HINILING NI CAI kay Wilder na imbitahan naman nito sina Anthony at Ginger para sa isang hapunan. Gusto sana niyang mag-apologize sa dalawa dahil sa kanyang hindi magandang inasal. Kaagad naman na pumayag si Wilder. Hindi nga lang sa ibang restaurant ang gusto ng mga ito, gusto ay sa restaurant mismo nina Anthony at Wilder. Wala nang nagawa si Cai kundi ang pumayag. Naisip niya na mas maganda rin siguro kung doon dahil sa lugar na iyon din naman niya napakitaan ng hindi maganda ang dalawa. Kinakabahan si Cai habang papasok ng restaurant. Hindi siya mapakali. Hinawakan ni Wilder ang kanyang kamay at banayad siyang nginitian. “It’s gonna be okay. Hindi naman galit sa `yo `yong dalawa.” “Maiintindihan ko naman kung magalit man sila. I deserve it.” “You don’t.” Nasa lamesa na sina Anthony

