Kabanata 74

2248 Words

SHEINA Muntik ko nang patayin kaagad ang tawag ng Mommy ni Jeron sa akin dahil na rin sa nakaraan namin ng babaeng ito. Isa siya sa mga taong ayaw ko na sanang makasalamuha pa, pero heto ngayon siya't nahanap pa ang number ko. "Yes? Bakit po kayo napatawag?" sagot ko na lang. May halo pa rin namang paggalang ang pakikipag-usap ko sa kanya kahit na kung tutuusin ay hindi ko na kailangang gawin yun. "Gusto sana kitang makausap nang personal, iha?" tanong nito sa akin. Pero ang nakakagulat doon ay malumanay lang ang boses niya at may himig nang awkwardness sa paraan ng pananalita niya na para bang hindi siya sanay na nakikiusap iya sa ibang tao. "I heard nandiyan ka na sa bahay niyo. Nandito rin ako sa probinsiya niyo. Kaya okay lang ba kung makipagkita ka sa akin?" "Ho? Para ho saan?" nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD