“Class, calm down. Let them finish it.” Natatawang sambit ni Prof at halatang nag eenjoy sa batuhan naming ng linya at sa mga nangyayari.
“Hala, business proposal ba ‘to or flirtation strategy?” Tumatawa kong sambit na medyo nang aasar kay Noah,
“But seriously, it's not about playing it safe, it’s about choosing smart. Stability isn’t boring. It’s sustainable. And in life, you need something, or someone who can last.” Seryoso kong sambit habang naka taas ang kanang kilay.
“Then maybe… what if we combine both? You, the stable one, and me, the risk-taker. Like a perfect business partnership. You keep things grounded, I keep things moving. We balance each other out. Vision meets structure.” Sambit ni Noah at bahagyang lumapit sa akin dahilan para bahagya akong mapa atras.
“Hmm. That’s an interesting joint venture. But let’s finish our this first. Then maybe… we’ll negotiate terms. Just don’t forget, even in partnerships, there should be mutual benefit, transparency, and... loyalty.” Seryoso kong sambit na para bang nilalabanan kung ano man ang kaniyang sinimulan.
Kung makikipag laro ka lang din naman sa akin, might as well, makipag laro nalang din ako sayo.
“That was... passionate. I feel like I just watched a TED Talk and a K-drama at the same time. Excellent use of concepts, creative analogies, and... surprising chemistry. Well done, both of you.” Sambit ni Prof kaya napangiti ako at umupo na.
“And anyway, I’ll give you a plus on my subject Ignazio.” Sambit ji Prof muli kaya tumango si Noah at sumunod na sa akin paupo.
“Galing.” Mang hang sambit ni Ryen.
“High school pa last na kita naming paano kayo mag debate. Upgraded ngayon, may landian na nagaganap.” Biro ni Saraiah at halatang halata sa mukha anhg pag kakilig dahil hindi mapunit ang kaniyang labi sa sobrang ganda ng ngiti.
“Ang OA.” Reklamo ko at humarap na sa pisara.
Nag discuss pa ng ka onti si Prof and after that ay tapos na ang klase.
“Pwede na siguro tayong umuwi ‘no?” Tanong ni Ryen kaya tumango ako.
“Kayo uuwi na, kami ni Saraiah may pupuntahan pa.” Sambit ni Ryen at hindi na pinag salita pa si Saraiah at kabod nalang na hinitak.
“Hoy!” Sigaw ko ngunit sabay na silang nag wave ng kanilang hands hudyat na aalis na.
“Halika na Madam.” Natatawang sambit ni Noah.
“f**k off.” Inis kong sambit. Nag iinit nanaman ang dugo ko sakanya.
“Inaya lang kita, para ka nanamang bulkan na sasabog.” Napapa iling na sambit ni Noah.
“Mabuti at alam mong hihinga ka palang galit na ako.” Taas kilay kong sambit habang inaantabayanan siyang lumakad, bitbit ang lahat ng gamit ko.
“Nagugutom ako.” Mahina kong sambit.
“Street foods muna tayo.” Pag aaya niya kaya tumango ako.
Sa totoo lang ay bati naman talaga kami, halos magkasundo rin sa lahat. Talagang hindi lang naming kaya makatagal na hindi mag aaway o mag sasagutan na tinatake nila as pikunan pero normal lang naman sa aming dalawa yon.
***
“Hoy babae! Tulala ka nanaman.” Saway sa akin ni Ryen at bahagya akong tinapik.
“May naalala lang.” Sambit ko.
“Ulól, aminin mo na. Umeepekto na talaga sayo yung deal natin.” Nakangisi niyang sambit.
“Saka mo na isipin yan, kapag napauwi mo na si Saraiah.” Nakanguso kong sambit at napabuntong hininga.
“Miss mo ‘no?” Tanong niya, halatang nang aasar.
“Paawat ka na.” Reklamo ko at hindi sinagot ang kaniyang tanong.
Miss ko nga ba? Haha, oo.
“Pupunta naman ditto yon mamaya.” Pag paparinig ni Ryen.
“Wala akong pake.” Sambit ko habang nakanguso.
Tama nga sila Saraiah, yung yabang ko noong college ay dahil lang sa naging sitwasyon pero hindi ako nag base sa magiging future.
Kinain ko lahat ng sinabi ko noon, yung kayabangan ko biglang nag laho. Nahulog ako sa sarili kong patibong at nasunog sa sariling apoy na mismong ako ang bumuhay.
“Just admit it.” Tumatawa niyang sambit.
“Alam niyo naman na, hindi ko na need umamin.” Reklamo ko.
We are okay now ni Noah, alam naming na gusto naming ang isa’t isa pero wala pa kami sa puntong ite take yun sa another level. Nag eenjoy kami sa kung anong meron kami at mas pinapahalagaan ang friendship.
“Bakit kasi no label.” Reklamo ni Ryen.
“Nag salita ang hindi raw papatulan pero boyfriend na ngayon. Lala ng plot twist.” Ganti dahilan para mapanguso niya.
“Yan diyan ka magaling, umiwas at mag pasa ng pang aasar sa iba.” Taas kilay niyang sambit.
“Huwag ka na kasing mang asar, hindi na nga awkward mangungupál ka pa e.” Reklamo ko habang nag kakamot sa aking ulo.
“Pero seryoso kasi? Susunduin ka nga?” Tanong ni Ryen.
“Oo, palagi ko namang driver yon, ano pang bago?” Tanong ko na para bang nag tataka kasi hindi pa siya sanay.
“Grabe consistent ng pagiging alipin.” Biro niya na ikinatawa ko.
“Nag babaga pa rin ba kayo?” Tanong niya.
“Hindi na mawawala sa amin yon. Natatahimik lang kami non kapag nag katampuhan na ng seryoso e.” Sambit ko at napaisip.
Huling tampuhan naming ay noong college pa, pareho pa tuloy napa amin dahil sa iwasan na naganap.
“Yung huli niyo noong college pa diba?” Tanong niya kaya tumango ako.
“Oo, hindi na nasundan yon. Pareho ba namang tumiklop after mangyari yon.” Napapailing kong sambit at kapag na aalala ay natatawa nalang.
“Pero ang solid, kahit everyday kayo nag kakapikunan at asaran hindi umaabot sa malalang away.” Puna niya.
“Ganito kasi yan.” Paliwanag ko.
“Simula elementary rivals kami niyan to the point nap ag dating ng high school napag trepan nalang naming mag laban at mag asara.” Sambit ko.
“Hanggang sa mag college na adopt naming kasi kapag may isang hindi nakapang asar o naka pikon sa amin parang may kulang, may nawawala, hindi kumpleto araw.” Sambit ko.
“Part na siya ng daily life and routine namin.” Dagdag ko pa.
“After din naman kasi mag kapikunan kapag natahimik na ko sumusuhol na agad yon ng pag kain.” Natatawa kong sambit.
“Suhol daw, suyo yon. SUYO.” Sambit ni Ryen kaya napairap ako.
“Pareho lang yon.” Kibit balikat kong sambit.
“Hi girls.” Nakangiting sambit ni Davian at hinalikán sa labi si Ryen.
“In front of me? Mga dugyútin kayo ha.” Reklamo ko habang naka nguso at saka sila tinalikuran.
“Noah naiinggit, halikán mo nga rin.” Tumatawang sambit ni Ryen kaya napa taas ang kanang kilay ko.
“Ayoko, baho hininga niyan.” Sambit ni Noah kaya agad ko siyang binato ng kung anong bagay na nadampot ko sa lamesa.
“Biro lang!” Tumatawang sambit ni Noah at agad na inabot sa akin ang aking pag kain.
“Magaling ka talaga mag timing ng inis. Kapag alam mong may suhol ka.” Inis kong sambit habang masama ang tingin kay Noah.
“Ayan nanaman nga po silang dalawa.” Napapa iling na sambit ni Ryen.
“Sanay naman na tayo, hayaan mo na sila.” Tumatawang tugon ni Davian kaya napa iling ako.
“Awa sa single, huwag mag landian sa harap ko.” Saway ko at sila naman ang aking binato.
“Tama na kasi pag paparinig. Halika ditto.” Sambit ni Noah sabay hitak sa akin paupo sa kaniyang híta.
“Woy!” Sigaw ko at akmang tatayo ng bigla niyang iikot sa aking balakang ang kaniyang braso.
“Pumirmi ka diyan, kumain at kumalma.” Sambit ni Noah kaya napatahimik ako.
I was caught off guarded. Kahit kailan talaga ay mahilig mag on the spot itong kupál na ito.
“Ano? May reklamo ka pa?” Tanong ni Ryen at sa gulat ay hindi na rin ako halos naka sagot pa.
“Edi tahimik ang lahat?” Tumatawang sambit ni Davian habang ako ay napangsuo nalang.
“Focus on your food.” Sambit ni Noah na hindi ko nalang din sinagot.