SHEINA Si Jeron iyong tipo ng lalaki na hindi maporma. Siguro dahil na rin sa usy siya sa pagiging doktor niya kaya ganoon. Ang kadalasang get up niya lang ay plain t-shirt at maong na pants kung hindi siya naka-polo na pinapatungan ng lab gown kapag nasa work siya. Hindi rin siya mahilig sa accessories at tanging ang wristwatch niya lang ang nakikita kong sinusuot niya. Never ko rin siyang nakitang magsuot ng branded na mga damit o sapatos kahit na alam ko namang afford niya. Tapos ang hairstyle niya ay iyong simple lang din na barber's cut, at hindi ito nagbabago. In short, napakasimple lang ng look ni Jeron. Pero hindi naman siya baduy o mukhang naghihirap. In fact, dahil nga sa minimalistic na look niya ay mas umaangat ang features niya. Iyong charms and good looks niya ang una mo ta

