KABANATA 10

1349 Words
NOAH ( college days ) “Bakit ba parang problemadong problemado ka?” Natatawang tanong ni Davian sa akin. Mag kakasama kaming apat sa may library, vacant at hinihintay ang girls. “Wala.” Sambit ko at dumukdok, kapag ganitong puno ang isip ko ay mas inaantok ako. “Ano nga?” Si Achilles na ang nag salita. “Hindi nga, wag na.” Seryosong sambit ko. “Kung nag sabi ka, edi sana ayos na.” Sambit ni Davian. “Kahit sabihin ko, hindi masu solusyunan.” Seryosong sambit ko. “Kung sabihin mo muna kasi.” Tugon naman ni Davian. “Hindi ko alam paano aamin kay Annaya. She has Grey in her frame.” Sambit ko. “Just tell her you like her.” Sambit ni Achilles. “Hindi ganon kadali.” Sambit ko. “May Grey siya sa frame, she likes him.” Sambit ko. “Aamin ka lang naman Noah, hindi ibig sabihin uubligahin mo na siyang gustuhin ka pabalik.” Sambit ni Davian. “Kung hindi mo na kayang itago, at kung ‘yung feelings mo ay nagsisimula nang sirain ‘yung peace mo, maybe it’s time to tell her. Not to force her to like you back, pero para mailabas mo lang. Kasi minsan, silence is heavier than rejection. Minsan, yung “what if” ang sumasakit sa dulo. What if sinabi mo? What if may chance pala? What if she never knew?” Sambit ni Davian. “Pero kung pipiliin mong sabihin, gawin mo ng maayos. Hindi kailangan ng grand gesture. Just be real. Sabihin mo lang na, “I know you like someone else, and I respect that. Pero gusto ko lang sabihin, I like you too. And kahit walang kapalit, gusto ko lang maging honest. Gusto kita, Annaya.” Kasi minsan, honesty is the best closure or the best beginning. Kahit alin pa dun ang mangyari, at least alam mong naging totoo ka.” Sambit ni Achilles. “And kung hindi niya maibalik ‘yung feelings mo, that’s okay. Masakit, oo. Pero at least, hindi mo na bitbit araw-araw ‘yung bigat ng lihim mong nararamdaman. At saka, sometimes, real strength is shown by choosing to feel pain and let go, rather than hiding forever and living in regret.” Tugon naman ni Davian. “Ang seryoso niyo naman masyado.” Reklamo ko. “Minsan ka lang din kasi mag kwento, kung pag titripan ka naming paano kami makakatulong sayo hindi ba?” Sambit ni Achilles. “Naka ayon naman sa sitwasyon kung paano kami mang aasar sayo. Marunong naman makiramdam oy.” Tumatawang sambit ni Achilles. “Pero kung sa tingin mo ay hindi pa time, okay lang din. You don’t have to rush. Ang mahalaga, alagaan mo rin sarili mo. Just make sure na habang nagmamahal ka sa kanya, even silently, hindi mo nakakalimutang mahalin ang sarili mo. Kasi kahit gaano ka pa ka-devoted sa isang tao, you still deserve to be someone’s first choice, not the second.” Natatawang sambit ni Achilles. “Kaya wag kang matakot magmahal. Wag kang matakot masaktan. That’s part of being real. Pero wag mo ring kalimutang tanungin sarili mo, “Ako ba, masaya pa ba ako dito?” Kasi kung hindi na, maybe it’s time to slowly let go. And when you do, you make space for someone who’s also willing to choose you first.” Dagdag ni Davian. “Oo na, grabe advice niyo.” Reklamo ko habang napapa kamot sa aking ulo. “Kung ako sayo, aamin na ako.” Mayabang na sambit ni Achilles. “Saka ka mag mayabang kung ikaw mismo naka amin na.” Taas kilay kong sambit at bahagyang ngumisi. “Si Davian lusot, walang nagugustuhan.” Napapailing kong sambit. “Let’s just say, wala pa yung para sa akin.” Biro niya na ikinatawa naming. “De pero seryoso, kung saan gagaan ang loob mo, doon ka. Kung hindi ka pa handa, makakapag hintay naman yan. Kung kayo talaga, kayo talaga, no excuses.” Kibit balikat na sambit ni Achilles kaya napatango ako. “Sa tamang oras, mag kakaroon ng tamang panahon.” Sambit ni Davian. “Paano ba nag simula?” Tanong ni Achilles, napaisip tuloy ako. Paano nga ba? At first, hindi ko talaga in-expect. Best friend ko siya, oo. Pero mortal enemy ko rin siya. Alam mo yung tipo ng relationship na palaging may asaran, kantyawan, at kulitan? That was us. We knew each other too well, yung strengths, weaknesses, pati yung mga nakakainis sa isa’t isa. Parang built-in na ‘yung rivalry namin. Minsan nga, iniisip ko, “Bakit ba kami magkaibigan?” Pero kahit ganun, he was always there. Palagi ko siyang kasama, sa saya, sa stress, sa kalokohan. Pero one day, something changed. Hindi ko alam kung anong nangyari. Baka dahil sa isang simpleng tingin, o siguro nung tinulungan niya akong umiyak ng tahimik sa sulok. That moment, yung moment na hindi siya nagbiro, hindi nang-asar, dun ako natauhan. “Wait... bakit parang may something?” Bigla kong napansin na hindi na lang siya basta kaibigan. Iba na ‘yung effect niya sa akin. Tumitigil ‘yung mundo ko pag ngumiti siya. Naiinis pa rin ako sa kanya, pero iba na ‘yung kiliti sa inis. Sobrang gulo. Kasi paano ka mahuhulog sa dalawang taong hindi mo dapat mahalin? Sa best friend mo na ayaw mong mawala. Sa mortal enemy mong pinangakong ‘di mo mamahalin. Pero eto ako ngayon, confused and helpless, dahil habang tumatagal, mas lalo ko siyang gustong makita, makausap, makasama. Lahat ng ginawa namin before na dati ay simpleng bonding lang, ngayon parang may ibang meaning na. Ayoko sanang aminin, pero oo... I'm slowly falling in love. Kahit ang gulo. Kahit mali sa timing. Kahit hindi ko alam kung mareresiprokate ba. Kasi ang hirap mahalin ang best friend mo, what if masira ‘yung friendship? At lalong mahirap mahalin ‘yung mortal enemy mo, paano kung hindi niya kayang tanggapin? Pero kahit lahat ng takot na ‘yon, hindi ko na kayang itago. Kasi every time na kasama ko siya, ang saya-saya ko. Kahit mag-away kami, gusto ko pa rin siyang kasama. Kahit i-prank niya ako o asarin ng paulit-ulit, gusto ko pa rin siya. And maybe, just maybe… this is what love really looks like. Hindi laging perfect, hindi laging sweet, minsan puno ng inis, tawanan, tampuhan, at awkward silence. Pero kahit ganon, hindi ko siya kayang iwan. “So yes, this is the moment I realized… I’m falling in love. Not just with anyone, but with the one person who knows how to break me and make me whole at the same time, my best friend, and my greatest enemy.” Natatawa kong sambit. “Hindi ko rin subok akalain e.” Natatawang sambit ko. “Iba ka talaga.” Biro ni Achilles. “Oh andito na sila, awat na ha.” Paalala ko. “Hi.” Bungad ni Annaya at nakipag apir sa amin. “Kapagod.” Reklamo niya kaya bahagya akong napatawa. “Street foods?” Pag aaya ko. “Sige, lakad tayo ha.” Mayabang niyang sambit. “Himala at hindi kayo nag aaway.” Takang sambit ni Ryen. “Hindi ba pwedeng time pers muna? Paawat uy.” Reklamo ni Anaya kaya napailing nalang ako. “Pahinga muna, mamaya sampulan ko.” Sambit ko na ikinasama ng tingin niya. “Yabang ah, Akala mo naman tatagos siya sakin.” Taas kilay kong sambit. “Tatagos naman talaga.” Sambit ko at tinitigan siya dahilan para ipaling niya ang ulo ko palayo sakanya. “Dun ka nga sa far away, bida bida ka.” Inis niyang sambit. “Tamo? Ikaw pala hindi tatagos e.” Nakangisi kong sambit. “Ulól mo tatagos.” Inis niyang tugon. “Ubos na water ko.” Sambit niya kaya kinuha ko ang black tumbler na palagi kong dala dala para sakanya. “Walang bahid ng bawas yan, walang uminom. Iyo na.” Sambit ko at inilapag ito sa kaniyang harap. “Life saver.” Biro niya kaya napailing nalang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD