KABANATA 05

1413 Words
Matapos naming maayos ang shares sa company nila ay saka naman biglang nag ka sakuna. “Ayos.” Inis kong sambit at padabog na ibinaba sa harap nila Ryen ang files na hawak ko. “Ano nanamang nangyari sayo?” Natatawang tanong ni Saraiah. “Wala, may mga demonyó lang ako na nakita.” Sambit ko at naka busangot na umupo sa swivel chair ko na nakaharap kila Saraiah. “May gagawin ba kayo? Mamaya na kayo umalis.” Sambit ko habang humihinga ng malalim. “Umamin ka muna bakit ka bad mood, hindi kami aalis.” Nakangiting sambit ni Ryen. “Kahit lumayas na pala kayo at huwag na bumalik.” Reklamo ko na mas ikinatawa nila. Alam ko namang nakita nila kung ano dahilan bakit ako nag kakaganito. Kainis niya, mag sama sila. “Noah!” Rinig naming sigaw ni Ms. Ramos. “Talaga naman.” Sambit ko na nakapag agaw atensyon kay Ryen at Saraiah. “Ano?” Taas kilay kong sambit sakanilang dalawa na nakatingin sa akin. Sabay pa talaga. “Wala.” Sabay nilang sambit at nakuha pa talagang tumawa kaya mas napanguso ako. At mukhang tuma timing pa talaga dahil biglang may tumugtog. "Jealous" is a song by American singer Nick Jonas. Isa ito sa mga pinaka-popular na kanta niya at released noong 2014. This song belongs to the pop and R&B genre. It’s one of the tracks that really helped Nick step out as a solo artist after his time with the Jonas Brothers. Ang meaning ng song ay tungkol sa selos, but not in a toxic way. Nick explains na normal lang daw sa isang tao ang magselos when you really like or love someone. The song shows both confidence and vulnerability, kasi kahit macho at cool siya, inaamin pa rin niyang nagseselos siya. Nakakatuwa kasi hindi siya nahihiya ipakita ‘yung side na ‘yon. It’s like saying, “I’m jealous, but that’s because I care about you.” The melody of "Jealous" is very catchy. ‘Yung tune niya madaling tandaan, kaya after a few listens, you can sing along already. May smooth transitions from verse to chorus. Meron din itong strong falsetto parts na bumagay sa boses ni Nick. The background harmonies, lalo na sa chorus, make it sound full and rich. Yung beat ng kanta ay mid-tempo, hindi masyadong mabilis, hindi rin sobrang bagal. It has a funky vibe na parang gusto mong sumayaw kahit na emotional ‘yung lyrics. The rhythm is steady and very groovy. It has a dance-pop feel na hindi over-the-top, which makes it enjoyable sa kahit anong mood. "Jealous" uses modern pop instruments like drums, synths, at konting bass. The bass line is one of the best parts, obrang solid niya. ‘Yung arrangement ng kanta is very balanced. Hindi nau-overpower ng instruments ang vocals ni Nick. May build-up din sa chorus na nakakadagdag ng energy. Though the theme of jealousy has been used in many songs, Nick Jonas made it fresh by being honest and personal. Hindi siya nag-try magpaka-bad boy, kundi pinakita niya ‘yung soft side niya. That’s what makes the song unique. The style and production are familiar sa pop world, but his attitude and lyrics stand out. “I turn my chin music up / And I'm puffing my chest” “Inang kanta talaga yan.” Inis kong sambit na mas ikinatawa nila Ryen. “I'm getting ready to face you / Can call it karma” “It’s not your fault that they hover / I mean no disrespect” Kitang kita ko kung paano yapusin ni Ms. Reyes si Noah. “Tángina talaga.” Pikon kong sambit habang hindi maalis ang mata ko sakanilang dalawa na kahit malayo ay tanaw na tanaw ko. “Ang layo na, pero ang talas pa rin ng mata mo.” Napapa iling na sambit ni Saraiah. “Si Noah yan e, automatic locked in.” Sambit ni Ryen kaya napa irap ako. “Kainis.” Sambit ko habang nakanguso. “Kesa nag mumuryot ka diyan at nag iinarte. Lapitan mo.” Pang hahamon ni Ryen. “Kuhanin mo kung ano ang iyo.” Dagdag pa niya. “Pass.” Sambit ko at pilit na inilalabas ang inis at galit na nararamdaman ko. “Ganyan pala yung hindi mahuhulog sa mortal na kaaway?” Inosenteng sambit ni Saraiah. “Wag mong simulant, mainit ang dugo kapag ikaw ang buminggo diyan.” Paalala ni Ryen kaya napatakip sa labi si Saraiah. Hindi ko na sila pinansin dahil focus na focus ang mata ko sa bawat galaw ni Noah at Ms. Reyes. “Ano ba ni Noah si Ms. Reyes?” Tanong ni Ryen. “Bagong secretary.” Seryoso kong sambit. “Akala ko ba hindi nag ha hire ng baabeng secretary yan?” Gulat na sambit ni Saraiah. “Hindi nga.” Tugon ko. “E bat sabi mo secretary?” Takang tanong ni Ryen na mukhang naguguluhan na rin. “Hindi siya nag hahire, kaya naiinis ako kasi bakit biglang naging secretary niya yan.” Paliwanag ko. “Malay mo hindi secretary?” Tanong ni Ryen. “E ano? Partner? f**k him.” Tugon ko. “Business partners? It’s normal.” Takang sambit ni Saraiah. “Hindi nakikipag usap si Noah sa mga babae, puro secretary niya humaharap. Walang exception bukod sa atin tatlo.” Depensa ko. “E sige, mag overthink ka na.” Pag suko ni Saraiah na ikinatawa ni Ryen. “Tánginang mga tropa talaga ito, minsan nalang mag kita paiiyakin pa ako.” Inis kong sambit. “Hoy gagá walang iyakan.” Sambit ni Ryen at mabilis na sumeryoso. “Tara doon?” Pag aaya niya ngunit umiling ako. “Not in the mood.” Sambit ko. “Ang sabihin mo, nag seselos ka lang at nawawalan ng gana.” Sambit ni Saraiah. “In short, nang hihina.” Sambit ni Ryen. “Wala namang kami ni Noah kaya kahit sino kasama niya ay may karapatan siya.” Kibit balikat kong sambit. “Ayan ka nanaman sa salita mong walang kayo.” Taas kilay na sambit ni Saraiah. “As far as I can remember, may assurance ka. Pareho kayo.” Sambit ni Ryen. “Binigyan ka ng kaparatan at wala sa label label na yan yon.” Dagdag niya. “Valid ang nararamdaman mo, at sa tingin mo ba ikagagalit ni Noah yan? Hindi. Baka nga mag diwang pa yon sa saya kahit na inaasar ka niya.” Napapa iling na sambit ni Ryen. Tama naman siya, may assurance kami pareho pero natatakot pa rin ako dahil wala namang kami. Nandon yung katotohanan na hindi ako pwedeng mag over stepped sa mga bagay bagay tungkol sakanya. “Tumigil ka nga, pinayagan ka naman niya.” Sambit ni Ryen. “Tumayo ka diyan at pupunta tayo ron.” Sambit ni Saraiah. “Hoy ayoko gágo kayo.” Reklamo ko at saka bahagyang lumayo sakanila. “Hindi naman tayo mag iiskandalo gaga.” Natatawang sambit ni Ryen. “Ayoko pa rin.” Naiiyak kong sambit. “Ay, kung iiyak kang ganyan tatangayin kita lalo.” Sambit ni Ryen kaya napanguso ako. “Daig mo pa inapi ng todo sa reaction mo. Kakain tayo.” Mayabang na sambit ni Saraiah at pilit na itinatayo ako sa aking kina uupuan. “Pag yan, kayong dalawa ah.” Banta ko sakanila dahil wala na rin naman akong choice kundi tumayo. “Hindi nga kasi, tahimik lang tayo, kakain.” Sambit ni Ryen at kahit duda ako ay hinayaan ko nalang dahil wala naman na talaga akong choice. Nang makapasok ay binate agad kami ng guard kaya bahagya akong ngumiti. “Noah!” Sigaw agad ni Ryen kaya napahinto na ako. “Lumakad ka at huwag mag pahalata kung ayaw mong mapansin na nag seselos ka.” Natatawang sambit ni Saraiah kaya napairap ako. “Bakit kasi need niyo pa siyang tawagin.” Sambit ko. “Nasa may food stall sila, malamang kakain tayo edi babatiin. Tropa remember?” Depensa ni Saraiah. “Wear your fake smile.” Bilin ni Ryen ngunit sa inis ko ng makitang naka yapos sa braso ni Noah si Ms. Ramos ay literal na bumusangot at umirap ako. “What?” Tanong ko ng akmang lalapitan ako ni Noah. Nag tatakang lumingon si Noah sa dalawa naming kaibigan ngunit ang kibit balikat lang sila. Naiinis ako, at nag sisimula nanaman kumulo ang dugo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD