Chapter 36 Uno's Point of View "Gago! Siryoso ka ba?" Tanong ni Dos sa akin habang nagd-drive ito patungo sa bahay ng mga Middleton. Tumango naman ako. "Yeah. I'm a hundred percent sure about this." Siryoso ko namang sagot sa kaniya habang naka-tingin ako sa labas ng bintana. Rinig ko namang napa-buntong hininga ito. Marahil siguro hindi niya gusto ang ideya na tatapak kami sa mansion ng mga Middleton. Yes, papunta kami doon dahil may pakay kami, I mean ako lang pala. Plano ko kasing kausapin ang sila Tito Ashton at Tita Nisha tungkol kay Belle at sa anak namin. Gusto ko na ilagay sa ayos ang lahat, which is hindi ko nagawa before. Ayokong mag-isa na namang haharapin at aayusin ni Belle ang problemang ito where in fact dapat dalawa kaming aayos. Pero gusto kong ayusin 'to mag-isa,

