Chapter 38 Belle's Point of View The room was filled with blue neon led lights. May mga polaroid pictures din namin ni Uno ang naka-sabit sa ceiling at may mga lobo ding nakakalat sa sahig. Anong mayroon? At nasaan si Uno? Nilibot ko ang aking paningin habang unti-unti akong lumalakad papuntang living room. Nararamdaman ko pa ang pag-tama ng mga lobong nakakakalat sa sahig sa aking paa. Takang-taka ako sa nangyayari ngayon. Akala ko ba may sakit si Uno? Nasaan ito ngayon at bakit ganito ang buong paligid? Pero hindi ko ikakaila na nagagandahan ako and at the same time natutuwa sa mga nakikita ko. Sino ba namang hindi matutuwa kung ganito ang mararatnan mo, 'di ba? Parang tumatalon ang puso ko sa tuwang habang pinagmamasdan ko ang mga polaroid pictures namin ni Uno na naka-sabit sa

