NANG MGA SUMUNOD na araw ay naging napakaligaya ni Cai kasama si Wilder. Kaagad nilang ipinaalam ang kanilang bagong relasyon sa kanyang lola at ina nito. Ikinatuwa nila na sinuportahan ng dalawa ang kanilang relasyon. Hindi sila halos mapaghiwalay pagkatapos ng gabing iyon. Panay pa ang pag-uusap nila sa telepono kapag hindi sila magkasama. Sa iisang review center lang sila nag-enrol bilang paghahanda sa kanilang board exams. Si Kuya Paul lang ang kasa-kasama nila dahil nagpasya sina Daniel at Petra na magpahinga muna at huwag kaagad na kumuha ng exam. Ikinatuwa rin ni Kuya Paul ang bago nilang relasyon. Nagpasalamat siya na walang bumabanggit sa mga ito ng anumang tungkol kay Ginger. Hindi na rin niya gustong magtanong. Ayaw na niyang ungkatin ang mga bagay-bagay na hindi na siguro dapa

