“Nandito nanaman tayo.” Reklamo ni Saraiah matapos naming siyang puntahan sa kaniyang office.
“Masama na palang bisitahin ang kaibigan?” Taas kilay kong sambit habang si Ryen ay naka sunod lang sa akin.
“Sayang, may dala pa naman kaming shawarma mo.” Nakangising sambit ni Ryen na ikinatawa ko.
Ang bilis mag bago ng mood talaga netong si Saraiah kapag nakakarinig ng shawarma yan.
“Gala tayo.” Pag yaya ni Ryen sabay sulyap sa akin. I get it, sasampulan naming card ni Achilles.
“Panibagong gastos nanaman.” Taas kilay niyang sambit.
“Hindi naman naming sinabing ikaw ang gagastos?” Natatawa kong sambit at ipinakita ang black card na hawak ko.
“We have this black card oh?” Tumatawang sambit ko.
Hindi naman na mag tatanong si Saraiah dahil for sure aakalain niyang kay Noah ang card na hawak ko kahit na ang totoo ay kay Achilles ito.
“Mayabang ka.” Biro niya na ikinatawa ni Ryen.
“Ano, g ka?” Tanong ni Ryen at bahagyang tumango si Saraiah.
“Makakapag hintay naman ang work na ito.” Biro niya pa at sumandal sakanyang swivel chair.
“Saan tayo?” Tanong ni Saraiah.
“Enchanted Kingdom.” Sambit ko na ikinalaglag ng panga nilang dalawa.
“Ano nanamang amats mo?’ Reklamo ni Ryen.
“Ayaw niyo? Sky Ranch Tagaytay nalang.” Tumatawa kong sambit.
“Nag bigay ka pa talaga ng option e pareho lang naman yan.” Nakangusong sambit ni Saraiah.
“G ba kayo? College pa huli nating ganon ah.” Sambit ko.
“Wala naman kaming choice. Kasama baa ng boys?” Tanong ni Saraiah.
“Oo, driver natin.” Sambit ko.
“At kanino nanaman ako sasabay?” Tanong ni Saraiah at bahagyang tumawa.
“Sa amin.” Kibit balikat kong sambit.
“Salitan talaga e ‘no?” Sarcastic na sambit ni Saraiah habang naka nguso.
“Bawal ka nga kasi ng mag isa.” Pambabara ni Ryen na mas ikinanguso niya.
“So saan? Tagaytay o EK?” Tanong ko.
“EK nalang.” Sambit nilang dalawa kaya tumango ako.
“Mag isang sasakyan nalang tayo.” Suhestiyon ni Saraiah.
“Sawa ka na ba maging thirdwheel?” Natatawa kong sambit.
“Medyo, mag Van nalang tayo.” Sambit niya na tinanguan naman ni Ryen.
“Sige tapos mag salitan nalang sa pag drive si Davian at Noah.” Sambit ni Ryen na sinang ayunan naming.
The moment we stepped out of the van, parang lahat kami biglang nawala ang antok, pagod, at gutom. From Manila, around 2 hours din ang biyahe dahil sa konting traffic, pero hindi namin ramdam kasi todo kwentuhan and hype kami sa van pa lang.
Pagdating sa entrance, ang laki ng smile namin. Nakita agad namin si Eldar the Wizard, yung mascot ng Enchanted Kingdom, and of course, normal routine naming kapag gagala ay kailangan mag take ng pictures and videos for memories. Ang daming tao pero hindi nakakainis, lahat masaya, lahat parang bata ulit and hindi rin siya super crowded.. The vibe here is really magical and fun. Sobrang colorful ng paligid, parang nasa cartoon world. May music na nakaka-hype habang naglalakad ka, and the staff are all friendly and cheerful.
Right now, nasa Victoria Park pa lang kami. It’s the main area kung saan parang European town ang itsura. May malaking fountain sa gitna and super ganda ng mga buildings around. We're planning our route while taking pictures. Pero kahit hindi pa kami nakakasakay sa rides ay enjoy na enjoy na.
“Waldas pera ni Achilles ditto.” Tumatawang bulong ni Ryen kaya bahagya akong napangisi.
“Worth it naman yan. Utos niya rin.” Tumatawa kong sambit.
We were just taking pictures and capturing some videos para sa memories naming since madalang lang din kami mag set ng gala sa malayong lugar.
Our plan today is to try as many rides as we can. Unahin namin mamaya ang Flying Fiesta, kasi favorite daw ‘yun ng marami, gusto ko rin I try at wala naman silang choice.Yyung parang swings pero in the air, umiikot ka habang nakasabit. Then susunod kami sa Anchor’s Away, yung malaking pirate ship na paswing-swing sa ere. Medyo kinakabahan ako pero game pa rin. Of course, hindi puwedeng hindi subukan ang Space Shuttle, yung roller coaster na may loop. Kahit takot ako, sabi ko sa sarili ko, “G!” kasama ko naman sila.
“Hindi ko alam bakit inamats kang mag aya sa Enchanted e isa ka rin naman sa mga takot mag rides.” Reklam ni Saraiah sa akin matapos sa Flying Fiesta.
“Masama ba mag explore? Mag try?” Natatawa kong sambit.
“Hayóp na try yan, damay buong tropa.” Reklamo ni Davian na ikinatawa ko.
“The more, the merrier.” Biro ko pa.
We also want to try the Rio Grande Rapids, yung water ride na sabi nila basang-basa talaga. Good thing nagdala kami ng extra clothes at small towels, we came prepared. May mga chill rides din like the Grand Carousel, perfect para sa pictures, and the Wheel of Fate, the giant ferris wheel kung saan makikita mo yung buong park sa taas. Isa ‘yun sa aabangan namin mamaya, lalo na kung sunset time na.
“Hoy yung Ferris Wheel ha.” Paalala ni Saraiah, She’s looking forward na makasakay kami ron mamaya.
“Oo, basta sasakto natin yan sunset para maganda sa itaas.” Sambit ni Davian.
Aside from rides, andito rin ang mga food stalls and restaurants. May pizza, rice meals, burgers, ice cream, and snacks like cotton candy and popcorn. Medyo pricey ng konti yung food pero okay na rin since nasa loob ka ng theme park at hindi naman kami ang gumagastos, kundi ang boys. May mga souvenir shops din sa paligid, so baka mamaya bumili kami ng matching keychains or caps.
Ang plan namin is stay here until closing, kasi may fireworks show daw sa gabi and parade of characters. Sobrang excited na kami for that.
“Nagugutom ako, kumain muna tayo.” Pag paparinig ni Saraiah.
“Pag ikaw nag lugaw sa rides mamaya, apura kain mo.” Reklamo ni Ryen habang nag kakamot sa kaniyang ulo.
“Sino ba nag sabing mag rarides pa ako? Awat uy, ikamamatay ko nay an.” Biro niya kaya napangisi ako.
“Hanapin mo muna kung may choice ka.” Sambit ko at hinawakan siya sa braso.
“Hoy! Jusko mahabagin ayaw ko na!” Sigaw ni Saraiah na ikinatawa naming lahat.
“Gagá, bibili tayo souvenirs.” Tumatawa kong sambit dahilan para mapanguso siya.
“Alam ko namang hindi ka na tatagal sa rides, saka ferris wheel nalang halos ang hinihintay natin kaya habang nag hihintay ay bumili muna tayo.” Sambit ko habang tumatawa. Kitang kita ko rin kasi kung paano siya mamutla noong hitakin ko siya.
“Pag ikaw nag paplano ng gala, parang ayoko na sumama.” Naiiyak niyang sambit.
“Pinapili kita, Sky Ranch Tagaytay o Enchanted Kingdom. Ang sabi niyo ni Ryen EK.” Taas kilay kong sambit.
“Next time, mag Baguio nalang tayo.” Tumatawang sambit ni Davian sa awa matapos Makita ang kalagayan ni Saraiah.
“Busugin nalang kita ng pag kain. Ako bahala.” Suhol ko sakanya dahil kita kong hinang hina na siya.
“Tama yan, mag pahinga tayo.” Tumatawang sambit ni Ryen.
Nag ikot ikot kami para humanap ng bibilhin, saktong may photobooth at nag ka yayaan.
“Sayang, kulang tayo ng isa.” Sambit ko at saka sumulyap kay Saraiah na ang iwas ng tingin.
Apektado pa rin!
“Sa susunod. Kumpleto na tayo.” Sambit ni Noah at saka bahagyang lumingon kay Saraiah.
“Tulala hoy.” Biro ni Ryen kay Saraiah na ngayon ay nasa harapan na.
“Matagal pa yon, okay na kayo kapag naulit ‘to.” Biro ko naman dahilan para mapanguso siya.
“Ako nanaman ginagawa niyong bunot ditto ha.” Reklamo niya na ikinatawa naming apat.
“Ganon daw kapag single, fifth wheel pa.” Sambit ni Davian.
“Curse ba ito? Sumpa maging single?” Reklamo niya habang umiirap sa amin.
“Bitter ka lang.” Pambabara ko na ikinatawa naming lahat.