KABANATA 03

1393 Words
*KRING* *KRING* *KRING* “May tumatawag hoy.” Sambit ni Ryen kaya napa irap ako. “Tamad ka.” Reklamo ko at sinagot ang tumatawag sa kaniyang laptop. “Kyaaaaah!” Sigaw ko ng makita kung sino ang bumungad sa camera. “Bakit ka nasigaw?” Kuryosong tanong ni Ryen na halatang nagulat sap ag sigaw ko. “Gága si Saraiah oh.” Sambit ko sabay turo kay Saraiah na nasa kabilang linya. “Buhay ka pa pala?” Biro ni Ryen kaya bahagya akong napangiti. It’s been a while, ngayon nalang din siya nag paramdam sa amin after 5 years. “Kailan ka uuwi?” Tanong ko. “Makikita niyo nalang ako nandiyan sa condo.” Naka nguso niyang sambit. “Si surprise talaga oh.” Hirit ko habang naka nguso. “Wala pa exact time, pero uuwi ako. Malapit na.” Tumatawang sambit niya, “Kamusta ka?” Tanong ni Ryen kay Saraiah. “Ayos lang, siguro?” Hindi siguradong sambit niya kaya napa taas ang aking kanang kilay. “Hindi ka nanaman sigurado.” Puna ko. “Nandyan ba siya?” Tanong niya at nagets ko naman agad ang tinutukoy. “Wala kaming balita sakanya.” Kibit balikat na sagot ni Ryen. “Parang ikaw lang din yon, after graduation nawala nalang na parang bula.” Dagdag ko at seryosong naka tingin sakanya. “Baka gusto mo na kasing umamin sa amin bakit diba?” Tanong ko habang naka nguso. Bahagya siyang ngumiti at nag iwas ng tingin. “Saka na kapag kaya ko na.” Sambit niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumango. “See you soonest.” Tumatawa niyang sambit at mabilis na pinatay ang call. “Limang taon na. Hindi pa rin siya ready?” Nakanguso kong sambit at saka humarap kay Ryen. “Hindi natin siya masisisi, kung ano man rason niya malalim siguro.” Kibit balikat niyang sambit kaya napaguso ako. “Hindi kaya yan yung issue naming ni Noah??” Kamot ulo kong sambit. “Sa pag kaka alam ko wala namang kung anong ginawa, napag usapan o nangyari sa pagitan nila, except dun sa pag papasapo ni Noah.” Mahina kong sambit. “Sabihin na natin na may possibility nga na dahil doon, pero hindi tayo pwede mag jump into conclusions lalo na’t wala naman confirmation from her.” Seryosong sambit ni Ryen. “Pero kung sakaling dahil doon, ang laking berát niyan at hindi inamin sa atin.” Natatawa kong sambit. “Si Achilles kaya kailan mag paparamdam?” Tumatawang sambit niya. “Malakas kutob ko may alam yung boys. Hindi lang din nag sasalita.” Sambit ko. “Feel mo rin?” Nakangising sambit ni Ryen. “Oo, wala sa Pinas yon pero sure akong alam ni Noah at Davian kung nasaan yon.” Kibit balikat kong sambit. “Kailangan mapag handaan natin pag uwi ni Saraiah, baka mamaya bigla nalang mag kagulatan. Literal na reunion tayo niyan.” Sambit ko habang bakas ang pagka excite sa mga pwedeng mangyayari. “Sa lagay ni Saraiah, iiwas yon.” Sambit naman ni Ryen kaya napa sandal ako sa couch na kina uupuan namin. “Kahit kailan naman hindi naging matapang kay Achilles yon. Hindi na bago.” Seryosong sambit ko. “Yun nga e, hindi nab ago pero dapat na niyang baguhin.” Napapa iling na sambit ni Ryen. “Malaki naman na sila, for sure alam na ang tama sa mali at ang okay sa hindi.” Sambit ko. “Malabo yan, alam mo namang baby ng buong circle yon. Alagang alaga.” Napapa iling niyang sambit. “Susunod naman sayo yon. Let’s just wait for her kasi for sure any time soon nasa Pilipinas na yon.” Tumatawa kong sambit. “Yeah, halata naman sa tatlong bagahe na bibit bitin niya.” Biro ni Ryen. “Kung iisipin, ang tagal na rin. Ilang taon na ang lumipas ‘no?” Sambit ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko kung ano man ang dahilan ng pag lisan ni Saraiah ng walang paalam. I have this gut feeling na about talaga yon sa past issue naming ni Noah. “Willing naman ako, I mean kami na mag paliwanag and akuin yung responsibilities kung tungkol sa amin talaga.” Dagdag ko. “Hindi nga tayo pwedeng mag salita ng tapos, unless sa bibig niya mismo mang galing. I get it, nag ooverthink ka, kahit ako rin ay oo. But still, hindi tayo aaction ng walang salita na nag mumula sakanya.” Seryosong sambit ni Ryen. “After all, problema rin nila yan dahil wala silang communication dalawa.” Dagdag niya kaya napa buntong hininga nalang ako. “Alam mo naman ang ugali ni Saraiah na kapag nasaktan, imbis na mag salita ay mag tatago. Mahilig tumakbo sa problema yon e.” Sambit ni Ryen. “Parang alam ko na mangyayari pag uwi non sa pinas.” Napapa iling kong sambit. “Kamusta na kaya sila kuya Iyo?” Tanong ko bigla matapos maalala ang kapatid ni Saraiah, close rin kasi kami roon. “Nakikita ko post ni Ate Haya, kasal na sila pero wala pa rin anak.” Sambit ni Ryen. “Living their best life ‘no? Tapos yung kapatid nila tamang tago.” Tumatawang sambit ko. “Hind na makakatakas at makakapag tago yon pag umuwi ng Pinas.” Sambit ni Ryen. “Nandito lahat ng alaala niya, sa Pilipinas talaga lalabas multo niya.” Dagdag pa nito. “Kayanin kaya niya?” Tanong ko. “We will never know unless makauwi siya ditto.” Sambit ni Ryen. “She’s strong, kung hindi niya kayanin ay nandito tayo. Pero alam kong wala na siyang choice, buo loob niyan uuwi ditto hindi dahil para sa work niya.” Kibit balikat na sambit ni Ryen. “May hinahanap yan.” Dagdag pa nito kaya nap ailing ako. “Paanong hahanapin e todo iwas nga?” Takang tanong ko. “Hindi ka talaga marunong mag analyse ng tao.” Napapa iling niyang sambit kaya napanguso ako. “Wala nga kasi akong na ge gets.” Reklamo ko. “Just watch, makikita mo rin kapag nandito na siya. Ma ge gets mo na rin kung ano man tinutukoy ko.” Tumatawa niyang sambit kaya napanguso ako. “Bakit kasi ang galing mo mag analyse, super observant.” Reklamo ko. “Kasi ganito talaga ako. Kaya nga alam kong kakainin mo rin deal mo samin ni Saraiah e.” Muli niyang sambit kaya napa irap ako. “Amats ka rin, pinaalala mo nanaman.” Biro ko habang nag kakamot sa aking ulo. “Totoo naman e, yung yabang mo nung nakikipag deal ka, puno lang ng galit at inis yon. Hindi mo naisip pwedeng mang yari kung sakaling tumiklop kayo at hindi na mag away. Hindi mo naisip kung sakaling lumambot sayo yon at pakitaan ka ng basic human decency na hindi mo nararanasan.” Dire diretso niyang sambit at walang filter sap ag sasalita. “Sana man lang tinapalan mo kahit papaano bibig mo hano? Palong palo ka kasi mag salita, nakaka bigla.” Reklamo ko at nag kunwari pang nasasaktan. “Nag sasabi lang ng totoo. At tama yan, masampál ka sa kaatotohanan.” Taas kilay na sambit niya. “Ramdam na rin naman ni Saraiah noon na mahuhulog ka. Kilo, galaw at pananalita mo palang. Matagal ka ng hulog, hindi mo lang napapansin kasi naka focus ka sap ag iinit ng dugo mo at sag alit na nararamdaman mo kapag nakikita mo siya.” Dagdag pa ni Ryen. “Iba rin kasi amats mo, mang aasar tapos kapag ginantihan mag mumuryot, tapos kapag hindi naman siya ginantihan hahanap hanapin niya na akala mo may kulang sa buong pagkatao niya.” Pag paparinig ni Ryen. “Akala mo ikamamatay niya kapag hindi siya inasar ni Noah, pero kapag naman inaasar halos ikamatay din.” Dagdag pa nito. “Oo na, pwede ka na mag shut up at huwag banggitin ang pangalan ng aking Alipin.” Sambit ko habang nag kukunwari na walang naririnig. “Ewan ko sayo, kapag ikaw sinabihan biglang walang naririnig.” Tumatawang sambit niya habang napapailing samantalang ako ay napanguso nalang. “Hindi mo matanggap e ‘no?” Mayabang niyang sambit. “Awat na. Wag ka bumoses. Hindi kita naririnig.” Reklamo ko na mas ikinatawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD