SHEINA Kung hindi siguro ako umalis ng Pilipinas, baka iba ang magiging reaction ko ngayon sa sinabi niya. Baka may nasabi na akong hindi maganda. Pero iba rin talaga ang nagagawa ng pagkakaroon ng chance na malayo a mga tao o mga bagay na nakasakit kayo. Kumbaga, nagkakaroon ka rin ng wisdom and grace eh. Well, hindi talaga ako natuwa sa sinabi niya, pero alam kong papatunayan ko lang sa kanya na may effect pa rin siya sa akin kung ipapakita ko sa kanya kung ano talaga ang totoong nararamdaman ko sa balita niya sa amin ni Larry. Ako lang ang matatalo. Kaya naman kailangan kong makabawi. At ginawa ko yun sa pamamagitan ng pagngiti sa kanya nang malapad. "Oh, really? Congratulations!" sambit ko pero hindi talaga yun ang gusto kong sabihin. "That's nice, Jeron! Who's the lucky girl?" Pina

