Kabanata 36

1973 Words
SHEINA Iba ang klase ng halik na ginagawa namin ngayon ni Jeron. Alam na alam ko yun. Hindi ito 'yung typical na halik na pinagsaluhan na namin gaya ng dati. Ang hot sa pakiramdam. Ito 'yung klase ng halik na mapusok at sobrang bilis kaya parang hindi na rin gumagana ang utak ko. Nagblangko na ang utak ko at parang natunaw na lahat ng inaalala ko kani-kanina lang. Oh my God. Hindi ko akalain na masasarapan ako nang bongga dito sa ginagawa naming 'to! Jusko! Nakakaadik pala ito! Patuloy lang kami sa ginagawa namin, at sa totoo lang wala na akong pakialam kahit na may makakita pa sa amin ngayon. Gusto ko ang nangyayari. Nakaka-excite siya na nakakakaba. At kahit na alam ko kung saan pwedeng mauwi ito, hindi ko itatanggi na mas preferred ko ito kaysa sa nakagawian na namin ni Jeron. Hindi lang kasi ito passionate, halata rin dito na sabik na sabik kami sa isa't-isa sa halik na ito. Kaya naman nagulat ako nang si Jeron pa mismo ang unang humilay ang labi mula sa akin. Napatingin tuloy ako sa kanya, at nakita ko na kulay pula na rin pala ang buong mukha niya. Namumungay na rin ang mga mata niya, at parang alam ko na kung bakit ganito ang expression ng mukha niya ngayon. "J-Jeron... B-Bakit tayo t-tumigil?" nagtatakang bulong ko sa kanya bago niya ako hilahin papunta sa kwarto ko. Grabe tuloy ang kaba ng dibdib ko ngayon kasi don't tell me na gagawin na namin yun ngayon? Ang s*x? Gusto ko rin namang gawin yun pero tama ba na ngayon na namin siya gagawin? Hindi kaya pagsisihan ko naman ito pagkatapos naming gawin? Pagkasara na pagkasara lang ng pinto ng kwarto ko ay agad niya na akong hinalikan ulit. Naupo kami sa kama pero hindi ko nga alam kung ano'ng posisyon namin ngayon. Ang alam ko lang ay katulad ni Jeron, sabik na sabik din ako sa halikan naming ito. May kung ano kasi sa paraan ng paghalik sa akin ni Jeron na nakakadala... Iyon bang wala akong ibang pwedeng gawin kung hindi ang mag-respond sa kanya. Kumbaga, parang siya ang leader at sumusunod lang ako, hanggang sa alam ko na kung ano ang gagawin ko at kung paano. Hinawi niya pa ang buhok ko tapos itinulak niya ako pahiga sa kama ko habang nasa ibabaw ko naman siya. I know na pwedeng dito ko na isusuko ang Bataan, pero hindi naman ako natatakot. May tiwala naman ako kay Jeron, kaya kahit pa buong Pilipinas ang isuko ko sa kanya ay hindi naman ako nababahala. Ang mas concerned ako ay ang timing ng ginagawa namin. Hindi ko kasi alam kung mentally ay nakapaghanda ba ako mentally and physically para rito. At ganoon din si Jeron. Baka kasi mamaya ma-disappoint lang namin ang isa't-isa eh.  "Sheina..." bulong na rin niya sa akin habang tinitingnan ako na parang gusto niya akong kainin nang buo. Namumungay ang mga mata niya pero mapusok ang kinikilos niya. Nakakulong na ang katawan ko sa pagitan ng mga braso niyang itinukod niya sa kama. At dahil nakapatong siya sa akin, ramdam ko ang bigat ng katawan niya, lalo na ang 'excitement' niya doon sa parteng iyon. Ramdam ko iyon sa may bandang pusod ko, at hindi ko masabi kung nakikiliti ba ako doon o natatakot. Baka pareho.  "Jeron... G-Gagawin ba talaga natin?" tanong ko sa kanya. Nag-iwas pa nga ako ng tingin dahil hiyang-hiya talaga ako sa kanya ngayon. Ramdam niya naman kasi siguro na gusto ko rin naman, pero siyempre may pag-aalangan pa rin sa parte ko bilang babae.  "Why? Don't you want to?" tanong niya naman. "Hindi naman sa ayaw. Naisip ko lang kasi na parang hindi pa ako prepared talaga." Tumango siya. "I see. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo pa, babe. But I really want to do it now." "Eh yun na nga eh... Ayoko namang mabitin ka pero ano... Medyo natatakot ako na baka kapag may nangyari na sa atin ngayon tapos aalis ka pa rin pala, baka kung ano ang maging epekto sa atin 'non. Pasensiya ka na ha, alam ko na medyo overthinking na itong pinagsasabi ko..." "No, I understand what you are trying to say, babe. Tama ka naman eh. gagawin natin ngayon tapos mamaya aalis ako. Hindi man natin sadya but that would look and feel like a one night stand." "Kaya nga 'di ba?" sagot ko agad. Buti naman at naiintindihan niya kung ano ang ibig sabihin ko. "Wala pa akong experience sa ganyan, kaya ayoko naman na ang first time natin ay ganoon ang mangyayari. Hindi mo man intensiyon na iwan ako, pero kapag umalis ka na sa tingin ko hindi magiging maganda sa pakiramdam ko iyon." Tumango-tango siya doon. "Yes, babe. I know. It will also be my first time and to tell you the truth, I also don't like that I have to leave you after we do it," aniya tapos bigla siyang kumilos para makaalis siya sa tabi ko at humiga na siya sa kaliwa ko. Nagbuntong-hininga siya, kaya yun din ang ginawa ko. Ngayon kasi kalmado na kami pareho at alam naming nawala na iyong psark kanina sa pagitan namin. Hindi na natuloy ang bagay na muntikan nang mangyari. "I guess nagkamali ako doon ah," sambit niya bigla habang nakatingin sa kisame.  "Hindi naman," pagtatanggol ko sa kanya mula sa sarili niya lang din. "Tao lang naman tayo, kaya natural lang naman na maka-feel tayo ng s****l urges, 'di ba." "Yes, but still, masyado akong nagpadala doon. Hindi ko man lang naisip na aalis ako mamaya so maiiwan kita after may mangyari sa atin. Then that would make you feel like ginamit lang kita..." "Eh 'wag mo na isipin yan dahil hindi naman natuloy. At saka hindi naman ako galit sa 'yo, Jeron. Kung hindi ka nga lang aalis, papayag naman ako na mag-s*x na tayo." Napatingin siya sa akin bigla. "Really?" "Ha? Oo naman... Eh ang kaso ay aalis ka naman eh." "Eh paano kung hindi na lang ako umalis?" tanong niya naman.  "Talaga ba? Hindi ka na aalis? Pwede mong gawin yun?" natatawa kong tanong kasi ang cute niya ngayon. Nalukot kasi agad ang mukha niya kaya ang daling mabasa na disappointed siya. "Nakapag-promise na ako kina Tito Bert na sasamahan ko si LJ pauwi ng Manila, pero pwede naman siguro akong magdahilan..." sabi niyang napaisip. Natawa na talaga ako nang malakas doon. "Hindi ka tutupad sa pangako mo dahil lang sa s*x? Wow Jeron ha. Nakakagulat ka naman." Natawa na rin siya. "Ang pangit pakinggan kapag ganyan mo sabihin," aniya. "Pero totoo naman eh. It's ridiculous." "Babalik ka pa naman eh. Eh 'di sa pagbalik mo na." "Promise yan ah." "Oo. Promise," sabi ko naman tapos niyapos niya ako agad dahil doon. Inamoy niya pa ang leeg ko kaya muntik pa akong mapatili dahil sa pinaggagawa niya.  "You're driving me crazy, babe," bulong niya na naman sa tenga ko. At ang loko-loko, sinsadya niya yatang gawing husky ang boses niya ngayon para i-seduce ako. "I don't exactly know what to do now. I want you, but I also don't want to lose you." "Sus, libog lang yan, Jeron," hirit ko at natawa na kami nang malakas. Sa sobrang benta nga sa kanya ng biro ko ay kinailangan ko pa siyang hampasin sa tiyan para lang matigil siya sa katatawa. Gabing-gabi na kasi tapos ang lakas nitya tumawa at nakakahawa pa. "Pero seryoso na tayo. Ito opinion ko lang 'to. Hindi naman natin kailangang magmadali, Jeron. Kasi babalik ka pa rin naman dito 'di ba?" "Of course. Ngayon pa na may naghihintay na premyo sa akin mula sa 'yo pagkabalik ko?" "Sira. Ayan tayo eh..." "Joke lang babe," aniya sabay halik sa pisngi ko. "Pero promise mo yun ah. Pagbalik ko ah. Alam mo na." "Oo na! Excited much? kalma ka lang boy. Hindi naman ako tatakas. Tumutupad ako ng usapan, 'no. At saka nakapag-decide na ako. Isusuko ko na lang iyong pag-a-abroad ko so hindi mo na kailangang mag-alala pa tungkol doon. Kaya magkakaroon na tayo nang mas maraming oras sa isa't-isa." "Sure ka ba diyan, Sheina?" tanong niya naman. "Well, hindi na ako magsisinungaling. Alam mo naman na ayoko talagang mag-abroad ka kaya masaya ako na naisipan mo ng 'wag ituloy yun. Pero kung napipilitan ka lang Sheina, ayoko rin nang ganoon. Kasi hindi ka rin magiging masaya kapag napipilitan ka lang sa isang bagay." "Tama ka naman diyan, Jeron. Hayaan mo, pag-iisipan ko pa rin ang tungkol diyan. Siguro kapag wala akong ibang mahanap na trabaho dito, baka nga maisipan ko pa ring mag-abroad." "Thank you, babe. Don't worry, susuportahan naman kita kahit ano'ng gawin mo. Just don't hurt me like that again. Hindi ko na yata kakayanin kapag maulit iyon." Alam kong ang tinutukoy na niya ngayon ay 'yung nagawa ko sa kanyang kasalanan, kaya medyo namasa na naman ang mga mata ko doon sa tinuran niya. Legit pala talaga kasing nasaktan siya nang bongga sa ginawa ko. Sinong hindi bibigat ang pakiramdam kung ganito siya ka-vulnerable ngayon? Alam kong pinipigilan lang niyang umiyak eh. Kaya bilib din talaga ako sa tibay ng loob niya. Ako ang naiiyak para sa kanya. Dati, hindi ko talaga bet iyong lalaking emotional. Naiingayan ako eh. Para kasi sa akin noon, simbolo ng kahinaan iyon sa lalaki iyong maging emotional sila at magpakita ng sensitivity. Mas gusto ko noon iyong lalaking halos parang robot na sa kamanhiran at hindi apektado sa mga bagay-bagay. Iyong astigin kumbaga. Pero ngayong nakakilala ako ng lalaking katulad ni Jeron, masasabi ko talagang mas gusto ko ang lalaking katulad niya.  Iyong lalaking hindi nahihiyang magpakita ng emosyon niya. Kung nasasaktan ba siya, sasabihin niya. Kung galit siya, ipapaalam niya. Iyong hindi nahihiyang magpakita na mahina siya, dahil hindi naman sa lahat ng oras ay malakas tayo, 'di ba? Mas maganda nga kapag ganoon ang partner mo eh, kasi hindi ka manghuhula kung ano ang nasa isip niya. Hindi ka masyadong mai-stress. At saka mapag-uusapan niyo nang maayos ang mga problema niyo. Kaya naman nagpapasalamat din talaga ako sa Diyos na si Jeron ang naging boyfriend ko. Imagine kung ibang lalaki ang nagawan ko nang ganoong kasalanan? Hindi siguro ako mapapatawad non, at malamang ay maghihiwalay na rin kami agad. Nakatulog akong magkaayos na kami ni Jeron. Siyempre sorry pa rin ako nang sorry sa kanya. At sabi niya naman ay kalimutan na namin ang tungkol doon. Naghalikan pa kami nang matagal bago siya nag-decide na bumalik na ng ospital sa Malvar sa best friend niya. Nagpaalam na siya sa akin at nangakong babalik naman daw siya agad. Kung pwede ay three days maximum lang daw ang itatagal niya doon sa Manila. Pipilitin niya raw na makabalik agad ng San Policarpio. Malungkot ako na mawawalay siya sa akin, pero masaya rin ako na nakapagsabi na ako ng nagawa ko sa kanya at napatawad niya pa rin ako. Sinong mag-aakala na hindi kami matitibag ng nangyari? Kaya naman masaya ako kinabukasan paggising ko kahit na alam kong sa mga oras na ito ay nasa Manila na si Jeron kasama ang best friend niya. Hindi na rin ako threatened sa LJ na yun. Alam ko namang mahal ako ni Jeron eh. Patunay na doon ang mayat'-mayang tawag at text nito sa akin kahit alam kong busy siya.  Magka-text nga kami habang naglalaba ako eh, at puro siya send ng selfie niya na nakanguso dahil daw miss na miss na niya ako. Kinikilig naman ako habang nagkukusot ng damit. Yun nga lang, may taong bumulaga sa harapan ko kaya sa gulat ko ay nabitawan ko ang phone ko at nahulog ito sa tubig sa palanggana. Pero hindi ko yun napulot mula sa tubig sa sobrang bigla sa taong nasa harap ko ngayon. Dahil ang taong ito ay walang iba kung 'di ang ama kong rebelde.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD