Chapter 18

1312 Words
Hindi na maintindihan ni Alex kung paano niya susupilin ang matinding init na nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa kakulitan ni Raine. Nagpatuloy lang kasi ang dalaga pagsayaw habang siya ay inaakit. Hindi mapigil ni Raine ang kanyang sarili kahit pa alam niya na sobrang nakukulitan na si Alex sa kanya. Tila binigyan siya ng laya na ilabas ang kinikimkim niyang sama ng loob sa binata dahil sa tama ng alak. 'my loneliness is killing me and I I must confess I still believe, still believe when I'm not with you I loss my mind give me a sign... Pumulupot ang kanyang braso sa leeg ng binata at nagsway  ng balakang. Ramdam niya tuloy ang nabubuhay na alaga ni Alex. Dumausdos ang kamay niya sa pang-upo ng binata at tinapik iyon saka ninamnam ang huling linya ng kanta ni Britney Spears sa nang-aakit na paraan..."Hit me baby one more time". Hindi na iyon nakayanan ng binata kaya naman agad niyang hinila ang dalaga palapit sa kanya at walang patumangga na siniil ito ng marubrob na halik. Agad namang sumagot ng halik si Raine at tila sarap na sarap ito dahil sa kumawalang ungol, hanggang sa namalayan na lamang ni Alex na hinuhubaran na siya ni Raine ng damit kaya naman siya na ang tuluyang naghubad niyon. " f**k honey! You're making me crazy", wika ni Alex " Why did you kiss that b***h, am I not a good kisser, hmmm?, tanong ni Raine. Nagulat si Alex sa tinuran ng dalaga, akala niya ay hindi nito nakita ang nangyari kanina ngunit mali siya, kaya naman may nabuong konklusyon sa isip niya. " Kaya ka ba uminom?, tell me Hon" Nagpout lang ng labi si Raine at pumikit ng mata, inihiga niya ang dalaga sa kama at muling inangkin ni Alex ang mga labi nito at ngayon ay mas maalab at mapusok pa. Nang pangapusan ng hininga ay sandaling humiwalay ang mga labi nila " you're so hot when you get jealous honey", he chuckled. " I'm not jealous Alexzander, why would I anyway?, tanong ni Raine " I'll never give you reason to get jealous Honey pero nasayo ang lahat ng karapatan para ipagdamot ako, I'm yours and you're mine". Pagkasabi ni Alex niyon ay agad niyang hinalikan muli ang dalaga. Gusto na niya itong angkinin pero ayaw niyang gawin dahil sa lasing ito. Sa sobrang antok naman ni Raine ay di na nito namalayan na nakatulog na pala siya habang patuloy na hinahalikan ni Alex. Natawa na lang ang binata dahil sa kalokohan ni Raine, talagang nawawala ito sa sarili kapag nakakainom, pero kahit na ganoon ay hindi mawala ang ngiti sa labi niya dahil sa pagmamaldita ng dalaga sa babaeng kasabay nila sa elevator. Napakasarap sa pakiramdam niya na ipinagdadamot siya nito, at mas dumoble ang kasiyahan niya ng sabihin na asawa siya nito. Kinabukasan ay tanghali na nagising si Raine at naramdaman niya ang pagkirot ng kanyang ulo. " Syete naman oh! bakit ba kasi ako uminom, usal niya sa sarili. Napansin niya na wala siyang kasama sa kwarto, tumayo siya para magbanyo, naisipan na din niyang maligo para mabawasan ang hang over. Paglabas niya sa banyo ay nakabihis na siya, nang matapos niyang tuyuin ang buhok gamit ang blower ay siya namang pasok ni Alex. " Gising na pala ang misis ko", seryoso pero may pang aasar dahil nakangiting lumapit ito sa dalaga. He kissed her on the temple na siya namang ikinaikot ng mata ni Raine. " Wag mo nga ako asarin Alexzander, masakit ang ulo ko" " Kaya nga bumaba ako para ikuha ka ng gamot my Señorita" " gutom na din ako", wika ni Raine Napangiti si Alex pero gusto lamang niyang asarin ang dalaga. " Seryoso ako! " mukha nga, tingnan mo yang tingin mo sa akin parang ako ang gusto mong kainin". Sakto naman na narinig nila na may nag doorbell. Binuksan ni Alex ang pinto at nakita ni Raine ang masarap na putahe na siyang nagpalaway sa kanya. "Kumain ka muna Hon bago mo inumin yung gamot mo" Ipinagsandok pa siya ng pagkain ni Alex at kulang na lang ay subuan pa siya nito. Sabay silang kumain at naging magana si Raine dahil talagang gutom na siya. Matapos iyon ay ininom niya ang gamot sa sakit ng ulo at sinabihan siya ni Alex na magpahinga na lang muna. Sinamahan na lang din siya ng binata at binantayan siya nito habang natutulog. Alas singko ng hapon ng magising si Raine at sa pagkakataong iyon ay maayos na ang pakiramdam niya. Napansin niya na may braso na nakapulupot sa kanyang tiyan at ang mukha nito ay nakasiksik sa kanyang leeg. Tila ayaw siya nitong pakawalan dahil sa higpit ng pagkakayakap. Humarap si Raine sa binata at tinitigan ito. Pinagsawa niya ang mata sa makakapal na kilay nito, matangos na ilong, mapupulang labi na kay sarap humalik at ang pinaka gusto niya ay ang hatid na kiliti ng papatubong balbas nito sa tuwing naglalapat ang kanilang mga labi. Sa totoo lang ay alam niya ang nangyari kagabi pero ayaw niya lang iyon aminin sa sarili dahil nahihiya siya. Alam din niya kung ilang beses inangkin ni Alex ang kanyang labi at ang halik nito na napaka sarap ay ayaw na niyang matapos. " You can kiss me anytime you want Honey", napapitlag ang dalaga ng marinig niya si Alex na akala niya ay mahimbing pa na natutulog. " Ayoko di ka naman masarap humalik", sagot ng dalaga na tila seryoso pero ang gusto naman talaga niya ay asarin ang binata. Nang marinig iyon ni Alex ay walang pag-aalinlangan na umibabaw ito sa kanya at siniil siya ng halik, mabini ang paggalaw nito at nang aarok ang dila na umikot ikot sa kanyang bibig. Sa sobrang sarap ay hindi na namalayan ni Raine na napa ungol siya. Hudyat naman iyon kay Alex para putulin ang kanilang paghahalikan. He chuckled as he heard her moan. " Hindi pala ako masarap humalik kaya pala umungol ka", pang aasar nito. " Alam mo namimihasa ka na, kagabi ka pa halik ng halik sa akin" " Bakit?, asawa naman kita, remember what you told them last night Honey? " Huh?, napanganga si Raine at tila meron siyang nakalimutan sa nangyari kagabi, tanging mga halik lang ni Alex ang naalala niya. Ang binata naman ay natatawa, hindi na siya nagtataka na hindi maalala ni Raine ang ginawa nito kagabi. " Never mind Honey", tanging nasabi niya. He kissed her once more, pero ng akmang tatayo na siya ay nagsalita naman si Raine. " Lex, hindi pwedeng basta mo na lang ako hahalikan, what are we? hindi na nakatiis ang dalaga at ibinulalas na niya ang nasa saisip. Napahinto naman ang binata at sabay silang napaupo sa kama, marahan niyang kinabig ang dalaga at hinalikan ito sa noo. " hindi pa ba sapat ang pinapakita ko sayo Hon?,tanong ni Alex sa dalaga. " Pinakita mo na ba? parang hindi naman", may pilyang ngiti na naglalaro sa himig ng dalaga sabay tingin sa ibabang bahagi ng suot na shorts ni Alex " you're teasing me, f**k!, namamaos ang boses na wika ng binata at napatingala ito na tila ba hirap na hirap. Nagulat si Raine ng bigla na lamang siyang ihiga ni Alex at pumatong ito sa kanyang ibabaw. " I can't hold it anymore, Honey", pagkasabi niyon ay muli niyang inangkin ang labi ng dalaga. Gusto pa sanang magprotesta ni Raine subalit hindi na din niya mapigilan ang init na nadarama sa mga oras na iyon. " s**t ka Alexzander, bakit pagdating sayo nagiging marupok ako", sa isip lamang dapat iyon ni Raine subalit naibulalas pala niya dahil narinig niya ang sagot ni Alex habang patuloy siyang sinisibasib ng halik, huminto ito saglit at tumitig sa kanyang mga mata. " Because you love me as much as I love you Lorraine".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD