Kabanata 50

2009 Words
SHEINA Gusto kong tumawa sa itsura ngayon ni Jeron. Hindi lang kasi gulat ang makikita mo sa mukha niya kung 'di pati pagkalito, tuwa, at siguro ay takot na rin. Ang cute, cute niya lang ngayon habang inaantay niya akong magsalita ulit. "Sheina, you're joikng, right?" Pinipigilan ko na lang talaga na hindi matawa sa kanya ngayon. Nakanganga pa rin kasi ang bibig niya dahil sa sinabi ko. "Hindi ako nagbibiro ah. Jeron, 'di ba sabi mo maghihintay ka sa araw na okay na ako na gawin natin yun? Well, ito na yun. Ready na ako. Gawin na natin." Napalunok ulit siya ng laway. "Seryoso ka ba, babe?" "Bakit, ayaw mo ba?" "HINDI!" sagot niya nang malakas na nagpatawa na talaga sa akin. "Hindi naman sa ayaw ko... Nabigla lang ako... Of all time... Ngayon mo t-talaga gustong... g-gawin natin?" Tumango ako at mas lalo lang siyang naloka. "Ngayon ko gusto, Jeron. May angal ka ba?" Umiling siya. "Ibig sabihin, hindi talaga masakit ang tiyan mo? Palusot mo lang yun para makaalis tayo sa pageant?" "Oo. Kailangan kasi nating makaalis doon nang hindi natin nasisira ang pageant. Kaya ko ginawa yun. At saka sinabi mong pinakiusapan ka ng superior mo na sumali doon, kaya hindi na lang tayo basta-basta dapat mawala doon. Kaya ako nagpanggap na sumakit ang tiyan ko nang bongga." "Para magmukhang emergency ang pag-alis natin," dugtong niya naman. "Nakuha mo!" sagot kong nagenjoy na sa mga reactions ngayon ni Jeron. "At sa totoo lang, nawalan na ako ng interes sa pageant na yan magmula nang isali nila iyong kampon ni Ligaya. Obvious naman na iyon ang mananalo doon, dahil kay Kapitana. Na-realize ko na nagsasayang lang ako ng effort at energy sa pagsali doon." "Pero nag-ayos ka pa rin," sagot niya naman. "Tinuloy mo sana ang pagsali sa pageant, babe. Who knows, baka naman manalo ka. And personally, naniniwala akong kaya mong manalo doon. Saka sabi mo, kahit consolation prize ay okay na sa 'yo?" "Eh kanina yun, 'nong hindi pa kita nakikita," maharot na sagot ko naman sa kanya. "Ang kaso pagkakita ko sa 'yo sa itsura mong yan na para bang inaakit mo ako ay nagbago na bigla ang isip ko. Ayaw ko na nandoon ka pa dahil marami ang nakatingin sa 'yo." Napangisi siya sa sinabi ko. "So lumabas din ang totoo, babe. Gusto mo lang talaga akong ilayo mula doon dahil nagseselos ka. Ayaw mo na nakuha ko ang atensiyon ng mga babae doon." "Bakit, bawal ba akong maging possesive? Ikaw lang ba o kayong mga lalaki ang pwedeng maging ganoon?" "Of course not. Actually, I like what you said. And I like how you feel possesive about me. Hindi ko ma-explain na g maayos but I find that very... sexy." "Hindi kasi ako pabebe, Jeron. Kapag may ayaw ako, gagawa ako ng paraan para hindi mawala iyong bagay na ayaw ko. Tulad na lang ng mga naglalaway sa 'yo doon sa plaza kanina. Pati nga iyong isang organizer grabe kung makatingin sa 'yo. Kaya gumawa na ako ng paraan." Natawa na siya doon, tapos bigla niya na naman akong niyakap. Napasubsob tuloy ako sa dibdib niya kaya naman naamoy ko ang manly scent ng perfume niya. Napahinga na lang ako nang malalim dahil feeling ko talaga ay mas lalo lang akong na-arouse dahil sa amoy ng perfume niya na nakadikit sa katawan niya ngayon. "Yeah, that's what I also like so much about you, babe. Hindi ka lang matured, but your a strong woman too. Alam mo kung ano ang gusto mo at hindi mo kailangan ng ibang tao para makuha mo 'yang gusto mo." "So ano na? Gagawin ba natin o hindi?" tanong ko na sa kanya dahil parang tumatagal na lang na naman ang usapan namin. "Tandaan mo, Jeron, chance mo na ito. Hindi ako laging nasa mood para gawin 'to," kunwari pagbabanta ko na sa kanya dahil nasi-sense kong parang nagdadalawang-isip na siya ngayon.  "I know, babe. Pero hindi ka ba talaga nagbibiro doon?" paniniguro niya naman. "Kasi ayokong mag-assume---" "Hindi ako nagbibiro doon, Jeron. Gusto ko na talagang gawin yun kasama ka. Pero kung ayaw mo naman, okay lang din naman..." "Okay, sige babe, gawin natin yun. Pero hindi doon sa kweba na sinasabi mo... Madilim doon at baka may ahas pa doon..." "Doon ko gustong gawin eh," sagot ko naman sa kanya. "Muntik na nga nating gawin yun doon, kaya wala namang problema sa lugar na yun..." "Babe, ano'ng wala? Malayo sa kabihasnan ang kwebang yun. Tapos may chance pa na makita tayo ng mga rebelde doon o kahit ng mga magsasaka lang, babe. Gusto mo ba talaga na sa kweba natin gawin yun?" "Oo naman, bakit hindi?" Parang na-frustrate na si Jeron sa katigasan ng ulo ko. Hindi lang naman kasi ako nag-iinarte kaya doon ko gustong may mangyari sa amin. Gusto ko rin kasi na medyo challenging na gawin namin iyon para hindi naman ako magmukhang cheap. Kasi kung sa bahay o sa motel lang namin gagawin yun, wala man lang kahirap-hirap iyon. First time naming gagawin ito kaya kailangan makita ko kung gaano kagustong gawin ito ni Jeron. Dahil kung gusto niya talaga ay gagawa naman siya ng paraan. "Hindi ba pwedeng sa bahay niyo na lang, babe?" pangungumbinsi niya sa akin pero hindi na ako tinatablan noon. "Ayoko nga roon kasi nandoon pa ang ispirito ni Lola. Mahiya naman tayo sa kanya, ano. At saka nangako ka kina Nanay na wala kang gagawing kalokohan sa'kin. Parang ang kapal naman natin at sa bahay pa rin talaga natin gagawin---" "Okay, I get it babe," sagot na niya na nakatingin na sa akin nang seryoso. "Sige na. Payag na akong doon natin gawin sa kweba na yun. Pero 'wag naman ngayong gabi. Madilim ngayon doon, delikado pa rin, babe. Maya-maya sigurong madaling araw kapag may kaunting liwanag na." "Okay, call." "At saka magbihis naman muna tayo, babe. Nirentahan mo ang gown na yan, 'di ba? Baka masira pa yan lalo na kapag nasa loob na tayo ng kweba." May point doon si Jeron kaya pumayag na rin ako. Ang una naming ginawa ay umuwi muna kami ng bahay at nagbihis. Sinubukan niya pa akong kumbinsihin na dito na nga lang namin gawin sa bahay, pero nagmatigas talaga ako dahil nadadalian naman ako doon. kapag ganoon kasi ay parang pinamigay ko lang ang virginity ko eh ayaw ko nga ng ganoon. Wala naman ako issue sa ganoong scenario, kaya nga lang kakaiba kasi ang sitwasyon namin ni Jeron. Sa totoo lang, wala kaming lugar kung saan pwede namin gawin iyon nang walang istorbo. Una, bawal nga rito sa bahay, tapos ayaw ko rin talaga sa mga motels dahil nga baka may makakita sa amin doon at maging laman na naman ako ng mga balita. Doon lang talaga sa kwebang iyon ang lugaw na naiisip ko na walang makakakita sa amin.  At dahil hindi naman ako makumbinse ni Jeron na 'wag na ituloy ang binabalak ko, niyaya niya na lang akong matulog muna, pero hindi naman ako makatulog dahil na rin siguro sa kaba at exictement. Kaya ang ginawa namin ay nagpunta kaming convenience store at doon kami bumili ng alak para mag-inom na lang muna kami habang hindi pa madaling araw. Nakita ko rin na bumili siya ng condom at tinukso ko siya roon, kaya naman pulang-pula na ang mukha niya habang tawa naman ako nang tawa. "Menthol talaga ang pinili mong flavor ha," tukso ko sa kanya. Ibinulsa na niya iyong box ng condom pero nakita ko na iyon bago pa niya ilayo sa paningin ko. "Bakit yan ang pinili mong flavor, Jeron? Gusto mo ba ng lasang mint?" Nagkibit-balikat siya. "Na-curious lang ako kung ano ang feeling niya sa balat," sagot niya naman. Tawa na lang din ako nang tawa kasi mas kinabahan yata siya ngayong nag-aantay na lang kami ng oras kaya kung ano-ano na ang sinasabi niya. "Why? Gusto mo ba ng particular na flavor? Iyong pinamimigay namin sa Health Center ay bubblegum flavor. Mas gusto mo ba yun?" "Ay 'wag na, okay na yan," sabi ko naman. Medyo tipsy na ako kaya kung ano-ano na rin ang nasasabi ko. Nariyang nasabihan ko si Jeron na kapag malaman kong maliit pala ang kanya ay hihiwalayan ko talaga siya. Hindi na tuloy maipinta ang mukha niya dahil sa gulat na rin sa mga naririnig niya mula sa akin. At nang mag-alas singko na nang umaga, nagmmotor na kami papunta doon sa kweba kung saan ako muntik ma-trap sa baha. Sa sobarng excitement ko naman sa gagawin namin ay napasigaw na ako ng 'This is it!' Naririnig kong bumubulong sa sarili niya si Jeron habang nagmamaneho at naaaliw talaga ako sa nagiging reactions niya sa mga nangyayari. Para kasing gusto niya na ayaw. Siguro rin iniisip na niyang may sayad ang naging jowa niya at baka nagsisisi na siya na pinursue niya ako pero huli na ang lahat dahil wala na akong balak na pakawalan siya. Medyo madilim pa sa bukirin kaya naman pagka-park namin sa tapat ng isang kubo, may dala pa kaming flashlight at mahabang kahoy for self-defense. Halata kay Jeron na nakikiramdam siya sa paligid dahil maya-t-maya ang hinto namin kapag may nadadaanan kaming open area. Hanggang sa narating namin iyong ilog na dapat naming tawirin para marating namin iyong kweba. Mababa na lang ang water level nito sa ngayon kaya hindi na ako kabado. "Grabe, hindi ako makapaniwalang pumunta talaga tayo rito," sabi niya sa akin nang nasa bunganga na kami ng kweba. Madilim sa loob pero maliwanag naman iyong flashlight namin. "At nagdala pa talaga tayo ng mat na pwede nating higaan," komento niya pa habang nakatingin sa dala kong malaking bag kung nasaan ang mat na dinala namin mula sa bahay. May extra clothes din kami rito dahil balak kong maligo mamaya sa ilog pagkatapos naming magchukchakan.  "Don't worry, kahit ako rin naman ay hindi makapaniwala sa ginagawa kong ito, Jeron. Ang totoo niyan ay gusto ko lang naman na subukan kung gaano ka katibay pero marupok ka rin talagang lalaki ka," sabi ko at nagtawanan na naman kami. "Coming from you babe, na naging horny nang makita lang ako na nagbago ng hairstyle." "Wala namang bukingan," sabi ko sa kanya. Nakapasok na kami sa loob at nakahanap na rin kami ng pwesto para gawin namin ang bagay na matagal na akong curious kung ano nga ba talaga ito.  "Nakarating na tayo rito," sagot sa akin ni Jeron na biglang hinapit ang beywang ko sa kanya at hinalikan ako. Nakatayo pa kami pero ang bilis gumalaw ni Jeron. Namalayan ko na lang na naglalakbay na ang bibig niya sa katawan ko. Mula sa bibig ko ay napunta ito sa leeg ko, hanggang sa dibdib ko. Nahubad niya na rin pala kaagad ang suot kong blouse, tapos na-unhook na rin niya ang bra ko. At sa unang beses ay nakita niya ang mga dibdib ko nang malapitan ng ganito na wala ng takip. "They're beautiful baby," bulong niya sa akin. "Mana sa may-ari," sabi niya pa sa tenga ko. Madilim pa rin dito sa loob ng kweba pero alam kong lumiwanag ang paningin ni Jeron dahil sa dibdib ko. Tapos hindi na siya naghintay pa. Hinalikan at sinipsip niya na rin ang mga yun na parang bata na uhaw sa gatas.  Nagbigay naman iyon ng kakaibang sensasyon sa akin kaya napaungol na ako. Matagal din siya doon bago siya umahon at siya naman ang naghubad sa damit niya. Wala siyang itinira sa damit niya kaya nakita ko na rin sa wakas ang alaga niyang tayong-tayo na at muntik na akong maubo sa gulat sa nakikita ko ngayon. "Wow, Jeron. Mukhang hindi tayo maghihiwalay dahil diyan ah," pilyang sabi ko tapos napatili na lang ako nang maramdamn kong inihiga niya ako doon sa mat. Ramdam ko agad ang kanya na nakatutok na sa lagusan ko na ngayon ay basa na rin dahil sa mga ginawa niya sa akin kanina. "I love you, Sheina," bulong niya sa akin bago maghalo ang sakit at kiliti nang tuluyan na niyang ipasok yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD