“SIGURADO KA NA BA sa desisyon mong iyan?” “Opo, `Nay. Sa palagay ko po ay mas makabubuti sa amin ni Baby kung dito na muna kami sa Pilipinas,” ang tugon ni Cai sa tanong ng kanyang ina. Kausap niya ito sa kasalukuyan. Ipinaalam na niya ang nabuong desisyon na sa Pilipinas na manganak at manirahan. Hindi pa konkreto ang buong plano pero may mga bagay na sigurado na. Mas magiging maganda siguro sa opinyon ng iba kung sa America siya manganganak at maninirahan. Pero mas masaya kasi siya sa Pilipinas. Mas panatag ang kanyang loob. Naroon ang kanyang support system. Sa America, ang kanyang ina lang ang kanyang kasama. Hindi siya nagkaroon ng mga malalapit na kaibigan dahil hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na makakilala ng iba. Madalas na abala siya kay Kali. Alam niya na kailangan pa r
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


