SHEINA Kinabukasan ay nakauwi na rin si Larry mula sa ospital. Sobrang guilty ko nga kasi nasaktan pa siya ng dahil sa akin. Iyon din ang isa sa mga ikinagalit ko pa kay Jeron, dahil pati si Larry ay sinaktan niya na wala namang ginagawang masama. Kinompronta ko si Jeron tungkol doon nang magkausap kami sa ospital kagabi, at hindi man lang siya humingi ng sorry sa nagawa niya kay Larry. "He's making the most out of this situation, Sheina," aniya nang banggitin ko ang p*******t niya kay Larry. "Tuwang-tuwa siya na nasira tayo kaya hindi na rin ako nakapagpigil. And I'm not going to say sorry to him." "Wala akong pakialam kahit pa magpa-party siya dahil hiwalay na tayo," sagot ko naman sa kanya kagabi. Hindi pa rin humuhupa ang galit ko kaya kung ano-ano na lang ding masasakit na salita a

