bc

Heartbeats In The Ivory Flower

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
HE
heir/heiress
drama
sweet
highschool
like
intro-logo
Blurb

A girl, a transferee at Metropolitan University of the Philippines, an ordinary girl who melts the cold heart of a university heartthrob.

chap-preview
Free preview
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐎𝐧𝐞.
𝙉𝙚𝙬 𝙨𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡, 𝙉𝙚𝙬 𝙛𝙧𝙞𝙚𝙣𝙙𝙨. KATELYN'S POINT OF VIEW This is it. From now on dito na ako Mag-aaral sa manila. Kailangan ko nang sanayin ang sarili ko ng mag isa. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin sa lugar na ito. Nakaharap ako ngayon sa bago kong paaralan. Naks pangalan palang pangmayaman na. 𝘔𝘦𝘵𝘳𝘰𝘱𝘰𝘭𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘜𝘯𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴𝘪𝘵𝘺 𝘖𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴: 𝘐𝘯𝘯𝘰𝘷𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘢 𝘉𝘳𝘪𝘨𝘩𝘵𝘦𝘳 𝘛𝘰𝘮𝘰𝘳𝘳𝘰𝘸 (𝘔𝘜𝘗). Mukhang Matatalino ang mga Students dito. Pumasok na ako at agad pumunta sa main building ng campus, Sabi ni Mommy sa main building daw makikita ang Registrar so doon na muna ako tumuloy. Sa laki ba naman ng University na'to nako baka maligaw ako. Balita ko available lahat ng courses dito sa University na'to. Kaya siguro maraming gustong mag aral dito. May nakita akong babaeng Ash gray ang buhok, Subrang ganda niya. Mukhang anghel na bumaba sa langit. Lumapit ako sakanya para sana mag tanong. Medyo kinakabahan ako. Baka kasi sungitan ako bigla. Sakanya nalang ako mag tatanong tinatamad na akong hanapin yung registrar. “Hi Miss is it okay to ask” mahinhing sabi ko at habang naka yuko “Alam niyo po ba kung saan po yung Tourism Building?” patuloy ko. “Transferee?” tanong niya kaya nakangiti akong tumango “Oh I'm also a Tourism Student. Pwede kang sumabay sa'akin papunta dun” naka ngiti niyang sabi. “Okay lang po ba? Hindi po ba nakakahiya?” tanong ko habang nakayuko. “No it's okay, papunta narin kasi ako dun, and wag mo na'kong i-po nakakatanda kasi parang same lang naman tayo ng age.” sabi niya kaya napatawa naman ako sa sinabi niya. “Ahh... Sige.” nahihiyang sabi ko. “Ako nga pala si Hazel Tanya Lee.” pakilala niya “Ikaw? What's your name?” tanong niya. “Katelyn Bautista.” sagot ko naman. “Anong Section ka pala?” tanong niya “Ahh Class-A1” Sagot ko “OMG Classmate tayo, doon din ako.” tumitili niyang sabi. “Alam mo ba ang Class A-1 ang pinaka higher section sa iba't ibang courses, kaya siguro, matalino ka, kaya ka napunta samin.” sabi pa niya. Akala ko talaga masungit siya, talkative naman pala at mukhang friendly. “Hindi naman masyado” sagot ko nalang. “Alam mo, lahat ng Courses dito may kanya kanyang buildings.” sabi niya habang nag lalakad kami “Hanggang First year to Fourth Year. And iba iba din ng section.” dagdag niya. “So madami talagang nag aaral dito?” tanong ko. Marami na kaming nadadaanan na mga building at oo nga ang tataas, nasa Fifth floor yata kada building. “Yes, tignan mo mamaya sa building natin, Maraming students na agad. Hindi lang kasi mga Filipino ang mga nag-aaral dito, meron din galing sa iba't ibang bansa.” sabi nya kaya mapa wow ako. “And kung nakikita mo may kanya kanyang design ng Uniform ang iba't ibang Course” sabi niya kaya tumingin ako sa ibang mga studyante at oo nga iba ang uniform nila. “Oo nga noh, buti kaya ng budget ng university na'to mag provide ng iba't ibang uniform tapos ang dami pa ng mga students.” sabi ko “Base din kasi sa Course na kinuha nila yung mga uniform nila.” sabi niya “For example Tourism. Tignan mo naman itong uniform natin compare sa iba.” sabi niya Magaganda ang uniform ng ibang students pero masasabi kong maganda din ang uniform ng tourism kasi napaka presentable. “Itong mga building ng iba't ibang courses para lang to sa mga katulad natin na kayang bayaran yung napaka mahal na tuition fee dito” sabi niya kaya napatingin ako sakanya. Anong ibig niyang sabihin?. “Merong branch ang Metropolitan University. Na para sa mga taong gustong mag-aral dito pero hindi afford. Nag bibigay kasi ng Scholarship ang University para sa mga taong gustong mag aral dito.” paliwanag niya. “So nasan sila, kasama lang ba natin? Nakakahalubilo?” tanong ko. “No, kapalit kasi ng libreng pag-aaral nila dito. Hindi sila pwedeng Lumapit or pakipag interact sa'tin” sagot niya. “What do you mean?” naguguluhang tanong ko, Hindi ko maintindihan. “Sabi kasi ng headmistress Hindi daw natin ka-level ang mga scholars. Kaya bawal sila dito sa main campus.” sabi niya. “Kung ganun nasaan sila?” takang tanong ko. “kita mo yang mataas na Wall?” tanong niya habang naka turo sa isang mataas na pader. Nasa dulo na kami and I think this last building is our. “Nandiyan sila sa kabila.” sabi niya. Napaka taas ng pader ayaw siguro silang papasukin dito sa main campus. “Dito na ba yung building nang tourism?” tanong ko. Kanina pa ako pagod kakalakad. “Ahh yeah, let's go na.” sabi niya at naunang mag lakad papasok kaya sumunod naman ako agad. Pag pasok namin sa building napa-nganga nalang ako sa subrang ganda. “kate, let's go” sabi niya at hinila ako papunta sa Elevator, s**t naman pre naka elevator pa. “Nasa Second floor ang Classroom natin pati ang ibang first year.” sabi niya habang naka sakay kami sa elevator. “Kung ganon sa third floor ang mga Second year, tapos sa fourth floor ang mga Third year with the fifth floor is for Fourth year?” tanong ko. Dahil kung tama ako, para saan ang First floor? “Yup, tama ka. Sa first floor nandoon ang sarili nating cafeteria, and nandoon din ang mga office ng mga professor.” explain niya Hindi nag tagal bumukas din agad ang Elevator kasi sa second floor lang naman kami. May escalator naman din tapos normal na hagdan dito sa building, pero mas gusto daw niyang gumamit ng elevator. Nang maka labas kami ng elevator, lumakad kami sa kanang bahagi ng second floor. hanggang sa makarating kami sa huling Classroom. Pumasok si Hazel kaya sumunod naman ako sakanya. Napaka linis ng classroom tapos naka aircon pa. “Halika dun ka maupo sa katabi kong Chair” sabi ni tanya at hinila ako papunta sa pwesto niya. Umupo na siya, kaya naupo narin ako sa katabing upuan. Marami nang studyante ang nandito sa classroom. At lahat sila puro babae, syempre tourism kami. Minsan lang magkaroon ng lalaki. “Ahh... Hazel, wala ba tayong mga classmate na lalaki?” tanong ko. “Wala, puro tayo babae dito.” sabi niya habang nakatutok ang atensyon sa Cellphone “Meron namang mga lalaki sa tourism pero kukunti lang. Syaka nasa ibang section sila, hindi kasi nila maabot ang Class-A1” sabi niya “Pwede mo ba akong kwentuhan about sa mga sections dito?” tanong ko “Sure. Class-A1 is ang pinaka mataas na section. Puro matatalino ang napupunta dito.” sabi niya, Well sakto lang naman ang talino ko HAHA. “Class-A2 Sila naman ang pangalawa sa higher level, matatalino din sila. Pero mas madami sakanila ang nakapasok lang dahil sa Yaman nila.” sabi niya “So pano sila nakapasok kung hindi naman sila matalino?” tanong ko “Well sa Class-A1 talaga ang gusto nila. pero dahil strict ang headmistress hindi sila makapasok, kahit ilang milyon ang ibayad nila para lang mapunta sa higher class hindi parin sila mapayagan kaya sa second to the higher class nalang. Wala naman silang magawa” paliwanag niya. “Ang Clase-A3 naman ang pangatlo sa higher class, same lang din sila ng Class-A2” sabi niya ulit “Pero bakit, madaming students ang gustong mapunta sa higher class?” Curious kong tanong. “Well, madami kasing benepisyong binibigay ang University sa mga higher Class. Tapos secured na ang future Career ‘mo’ pag nasa higher class. Automatically pag ka graduate kahit anong course wala ng board exam. Trabaho na agad.” sabi niya. Nice so hindi kona kailangan mag board exam pagka graduate. “Para lang ba sa mga higher class yung ganong rule?" Tanong ko “Yup. Class-A1, A2, and A3. Yan ang tatlong higher class.” sabi niya “Next the Class-B1. Sila naman yung matatalino na Kuntento na sa Section nila, nasa section nila yung mga nerds, matatalino sila pero hindi nila kayang lagpasan ang IQ ng mga Class-A1." Sabi niya. “Class-B2 naman nasa section nila yung mga mapag mataas. Lahat kasi ng nandoon mayayaman na kulang naman sa utak.” sabi niya. Mukhang may galit ata siya sa mga yun. “Class-B3 dito mo makikita ang mga boys. Lahat silang nandoon mga lalaki lang hindi sila pwedeng mahaluan ng babae.” sabi niya “Wait sa ating mga tourism lang ba yun?” tanong ko “Yes, pero sa ibang course ang 3 higher section ganon din ng sa atin, sa mga lower section lang ang iba-iba.” paliwanag niya kaya napa tango tango naman ako. “Then the Class-C1, and Class-C2. Andito sa mga section na ito yung mayaman lang." Sabi niya at kinuha ang tumbler niya para uminom. “Then the last Section is Class-C3. Sila naman yung mga students na may records ng away, cheating o ano paman, nag hahalo ang mga babae at lalaki dito.” paliwanag niya “So nasa nine section pala. Lahat ba ng course nine section talaga?" Tanong ko ulit “Oo ganon lahat, ang pagkakapariho lang ng lahat ng courses, ay ang rules ng higher class. Tapos sa lower class kanya kanya na ng rules.” sagot niya “lahat ng nasa Class-A1 pasok sa dean's list.” sabi niya. Luh paano niya nalaman kakasimula palang naman ng 1st Sem. “Paano mo nalaman? Ehh kakasimula palang naman natin bilang first year.” Sabi ko “Tita ko kasi may-ari ng university na ito. Tapos shareholder si mommy dito.” sabi niya “Talaga, ang galing naman” manghang sabi ko. Sana all nalang HAHA “By the way bakit kanina tinanong mo kung transferee ako, eh diba mga bago lang tayo dito?” tanong ko ulit “Ahh... Dito na kasi ako nag aral simula Elementary to Highschool” sagot niya “You mean, meron ding elementary to Highschool ang Metropolitan?” tanong ko “Oo, sa likod ng gymnasium makikita ang mga building ng mga highschool” sabi niya “Tapos nasa likod naman ng Auditorium makikita ang elementary school” dugtong niya. “Umupo na kayo padating na si prof.” Sabi ng isang babae na color brown ang buhok. Lumapit siya sa pwesto namin at umupo sa tabi ni Hazel, napapagitnaan namin siya. “Hi transferee ka?” Tanong niya sakin, siguro dito din siya nag aral ng highschool kaya natanong niya kung transferee ako. “I'm Trina by the way.” sabi niya habang nakangiti “Ahh... Opo, Katelyn po. Katelyn Bautista” sagot ko. “Ikaw naman wag mo na akong i-po 18 palang ako” natatawang sabi niya “Ikaw ilang taon kana?” tanong niya sakin “Kaka 18 ko lang din last month” sagot ko “Ikaw Hazel ilang taon kana?” Tanong ko diko pa kasi natatanong age niya “18 din” sagot niya. Hindi na kami umimik dahil biglang may pumasok na professor. “Good morning Class-A1. First day palang so Hindi muna ako mag tuturo. I am Mrs. Santos and I will be your Adviser and your professor in tourism management.” sabi niya, mukha siyang strict. “At dahil hindi muna ako mag tuturo ngayon mag pakilala muna kayo Isa-isa.” sabi niya kaya nag umpisa na silang magpakilala. “Hi I'm Trina Ramirez. 18 years old nice to meet you all.” sabi ni trina kaya tumayo na si Hazel at nag pakilala “Hello everyone. I'm Hazel Tanya Royales Lee, 18 years old” sabi niya “Are you a daughter of Kristina Royales Lee?” tanong ni Mrs. Santos kaya nagtinginan ang mga classmates namin kay Hazel. “Yes po” magalang na sagot ni Hazel “Kung ganon pinsan mo si Ivan Chua?” tanong ulit ni ma'am. “Opo” sagot ulit ni hazel “What a lucky. Okay next” sabi niya kaya tumayo naman ako “Hello po, ako po si Katelyn Bautista. 18 din po” pakilala ko “What a beautiful lady, half ka ba Hija?” Tanong sakin ng professor “Ahm Opo, half British po” sagot ko “British? Bautista?, Are you related to Bruce Bautista? The young businessman na may ari ng Bautista Corp?” tanong ulit ni ma'am “Opo, kapatid ko po siya?” sagot ko “Talaga, kaya pala may pagka hawig kayong dalawa.” Sabi niya “Okay next na” sabi niya kaya naupo na ako at hinintay na matapos na matapos ang pagpapakilala. “Wala pa kayong susunod na subject dahil may inaasikaso pa ang ibang professor kaya pwede muna kayong lumabas o mag-ikot pero bawal lumabas ng campus.” sabi ni ma'am matapos mag pakilala ng iba naming classmates. Pagkalabas ni ma'am nag labasan na din ang iba naming classmates. “Tara punta tayo sa main cafeteria” sabi ni trina. “Sige tara” sabi ni hazel “Sama ka samin kate” sabi niya at hinila ako palabas. This time yung escalator na ang ginamit namin. Nang makarating kami sa Main building pumunta kami agad sa Cafeteria. Nag hanap kami ng vacant table syaka kami nagsi upo. Parang restaurant lang kasi may waiter sila dito tapos sila na yung lalapit para kunin yung order namin. “Hi ma'am tanya ano po'ng order niyo.” tanong ng waiter kay hazel. Tanya pala tawag sakanya ng ibang tao? Sabagay Hazel Tanya. “I will order Rice tapos ang ulam chicken pork adobo. Then a add nalang ng Fries tapos Milktea with Strawberry flavor." Sabi ni Hazel “Hindi kaba kumain ng breakfast Hazel?” tanong ni trina “Hindi, late na kasi akong nagising tapos akala ko late na ako kaya hindi na ako kumain.” paliwanag niya. “Ahh... Ako naman po, pa order ng 1 slice ng pizza tapos tapos fishball gusto ko yung bagong luto okay. Tapos Milktea nalang din with mango flavor.” Sabi naman ni trina “Ikaw po ma'am?” Tanong sakin ng waiter “Ahm Spaghetti nalang po with fries then pa add nalang po ng cokefloat tapos bottled water.” sagot ko “Sige po mga ma'am pa wait nalang po muna” sabi ng waiter at umalis. “Kate anong social mo?” Tanong sakin ni Trina. “@Katebautista” sabi ko “Okay followed. ikaw hazel?” tanong niya “@TanyaRoyales" sabi niya. Kinuha ko naman ang phone ko para ma follow din siya at ma-follow back naman si Trina. Linabas din ni hazel ang phone, siguro mang-aacept din. Hindi nag tagal dumating na din ang mga order namin kaya nag simula na kaming kumain ng tahimik. Si Trina kumakain habang may hawak na cellphone. Si hazel naman kumakain habang nag babasa ng libro. Binuksan ko naman ang phone ko at nag scroll nalang muna sa IG. Wala daw mga professor ngayon kaya tumambay nalang muna kami sa cafeteria hanggang mag-uwian. Nakahiga na ako ngayon sa kama ko, I'm so tired kahit wala naman akong ginawa kundi kumain kanina. Itutulog ko nalang ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.0K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
608.6K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
812.9K
bc

The Lone Alpha

read
125.2K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
9.7K
bc

Bad Boy Biker

read
8.5K
bc

The CEO'S Plaything

read
18.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook