Matapos ang engagement ceremony nina Mariz at Theo ay nagkanya-kanya na ng usapan ang mga bisita. Naroon pa din naman ang lahat sa venue pero iba't iba na ang mga pinagkakaabalahan ng lahat. Mayroong nagkukulitan at di matapos tapos na kwentuhan. Naroon din ang isang kaibigan nila Alex na si Lance. Kilala niya ito dahil kasama ito sa trabaho ng pinsan niya. Bumaha ng alak sa gabing iyon dahil bukod sa birthday ni Theo ay isinabay ang engagement party.
Si Alex ay pinili na tumabi sa kanya na kasama ang mga pinsan sa table nila.
May ibang mga kaibigan na inimbita si Theo na ayon kay Mariz ay mga anak ng mga kaibigan ng mga magulang ng binata. Sa hinuha ni Raine ay mukhang mga sosyal at galing sa mayamang pamilya. Si Theo ay isa sa mga batang negosyante ng bansa dahil sa kanya na ipinamana ng mga magulang nito ang negosyo, mabait naman ang mga iyon at tanggap ang kanyang pinsan na si Mariz.
Habang nakikipag kwentuhan si Raine sa kanyang mga pinsan ay bumulong si Alex sa kanya.
" Hon, kakausapin ko lang si Lance"
Tumango naman siya bilang tugon pero bago ito tumayo ay may pahabol pang bilin, " I forbid you to drink alcoholic beverages, juice or water is okay, do you understand? Napa-irap naman siya sa tinuran nito at sumagot ng pabalang,
" I'll drink vodka and beer, ngayon ko lang gagawin to kaya wag kang KJ"
Napapikit ng mata ang binata na para bang sumasakit ang ulo dahil sa tinuran ni Raine. " Don't you dare Lorraine kung ayaw mong itali kita sa katawan ko"
" At bakit mo naman ako itatali, aber?
" Dahil nawawala ka sa sarili kapag nakakainom ka".
" Fine", sagot ni Raine na sinabayan ng pag pout ng labi.
" Good girl, I'll be back soon, importante lang ang pag-uusapan namin".
Makalipas ang ilang sandali ay napansin ni Raine na pabalik na sa gawi niya ang binata pero naharang ito ng isang lalaki na sa tantya niya ay kakilala nito. Lumapit din ang dalawang sosyal na babae at nakipag kamay pa kay Alex. Ang isang babae ay halatang may interes kay Alex dahil sa mga gestures nito na hindi nakatakas sa mga mata ni Raine habang pinagmamasdan sila.
Ilang minuto na ang nakalipas pero magkausap pa din sina Alex at ang babae na tila ayaw na nitong paalisin sa tabi niya ang binata. Nakailang pag ikot na ng mata si Raine at naaasar na siya dahil nagtatawanan pa ang dalawa habang nag-uusap. Matinding selos ang nararamdaman ng dalaga ng sandaling iyon. Tila napansin naman iyon ng mga pinsan niya kaya't siya ang naging tampulan ng tukso.
" May naaamoy akong usok", sabi ni Paul
" usok na nagmumula sa bumbunan ng taong nagseselos, ahahaha", si Fritz
Samantala si Michelle naman ay biglang kumanta habang nakatingin kay Raine,
"wish I could be the one, the one who could give you love, the kind of love you really need...wish I could say to you...
Hindi na natapos pa ang susunod na linya ng kanta ng bigla na lang nilang nakita na tinungga ni Raine ang isang shot ng tequila na dapat ay si Joan ang iinom. Nang mapatingin sila sa bandang gawi ni Alex ay nakita nila na may babae itong kahalikan samantala ang mga kasama ng babae ay nagchi-cheer pa.
" Oh no!
" patay!
" Yari kang lalaki ka"
Halos magkasabay na usal ng mga babaeng pinsan ni Raine, samantala ang mga lalaki naman ay napapa iling na lamang habang napapangiti. Matapos ang tatlong sunod-sunod na shot ng tequila ay tila rumerehistro na ang init niyon sa katawan ng dalaga, tila ba may gumuhit na mainit sa kanyang lalamunan patungo sa lahat ng ugat ng kanyang katawan. Hindi siya sanay uminom lalo na kung hard liquor pero nainis siya sa nakitang tagpo kaya't wala siyang pakialam kung malasing siya ngayong gabi. Tumayo siya at niyaya ang mga pinsang babae para sumayaw.
Hindi naman sila inawat ng mga lalaking pinsan dahil nakabantay ang mga ito sa bawat galaw nila.
Samantala si Alex naman ay nagpaalam na sa babaeng kausap dahil gusto na niyang balikan si Raine, ngunit bago pa siya makalayo ay may isa pang babae ang muling lumapit sa kanya at nagpakilala subalit ng akmang aabutin niya ang kamay nito upang makipag shake hands ay bigla naman itong pumulupot sa leeg niya at mapusok siyang hinalikan sa labi, sa pagkabigla ng binata ay hindi siya nakagalaw ngunit ng matauhan ay kaagad niyang inilayo ang sarili sa babae at tinitigan ito ng masama. Nagkamot siya ng ulo habang nakapamewang na humarap sa babae,
" Miss, I don't know your intention but please stay away from me, it's not good for a lady to kiss a random man. My girlfriend might be furious right now".
" Sorry mister, napag utusan lang ako, it's just a dare by the way".
Minabuti na lamang ni Alex na wag ng sumagot at naglakad na lamang patungo sa kinaroroonan ni Raine. Pagdating niya roon ay napansin niyang sina Paul, Troy at Fritz lamang ang nakaupo. Inisip niya na baka nasa ladies room lamang ang mga babae.
" Pre kumusta?, bungad sa kanya ni Paul
" Tangna! napagtripan ako ng babae", sagot ni Alex habang kinukuha ang isang beer in can na inabot ni Fritz. Humagalpak ng tawa si Paul, batid ni Alex na nakita siya ng mga ito mabuti na lamang at wala pala doon ang mga babae kaya't ligtas siya sa isip niya.
" Bwenas ba pre? tanong ni Troy na natatawa.Naging malapit na si Alex sa mga ito dahil sa may mga common friends din sila na madalas nakakasama.
Sinabihan din siya ng mga ito na okay siya sa kanila na maging boyfriend ni Raine basta wag niya itong lolokohin. Nang mapansin kasi ng mga ito na may espesyal siyang pagtingin sa dalaga ay agad siyang pina background check ng mga ito. Naging supportive pa nga ang mga ito sa kanila kaya't kinunsaba nila si Theo na pagsamahin lang sila sa isang suite ng hotel.
" Pre, alam mong boto kami sa'yo para sa pinsan namin, pero kapag sinaktan mo si Raine alam mong may paglalagyan ka", seryosong saad ni Paul
Tinapatan din iyon ng seryosong tingin ni Alex saka sumagot,
" Wala tayong pag-uusapan sa bagay na yan, alam nyong malinis ang hangarin ko kay Lorraine at nirerespeto ko siya".
Matapos niyang sabihin iyon ay lumagok siyang muli ng beer at nagpalinga-linga na tila may hinahanap. Tinapik lang siya sa balikat ni Fritz bilang pagsang-ayon sa kanya. Makaraan ang ilang saglit ay narinig nila ang tawanan ng mga babaeng papalapit sa kanila, pamilyar ang tinig ng isang babaeng iyon sa pandinig ni Alex kaya't napatingin siya sa grupo. Biglang dumilim ang kanyang awra ng makita niya si Raine na may lalaking kaakbay habang naglalakad. Tila masaya din ito na nakikipag usap sa lalaki. Agad siyang napatayo at sa isang iglap ay hinaklit si Raine palapit sa kanya. Umalma naman ang lalaki at hinawakan ang isang kamay ng dalaga.
" Hey! mag-ingat ka naman, sikmat nito kay Alex at tiningnan si Raine na tila nag-aalala. " Are you okay Babe?", tanong nito sa dalaga. Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Alex at nagtagisan ang mga ngipin ng marinig iyon.
" Yeah I'm fine Dude!, sagot ni Raine at sabay tumingin kay Alex,
" Oh Alex! nandito ka na pala, how's your date?, hindi na nito binigyan ng chance na magsalita ang binata at agad na pinakilala ang kasama.
"By the way highway, guys this is my friend Chad, Chad meet my cousins, Paul,Troy, Fritz and this is...hindi natuloy ang sasabihin ni Raine ng si Alex mismo ang nagpakilala sa sarili.
" I'm Alex, her boyfriend", sabay tingin niya kay Raine na namumungay na ang mata. Natigilan naman ang lahat dahil sa sinabi ni Alex, natahimik sila at tila ba nagpapakiramdaman lalo na ang mga magpipinsan. Ngumiti naman lang ng alanganin si Chad at saka nagsalita,
" Oh, I didn't know na may boyfriend ka na Babe", sabay tingin nito kay Raine pero si Alex ang sumagot
" Ngayon alam mo na kaya dumistansya ka!
Batid ng magpipinsan na nagkakainitan na ang dalawa kaya't ang mga babae na ang pumagitna dahil tila natulos naman si Raine sa kinatatayuan.
" Hey guys come on! iinom na lang natin yan, tara na upo na kayo", wika ni Joan
" korekek! partey partey", si Michelle habang hinihila si Chad paupo malapit sa mga pinsang lalaki.
Si Raine naman ay inalalayan ni Alex, pagkaupo nila ay agad na tinungga ni Raine ang tequila na tinagay ni Joan para sa kanya. Nakita iyon ni Alex kaya't napamura ito sa isip. Inakbayan niya si Raine at saka bumulong, " you're making me mad Honey". Napangiti si Raine na tila nang-aasar, " so what?, sagot niya.
" Do not abuse my leniency, baka pagsisihan mo", may diing saad ni Alex
" Oh! I'm so afraid right now"
Pagkasabi niyon ni Raine ay agad na tumayo si Alex.
" Mauna na kami, Raine is already drunk"
Itinayo niya ang dalaga at inalalayan maglakad subalit tila ito makulit na bata na ayaw pang umalis
"the night is young, let's enjoy it my dear boyfriend", patuyang sabi niya. Ikinawit pa nito ang mga braso sa leeg ng binata at umindayog sa saliw ng maharot na tugtog. Natatawa naman ang mga pinsan nito,
" patulugin mo na yan Pre, bukas wala na naman yan maalala", wika ni Troy. Nagtawanan ang mga ito dahil alam nila na totoo ang sinabing iyon ni Troy.
Nang mapagtanto ni Alex na wala talagang balak na sumama sa kanya si Raine ay pinangko niya ito at binuhat na parang sako.
" Daddy Alex you're so rude, gusto ko pang mga enjoy", wika nito na ikinatawa ng mga pinsan niya.
" Lagot ka kay Daddy Alex mo", sigaw ni Michelle kay Raine habang tinatanaw nila itong buhat buhat ng binata habang papalayo.
Nang makapasok sila sa elevator ay pinagtinginan sila ng dalawang babae na kasabay nila dahil buhat pa din siya ni Alex. Wala namang imik ang dalawa pero nagsisikuhan ang mga ito at halatang natipuhan si Alex. Napansin iyon ni Raine kaya't dala ng kalasingan ay naging madaldal ito. " Hoy mga babae wag nyo na pagnasaan ang lalaking ito alam ko gwapo siya pero akin lang siya, Akin lang ang asawa ko", ginaya pa niya ang linya ni Angel Locsin sa teleserye nito. Napairap naman ang isang babae dahil sa sinabi ni Raine, kaya't naasar ang dalaga dito.
" Wag mo ko mairap-irapan ha, baka dukutin ko yang mata mo, saka pwede ba umakto ka ng naaayon sa yong hitsura, kaya wag kang umirap dahil hindi ka maganda".
Sa narinig ni Alex ay siya ang nahiya at humingi ng dispensa sa dalawang babae.
" Ladies pagpasensyahan nyo na ha, medyo naparami ng inom tong misis ko".
" Okay lang Mister Pogi", sagot ng isa.
Nang makapasok sa kanilang suite ay inilapag nya ng marahan sa kama si Raine.
" We're here my Señorita", wika niya pero imbes na humiga ay tumayo ulit ito at nangulit na naman, nangunyapit ito sa leeg ni Alex at saka kumanta habang sumasayaw ng sexy.
" I love it when you call me señorita
I wish I could pretend I didn't need ya
But every touch is ooh, la-la-la
It's true, la-la-la
Ooh, I should be running
Ooh, you keep me coming for ya"
Nag-init ang pakiramdam ni Alex ng gumiling giling pa ang dalaga habang nakatalikod sa kanya at idiniin ang matambok nitong pang-upo sa kanyang harapan. Napapikit siya dahil hindi niya kayang salubungin ang mapang akit na hitsura ni Raine. Alam niyang konti na lang ay mapapatid na ang pisi ng kanyang pagtitimpi lalo pa at pareho silang nakainom.