Chapter 35 Belle's Point of View Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang maging successful ang operation ni Amelia. At sa dalawang linggo na 'yon ay masasabi kong malaki ang pinag-bago ng buhay ng anak ko. Mas lalong naging aktibo at bibo si Amelia. Madalas na siyang sumasali sa mga activities nila sa school, mapa-outdoor or indoor man. Noon kasi ay hindi siya makasali dahil sa kondisyon niya pero ngayon ay malaya siya. Nakakalabas na din siya kahit gaano pa kalamig ang panahon. Kahit umuulan ay todo ang aircon sa room namin. Tuwang-tuwa siya kapag sobrang lamig dahil hindi naman niya naranasan iyon noon. Nakakaligo na din siya sa mga swimming pools, mapa-public man o hindi. Nakakapag-beach na din kami at malaya na din nakakagala sa mga pam-publikong lugar si Amelia. Lahat iyo

