KABANATA 08

1394 Words
( COLLEGE DAYS ) I was alone, sa rooftop nila Saraiah. Nandito kasi kami for sleepover ang kaso lang ay hindi ako maka tulog kaya pumunta nalang ako ditto. Nalaman ko ‘to kay Kuya Iyo noong nakita niya akong naka tambay sa may balcony. Mas maganda raw ditto sa taas kaya sumunod ako sakanya. Tama naman, maganda nga rito. “Iiwan na kita ha?” Paalam ni kuya Iyo kaya tumango naman ako. Hindi ko rin alam kung bakit at paanong hindi ako maka tulog. Ang gulo ng isip ko, at hindi ko na rin maintindihan ang sarrili ko. Naalala ko pa yung deal naming nila Ryen, hindi ko matanggap tuloy. Bakit ba ganito nararamdaman ko? “Nahuhulog na nga ba talaga ako sakanya?” Mahina kong tanong habang naka titig sa city lights. At first, I really don’t like him. O yun lang ang akala kong tingin ko sakanya? Matalino, nasasapawan ako, aayaw palamang, mapang asar, mayabang, may pagka badboy, pangit ugali sa akin, and I couldn’t stand the way he always had something to say. Parang every time na magkikita kami, may tension talaga. Wala akong interest na makipagkaibigan, and I was sure na hindi ko sila magugustuhan. I kept telling myself, "Hindi kami magkakasundo, period." Kahit na deep inside ay nasa iisang circle of friends lang din naman kami. Aminado naman ako, naging routine naming from elementary to highschool na maging academic rivals, maging enemies to be exact and who would’ve thought na pag dating sa college ay magiging mag kaibigan pala talaga kami? Hindi ko siya type, o dahil galit at pikon lang ako kaya hindi ko siya nagugustuhan? Kasi as time goes by, I started to notice everything about him. Yung itsura niya, yung tunay niyang ugali, siya mismo na walang bahid ng inis, galit o pag kapikon. I thought na naiirita pa rin ako, pero hindi eh, parang hinahanap-hanap ko na yung presensya niya. Na hindi lang basta kulang o may nawawala kapag hindi kami nag kakapikunan kahit saglit lang sa isang araw. Yung mga banat niyang dati ay nakakainis, ngayon parang nakakatawa na kahit na napipikon pa rin ako. Yung simpleng ngiti niya, bigla ko na lang napapansin. "Bakit ganon?" tanong ko sa sarili ko. "Bakit parang gusto ko na siyang kausap araw-araw?" Hindi na ako sanay na hindi ko nararamdaman presensiya niya. Kulang kapag wala siya. Nakakapanibago, kasi dati, dati hindi naman ako ganito, hindi ko naman siya hinahanap hanap. Wala siyang epekto sa akin kung hindi pag kainis, init ng dugo lang. Tapos ngayon? Nag iba na. Mukhang tama sila Ryen, isang araw, kakainin ko rin lahat ng sinabi ko. Na nadala lang ako sa kayabanagn at galit ko kaya ko nasabi noon yon. Kasi ngayon? Nakakatawa nalang talaga. I was so sure na I was supposed to hate this person. I was supposed to hate and not love him. Pero ngayon, eto ako, iniisip siya bago matulog, kahit sap ag gising sa umaga, at hinahanap sila sa araw-araw. Hindi ko alam kung kailan nagbago ang lahat. Pero one thing’s clear: I’m no longer annoyed, I’m interested. I’m no longer trying to avoid them, I’m hoping to see them again. Hindi lang basta dahil kaibigan ko siya, hindi lang dahil basta kaaway ko siya. Kundi dahil alam kong hulog na ako. Hulog na ako sa mga actions niyang random at kung paano niya ako itrato kapag kaming dalawa nalang. And one thing for sure is, kung may lubos man na nakakakilala sa akin, si Noah yon. Simpleng actions niya noon na walang malisya, ngayon ay nag kakaroon na. Para bang lahat ng actions niya ngayon ay big deal na sa akin. Nakakagulo ng utak, to be honest. Parang ang hirap aminin lalo na sa sarili ko. "Paano nangyari 'to? Bakit siya pa?" Pero kahit anong pilit kong i-deny, hindi ko na kayang itago. Iba na talaga yung nararamdaman ko. I think I’m falling for the person I thought I’d never like. Yung halos isumpa ko noon, ngayon hindi na ako makahinga kapag wala siya. Mabilis lang talaga ako mag bitaw ng salita pero hindi iniisip ang mangyayari sa susunod. “I guess talon a nga ako.” Sambit ko at bahagyang tumawa. Mukhang nahulog ako sa sarili kong patibong, yung apoy na pinaglaruan ko, alam ko na sa sarili kong nasunog na ako. Hirap tanggapin pero anong magagawa ko? Andito na. Nararamdaman ko na, kung ipipilit ko pang lumayo at iiwas ito ay alam ko namang mas lalala lang ito. Bahala ka na Batman. At the end of the day, love doesn’t always come in the way we expect. Minsan, it sneaks up on you, lalo na sa mga taong ayaw mo noon, pero mahal mo na pala ngayon. “Kanina ka pa diyan?” Tanong ni ate Haya kaya bahagya akong nagulat. “Medyo lang ate.” Gulat kong sambit. “Ang lalim ng iniisip mo. Gusto mo bang mag sabi?” Tanong niya at nilapitan ako. “Ate kasi ganito, I am starting to catch feelings for the Noah the one I supposed to hate.” Sambit ko at nag iwas ng tingin. “May ikukwento ako sayo.” Nakangiting sambit ni ate Haya kaya tumango ako. “Alam mo, minsan talaga, life has a funny way of surprising us. Dati, I was so sure na hindi ko talaga magugustuhan si Iyo.. He was annoying, loud, and everything I thought I didn’t like in a person. Parang may built-in alarm sa utak ko na nagsasabing “avoid him!” every time na nandyan siya. Pero eto na nga… bigla na lang nagulo lahat. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero unti-unti, napapansin ko na siya.” “At first, in denial pa ako. Sabi ko sa sarili ko, “Hindi, napagod ka lang. Hindi ‘yan feelings.” Pero araw-araw, mas lalo ko siyang hinahanap. Yung mga jokes niya na dati nakakairita, ngayon nakakatawa na. Yung presence niya na dati gusto kong iwasan, ngayon parang comfort zone ko na. Then it hit me. “Oh no... I think I’m catching feelings.”” Pag kukwento ni ate Haya. And somehow, pareho kami. “Ang hirap tanggapin sa una. Kasi iniisip ko, “Paano ‘to? Hindi ba dapat ayaw ko sa kanya?” Pero doon ko narealize, hindi pala laging tama ang “dapat.” Hindi porket may history kayong hindi maganda, ibig sabihin wala na kayong chance sa future. Minsan, may mga tao talagang kailangan mo munang mas makilala para ma-appreciate mo sila. And sometimes, the strongest feelings grow from unexpected beginnings.” Seryoso niyang sambit. Hindi ko alam kung ano baa ng dapat kong maramdaman. I was shocked. “Alam ko namang ikaw ang nakakaramdam nito, kaya ang paalala ko lang ay, “don’t be too hard on yourself.” Feelings are natural. Hindi mo kasalanan kung bigla mong na-appreciate yung taong akala mo ayaw mo. Hindi ibig sabihin na plastic ka o pabago-bago, ibig sabihin lang nun, nag-grow ka. You’re starting to see people beyond first impressions.” Sambit pa ni ate Haya. “But of course, be careful too. Hindi naman porket may feelings ka na, kailangan mong i-confess agad. Kilalanin mo pa muna sarili mo. Alamin mo kung totoo ba ‘tong nararamdaman mo, or baka dala lang ng moment or kilig. At kung sigurado ka na, then ask yourself: “Is it worth the risk?” Kasi oo, masarap kiligin, pero mas mahalaga pa rin yung peace of mind mo. Protect your peace. And do all things that makes you happy and live.” Sambit niya. “Kaya, wag mong i-pressure sarili mo. Take your time. Feel everything. Accept that it's okay to feel something unexpected. And remember, love is unpredictable, at minsan, it grows where we least expect it. Minsan, sa taong akala mo ayaw mo… doon pala titibok ang puso mo.” “The more you hate, the more you love.” Sabay naming sambit kaya bahagya akong napatawa. “Ang mahalaga, maging honest ka sa sarili mo. Kasi sa dulo, hindi mo kontrolado kung kanino ka magkakagusto, pero kontrolado mo kung paano mo haharapin ‘yung feelings na ‘yan with grace, honesty, and courage.” Dagdag niya pa kaya napangiti ako. “I hope it helps ha? Isip ka mabuti. Wag mo madaliin.” Sambit ni ate Haya at niyakap ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD