Chapter 37 Belle's Point of View "Mama, when will dada come here again?" Inosenteng tanong ni Amelia sa akin habang sinusuklayan ko ang kaniyang buhok. Papasok kasi siya sa school ngayon at gusto niya naka-braid ang kaniyang buhok. "I don't know anak eh. Marami pang ginagawa si dada sa Philippines." Malumanay na sagot ko sa kaniya. It's been three weeks since Uno left New York. Ayaw pa nga nitong umalis dahil mami-miss daw niya si Amelia pero pinilit ko siya dahil alam kong may trabaho itong naiwan sa Pilipinas. Wala rin naman siyang magawa dahil may mga kakailanganin daw siyang ayusin sa Pilipinas. Ewan ko kung ano, wala naman siyang nabanggit sa akin. "But I miss him so much already." Ani Amelia habang naka-pout ito. Halatang miss na nga niya si Uno dahil wala siyang ibang bukam-bi

