10

1980 Words

“PAGPASENSIYAHAN MO NA ang Lola ko, ha? Nagbibiro lang iyon kanina. Huwag kang masyadong maiilang,” ang sabi ni Cai kay Wilder habang nasa loob sila ng kanyang silid. Hindi lang naman silang dalawa ang naroon, nandoon din sina Petra at Daniel. Abala ang dalawa sa panonood ng pelikula sa kanyang laptop. Kanina ay sinabi sa kanya ni Petra na gusto nitong usisain ang kanyang silid. Nagpaunlak naman siya. Noong una ay silang dalawa lamang ang naroon hanggang sa samahan na sila nina Wilder at Daniel. Si Kuya Paul ay patuloy sa pakikipagkuwentuhan kay Lola Carmela. May maliit na sofa siya sa loob ng kanyang silid at doon sila nakaupo ni Wilder. Dahil nga maliit, medyo siksikan silang dalawa. Kahit na naiilang man si Cai, hindi pa rin maikakaila na maligaya ang puso niya sa paglalapit nilang ga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD