worth it lahat ng pinanghawakan niya.” Paliwanag naman ni Noah.
“Bakit parang relate na relate ka?” Taas kilay kong sambit kay Noah at bahagya tuloy siyang napatawa.
“Masyado kang observant, lala.” Biro ni Davian.
“Pareho lang naman kami ni Noah, saka tama siya.” Tumatangong sambit ni Ryen.
“She’s been so good at pretending na okay na siya, na naka move on na siya. Pero sa mga mata niya, sa mga paghinga niya, sa paraan ng pananahimik niya… I know she's still holding on. Maybe not to him, but to the unfinished part of their story. To the closure they never got.” Sambit ni Ryen.
“Hindi naman natin masisisi, siya umalis, sinundan pa nga siya.” Biro ko na dahilan para mapatawa sila.