SHEINA Sakto lang ang pagdating naming tatlo sa pier. Malapit nang umalis 'yung barko kaya nagmadali kami sa pagbili ng ticket. Medyo mahirap nga lang dahil nilalakad pa ang papeles ng sasakyan kaya maraming booth na kailangang pilahan. Pero alam naman ni Jeron kung ano ang gagawin kaya sa kanya na namin yun pinaubaya. Dahil doon, nagkaroon naman kami ng chance ni Larry na mag-usap na kaming dalawa lang, at doon na niya ako tinadtad ng maraming tanong tungkol kay Jeron. "Mukhang hindi na kayo galit sa isa't isa ah," puna niya habang nagkakape kaming dalawa. "Hindi ko man naririnig ang pinag-uusapan niyo kanina sa SUV, alam kong hindi na kayo nagsasagutan. Himala yata na bati na kayo. Pinatawad mo na ba siya, Sheina?" Tumango ako pagkatapos kong humigop sa kape ko na nasa paper cup. "Par

