NGINITIAN NANG MATAMIS ni Cai si Wilder pagkatapos ng kanilang graduation ceremony. Sinugod siya ng yakap ng binata. Mas gumanda ang kanyang ngiti. Mabilis siyang gumanti ng yakap. Maigi at nagkita silang dalawa ngayon. Kanina, bago magsimula ay hindi na sila nagkita. Sa katunayan ay wala siyang nakita sa mga kaibigan niya. “Congratulations,” ang masayang sabi ni Wilder pagkatapos siyang pagkawalan. “Congratulations din,” ang nakangiting ganti ni Cai. “Hindi ka na gaanong masaya at excited kasi second time mo na itong ga-graduate, ano?” Inakbayan siya ni Wilder. “Masaya at excited pa rin. Sa wakas ay natapos ko na ang pag-aaral. Grabe pitong taon din ha.” “Dalawa naman ang kurso mo, hayaan mo na.” Nag-alangan si Cai noong una pero nagpasya siyang makipagsapalaran. Iniyakap niya ang m

