KABANATA 11

1418 Words
( COLLEGE DAYS ) “Hoy Annaya.” Tawag ni Ryen sa akin. “Mhm?” Tanong ko habang kumakain. Mag kakasama kasi kaming tatlo nila Saraiah since may sched pa ang boys. “Ilang weeks ka ng tahimik, hindi nakikipag sagutan kay Noah.” Sambit ni Saraiah. “Ayaw niyo ba yon? Walang maingay.” Pasimple kong biro at saka nag iwas ng tingin. “Kapanibago, may problema kayo ‘no?” Tanong ni Saraiah ngunit hindi na ako nag salita. Ilang linggo na rin kasi talaga simula nung last nap ag aaway kuno naming ni Noah. Matapos kong malaman na may balak na siyang ligawan na babae ay dumistansya na ako. Hindi naman ako santo para hindi makaramdam ng sakit knowing na gusto ko siya tapos may liligawan siyang iba, tropa ako e, matic suportado pero that doesn’t mean kaya ko I endure yung pain. “Ano ba kasing nangyari?” Tanong ni Ryen at halata sa kaniyang mukha na hindi siya kumbinsido sa mga sinasagot ko. Hindi ko rin alam kung sasabihin koo ba at aamin ako sakanila kung bakit o hayaan nalang silang ma stress at mainis kakaisip bakit parang may mali sa amin ni Noah. I was the first one who started to avoid him. Hindi ko nga rin alam bakit pati siya ay nakikigaya, wala naman sana akong ginawa. “Hindi mo mapapa amin yan, bingi bingihan.” Reklamo ni Saraiah at naupo sa tabi ko. “Kamusta si Grey?” Tanong niya. “Anong kamusta? Edi okay?” Takang tanong ko. “Nanliligaw na ba?” Tanong niyang muli kaya mabilis akong umiling. “Hindi, hindi naman ako pumayag.” Naka nguso kong sambit. “Wow.” Sambit ni Ryen at mukhang na intriga. Ang bilis talaga nila mag shift ng topic at pati mood nila nabago. Parang kanina lang ay stress at naiinis na sila sa mga sagutan ko, ngayon naman ay nag hihintay na sa kwento ko at mukhang excited pa sila. “Bakit hindi mo pinatuloy?” Takang tanong ni Saraiah. “We thought?” Hindi natuloy ni Ryen ang sasabihin niya ng umiling na agad ako. “I do not like him.” Sambit ko. “Simula umpisa hanggang ngayon ay hindi ako nag kagusto o natipuhan si Grey.” Dagdag ko. “Inalok ko ng friendship, hindi raw niya kaya so sabi ko sige kako.” Sambit ko at nag kibit balikat. “Bait mo naman pala, inalok ng friendship yung kaka confess lang at balak kang ligawan.” Tumatawang sambit ni Saraiah at bahagyang napatawa. “E kasi, hindi ko kayang I reciprocate nararamdaman niya. Friendship lang kaya kong I offer.” Reklamo ko habang naka nguso. “Pero ang sabi mo may natitipuhan ka na hindi ba?” Taas kilay na sambit ni Ryen. Here it goes, paniguradong gisado nanaman ako kasi naalala pa talaga niya yon. “Noon.” Sambit ko at nag iwas ng tingin. “Kung noon ka lang may natipuhan, bakit ngayon mo lang binasted si Grey?” Nag tatakang sambit ni Saraiah, hindi nanaman sila kumbinsido sa mga nagiging sagutan ko. “Umamin ka nga samin.” Sambit ni Ryen dahilan para kumabog ng malakas ang dibdib ko. Kung sa pag oobserve lang naman ang basehan, alam kong may gut feelings na ang dalawang ito kaya todo tanong at pang gigisa na sa akin. Malakas pareho kumutob ang dalawa, hindi ka talaga makakapag tago. Kung pag tatagpi tagpiin nila mga sagutan ko at scenarios naming ni Noah ay paniguradong mabubuo nila ang puzzle na kanina ko pa nilalapag. “Okay, kahit hindi ka umamin, gets na namin.” Sambit ni Ryen at tinanguan nalang siya ni Saraiah. “Umiiwas ka kay Noah kasi gusto mo siya. Hindi ka nakikipag sagutan kasi nalaman mong may balak na siyang ligawan.” Tumatangong sambit ni Saraiah kaya napa iwas ako ng tingin. See? That’s what I’m talking about. Kaya nilang malaman sa pamamagitan lang ng gut feeling at theories nila. Walang palya. “Bakit kasi hindi ka umamin kay Noah?” Tanong ni Ryen. “Paanong aamin e may balak na ngang ligawan diba? Awkward.” Reklamo ko habang nakanguso. “Just take the risk, hindi mo naman siya uubligahin. Ipapa alam mo lang. Ang dami kayang what ifs.” Sambit naman ni Saraiah. “Mas gugustuhin kong kainin ng what ifs kaysa naman umamin.” Inis kong sambit. “Talagang uunahin mong masaktan sarili mo. Maiiwanan ka ng regrets.” Sambit ni Ryen habang nag tataas baba ang kaniyang kilay. “Willing ka mag settle sa what ifs at regrets?” Takang sambit ni Saraiah na para bang gulat. “Ang choice ko lang naman ay yon since ayoko umamin.” Kibit balikat kong sambit. “Hindi ka naman mamamatay kung sasabihin mo kay Noah yan.” Seryosong sambit ni Saraiah. “Respeto sa babaeng gusto at balak niyang ligawan. Hindi ako aamin para hind imaging awkward at mas lalong para na rin sa peace of mind ng babaeng balak niyang ligawan.” Depensa ko. “Iniisip mo naman kasi agad nararamdaman ng iba, paano ka?” Tanong ni Saraiah. “Kaya ko mag adjust, pero hindi ko kayang Makita na may nasasaktang ibang babae ng dahil sa akin.” Seryoso kong sambit. “Mas kaya kong tiisin yung sakit kaysa makasakit ng ibang tao, sadya man o hindi.” Dagdag ko. “Pero paano kung hindi ka naman pala makakasakit?” Tanong ni Saraiah. “Edi regrets.” Tipid kong sambit na para bang tinatanggap na ang magiging kapalaran ko. “So talagang umaamin ka ng nahulog ka?” Sambit ni Ryen habang nag tataas baba ang kaniyang kilay. “Hindi pa ba halata?” Reklamo ko at ayaw pa rin sabihin sakanila na tuluyan na akong nahulog. “Alam niyo naman na, wag niyo na itanong.” Nakanguso kong sambit at saka nag iwas ng tingin. “Iniiwasan ka rin ni Noah ah.” Panimula ni Saraiah. “Oo, hindi ko nga alam kung bakit e.” Sambit ko at napa buntong hininga. “Last na away naming naging seryoso, baka dahil doon.” Sambit kong muli bago muling nag iwas ng tingin. “Ano naman pinag awayan niyo?” Tanong ni Ryen. “Random lang yon, tungkol kay Grey.” Naka nguso kong sambit. “Huh?” Sabay nilang sambit at mahihimigan sa tono nila ang pag tataka. “Si Grey huling pinag awayan namin. Alam niyang nanliligaw sa akin at akala niya pumayag ako.” Sambit ko. “Oh e paanong nauwi sa away?” Tanong ni Saraiah. “Kinupál ko.” Sambit ko dahilan para mapa buntong hininga nalang silang dalawa. “E kung hindi lang din malakas ang imong amats hano?” Reklamo ni Ryen habang napapa iling. “Gumanti lang ako, nang iinis siya edi sinampulan ko.” Depensa ko. “At ano naman pinang aasar sayo?” Taas kilay na tanong ni Ryen. “Yung nagugustuhan niya.Kinukwento.” Sambit ko at nag iwas muli ng tingin. “Ayon, kaya gumanti kasi hinarapan din.” Biro ni Saraiah. “Ipinakita ba? Kilala mo?” Tanong ni Ryen. “Yun nga problema, ayaw niyang aminin kung sino.” Inis kong sambit. “Puro clues, napikon ako edi sinampulan ko.” Reklamo ko. “Oh edi ayang sample mo na back fire nanaman sayo. Iwasan kayo ngayon.” Sambit ni Ryen habang si Saraiah ay umiiling at nag pipigil ng tawa. “Kung hindi ka rin naman isa’t kalahating may amats hano?” Napapa iling na sambit ni Saraiah. “Nauna siya, edi dun siya sa babaeng gusto niya.” Reklamo ko. “Ikaw lang kilala naming ganyan ugali. Baliktad.” Biro ni Ryen kaya napa irap nalang ako. “Bulag bulagan, bingi bingihan. Combo ka talaga.” Tumatawang sambit ni Saraiah. “Ay basta tigilan niyo ako. Hindi ako aamin at mas lalong bahala siya sa buhay niya.” Sambit ko saka napa buntong hininga. “Bahala siya, pero lumbay na lumbay ngayon kasi walang Noah na nang aasar sakanya at nang gugulo.” Pag paparinig ni Ryen. “May nawawala ba? May kulang ba?” Tumatawang sambit ni Saraiah kaya napa irap ako. “Wag niyo na kong asarin, lungkot na nga ng buhay ko oh?” Inis kong sambit at wala ng nagawa dahil ayaw talaga nila akong tigilan. “At least panalo kami sa deal.” Natatawang sambit ni Ryen at nakipag apir pa talaga kay Saraiah dahilan para mapa irap ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD