SHEINA Ang ganda ng tanong niya sa akin. Mas bet ko iyon kaysa 'will you marry me.' Infact, mas bet ko yun ng mas maraming beses. Ang ganda kasi ng meaning. Tinatanong niya ako kung gusto ko raw ba maging other half niya. Sa Tagalog, kabiyak. Para sa akin, mas preferred ko iyon dahil ang labas kasi ay magkapantay kami. Hindi niya ako inaangkin, bagkus ay inaalok niya ako na maging kahati niya sa magiging buhay niya ngayon at sa hinaharap, and vice versa. Kilig na kilig ako doon. Paano ba namang hindi? Bumili na pala siya ng engagement ring kahit na hindi pa nga kami ganoon katagal bilang magkasintahan. Ganoon na siya kasiguro sa akin. Tapos willing pa siyang gawin ang lahat para sa akin. Kahit na ayaw niya, willing siyang bumalik ng Manila para doon na kami manirahan para lang malayo ako

