KABANATA 04

1357 Words
“May kumakatok oy.” Reklamo k okay Ryen habang nag kukusot ng aking mata. Linggong linggo, sino nanaman kaya itong kumakatok sa condo ni Saraiah. “Ikaw na.” Reklamo niya at sinaraduhan ako ng pinto kaya wala akong nagawa kung hindi ang dumiretso na sa labas at pag buksan ng pinto ang kumakatok. “ANNAYA!!!” Sigaw ni Saraiah na dahilan para mawala ang antok ko. Medyo nanigas pa ako sa kinatatayuan ko sa sobrang gulat. “Tánginang anytime soon yan.” Gulat na sambit ko. “Syempre naman.” Tumatawa niyang ssambit. “Si Ryen?” Takang tanong niya. “Sinaraduhan ako ng pinto, kakagising lang din.” Sambit ko. “Bakit ka kumakatok? Hindi mo na ba tanda password mo?” Takang tanong ko. “Alam, chinecheck ko lang kung may tao.” Tumatawa niyang sambit. “Edi kung pumasok ako mag isa kaya mas lalo kayong nagulantang.” Biro pa niya kaya bahagya akong napangiti. “Pumasok ka na muna, bulabugin mo si Ryen.” Sambit ko at tinulungan siyang ipasok ang kaniyang bagahe. “Halatang mag stay ka na sa Pinas, dala dala mo na buong bahay mo e.” Biro ko pa. “Ang dami sa tatlong bagahe jusko ka.” Dagdag ko. “Isang bagahe diyan puro para sainyo ni Ryen, saka niyo na buksan.” Nakangisi niyang sambit at mabilis na inagaw ang bagahe. “Oo na, puntahan mo na si Ryen, ako na mag dadala ng gamit sa kwarto mo.” Sambit ko at tinulak na ng isahan ang kaniyang bagahe. Nasa ibaba lang ang kwarto ni Saraiah sa condo niya dahil sawa na raw siya sa second floor para mag baba taas. Samantalang kami ni Ryen ay sa taas naka pwesto. Nang magising na niya si Ryen ay agad na kaming dumiretso sa kusina. “Ano gusto mong pag kain? Kumain ka na ba?” Tanong ko habang nag titingin ng pwedeng lutuin sa ref. “Hindi pa, literal na kakababa ko lang sa plane at ditto dumiretso.” Sambit niya kaya nap ailing nalang ako. “Anong gusto mo kainin at mag luluto ako.” Sambit ko bago sinara ang ref at lingunin sila ni Ryen. “Giniling, favourite ng atabs mo.” Nakangisi niyang sambit kaya napa irap ako. “Manahimik.” Biro ko at tinalikuran na sila. To start, prepare all the ingredients. You will need 1/2 kilo of ground pork, 2 tablespoons of cooking oil, 3 cloves of minced garlic, 1 medium chopped onion, and 2 chopped tomatoes. For the vegetables, prepare 1 medium carrot and 1 medium potato, both diced into small cubes. You can also add 1/2 cup of green peas, 1/2 cup of raisins, and some chopped bell pepper for added flavor and color. You’ll also need 2 tablespoons of soy sauce, 1 tablespoon of oyster sauce (optional), 1/4 cup of tomato sauce or 2 tablespoons of tomato paste, salt and pepper to taste, and around 1/2 cup of water. “Halika ditto, turuan kita mag luto.” Biro k okay Saraiah. “Pass, kaya ko mag food panda. Kaaway ko ang kusina.” Reklamo niya habang naka nguso. “Walang masamang sumubok.” Taas kilay na sambit ni Ryen. “Hindi na, kaya mo na yan.” Tumatawa niyang sambit kaya napa buntong hininga nalang ako. “Paano kung wala kami ni Ryen? Puro ka noodles, grab, food panda.” Reklamo ko habang napapa iling. Once everything is ready, I heat about two tablespoons of cooking oil in a pan over medium heat. Pag mainit na ang mantika, I sauté o gisahin muna ang garlic hanggang mag-golden brown. Then I add the onions and let them cook for about a minute. Sunod kong nilalagay ang chopped tomatoes. I mix them until soft, since gusto ko kasi na lumabas ang juice nila para natural ang lasa ng sabaw later. Next, I add the ground pork. I stir it well para hindi buo-buo. Then I cook it until it turns light brown. After that, I season it with a bit of soy sauce, oyster sauce kung meron, then a little salt and pepper. I make sure na nahalo nang maayos ang pork sa seasonings. Now, I pour in the tomato sauce. Kapag wala akong tomato sauce, minsan ginagamit ko lang ay tomato paste. Then I add about half a cup of water, mix everything, and let it simmer for about 10 to 15 minutes. While it’s simmering, tinatakpan ko ang kawali para hindi matuyuan agad at para lumambot ang karne. After that, I add in the diced carrots and potatoes. I mix them in, then I cover the pan again and let it cook for another 5 minutes. Once the vegetables are halfway cooked, I add the green peas, raisins, and bell peppers. This is my favorite part kasi ang dami ng kulay at ang bango na sa kusina! I let everything cook for another 5 to 10 minutes, just enough para lumambot ang lahat ng gulay at mag-blend ang flavors. After cooking, I always taste the sauce. If kulang sa alat or flavor, I add a little more soy sauce or salt. Kapag sakto na, I turn off the heat and get ready to serve. I usually eat this with hot rice, sobrang bagay, promise! Kapag may tira, mas masarap pa siya kinabukasan kasi mas na-absorb ng karne ang lasa ng sauce. “Ang bango.” Nakangiting sambit ni Ryen. “Nakaka gutom. Nakaka miss ang pag kain sa Pinas.” Sambit naman ni Saraiah. Tumayo na silang dalawa para mag tulong sa pag hain sa hapag at pag ayos ng mga kailangan gamitin. “Tama yan, pag silbihan niyo ako matapos ko kayong lutuan.” Tumatawa kong sambit. “Mang aasar nanaman yan siya, wala talagang palya.” Reklamo ni Saraiah. “Hoy babae kamusta Australia? Iba ata ihip ng hangin?” Biro ko. “Hindi naman, masaya pero mas masaya pa rin sa Pinas.” Sambit niya kaya napalingon ako kay Ryen na ngayon ay napa kibit nalang talaga ang balikat. “Himala at naisipan umuwi ditto?” Sambit ni Ryen sa kalagitnaan ng pag kain namin. “Oo, balak ko mag lipat ng Company, nandito na siya actually.” Sambit niya. “At kukuhanin ko na ang deal na shares.” Biro niya kaya napa face palm nalang talaga ako. “Ayan na nga po.” Sambit ko habang naka nguso. “Nabusog Ka ba?” Tanong ni Saraiah sa akin kaya napa irap ako. “Sobrang busog.” Inis kong sambit habang nakanguso. “Sabi naman kasi naming sayo, huwag ka masyadong mayabang.” Nakangiti niyang sambit. “Malay ko bang kapag gumawa ng basic human decency yon mababaliw ako?” Reklamo ko. “Actually, ginagawa naman na talaga sayo, nag bubulag bulagan ka lang kasi magaling siya mag tago at gumawa ng paraan.” Sambit naman niya kaya napaisip ako. “Huh?” Takang tanong ko. “Dun palang sa hatid sundo, sa mga pagkain na binibigay suhol kunwari, sap ag hintay at pag sama sayo, sa lahat. Dun palang halata na. Ikaw lang naman ang bulag bulagan na kunwari normal.” Sambit niya kaya napanguso ako. “Dinadaan ka lang sa pang aasar at pamimikon.” Dagdag naman ni Ryen na mas ikinairap ko. “Pwede na kayo kumain at mag pakabusog.” Sambit ko at nag focus na sa pag kain. Nakikinig naman ako at naiintindihan sila pero iba pa rin kapag sinasabi kasi nila mismo. Tanggap ko pero it’s too overwhelming for me kaya imbis na um agree ako ay nag bibingi bingihan ako. “Amats ka.” Sambit ni Saraiah habang kumakain. “Hayaan mo na at kapag sakanya napupunta ang topic ay bigla yan nawawalan ng pan dinig.” Tumatawang tugon ni Ryen na dahilan para mapanguso ako. “Ngayon na andito na si Saraiah, pwede na matupad yung deal. May aminan na magaganap.” Nakangising sambit ni Ryen. Shít! I almost forget that one. “Pwede bang shares nalang.” Reklamo ko. “Hindi ah, deal is deal.” Sambit ni Saraiah na mukhang nag eenjoy sa nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD