SHEINA Kinakabahan akong tumingin sa mga taong naghihintay ng mga mahal nila sa buhay sa may loby ng airport. Kaagad kong nakita sina Nanay at Kuya Kris, pero natatakot akong lumapit dahil alam na nilang dalawa kung ano ang nangyari sa amin ni Jeron. At ngayon nga ay sinalubong pa nila ako sa aiirport kahit na may mga trabaho sila. Iisa lang ang ibig sabihin nito. Siguradong sesermunan nila ako. Kaya naman pagkalapit na pagkalapit ko sa kanilang dalawa habang tulak-tulak ang trolley na naglalaman ng maleta ko, naiyak na ako agad. "Sorry," bulalas ko sa kanilang dalawa. "Pasensiya na kayo..." hikbi ko, at agad naman akong niyakap ni Nanay. "Ikaw talagang bata ka," sagot naman ni Nanay. "Lagi mo na lang kami pinag-aalala ng Kuya mo." "Tara na sa bahay," sabat din ni Kuya Kris sa dramaha

