12

1790 Words

HINDI NA NILA NAUBOS ang bote ng tequila. Hindi na kinaya ng mga kasama niya. Naunang inihatid ni Wilder sina Daniel at Petra. Halos wala nang malay ang dalawa. Si Cai naman ay talagang wala nang malay paglulan nito sa sasakyan pero nagkamalay habang pauwi na sila sa bahay nito. “Nasaan ako?” ang tanong nito habang inilinga-linga ang paningin sa paligid. Kaagad nitong nasapo ang ulo na para bang nahilo sa ginawa. “Pauwi na. Sandal ka lang d’yan.” “Hinto mo.” “Ha? Malapit na tayo. Ako `to. Relax.” “Nasusuka ako, Wilder.” Mabilis na itinabi ni Wilder ang sasakyan. Hindi pa man sila humihinto ay binuksan na ni Cai ang pinto at lumabas. Hindi na gaanong nakalayo ang dalaga at nagsuka. Bumaba na rin siya at lumapit. Banayad niyang hinagod ang likuran nito. “My God, nakakahiya,” ang pau

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD