SHEINA "Okay na gorl, nahakot ko na ang mga gamit mo," tawag sa akin ni Yenna kinagabihan. Magkausap na naman kami ngayon sa telepono, dahil kagagaling niya lang sa Taguig sa apartment namin ni Jeron. "Napagod ako doon ah. Kahit mga damit lang ang pinakuha mo, ang dami pa rin ng mga yun. Dalawang maleta pa rin at isang malaking backpack." "Salamat, Yenna. At pasensiya na sa abala," nahihiyang sabi ko naman. Ayaw ko naman sana siyang idamay sa nangyayari sa akin ngayon, pero siya lang talaga ang pwede kong mahingan ng tulong sa Manila. Hindi naman kasi pwedeng sina Nanay at Kuya ang pakiusapan ko na maghakot ng gamit ko dahil mas lalaki lang itong gulo. Ayoko rin muna kasing malaman nila na hiwalay na kami ni Jeron. Lalo na ni Kuya Kris. Baka kasi kapag malaman niya kung ano ang dahilan n

